Sa mata ng mga magulang, si Ryder Dela Vega ay identical twin brother ni Red Dela Vega. Ngunit mas kilala niya ang sarili bilang isang anino ng kanyang kakambal. Wala naman kasing pinagkaiba ang hitsura nila sa isa’t isa. Para silang niyog na pinagbiyak o madaling sabihin na, repleksyon nila ang bawat isa sa kanila. Pero gayon pa man, wala naman sa kanya kung madalas siyang mapagkamalan bilang ang kakambal niya. Para sa kanya ay nakatutuwang ideya pa iyon. Lalo pa nga at ang alam ng karamihan ay solong anak lamang ng mga magulang ang kanyang Kuya Red.
Ngunit hindi niya inakalang magbabago ang lahat.
Ang pagbabagong iyon ay naganap sa pagdating ni Marguerite Gustavo at ng mga liham nito. Doon kasi ay nakasulat ang pagtatapat nito ng pag-ibig sa kanyang kakambal, and it is very odd that he actually felt happy, na sa kanya napabigay ang mga sulat ng dalaga. Sa ganda nitong taglay ay hindi naiwasang mabighani ng pihikan niyang puso. Maging ang utak niya’y natuliro at nakabuo ng isang plano.
Anong plano naman kaya?
Makuha pa kayang sabihin ni Ryder sa kakambal ang tungkol kay Marguerite at sa mga sulat nito o itutuloy niya ang pagpapanggap bilang ang kakambal upang tuluyang mapasakanya ang dalag
Continue to: Prologue
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






7 Responses
Ay awra iloveit🥰 nakakaexcite ano magaganap
Nice, I love this. Gotta read it 😍
Thank you babes. 😍😍😍 May Warning yan hah😂😂😂 baka magulat ka😂😂😂
Panu ko mababasa ang full story Ng mistaken love
Click link lang po kayo. Yung prologue po sa baba nitong teaser ang sunod po ate. Sa bawat end po ng Chapter ay may kasunod pong Chapter ulit. Thank you po sa pagsunod po kina Marguerite at Ryder.😊🤗 Bibigyan ko po kayo ng denaro pambayad sa ibang chapters para mabasa niyo po for free. 🥰🥰🥰
ang ganda
Maraming Salamat po 😍😍😍