How to Heal a Broken Heart (Chapter 7)

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

THE four of them were together again in the living room. Tahimik lang sila while they were staring at each other. Nag-aabang na kung sino sa kanila ang unang magsasalita. Ang unang babasag sa katahimikan na naghari sa lugar na kinalalagyan nila. Alex could not stand the silence anymore, so he poured tequila into a shot glass.

“So, mauna na ako.” Sabay inom ni Alex. Kumuha siya ng lemon at piniga niya sa kanyang bibig. 

“Who’s next?” tanong na lang niya at naglagay na naman siya ng tequila sa shot glass. Lumunok muna si Hannah. Humugot siya ng lakas ng loob bago niya tinaas ang kanyang kamay.

“Me,” matipid na sagot ni Hannah. Kunot-noo siyang tinitigan ni Christian. Nang kukunin na ni Hannah ang shot glass kay Alex, hinawakan ni Christian ang kamay ni Hannah upang pigilan ito.

“Are you sure? Iinumin mo talaga ‘yan?” 

“Hey, dude! Bakit ba lagi mo na lang pinipigilan si Hannah sa mga gusto niyang gawin? Is there really something between you and Hannah?” Totoo na ang inis na nararamdaman ni Alex kay Christian.

“He’s right, babe! Parang mas iniisip mo pa ang kapakanan ni Hannah kaysa sa akin. Give me that!” Sabay kuha ni Rose sa shot glass at diretso niya lang itong ininom. 

“Speak! Sagutin mo si Alex,” lakas-loob na sabi ni Hannah kay Christian. 

“Ah— hmmm…” tanging sambit ni Christian.

“Ang tagal mong sumagot, babe. May nakaraan ba kayo ni Hannah?” Naging seryoso ang mukha ni Rose.

“No!” biglang sagot ni Christian.

“Nakasama ko lang talaga siya sa maraming proyekto, hindi lang talaga siya umiinom. Nag-aalala lang ako sa kanya,” dagdag ni Christian.

“Bakit ka nag-aalala? I’m his soon to be husband at hindi ko pababayaan ang magiging asawa ko. And, I don’t do something na pagdating ng araw at pagsisihan ko. Right, my love?” sagot ni Alex kay Christian at sabay lingon niya kay Hannah. Napatango na lang ang ulo ni Hannah, dahil nakikita niya ang kakaibang tensyon na nabubuo sa pagitan nina Alex at Christian.

“Or, you’re worrying about something that you don’t want to happen, Christian?” pahabol na tanong ni Alex.

“Babe!” tumataas na ang boses ni Rose. Kinutuban naman si Christian kay Alex. Pakiramdam ni Christian may alam si Alex tungkol sa kanila ni Hannah. Sa pananalita ni Alex, mukhang hinahamon niya si Christian.

“Me? What do you think about it, Alex?” 

“Hmmm… something that you’re afraid to see,” sagot ni Alex at tinanggal niya ang pagkakasandal niya sa sofa. Ganun din si Christian. Nagkakatitigan sila. Madilim na din sa labas dahil ang bilis lumipas ng maghapon. Iba na rin ang nakaguhit na reaksyon sa mukha ni Rose. Ang mga babae pa naman ay malakas pagdating sa instinct. Siguro walampung porsyento ay tama at bente porsyento lang ang mali.

“Both of you were talking about something that we don’t understand. Can you stop it? The night is beautiful! It is time to celebrate and time to relax. Can you feel it? The weather is getting cold, drinking some tequila, magiging warm ang ating mga katawan. And you, Cristian. I don’t think there is anything wrong with trying something new, right?” si Hannah ang nagsalita. Pinatigil niya sina Alex at Christian. Nagdududa na rin kasi si Rose. Nagulat si Christian at hindi niya alam kung bakit napatango siya. Ngumiti naman si Alex at hinila niya si Hannah sa kanyang tabi.

“My love, kailan ka pa natutong  sumagot-sagot ngayon, ha?” sabi ni Alex at pinisil niya ang matangos na ilong ni Hannah.

“Alex!” banggit lang ni Hannah sa pangalan nito.

“Don’t worry, my love. You can drink tequila, as long as you want.”

“Really?” 

“Yeah! No worries, hindi kita pababayaan,” sabi ni Alex kay Hannah. Ngumiti sila sa isa’t isa.

“Babe, look at them, ang sweet nila simula nang dumating tayo dito. Bakit ikaw hindi mo ako nilalambing?” Sumiksik si Rose sa katawan ni Christian.

“Look, babe! Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang inggitera, do you understand?” sagot ni Christian kay Rose. Inis na inis kasi si Christian sa nakikita niyang kilos ni Hannah at Alex, pati na rin sa naririnig niyang palitan na salita ng mga ito.

Dumating na rin ang pagkain na pina-deliver ni Alex. Hindi na muling nagkabanggaan sina Alex at Christian. Hindi na rin sila nagpalitan ng mga salitang pwedeng mabuo ang tensyon. Kumain na lang sila at nag-inuman. Pinag-usapan din nila ang tungkol sa trabaho nila, sa proyekto na gagawin nila na sisimulan nila pagsikat ng araw. 

Mabilis lumipas ang oras. Lasing na ang dalawang kababaihan. Nagtatawanan silang dalawa habang nagkukwentuhan. First time lang uminom ng alak ni Hannah pero pakiramdam niya parang ang gaan-gaan sa kalooban niya.

Patago naman na pinagmamasdan ni Alex si Christian. Pinabayaan nila si Hannah at Rose na mag-one on one sa inuman. Dahil iyon ang gustong mangyari ni Rose. Siya raw ang magtuturo kay Hannah kung paano uminom ng alak ang mga babae. Samantala sina Alex at Christian, beer na lang ang kanilang ininom. Ayaw rin nilang malasing dahil alam nilang mag-aalaga sila.

“Saan mo nakilala si Hannah?” biglang tanong ni Christian kay Alex.

“My uncle introduced her to me. Do you remember, Uncle Ramuel?”

“Oh, yeah! Paano nakilala ni uncle mo si—“

“You don’t know? Boss ni Hannah si Uncle Ramuel, sa kumpanya niya nagtatrabaho si Hannah, hindi mo alam ‘yun?”

“Well, alam ko kung ano company nagtatrabaho si Hannah, but I never did know na sa uncle mo pala iyon.”

Magsasalita pa sana si Alex, kaso biglang pumalupot si Hannah sa katawan niya. Nawala bigla sa isipan ni Alex ang nais niyang sabihin kay Christian. Mas lalong nawala sa sarili si Alex nang dumikit ang mga labi ni Hannah sa kanyang tainga.

“Gusto kong magsuka,” bulong ni Hannah. Lumaki ang mga mata ni Alex sa narinig niya at dali-dali siyang tumayo. Tinulungan niyang makatayo si Hannah at inakay niya ito papuntang kusina.

“What’s wrong?” tanong agad ni Christian kay Alex. Nagbigay lang ng senyales si Alex na pigilan na rin si Rose na uminom ng alak dahil nasusuka na si Hannah. Tumango lang ang ulo ni Christian. Nang makarating sina Alex at Hannah sa kusina, dumiretso sila agad sa lababo. Hinagod ni Alex and likod nito. Nagsimulang nagsuka si Hannah. Napansin din ni Alex na pinapasok na ni Christian si Rose sa kwarto dahil lasing na lasing na rin ito. 

“Hannah, just stay here okay? Kukuha lang ako ng towel,” sabi ni Alex kay Hannah habang inuupo niya sa silya. 

Sinubsob naman ni Hannah ang kanyang mukha sa lamesa, nagmadali naman si Alex na pumunta sa kanyang kwarto. Subalit, nang lumampas si Alex sa silid na pinasukan ni Christian at Rose, ‘saka naman lumabas si Christian. Nakita ni Christian na nag-iisa si Hannah. Hindi napigilan ni Christian na lapitan ang ito habang nakasubsob ang mukha nito sa lamesa. 

Nang papalapit si Christian kay Hannah dahan-dahan na lang siyang naglakad. Parang pinagsisihan ni Christian ang ginawa niyang pag-iwan kay Hannah. Hahawakan na sana ni Christian ang buhok na tumatakip sa mukha ni Hannah, ngunit nakabalik kaagad si Alex.

“Don’t you dare to touch my woman, kung ayaw mong masira ang pagiging magkaibigan natin, kung ayaw mong paalisin ko kayo ni Rose sa oras na ito, Christian!” galit na tinig ang narinig ni Christian mula kay Alex. Hindi natuloy ni Christian ang kanyang gagawin at wala siyang nagawa kundi ang ibaba na lang ang kanyang kamay.

Lumakad ang mga paa ni Alex palapit muli kay Hannah. Nilampasan lang niya ang kanyang kaibigan. Nanatiling nakatayo si Christian sa kanyang pwesto. Binuhat kaagad ni Alex ang katawan ni Hannah. Nagmulat ang mga mata nito. Malabo na ang kanyang paningin dahil nahihilo na siya at inaantok. Pero pinilit niyang kilalanin ang taong nagbuhat sa kanya. Siya ay napangiti nang makita niya ang mukha ni Alex.

“My love, where are we going?” Sumandal ang ulo ni Hannah sa dibdib ni Alex. Tiningnan ni Alex si Christian at napansin niyang nakatiklop ang mga kamao nito.

“To our room, my dear Hannah!” sagot ni Alex habang nakatitig siya kay Christian.

“Need help?” tanong bigla ni Christian.

“No need, I can take care of her!” mabilis na sagot ni Alex habang karga niya si Hannah. Naiwan na mag-isa si Christian. Nanatili siyang nakatayo habang parang may matulis na bagay ang tumutusok sa kanyang puso. Hindi niya alam kung galit siya kay Alex o sa kanyang sarili. Kailanman kasi hindi niya nagawa na alagaan si Hannah nang sila pang dalawa. 

“Wait…” biglang sabi ni Hannah at nagpumilit siyang bumaba sa mga bisig ni Alex kahit lasing na lasing siya. Bumalik siya sa kinaroroonan ni Christian. Sinundan naman siya ni Alex.

“Look, who’s here? The man that I did love before,” tawa na sabi ni Hannah.

“Hannah, please..” sagot ni Christian at tumingin siya kay Alex.

“But he broke my heart into pieces!” sigaw pa ng dalaga at nag-iba ang timpla ng kanyang pananalita.

“Hannah, please stop! Hindi mo alam ang sinasabi mo,” pigil ni Christian kay Hannah.

“Why? Ayaw mong malaman ni Alex ang nakaraan natin?” tanong ni Hannah kahit umiikot na ang kanyang paningin.

“That’s why?” sabat naman ni Alex. Nagkunwari na naman siyang walang alam.

“No dude! Lasing lang si Hannah at hindi niya alam ang kanyang mga sinasabi.”

“Kapag lasing ang isang tao, nasasabi niya ang totoo,” sagot ni Alex at lumapit siyang muli kay Hannah.

“Let’s go, Hannah!” mahinahon na anyaya ni Alex kay Hannah.

“No! This bastard—” hindi natuloy ni Hannah ang kanyang sasabihin nang biglang buhatin siyang muli ni Alex.

“Put me down!” sigaw ni Hannah. Naiwang mag-isa si Christian habang walang tigil ang kabog at kaba sa kanyang dibdib. Pinili na lang niyang pumasok sa loob ng kwarto nilang dalawa ni Rose kahit balisa ang kanyang isipan.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

How to Heal a Broken Heart (Chapter 7)

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Need Help?