How to Heal a Broken Heart (Chapter 8)

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

MAINGAT na binaba ni Alex ang katawan ni Hannah sa kanyang kama habang patuloy itong tumatangis. Hindi kasi kayang pigilan nito ang kanyang mga luha dahil sa sakit na nadarama ng kanyang puso. Hindi na lang umimik si Alex, kumuha na lang ito ng basang bimpo at sinubukan niyang punasan ang mukha ni Hannah. Hindi naman pumalag ang dalaga.

“Take a rest,” wika ni Alex.

Naiintindihan ni Alex ang sakit na nabubuhay sa puso ni Hannah. Kaya naisipan na lang niyang iwan muna ito sa kanyang kuwarto upang makapagpahinga at kumalma ang pakiramdam. Subalit, naramdaman niyang may humawak sa kanyang kamay nang sana’y lalabas na siya. Sinuri niya ito at nakita niyang pinipigilan siya ni Hannah na umalis. Sinubukan niyang hilahin ang kanyang kamay, ngunit parang posas ang kamay ni Hannah. Nawalan siya ng balanse at siya ay natumba. Hindi niya sinasadya na magkadikit ang kanilang mga labi. Buti na lang, hindi masyadong pansin ni Hannah dahil sa epekto ng alak. Lumayo siya kaagad kay Hannah dahil sa gulat.

“Dito ka lang, huwag mo akong iwan,” pakiusap ni Hannah habang ang mga mata nito ay nakapikit. Walang nagawa si Alex kundi ang maupo sa sahig at pagmasdan lang si Hannah. Hinintay at sinigurado niya ang mahimbing na pagtulog nito. Dahan-dahan niyang hinaplos ang malambot na pisngi ni Hannah upang patunayan kung tulog na nga ito.

“I think, wala akong rason na hindi kita o hindi ka pwedeng mahalin. Ipaparamdam ko na lang sa iyo, Hannah. At papatunayan ko sa iyo na I’m serious! ‘Wag mo sanang kalimutan na, action is louder than words,” bulong ni Alex.

“Hindi ko rin kailangan na sabihin sa iyo o ipaliwanag pa sa iyo na gusto kitang  mahalin at alagaan. Ngayong nakita ko ang bumabalot diyan sa puso mo nang kaharap mo si Christian, lalo lang naging mas buo ang aking desisyon na yakapin ka at samahan ka sa buhay na mayroon ka ngayon. Tutulungan kita, Hannah. Sana ay matulungan mo rin ang sugatan kong puso,” dagdag pa ni Alex.

Gumalaw ang katawan ni Hannah patagilid at sakto ang pwesto ng mukha nito sa harapan ni Alex. Napangiti lang si Alex at hiniga niya ang kanyang ulo sa kama. Five inches na lang yata ang sukat ng layo ng kanilang mga mukha. Pinagmamasdan lang niya ang mukha ni Hannah hanggang siya’y nakatulog sa ganun na pwesto.Wala na silang kamalay-malay sa pagdaan ng oras at gabi, ang kanilang mga puso ay pinagbuklod ng tadhana. Ano kaya ang naghihintay na kapalaran nila? 

 

UMAKYAT na ang haring araw sa kalangitan. Unti-unting nagmulat ang mga mata ni Hannah habang tumataas ang kanyang dalawang kamay sa ere. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng panghihina ng katawan. Wala siyang anumang maalala sa nangyari sa kanila.

Umupo siya sa kama at nang dumampi ang malamig na sahig sa kanyang mga talampakan ay parang may kuryente na gumapang sa kanyang katawan. Hinawakan niya ang kanyang ulo dahil biglang sumakit ito. Tsaka nag-uunahan na pumasok sa kanyang isipan ang mga naganap sa kanila ni Alex, Christian, at Rose.

Naalala niya na nag-inuman sila at siya’y nalasing. Mabilis niyang kinapa ang kanyang sarili at sinuri ang kanyang kabuuan. Nakita niyang wala namang nagbago sa kanyang kasuotan. Lumibot ang kanyang mga mata sa paligid at wala siyang ibang kasamang tao. Nagmadali siyang bumangon sa kama, ngunit bigla siyang nahilo. Parang may kamay na nanakmal sa kanyang sikmura. 

Gusto niyang magsuka, buti na lang may sariling banyo ang kuwartong kinaroroonan niya. Kaagad siyang tumakbo roon upang ilabas ang nalalasahan niyang asim. Subalit, hindi niya inaasahan na sa pagbubukas niya ng pinto ng banyo ay ang hubad na katawan ni Alex ang tumambad sa kanya.

“Aahh…” sigaw nilang pareho. Ngunit, hindi pa rin mapigilan ni Hannah ang masuka. Wala na siyang pakialam kay Alex, kaya naman dumiretso pa rin siya sa loob ng banyo. Nagsuka siya sa lababo. Nag-alala naman si Alex. Lumapit siya kay Hannah at hinagod pa niya ang likod nito hanggang sa guminhawa ang pakiramdam ni Hannah.

“Aahh…” sigaw muli ni Hannah. Gamit ang kanyang mga palad, tinakpan niya ang kanyang mga mata.

“I’m just trying to help you!” sigaw ni Alex dahil natataranta na rin siya.

“Takpan mo muna ‘yan! Takpan mo muna ‘yung ano mo!” reklamo ni Hannah. Tumingin si Alex sa bandang ibaba ng kanyang katawan at nakita niyang nakatayo ang kanyang pag-aari. Nakalimutan niyang takpan ito dahil mas inuna niyang tulungan si Hannah.

“Oh, s**t!” bulalas ni Alex. Hinila niya kaagad ang tuwalya na nakasabit at binalot niya sa kanyang bewang.

“Okay na! Ibaba mo na ang mga kamay mo. Tanggalin mo na ang pagtatakip sa mga mata mo,” utos niya kay Hannah habang ang kanyang magkabilang pisngi ay namumula.

“Ayoko!” tanggi ni Hannah. 

“Okay na nga!” Hinila ni Alex ang mga kamay ni Hannah na tumatakip sa maganda nitong mukha.

“Aahh… bitawan mo ako! Bakit ba kasi ganyan?”

“What?”

“Bakit pa kasi kailangan kong makita ang ano mo, hay!” reklamo na naman ni Hannah. Nagdikit ang dalawang kilay ni Alex.

“Wait.. ikaw ang pumasok sa loob ng banyo habang naliligo ako. Tapos kung umasta ka parang ikaw ang biktima. Siguro, may balak ka sa akin ano?” insulto niya kay Hannah. Humahalakhak pa siya. Tumaas naman ang kaliwang kilay ni Hannah at pinag-krus niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang katawan.

“Over my dead body! Nakita mo ‘di ba, na nagsuka ako? Hindi ka naman bulag.”

“Ang sabihin mo, pinagnanasaan mo talaga ang maganda kong katawan,” patuloy ang pang-iinsulto ni Alex. Umagang-umaga, para na naman silang aso’t pusa. And take note, wala pa silang bente-kwatro oras na magkakilala, parang ang dami ng nangyari sa kanila.

Pinunasan pa ni Alex ang basa sa kanyang katawan mula sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang abs gamit ang kanyang sariling kamay. Hindi sinasadya na sundan ng mga mata ni Hannah ang pagkilos ng kamay ni Alex. Siya’y napalunok. Kung tutuusin nga naman, may dating at ibubuga si Alex pagdating sa itsura.

“See, sa mga titig mo sa akin parang gusto mo na akong sunggabin. Sabihin mo lang kung—“

“No!” mariin na pagtanggi ni Hannah. Kung anu-ano ang pumapasok sa kanyang utak.

“Kaya ako pumasok sa banyo dahil nahihilo ako at gusto kong magsuka, right? Hindi ko sinasadyang makita ka dahil hindi ko alam na nandito ka,” paliwanag ni Hannah.

“Really? Baka dahilan mo lang ‘yan para masilipan ako,” tugon ni Alex at siya’y tumawa nang tumawa.

“Ang kapal ng mukha mo!” Tinalikuran ni Hannah si Alex, ngunit pinigilan siya nito.

Hinablot siya ni Alex at isinandal siya nito sa dingding, at nagtama ang kanilang mga mata. Dumagundong ang kaba sa dibdib ni Hannah dahil seryoso ang mukha ni Alex. Hindi kumukurap ang kanyang mga mata, ayaw niyang mawala sa kanyang paningin si Alex kahit segundo lang. Kung anu-ano kasi ang kanyang iniisip na baka bigla siyang halikan ni Alex.

Sa tutuusin lang, gusto niyang itulak at sipain si Alex, pero bakit hindi niya magawa? Parang isang magnet ang katawan ni Alex na humihigop sa kanya. Lumapit nang lumapit ang mukha ni Alex sa kanyang mukha. Halos hindi na siya makahinga sa kilos na ginagawa ni Alex.

“Where do you think you’re going, my love?” titig na sabi ni Alex kay Hannah.

Niyakap ni Hannah ang kanyang sarili. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Hindi niya pansin ang paglayo ni Alex sa kanya. Bumalik lang sa katinuan ang kanyang isipan nang marinig niyang humalakhak si Alex. Binuksan niya ang kanyang kaliwang mata habang nakapikit pa rin ang kanyang kanan na mata. Sinilip niya si Alex kung bakit ito tumatawa?

“Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa’yo?” tawa na tanong ni Alex. Parang nilukot na papel ang naging reaksyon ng mukha ni Hannah.

“Ikaw!”

“What? Pinigilan kitang lumabas ng banyo kasi ako dapat ang lalabas at ikaw ang maiiwan dito sa loob. Para makaligo at mag-ayos ka na upang simulan na natin ang proyekto. What are you thinking? Hhmm… you want me to kiss you? Do you want it?”

“Aahh… ang kapal ng mukha mo talaga! Never, never, never!”

“Hay, whatever! Take your time, hintayin na lang kita sa may kitchen,” wika na lang ni Alex dahil ayaw na niyang makipagtalo pa kay Hannah. Para sa kanya, marami ng nasasayang na oras. But he likes what he does and what happens between them. For him, he feels thrilled. He sees stars even if it is not night. His eyes shone dazzlingly even when he was not looking at the sky. Then suddenly, Alex was shocked when Hannah kicked the door. Alex just shook his head.

“Wait mo mukha mo!” sigaw ni Hannah. Again, Alex laughed out loud, ibang saya ang binibigay ni Hannah sa kanya. Hindi na lang niya pinatulan pa ang dalaga. Nagsimula na lang siyang magbihis habang nasa loob pa ng banyo si Hannah.

 

SAMANTALA, lumapit si Hannah sa harapan ng salamin. Tinapik-tapik niya ang kanyang magkabilang pisngi. “Bakit kasi pumikit-pikit pa ako? Ano nga naman ang inaasahan kong gawin niya sa akin?” kinausap ni Hannah ang kanyang sarili. Nang biglang pumasok sa kanyang imahinasyon na hinahalikan siya ni Alex. She immediately turned on the faucet in the sink, and she washed her face. Hannah also shook her head, then patted her forehead.

“No! Get out of my mind!” sigaw niya at narinig siya ni Alex na katatapos lang magbihis. Lumapit si Alex sa pintuan ng banyo at kumatok siya.

“Hannah, are you okay?” Hannah heard Alex’s voice again. Bumalik na naman sa kanyang imahinasyon ang mga bagay na mapupusok. Sinara niya ang kanyang mga mata.

“Calm down, calm down!” pakiusap ni Hannah sa kanyang sarili. Pagmulat muli ng kanyang mga mata, binuksan niya ang pintuan ng banyo. Sumalubong sa kanya ang mabangong halimuyak ng pabango ni Alex. Nagsimula na naman magulo ang kanyang isipan. Hindi niya pinansin si Alex, dire-diretso siyang nagtungo malapit sa kama. 

“Hey, wait… You’re not going to take a bath? 

“How can I take a bath, kung ang mga gamit ko nandito sa bag ko. And…and—-“

“And?” tanong ni Alex.

“Hintayin muna kitang lumabas bago ako maligo at magbihis,” walang alinlangan na wika ni Hannah. Naninigurado lang siya dahil kung anu-ano ang romansa na pumapasok sa kanyang isipan.

“Oh, I see. Hanggang ngayon ba pinag-iisipan mo akong—“

“Shut up!” Sabay takbo muli ni Hannah sa loob ng banyo. Napanganga lang si Alex at wala na lang siyang nagawa kundi ang tumawa. Hindi mapigilan ni Alex ang nararamdaman nitong kaligayahan. Natutuwa siya sa mga kilos ni Hannah. Parang isang teenager na nahihiya.

“Kakaiba ka talaga. Ngayon pa lang sasabihin ko na, I’m sorry! Hindi na talaga kita papayagan makaalis sa lupain ko,” mahinang wika ni Alex. Sa tingin niya kasi, si Hannah na ang babaeng gagamot sa kanyang pusong sugatan. At nais na rin niyang mag-move on. Handa na siyang muling umibig. At kay Hannah nararamdaman ng kanyang puso ang maaaring pagbabago ng kanyang buhay.

Hannah, on the other hand, hurriedly removed her clothes, habang gigil na gigil siya kay Alex. Even though she was already annoyed with men, why couldn’t she avoid Alex? And she doesn’t even notice or even think of Christian, even though she was with him at Alex’s resthouse. Walang ibang laman ang kanyang isipan kundi lamang si Alex. Mukhang umiilaw na ang red string na konektado sa kapalaran nila. Padabog na binuksan na lang ni Hannah ang heater ng shower, at naligo na rin siya.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

How to Heal a Broken Heart (Chapter 8)

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Need Help?