[BLAZE INGRID’s POV]
Ang aga-aga sumasakit na naman ang ulo ko. Dapat masaya `tong araw na `to kasi nga sabado. Walang PASOK! Pero nak ng demonyo naman, BAWAL AKONG LUMABAS! PAKSH*T DIBA?
Kasalanan `to ni Pugal e! Kung hindi kasi siya tumawag sa school e di sana hindi niya malalaman na nagcutting class ako. Sana pwede akong gumala ngayon at sana hindi ko kaharap `tong matandang hukluban na `to! Paksh*t talaga!
“Young lady.” Umpisa ni matandang hukluban na tatay ng nanay ko. Nasa mini office ako nito.
Bernard Mercado, A sixty years old business man. Siya lang naman ang may hawak nang Mercado Real State & Corporation. Si Mommy nga lang ang president pero siya pa din ang kagalang galang na chairman.
Ano bang pinagkaiba nang president sa chairman? Ewan ko. Gulo ng buhay nila. Pero kahit na matandang hukluban na siya, `yung itsura niya e parang pang forty five years old lang. Ganun siya maalaga sa katawan niya.
“Young lady? Eeeewness.” Sabat ko. Duhh! Young lady? Okay pa sana kung pangalan ko na lang sinabi niya e. May payoung lady pa kasing nalalaman.
“I’ll get straight to the point.” Naiiling na sabi nito. Nakaupo ito at ako naman nakatayo. Ayaw niya akong paupuin. Tss. Nangangalay na ako.
“Kailan ka ba magtitino ha?”
“Akala ko ba you’ll get straight to the point e bakit mo ako tinatanong nyan?” Asar talaga ‘to. Hindi na lang sabihin kung anong gusto niyang sabihin at nang makaalis na ako’t makabalik na sa kwarto ko.
Napailing na naman ito tapos tinignan ako ng seryoso. “Okay. Fine. Ibigay mo sa akin ngayon din lahat ng credit cards mo. Inuulit ko, lahat ng credit cards mo.” Ngumiti ito ng nakaka-asar. “Okay lang din kung hindi mo ibibigay. Ipapahold ko na lang.”
Napalunok ako.
Hindi ko ‘to inaasahan! Kung parusahan kasi ako nang matandang hukluban na ‘to e pinaglilinis niya lang ako ng mansyon niya o kaya hindi ako pwedeng lumabas ng kwarto. First time `to! Letse! Nahawa `to kay Pugal panigurado.
“Tss. Sino nagbigay ng idea sa’yo na ipahold ang credit cards ko? Si Pugal ano? Kainis talaga `yun!” I’ve said while gritting my teeth. Bwisit e! Hirap kaya ng walang pera. Lalo na sa kagaya kong palaging gutom.
“How could you say his name like that? He is your dad.”
“Wala akong tatay.” Sabi ko sa malamig na boses.
Wala naman kasi talaga akong tatay. Hindi ko naman tatay si Pugal. Hindi ko nga kadugo `yun e.
“You’re carrying his name.” Seryoso namang sabi ni Bernard. “Blaze, Apo. Kailan ka ba magseseryoso sa buhay mo?”
Nababagot akong nagsalita. “Bakit naman ako magseseryoso?” Mas masaya nga kung ini-enjoy mo `yung life mo tapos magseryoso?
Natampal nito ang noo. “I’ll warn you Blaze, pag gumawa ka pa ng gulo, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Kahit apo pa kita at kahit mahal na mahal kita, paparusahan talaga kita at `tong parusa na `to, hinding-hindi mo makakalimutan sa tanang ng buhay mo. At panigurado, magbabago ka na talaga.”
I just shrugged. “Fine. Whatever.” Tsk. “Para namang tototohanin niyo `yan.” Bulong ko pa.
“May sinasabi ka pa?”
“Wala po lolo.” Sagot ko naman. Bingi siya e. Kasalanan niya at hindi niya narinig.
Pagkatapos nun, hindi nito kinuha ang mga credit cards ko kasi alam naman nitong hindi ko iyon ibibigay. Pero okay lang daw kasi napahold na raw nito `yun. Tapos pwede na daw ako lumabas at gumala. O diba? Nang-aasar lang. Pinahold niya `yung credit cards ko tapos pwede na akong gumala? Makakagala pa ba ako e wala na akong pera! Peste talaga.
Lumabas na ako ng office nang matandang hukluban na `yun. Nagdadabog pa nga ako e. Pumasok na lang ako sa kwarto ko. Kinuha ko `yung bag ko. Titignan ko kung magkano pa `yung na-encash kong pera kahapon. Dali-dali kong binuksan `yung bag ko tapos nadismaya lang ako sa nakita ko. Tae, one thousand and eight hundred pesos lang `yung pera ko. Akala ko pa naman madami.
Madaming one hundred. Peste.
Nag-iisip ako nang paraan nang biglang tumunog ang cellphone ko. May nagtext. Kinuha ko `yun at binasa.
Natampal ko ang noo ko. Oo nga pala, ngayon kami gagawa ng project sa school. Nakalimutan ko. Last project na `yun for this semester e.
Isip pa Blaze! Mag-isip ka kung paano ka magkakapera! Tutal maaga pa naman. After lunch pa `yung para sa project.
Nagliwanag ang buhay ko ng makaisip ako ng paraan.
Masaya na akong tumayo. Alam ko na ang gagawin ko. Excited akong pumunta nang banyo at naligo. Pagkatapos nun ay nagsuot ako nang violet dress at saka cute na sandals. Walang heels. I won’t take heels. Matangkad na ako. Kinuha ko ang isang cellphone ko saka tinignan `yung mga emails ko.
“Yes. May nakita ako. Haha.” Ini-open ko `yung email. Binasa ko nang malakas. “Blaze, pahelp naman oh. Magpanggap ka namang girlfriend ko. I’ll pay you five thousand pesos. Please. Masyado nang demanding `tong girlfriend ko e. Kita tayo sa mall. Email me back if you’ve read this message.”
Napatawa na lang ako nang wala sa oras habang nirereplyan ko siya. Five thousand? Hindi na ako lugi. Nag-eenjoy ako pag ginagawa ko `to. Minsan ko lang siyang ginawa pero nalaman nila kaya ayan, nag-e-email sila sa akin pag kailangan nila ako. Kaso pag tinatamad ako, hindi ko sila tinutulungan.
Ini-email nito sa akin kung anong oras kami magkikita at kung anong eksena ang gagawin namin. Magiging best actress na naman ang drama ko nito.
Inayos ko din ang pula kong buhok. Oo, pula iyon. Kinausap pa ni Mommy ang school principal ko para lang payagan ako sa kulay ng buhok ko. Nagdonate pa ito ng malaking halaga para lang pumayag ang school principal. At sinong hindi masisilaw ng pera diba? Wala din kasing magawa si Mommy e kaya hinayaan niya na lang din ako.
Naglagay ako ng lipstick at saka light na make-up.
Kinuha ko `yung coin purse ko saka nilagay dun `yung kakapiranggot kong pera. Hindi na ako nagwallet. Nang pakiramdam ko wala na akong nakalimutan, bitbit ang medyo kalakihang shoulder bag, lumabas na ako ng kwarto ko.
Nakasalubong ko pa `yung mga step brothers ko.
“Ate, may date ka?” Si Blake at ang maamo nitong mukha.
“Pag ganito ang ayos may date kaagad?” Pambabara ko.
“Babae ka din pala ano?” Si Brett na pinasadahan ako ng tingin pagkatapos ay ngumiti ito. Ngiting nang-aasar.
“Ay hindi.” Inikutan ko ito ng mata. Nakakabadtrip e. “Lalaki ako, napagtripan ko lang magsuot nang ganito at magmake-up.” Nakakainis. Panira ng mood.
“Hahaha. Ang taray mo naman boy.”
Boy? Bwisit na Brett ‘to e.
Kung hindi lang ako nakadress, baka sinipa ko na siya.
“Kuya. Huwag mo nang asarin si Ate.” Si Blake na pinigilan si Brett.
Napaismid naman ako.
Letse. Ang bait niya po. Hindi ko nga alam kung kapatid talaga namin siya e. Ibang-iba sa ugali namin ni Brett e. Siya lang ang walang sungay sa aming tatlo. Wow. Siya na ang anghel.
“Tss. Pero saan ka pupunta ha Blaze? Don’t tell me magkikita kayo ng boyfriend mo?” Si Brett. Pinandidilatan niya pa ako ng mata. Para namang matatakot ako sa kaniya. “Ang bata mo pa para magkaroon ng boyfriend ha!”
Tinaasan ko ito ng kilay. “Wow ha. Kung magsalita ka naman dyan, akala mo wala kang girlfriend e. Kabi-kabila pa nga babae mo. Eight years old ka pa nga lang lumalandi ka na. At isa pa, Eighteen na ako! Tsk.” At saka hindi ko kailangan ng boyfriend. Kailangan ko ng pera. Pera!
“Okay lang sa aming mga lalaki ang lumandi. Pero pag babae, lalo na at kapatid ko pa. Hindi pwede. At saka kaka-eighteen mo lang e.” ungot nito.
“Heh.” Nilagpasan ko silang dalawa. “Ewan ko sa inyo. Dami niyong alam. Malelate na ako.” `Yun lang at tumakbo na ako palabas ng mansion ni mommy kahit naririnig ko pa `yung malakas na sigaw ni Brett habang tinatawag ang pangalan ko.
Pero bahala siya. Basta ako, kailangan ko ng pera ngayon!
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






2 Responses
Salamat po sa updates otor sana kumeme na Ang mga kasunod hehe
Hahaha 🤣 a real one lang si Blaze mahirap pag lageng mabait mamaya mamatay ka agad hahaha