a Korean red hair girl

I am blaze (Chapter 5)

[BLAZE INGRID’s POV] 

Guidance Office.

Nasa Guidance Office na naman ako. Ano pa nga ba? Nag-cutting classes e. Na naman, haha. Hindi pa ako nadala kahit na dalawang beses nang na-cut ang credit cards ko.

“Ms. Pugal. Alam kong mayaman ang pamilya mo pero hindi na pwede itong ginagawa mo. Lagi ka na lang tumatakas sa klase mo. Ipapatawag ko na talaga ang mommy mo,” nanlalaki ang mata na sabi nang Guidance Administrator ng school namin.

“She’s busy. My business trip siya sa Dubai ngayon.” nababagot na sabi ko. Totoo naman `yun. Hindi naman ako sinungaling. Minsan lang.

At isa pa, kahit tawagan nito si Mommy, di naman pupunta `yun dito.

“Then I will call your father.”

“Go ahead.” Sabi ko naman.

Father? E di si Pugal ang tatawagan niya. Sino pa nga ba ang tatay ko? Siya lang naman. Siya na at wala nang iba. Kahit hindi ko naman talaga siya kadugo.

Maya-maya pa ay may tinawagan na ito sa telepono nito. Hindi ako nakikinig dahil naka-ear phone ako. Pasaway na kung pasaway pero ganito talaga ako. I’ve tried being kind but I failed. Hindi talaga ako pinanganak na mabait. Hindi ko kayang maging mabait. Siguro, pinanganak na akong may sungay sa ulo kahit pa mukha naman akong anghel. HAHAHAHA.

Naghintay lang naman ako sa office nang mga thirty minutes. Ang tagal naman kasi ni Pugal. Parang bakla kung kumilos. Nakakainis.

May kumatok sa pintuan at bumukas iyon. Pumasok si Pugal na maayos ang pananamit, naka-long sleeve polo ito na light blue saka naka slacks, lumapit ito sa akin. Hinalikan niya ako sa pisngi. Kinamayan pa nito si Ms. Guidance Administrator.

Tinanggal ko naman ang earphone sa kanang tenga ko para mapakinggan ang mga sasabihin nila.

“Mr. Pugal.. nagkita na naman tayo. Sit down.”

“Oo nga po. Hehe.” at umupo naman ito, sa tabi ko.

“How are you Mr. Pugal?” Todo ngiting tanong ng guidance admin.

Napataas ang kilay ko.

Yuck. Nakakadiring tignan. May pagnanasa pa yata itong matandang `to kay Pugal.

“Maayos naman po ako. At ako na po ang humihingi ng pasensya sa mga inaasal ni Blaze. Hayaan po ninyo, hindi na talaga mauulit.” Hingi ng paumanhin ni Pugal.

“Ah okay lang Mr. Pugal. Hindi ko din alam kung bakit ganyan ang ugali ng anak ninyo. Hindi ko naman kayo ini-insulto sa pagpapalaki niyo sa kaniya pero talagang napakatigas ng ulo niya. Ilang beses na siyang pinagsabihan pero parang mas lalo lang siyang lumalala. Hindi kaya nasa bahay ninyo ang problema?”

Natahimik naman si Pugal doon at tumingin sa akin. Tinignan ko lang din siya pabalik. Tss. Parang hindi na siya nasanay. `Yun na `yun naman lagi ang sinasabi nang Guidance Administrator na `yan simula nung first year ako. Tss. Tatlong taon na wala pa ding pinagbabago ang mga sinasabi nito. Paulit-ulit na, hindi ba siya naririndi dun? Kasi ako, OO! Sobra!

“Ako na po ang humihingi ng pasensya.”

Natapos ang meeting at sabay na kaming lumabas ni Pugal sa office. Nauuna na akong maglakad dahil alam kong may gagawin na naman si Pugal.

“Stop right there, young miss!” Sabi nito na may awtoridad sa boses. Naikot ko ang mata ko at lumingon sa kaniya.

“What?” Pa-inosente kong tanong.

“Didn’t I tell you that no more cutting classes? Do you want me to hold your banks accounts again?”

“Then mom will be angry at you.” balik ko dito.

“Hindi siya magagalit kung sasabihin ko sa kaniya ang mga pinaggagawa mo dito sa school niyo.” Nagcrossed arms pa ito.  “At isa pa, alam kong hindi niya na ako tututulan dahil ginawa na din `yun ng lolo mo.” Magkasalubong na ang kilay nito habang nakatingin sa akin.

“Then do it. I don’t care.” Sabi ko na may kasama pang irap.

“Hayy.” Narinig kong sabi niya. Naglakad na lang ulit ako. Pero hinabol niya ako. “Hindi ka pa ba nadala, dalawang beses nang nahold ang credit cards mo.. at saka binalaan ka na nang lolo mo diba?”

“Sinasabi ko na nga ba! Ikaw lumason sa utak ng lolo ko no?” Kabwisit talaga `tong Pugal na ‘to! Sarap ipakain sa Dinosaur!!

Hindi niya ako pinakinggan bagkus ngumiti lang ito sabay sabing, “Ihahatid na kita sa klase mo.” At saka nginitian pa ako.

“No need. Hindi ko kailangan ng chaperone.”

“Ang gwapo ko namang chaperone.”

Tss. Lakas ng tama! “Umalis ka na nga. Makita ka pa ng mga kaklase ko e. Sabihin nila maagang naglandi ‘yung tatay ko. Akalain mong 25 years old pa lang siya. Tss.”

“Hahaha. E di sabihin mong 40 years old na ako pero mukhang 25 years old lang. Gwapo lang talaga ako kaya namaintained ko ‘`yung mukha ko.”

Napasimangot ako at pinandilatan siya ng mata. “Gagawin mo pa akong sinungaling. Umalis ka na nga. Dali na. Kailangan ka sa bahay at hindi dito. Okay na ako. Hindi na ako magka-cutting class kaya umuwi ka na.” Pagtataboy ko sa kaniya. Ayaw ko siyang makita ng mga kaklase ko dahil baka malaman nila na talagang mayaman ako.

And Rondel Pugal screams money. Isang tingin mo lang dito, malalaman mo na agad na mayaman ito. At isa pa, ang principal at ang guidance admin lang ang nakakaalam na talagang mayaman ako. And oh, isama mo na `yung tatlong bugok kong kaibigan.

Bakit ko tinatago ang kaalaman na mayaman ako? Isang dahilan lang, ayoko maungkat ang nakaraan ko. Ayokong malaman nila ang buo kong pagkatao. Mabuti na lang at sa school na `to, walang pakialaman. Basta ang alam nila, mahirap ako at mahirap din akong pakisamahan. Mwahahaha!

“Fine. Basta umuwi ka kaagad after ng klase mo. Sabay-sabay tayong pupunta ng airport para sunduin ang mommy mo. Understand?”

Tinanguhan ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Nakarating na ako sa classroom ko. Wala naman silang ginagawa. Nag-iingay lang. Umupo ako sa upuan ko. Gusto kong matulog pero ang ingay naman nila.

Tumayo ulit ako at sinipa ang upuan sa harap ko. Natahimik ang buo naming klase.

“Matutulog ako. Walang maingay.” Sabi ko at umupo na naman. Sa tatlong taon ko sa eskwelahan na ito, kilala na nila ang ugali ko. Pag sinabi ko at hindi nila sinunod, malalagot sila. Yeah, I’m a bully. Basagulera din ako. Hindi nga yata ako babae pero maganda ako. Maganda `yung pinagmanahan ko e.

Pinikit ko ang mata ko. Wala na akong narinig na ingay kaya nakatulog na ako kaagad. Pero agad din akong nagising nang marinig ko ang pangalan ko. Nakinig ako sa usapan nila nang hindi ko iminumulat ang mga mata ko.

“Grabe! Kung hindi lang talaga ako natatakot kay Blaze papatulan ko na siya e!”

“Super! Hanggang kailan ba tayo magtitiis sa kaniya?”

“Dapat kasi lumaban na tayo e.”

“Laban? Baliw ba kayo? Black belter `yan sa taekwondo! Nag-aaral din siya ng wushu at judo diba? Kaso natanggal siya kaagad kasi nakipag-away siya. Pwede na nga siyang ilaban sa Olympics kasi magaling siya e. Kaya sige. Kayo na lang ang lumaban. Mahal ko pa ang buhay ko e.”

“Argh. Ayoko nga. Katakot siya.”

“Pero nakakainis kasi. Natatakot tayo sa kaniya e pwede naman natin siyang pagtulungan lahat e! Hindi naman siya mayaman! Mahirap lang siya!”

“Kaya niya tayong saktan, at dahil mahirap lang naman siya, hindi siya takot sa parusa. Ilang beses na ba siyang naparusahan hah? Nagbago ba siya? Hindi naman e. Lumala pa nga.”

“Tsss. Labas na nga lang tayo ng classroom.”

“Tara.”

Iminulat ko na ang mga mata ko. Narinig ko lahat nang sinabi nila. Nakakatakot ako? Dapat lang! Dapat lang silang matakot sa akin! At kahit pa lumaban sila sa akin, tatalunin ko sila. Wala akong pakialam kahit masaktan ako ng pisikal, huwag lang emosyonal.

Dahil inaamin ko, hindi ko kakayanin, matatalo ako.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

I am blaze (Chapter 5)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.