a Korean red hair girl

I am blaze (Chapter 6)

[BLAZE INGRID’s POV]
“Boss!”

“Paksh*t Clark! Alam mo `yung nagmumuni-muni ako tapos bigla kang sisigaw!? Gusto mong mabalian ng buto hah?” Sigaw ko. Badtrip e.

“Halla! Boss naman..” Napapakamot ito ng ulo. “Hindi ko sinasadya hehe.” Tapos tumawa pa ito.

Napa-face palm na lang ako. Ang abnoy niya e. Bakit ko ba kasi naging classmate `to?

“Ah, Oo nga pala Boss, lapit na bakasyon. S’an tayo?” Nakahila na ito nang upuan at naka-upo na sa may tapat ko. Sa lahat nang nag-aaral dito. Tatlo lang ang hindi takot na mabugbog ko. Siya, si Nelson at `yung student council president.

“I’m going to Boracay this summer.” Hindi ko naman gustong pumunta doon. Kaso pag hindi ako sumama, wala akong pera. Kaya napag-isip isip ko, pupunta na lang ako. Mag-eenjoy na ako, may pera pa ako.

“Aww. Boracay? Saan ka nakakuha ng pera Boss?” Nag-isip-isip pa ito kunwari. “Layo naman Boss. Hindi ako papayagan hehe.”

Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Alam naman nitong mayaman ako e. “Bakit? Sinabi ko bang isasama kita?” Tinignan niya ako tapos nagkamot na naman ito ng ulo.

“Boooooooooooss!!”

Napatakip ako ng tenga. Takte ang sakit sa tenga. Tumingin ako sa may pintuan. Nakita ko doon si Nelson na muntangang nag-aabang. Hindi na lang siya pumasok. Wala naman kaming klase e.

“Hoy Nelson. Pumasok ka na. Nahiya ka pa e. Wala ka namang hiya.” Si Clark.

“Ah hehe.” Pumasok si Nelson tapos humila din ng upuan at tumabi kay Clark.

“Kailangan mo?” Tanong ko. Inaantok pa ako. Ginising kasi ako nang mga panget na yun. Pagtsitsismisan lang ako pag tulog ako. Tss. Bakit hindi nila sabihinyun sa akin ng harapan?

“E kasi Boss, namiss kita hehe.” Umakto pa ito na yayakap sa akin kaso tinulak ko na siya agad.

“Miss mo mukha mo. Tss.” Corny niya. Bakit ba napapalibutan ako nang mga abnoy? Abnoy si Pugal, Abnoy `yung mga kapatid ko, abnoy pa etong mga kaharap ko! Tss. Mabuti na lang hindi pa ako naabnoy! Pero takte, malapit na!

“Hehe si Boss naman oh. Tatanungin ko lang kung anong balak mo this summer. Sama ka na lang sa amin.”

“I’m going to boracay.”

“Huh? Bakit?”

“Anong bakit ka dyan?” Nak ng tukmol! Hindi ba ako pwedeng pumunta ng Boracay at kung makapagreact ‘tong mga ‘to e, parang hindi ako pwede dun!

“Hehehe. Mamimiss kita. Isang linggo na lang kasi tapos wala ng klase.” Si Nelson na akmang yayakapin na naman ako.

Lumayo ako ng konti sa kaniya tapos iniharang ko `yung kamay ko.

“NELSON! Anong ginagawa mo!?”

Napatingin kami sa nagsalita. Si President Jasper. All hail the President. Eeeew. Nakatingin ito ng matalim kay Nelson.

“Hahaha. Peace yow!” Si Nelson na nakapeace sign pa.

“Hahahaha. Lagot ka kay President!” Si Clark na tinatawanan pa si Nelson habang kinukutusan ni Jasper.

Natawa na din tuloy ako. Kahit na ganito ‘tong mga to, hindi ko makakailang ginawa nilang thrilling ‘yung high school life ko.

“Ay si Boss, nabaliw na. Tumatawang mag-isa.”

“Oo nga e. Bakit ka ba na-inlove dito President? Hahaha.”

“Loko ka. Gusto mong kutusan din kita? Tss. Kahit tanungin mo ako niyan, hindi ko din alam ang sagot. Kusa na lang tumibok ang puso ko sa kaniya e.”

“Yuck. Sagwa Jasper!”

“Hahahaa. Ang cheesy mo Pres. Hahaha.”

“Hoy! Mga baliw. Anong itinatawa tawa niyo dyan at anong pinagbubulong bulungan niyo hah?” Tanong ko sa kanila. Nagbubulung-bulungan kasi sila sa harapan ko e. Na-a-out of place ako. Argh.

“Wala ‘yun. Tungkol lang sa bakasyon. Saan ka pala magbabakasyon?” Tanong ni Jasper.

“Boracay!” Duet na sagot nina Nelson at Clark at talagang inunahan pa ako sa pagsagot. Mga abnoy talaga.

Napa-iling na lang ako. Ah basta! Gagawa ako ng paraan para maging exciting and thrilling ‘yung bakasyon ko! Hehehe. Hmmmm.


PAKSH*t!

`Yun lang ang masasabi ko sa nakikita ko NGAYON.

ANG AKALA KONG BORACAY NA BAKASYON NAMIN, DITO LANG PALA SA BAHAY! Mala-boracay lang ang theme! Grabe!

“Whoa. Kulang na lang ng mga nakatwopiece na babae, boracay na talaga `to.” Natatawang sabi ni Brett.

Paano naman kasi, `yung swimming pool namin merong mga banana boat na malilit lang tapos ang hardin namin nagkaroon bigla ng mga puno at naging white sand ang bermuda grass. Meron ding mga booth ng mga souvenirs! Grabe lang! Ang galing nila. Palakpakan! Letse.

“Kuya talaga. Napaka-babaero mo.” Si Blake iyon na halatang gulat din sa naging transformation ng hardin naming may malaking swimming pool.

“Tss. Sino naman kayang may pakana neto?” Tanong ko. Nakapajama pa kaming tatlo nila Brett e. Ginising kasi kami ng katulong saka sinabing dumeretso kami dito at eto na nga, napatulala na lang kami sa nakita namin.

Huh! Sino bang hindi mapapanganga pag nakita nila `to diba?

“Ako.” Sabay-sabay kaming napalingon. Si Pugal na ang lapad ng ngiti habang papalapit sa amin, “Nagustuhan niyo ba?”

“What the hell.” Ako.

“Tito naman.” Si Blake.

“Kulang naman `to Tito e. Sana kumuha ka ng mga babae.” Si Brett na babae pa din ang nasa utak. Letse. Babaero.

“Hahaha.” Tumawa pa ang Pugal na `to. Kainis.

Umagang-umaga, sira na ang mood ko. ARGH! Napaikot ko na lang ang mata ko saka sinipa ang water balloon na nasa paanan ko. Natulog na lang pala sana ako. Tss.

“Hindi mo nagustuhan Blaze?”

“What do you think? Matuwa ako at ginawa mong ala-boracay itong garden?” Sarkastiko kong sabi, “DUHH! Sana dinagdagan mo pa `yung white sand para makagawa naman ako ng castle mo! Tss.”

“Blaze!” Si Brett. May balak pa yata akong sermonan.

“What?” Maang-maangan kong tanong.

“You’re being rude again.”

“I’m always like this!” Iritado ko nang sabi. “And for almost three years ni Pugal dito, alam na alam na niya ‘yan.” Hinarap ko si Pugal. “And you, who do you think you are para gawing basura ang garden and swimming pool namin hah? Kung wala kang matinong gagawin, sana huwag mo kaming idamay!” Sigaw ko.

Hindi naman nagsalita si Pugal pero nanatiling nakangiti lang ito na lalo kong ikinabwisit! Kahit anong gawin kong pagsabi sa kaniya ng masama, he’ll always smile at me! Grrr!

“Blaze! Sumusobra ka na!” Sigaw sa akin ni Brett.

Hinarap ko naman siya. “So ako pa ngayon ang sumusobra? Ikaw ba naman ang gigisingin for this shit, sinong hindi maiinis ha? ARGH!” Naglakad na ako palayo sa kanila. Kabwisit e. Lahat ng madadaanan kong water balloon e sinisipa ko.

Nakakagag* kasi. Alam mo ‘yung ang sarap ng tulog mo, nakahiga ka sa malambot na kama kasi bakasyon na tapos bigla kang gigisingin kasi may kailangan makita tapos ‘yung makikita mo, nakakagag* naman.

“I’m sorry about her Tito.” Dinig kong sabi naman ni Brett kay Pugal na lalo kong ikinainis. Bakit siya nagsosorry sa lalaking ‘yun e kasalanan naman talaga nito kung bakit ganito ‘yung mood ko. Kabwisit talaga!

Papasok na ako ng kwarto ko nang makita ko ‘yung matandang babae na naka-lingerie pa, habang ang sama ng tingin sa akin.

“Oh bakit na naman?” Tanong ko.

“You’re being too rude to him! He’s your step-father! You should respect him!” Pagbibigay diin na sabi nito sa akin.

“Why should I? He’s not even my father. He’s just your second husband for goodness sake.”

Sinampal niya ako. Napahawak ako sa pisngi kong nasampal niya.

Tinignan ko siya ng masama, “Alam mo ba kung bakit mas gusto kong dalhin ang last name ni Pugal kaysa sa pangalan mo o pangalan ng walang’yang tatay ko?” Tss. “Kasi ayokong dalhin ang pangalan mo at ang pangalan niya kasi nasusuka ako! Sana hindi ko na lang kayo naging ina at hindi ko siya naging ama. Sana naging ibang tao na lang ako!”

Muli, sinampal niya na naman ako. Napahawak ako sa mukha ko. Tae, sakit na nang pisngi ko. Sakit niya manampal e.

“Wala ka talagang utang na loob! Sa tingin mo ginusto kong kunin ka sa ama mo? Nagkakamali ka! Nagsayang lang ako ng five million sa pagbili ko sayo!”

Naikuyom ko ang palad ko sa sinabi niya.

“Bridget!” Dumagundong ang boses ni Bernard sa pasilyo. Tapos sila Pugal, Brett at Blake humahangos na tumatakbo paakyat ng hagdan.

“What Dad? Hindi ko na ba pwedeng sawayin ang anak ko?” Sagot naman ni Bridget.

Now I know kung kanino ako nagmana. Tss.

“Anak mo?” Patuya kong bulong.

Tumingin sa akin si Bernard. “Young lady, come with me to the study room.” Sabi nito sa seryosong tinig. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Napahinto ako ng huminto din siya, nilingon ‘yung apat, “Sumunod din kayong apat sa akin.”

Argh. Ano na naman kaya `to?


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

I am blaze (Chapter 6)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

Please also read my other story 'I'm a kontrabida, so what?!'
And thank you for reading this! ❤️

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.