Literal na nalaglag ang panga ni Samarra sa narinig. Umuwang ang kaniyang labi at ilang beses pa niyang ikinurap-kurap ang mga mata. Pilit in-a-absorb sa isip niya kung tama ba ang narinig niya.
Kumunot-noo siya habang nakatingin kay Ezekiel.
Prank lang ba ito? O, baka naman panaginip lang ang lahat ng ito?
Pasimple niyang kinurot ang gilid ng hita para malaman kung gising nga ba siya at totoo ang lahat ng nangyayari.
Nang makaramdam ng sakit ay pigil na pigil niya ang sarili na kumibot ang labi niya. Para siyang maiiyak na hindi niya maintindihan.
Did I hear it right?
Isa pang pagdududang sulyap ang ginawa niya sa mga mata nito para arukin kung binibiro ba lamang siya nito o hindi.
He loved me when I was nine years old?
How did that happen?
Have we met before? How did he say that?
Napalunok si Samarra habang hindi niya inaalis ang mga mata kay Ezekiel na kaagad din sinalubong ng seryoso nitong mga mata ang sa kaniya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. Nahihirapan siyang hulaan kung anong emosyon ang kalakip nun. Seryosong nakatingin lang din na nakipagtitigan ito sa kaniya. Alam niya na gulat at hindi makapaniwalang ekspresyon ang mababakas sa mukha niya. Tila hinuhulaan ni Ezekiel kung ano ang nasa isip niya dahil bahagyang napakunot-noo pa ito. Kapag kuwan ay hindi pa ito nakontento na nakatayo lang sa harapan niya dahil lumapit pa ito nang bahagya at yumuko para magpantay ang kanilang tingin.
Napalunok siya.
Is it real?
He loves me!
“Y-you’re in love with me?” hindi makapaniwalang tanong niya kay Ezekiel.
Gusto niyang marinig mula sa bibig nito ang mga sinabi nito kanina sa kaniya. Gusto niyang makasigurado na hindi niya lang basta nakaringgan. May parte sa puso niya na umaasa na pareho silang may nararamdaman na hindi lang siya basta nag-a-assume. Umaasa siya na ang mga ipinapakita ni Ezekiel sa kaniya ay totoo. Ang pag-aalaga nito sa kaniya, ang pagsama-sama nito tuwing may practice siya, ang pagsundo nito minsan sa shop niya, at ang mga tingin nito na punong-puno ng pagmamahal. Ang mga hirit nito sa kaniya, ang mga kulitan at asaran nila na kahit minsan ay napipikon siya rito ay alam nito kung papaano siya nito pakikiligin pagkatapos. Ang mga paglabas-labas nila na para sa kaniya ay isang date na iyon.
Halos pigil niya rin ang sarili na maiyak dahil ito talaga ang hinihintay niya. ‘Yon ‘yong umamin sa kaniya si Ezekiel sa nararamdaman nito para sa kaniya. Kahit sasandali pa lang niya nakakasama ang lalaki alam niya sa sarili niya na may damdamin na siya para rito. Umaasa siya na bago ito umalis sa bansa ay mahulog din ang loob nito sa kaniya kaya nga palagi siyang gumagawa ng paraan para makasama ito. At kung aayain siya nito na magpakalayo-layo sasama siya kahit saan. Iiwanan niya ang masaganang buhay para makapiling lang ito. Siguro maintindihan naman ng magulang nila ang magiging desisyon nilang dalawa at hindi na ipipilit ng mga ito na ipakasal siya sa kapatid ni Ezekiel. Siguro naman rerespetuhin ng mga ito ang nararamdaman nila at susuportahan sila sa naging desisyon nila.
Matutuloy pa rin naman ang merger ng mga kompanya kahit si Ezekiel ang mapangasawa niya dahil isa itong Buenavista. Ang importante lang naman ay maging isa ang O’Harra at Buenavista gaya ng gusto ng mga magulang nila.
“I—”
Isang malutong na tawa ang nagpapigil sa mga sasabihin niya.
Naguguluhan na tiningnan niya ito na halos ikasingkit ng mga mata niya.
Nakatingin si Ezekiel na tila aliw na aliw sa kaniya na halos kanina lamang ay napakaseryoso nito. Ang pilyong ngiti na naglalaro sa labi nito na tila may sinabi na siya na nakakatawa.
What’s going on? Did I say something amusing?
“You’re very serious, Miel. I’m kidding.” natatawang bawi nito sa sinabi nito at hindi pa ito nakontento pinisil pa ang pisngi niya.
What the heck?
His kidding?
Hindi alam ni Samarra kung papaano ikikilos ang katawan at ang sarili sa harapan ni Ezekiel. Buong akala pa naman niya ay seryoso ito sa sinabi nito iyon pala ay nagbibiro lang pala ito. Ang dami pa niyang what if’s at plano sa buhay iyon pala “Kidding” lang pala ang lahat.
Is he messing with her feelings because he knows she already has feelings for him?
Huminga nang malalim si Samarra at pilit pinapakalma ang sistema niya. Naiinis siya dahil sa ginagawa ni Ezekiel sa kaniya. Huling-huli talaga nito ang buwisit niya araw-araw.
Bakit ba hindi na siya nasanay sa lalaking ito? Bakit ba para siyang tanga na umaasa sa wala? Bakit ba nakalimutan niya na si Ezekiel Zeus Buenavista ang kaharap niya? Ang lalaki na mataas ang tingin sa sarili dahil sa mga babaing halos isamba ang kaguwapuhan nito.
Idiot!
Jeez! I wish I could wring his neck.
“I know what you’re thinking, Miel.”
“What!” hindi na tanong iyon kung hindi ay pasigaw. Bukod sa pagkapahiya na nararamdaman niya ay hindi niya rin gusto ang ginagawa ni Ezekiel sa kaniya.
“You’re disappointed because you thought I was serious about what I was saying, right?”
Am I too obvious?
No!
“Of course not! Why should I be disappointed?”
“Because you like me.”
Natigilan siya sa sinabi nito. Bagaman naroon pa rin ang pilyong ngiti nito sa labi pero ang mata nito ay seryosong nakatingin sa kaniya na tila bang naghihintay sa isasagot niya.
What now, Samarra?
Hindi niya alam kung ano ba dapat niyan gawin. Kung aamin siya sa lalaki baka lalo siyang pagtawanan nito. Pero kung itatanggi niya ay masi-save niya ang sarili niya sa kahihiyan. At siguro naman ay titigil na rin ito kakaasar sa kaniya.
Pero paano kung dinadaan lang nito sa biro ang lahat pero seryoso talaga ito?
Dapat ba siyang umamin?
“You’re getting on my nerves!” sa halip na sagutin niya ang tanong nito ay isang malakas na hampas sa braso ang ginawa niya. Maski man lang doon ay makabawi siya sa pang iinis nito sa kaniya.
Tawa nang tawa ito habang iniiwasan na sinasalag nito ang kamay niya.
“Oh, Miel! Why are you so disappointed? You like me; I can tell by your actions and the look in your gorgeous eyes. Please don’t deny it,” buong kumpiyansa nitong payahag sa mga obserbasyon nito sa kaniya. Hinuli pa nito ang kamay niya at kapagkuwan tinitigan siya na para bang siguradong-sigurado ito na nagsisinungaling siya.
Don’t get fooled, Samarra! Paalala niya pa sa sarili na baka pinapasakay lang siya nito para pagtawanan sa huli.
Puwes, hinding-hindi niya ibibigay iyon! Kahit ano pa ang gawin nito ay hinding-hindi siya aamin!
Sinalubong ng naniningkit niyang mata ang lalaki na abot langit pa ata ang ngiti dahil sa pang-iinis nito sa kaniya. Pakiramdam niya kahit anong gawin niyang pagtanggi rito ay tila basang-basa na nito ang nararamdaman niya.
“I’m not!” mariin na tanggi niya. “Conceited! Who do you think you are? A God’s gift?” naiinis pa niyang dagdag. “Duh… Ezekiel! Please… Not even in my wildest dreams…” nilakipan niya pa ng sarkastikong tono para talagang kapani-paniwala ang sinasabi niya.
Huwag lang sana na bumuka ang lupa at kainin siya sa mga kasinungalingan niya.
“Ows?”
Hindi ata siya tatantanan ng mapanukso nitong tingin.
“You know what, Kiel? If you’re the only man in the world, I’ll never like you! As in never!”
Natigilan si Samarra nang makita niya sa mata ni Ezekiel na tila may dumaan na kirot sa mga mata nito. Marahil hindi nito nagustuhan ang sinabi niya na gusto man niya bawiin pero huli na lalo pa’t natigilan ito na tila hindi nito inaasahan ang sinabi niya.
Nagbibiro lang naman siya, bakit parang naging totoo na?
“Are you serious?”
Mag-so-sorry ba siya o hindi?
Wait…. Bakit siya hihingi ng sorry? Siya ang na-offend, siya ang nasaktan dapat ito ang mag-sorry sa kaniya.
Sa halip na humingi ng pasensiya si Samarra ay isang irap ang pinakawalan niya at nagpatiunang maglakad sa lalaki na nakatayo sa harapan niya. Binangga pa niya ang balikat nito para iparamdam ang inis at buwisit niya.
Hindi na siya mag-so-sorry dahil kotang-kota na siya sa pagkapahiya. Pride na lang ang mayroon siya para isalba ang sarili sa pagkapahiya sa harapan nito. Ginawang katatawanan ni Ezekiel ang nararamdaman niya.
Hinding-hindi na siya maniniwala sa mga sasabihin nito. Simula ngayon ay babakuran na niya ang puso niya para sa lalaki at matuto na paalalahanan ang puso. Hinding-hindi na siya magtitiwala sa mga sasabihin nito kahit totoo man o hindi.
Next to: I Love You Till the End nd, Mr. Buenavista (Chapter 6)
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





