I’m a kontrabida, so what?! (Chapter 9)

[LOUISSE ANN’s]

Lunch break. After naming kumain, nirereview ko si Sam para sa quiz namin mamaya. Hindi namin kasama si Arno dahil nasa library na ito.

“Argh. Sana naman ma-perfect ko `tong quiz na `to!” hiling ni Sam. “My last two quizzes were itlog. You know?”

Natawa naman ako sa sinabi nito. Surprised quiz kasi ang mga iyon kaya madaming bumagsak, at isa don si Sam.

“Diba nga sabi ng Prof natin, 30 percent lang naman `yung mga quizzes and exams. Nasa project pa din natin nakasalalay ang 70percent natin para pumasa.”

“Hay nako, sinasabi mo lang `yan kasi matalino ka. Saka ang galing mo na magdrawing. Nasaiyo na nga yata ang lahat e. How to be you po?” Ungot nito.

“But sorry to tell you, hindi ako perfect.” Paano ako magiging perpekto kung sa simula pa lang, basag na ako? “Anong oras na ba?” iba ko na lang ng usapan.

Tumungin ito sa cellphone nito kahit may relo naman ito. “12:52pm. May kalahating oras pa tayo para matulog.” Sabi nito. 1:30pm kasi ang klase namin.

Napabuntong hininga ako. This days, parang hindi umaayon sakin ang takbo ng tadhana. Gusto ko nang magjowa. Ang lungkot ng buhay ko ngayon.

“Alam mo.. nakita ko si Arno na may kasamang babae kaninang umaga.” Nakapalumbaba na sabi ni Sam. “You know, akala ko, okay lang saken. Pero I felt hurt when I saw that view.”

Woah. Was it Keana?

“Arno looks like head over heels with that girl. I saw his eyes full of love.”

“Paano ka nakakasigurong it was full of love?” Tanong ko naman. Paano ba makakita ng ganung mata? Oo, alam kong inlove pa ang kapatid ko sa babaeng `yun pero I don’t know if I saw his eyes full of love. May ganun ba?

Sam smiled painfully.

And I know that smile.

Kasi ginagawa ko `yun.

“‘Cause that what father looks like whenever he looked at my mom.” Bumuntong hininga ito. “Mukhang di na ako makakapasok pa sa puso ni Arno. Sakop na sakop na ng babaeng `yun e.”

I caressed her hair. “It’s okay. Marami pa namang iba dyan e. Hindi lang ang kapatid ko ang lalaki sa mundo no. Wag ka na nga malungkot dyan.” Hindi dapat tayo magstick lang sa iisang lalaki. Pag may sabit na, wag na tayong umapela. Mahirap maging pangalawa.

“I know. But he is still my crush.”

“Ewan ko sa’yo.” Tumayo na ako. “Halika na nga sa classroom.” yakag ko dito. Napipilitan namang tumayo ito at kinuha ang mga gamit.

________________________________________
“Yes! Ganito ang broken hearted! Nakakaperfect ng quiz! Hahahaha.” Si Sam na nakatayo pa sa gitna ng klase. Tinatawanan tuloy ito ng mga kaklase namin.

Napapailing na lang ako habang nililigpit ang gamit ko. It was a long quiz. Parang exam na. I even have 3 mistakes. Kaya tuwang tuwa si Sam dahil siya lang ang bukod tanging nakaperfect ng quiz.

Iba pala nagagawa ng broken.

“Ahm, ano, Louisse..”

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Harold, class president namin.

“Yes. Mr. Uy?”

“Ahm.. Can I invite you to have dinner this tomorrow?”

Hmmm. “Okay.” ‘Cause why not? He’s smart and also good looking. And he’s rich!

Nagulat ito ng umuo ako. Hindi tuloy nito maitago na sobra itong masaya sa pag-oo ko.

“Sabi mo `yan. I pick you up at 6pm tomorrow! See you!” Ayun lang at nagmamadali na itong lumabas ng klase.

Wala na din kasi kaming susunod klase. Samakatuwid, it’s weekend and it’s time to party.

“Ay haba ng hair. My date ng sabado. Sana all.” Tukso sa akin ni Sam na kinikilig pa. Nakiayon naman dito ang iba pa naming kaklase na di pa umaalis sa classroom.

“Sama ka?” Inggit ko dito.

She rolled her eyes on me. “Tse!”

Tinawanan ko na lang ito. Nilabas ko ang phone ko at nagtext kay Arno na mauuna na akong umuwi. Alam ko naman na didiretso ito sa bahay nila Daddy.

“Hindi kayo sabay ni Arno uuwi diba? Want to have a dinner at my house?” Aya sakin ni Sam.

“Nakakahiya.”

“Aysus! Wag ka na mahiya. Walang hiya ka naman e. Lika na!” Tatawa tawa nitong kinuha na ang kamay ko.

“Siraulo ka talaga. Kaya friends tayo e. ” Sabi ko naman na nagpahila din. Mas masaya nang may kasamang magdinner kaysa nag-iisa.

“Hahaha. Don’t worry. Masarap magluto si mommy. Panigurado, hahanap-hanapin mo. Baka sa amin ka na tumira pag nagkataon.” Pagmamayabang ni Sam.

“Dapat totoo `yan ah.”

“Don’t worry my friend. You will taste sunshine!”

__________________________________
[LOUIE ARNO’s POV]

Papunta na ako sa bahay ni Daddy. Mukhang di na din ako nahintay ni Ann kasi maaga natapos ang klase nito. Gusto ko pa sana itong ihatid sa condo. Alam kong medyo di pa kami okay ng kakambal ko, lalo na sa nangyari kagabi.

When she had an outburst yesterday, I felt angry at myself. Akala ko nakakatulong ang ginagawa ko, ayun pala, mas lalo ko siyang nasasaktan.

I never saw her genuine smile and laugh since Mamila died. Yes, she smiles. Yes, she’s laughing. But she’s just faking it, I know. Wala nang makapasok sa pader na ginawa niya, kahit ako, na sariling kakambal niya.

My cellphone rang. It was daddy..

Sinagot ko iyon.

“Where are you? Nandito na si Yeye.”

“I’m near dad.”

“Hurry up. Yeye’s waiting.” At pinatay na nito ang tawag bago pa man ako makasagot.

Napabuntong hininga ako.

Binilisan ko na lang ang takbo ng kotse ko. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na din ako sa mansyon ng mga Tiu.

Agad agad akong bumaba ng kotse ko at naglakad papasok sa mansyon. Isa sa pinaka-ayaw ni Yeye ay ang pinaghihintay ito.

Nakarating ako sa dining room. Nandoon na silang lahat. Nakahain na din ang pagkain sa lamesa.

“I’m sorry I am late, yeye.” Hingi ko ng paumanhin saka umupo sa tabi nito dahil iyon na lang ang bakanteng upuan. Katabi ko si Selene na nakita kong umirap pa sa akin.

“How’s school?” Tanong agad nito.

“So far so good.”

Tumango-tango ito.

“I am planning to introduce you to the business society as the heir of Tiu Hotels.”

“Yeye!” Si Sandria na hindi makapaniwala sa narinig. Si Daddy naman, tahimik lang.

“Any problem, Sandria?”

“B-but how about Selene? She’s still the oldest.” Sandria cracks but still manage to ask.

Yeye look at Selene who lower her head. “She’s not even smart. I’m not even sure if she’s my real granddaughter. How could she not even graduate as top of her class. Walang bobo sa angkan ng Tiu!”

Hindi na naka-angil pa si Sandria. Tumahimik na lang ito. Hindi dahil sa ayaw nitong magsalita, kundi dahil natatakot ito sa kung ano pa ang pwedeng sabihin ni Yeye.

“As I was saying, I will introduce you as the heir, in a year’s time.”

“Dad, di ba masyado pang maaga? Louie’s not even graduate yet.” Si Daddy.

“It’s okay. He will graduate with the highest honor.” Tumango tango pa ito na parang nakikita na ang future ko. “And oh, before I forget, change your last name into Tiu. I don’t want my grandson to be known as someone’s name.”

Napakagat ako ng dila ko. Ayokong talikuran ang pangalan ng mommy ko. Ayokong makilala sa pangalang hindi naman ako.

“Okay. Enough for that, let’s eat.” Sabi ni Yeye.

“T-then how about Ann?” bigla kong naitanong.

Nailaglag ni Yeye ang kubyertos nito.

He look at me with sour look. Mukhang di nagustuhan ang sinabi ko.

“She’s not part of our family.” Matigas nitong sabi. “I don’t want any of you talking about her. Lalong lalo ka na Louie.”

Naikuyom ko ang palad ko.

Laging ganito ang nangyayari tuwing magkakasama kami. Nakakasakal dito. Parang di ako makahinga. Hindi din ako makakain ng maayos. Gusto ko na lang matapos agad para makauwi sa totoo kong pamilya.

It’s good for you, Ann. You don’t have to experience this stiffling atmosphere here. You don’t have to swallow your pride all over again. Dahil ang totoo, kung hindi ako lalaki at hindi din ako matalino, hindi din nila ako papansinin.

Ang hirap ng walang magawa. Ang hirap ng hindi malaya.

Kailan ba ako magkakaroon ng boses sa pamilyang ito? Kailan ko ba masasabi lahat ng nararamdaman ko? Kailan ba ako magkakalakas ng loob?

Kailan?


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

I’m a kontrabida, so what?! (Chapter 9)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.