LEY
SINA Bitina at Sheeren ang bumungad sa akin sa may cafe, pagdating ko rito.
“Hi, Ley!” masayang bati sa akin ni Bitina. Nakangiti pa ito ng abot hanggang tainga na para bang excited na excited na nakita ako. Si Shee na naman ay kumaway lang at ngumiti sa akin ng tipid.
Kumaway ako sa kanila sabay ngiti, at kaagad na lumapit sa kanilang lamesa.
“Nandito pala kayo?” tanong ko kay Tin at Shee nang makalapit ako sa kanilang lamesa.
“Yeah,” maarteng sagot ni Tin. “Me and Shee will return to Cebu tomorrow morning, that’s why we came here today. Where is Luna by the way? She’s not answering my call,” pabebeng tanong nito.
“Si Luna? Masama ang pakiramdam niya. Magpapaalam nga ako kay Dante na hindi ako kakanta ngayon. Hindi rin kasi sumasagot si Luna sa mga tawag ko, nag-aalala an ako,” sagot ko kay Tin.
“Ahm, I see, tell her na lang na dadaan kami mamaya ni Shee sa pad niya to see her before we get back to Cebu,” saad nito.
“Sure, Tin. Walang problema,” sagot ko rito matapos ay nagpaalam na ako sa dalawang upang puntahan ko si Dante.
“Hey pre, I have good news for you,” bungad ni Dante pagkakita nito sa akin. Sobrang excited ang boses nito na para bang jackpot ang balita nito.
“Ano yon?” masigla kong tugon rito.
“Remember, Shawn? Vocalist ng Moron 5 during college?” saad ni Dante.
Nag-isip ako sandali para maalala si Shawn. At naalala ko nga siya at ang banda nilang Moron 5. Acoustic songs ang tinutugtog nila dati noong college kami. Lagi rin namin silang nakakalaban kapag may battle of the band sa university namin. Magaling si Shawn pero ni minsan hindi natalo ng grupo nila ang grupo namin ni Dante sa college dati. Red Horse naman ang pangalan ng banda namin. Lagi kasi kaming nakainom kapag tumotugtog. Bukod pa roon ay lahat kami long hair noon, at ang isa sa amin ay naka blonde pa at laging lugay ang buhok, kaya binansagan kaming red horse ng mga fans namin na kalaunan ay amin naring tinangkilik.
“Oo naman, naaalala ko si Shawn, anong mayron sa kanya?” sagot ko kay Dante. Hindi pa rin nabubura ang excitement sa hitsura nito habang naghihintay sa sasabihin ko.
“Nakausap ko siya kagabi pagkatapos ng kasal, someone told him about the band and you,” Tumatango-tango lang ako habang nakikinig kay Dante. “You know what the good news is? He’s interested to you and Wanted to offer you a job in Manila. Nangangailangan daw kasi sila ng isa pang vocalist. Tamang-tama kasi diba luluwas ka?
“Woah!” pasigaw kong tugon pagkarinig ko sa balita ni Dante. “Good news nga, Pre! Maraming salamat, siguradong matutuwa si Luna,” Si Luna agad ang pumasok sa isipan ko. Mas na-excite tuloy akong umuwi para ibalita sa kanya ang good news.
“Wala ‘yon, pre atleast hindi kana mahihirapan maghanap ng trabaho doon at malaki ang kikitain mo sa banda nila dahil regular silang tumutogtog sa mga bar doon. Hey, where is Luna nga pala? Kanina pa naghihintay sina Bitina sa kanya,”
“Masama ang pakiramdam, napagod yata sa wedding kahapon. Magpapaalam nga sana ako kung pwede bang excuse muna ako,” saad ko sa kaibigan ko.
“No worries, pre. I hope Luna is doing fine,” sagot nito.
“Kanina ko pa siya tinatawagan hindi sumasagot, nag-aalala na nga ako,” saad ko.
“Don’t ovethink, okay lang siya,” sambit ni Dante. Sabay tapik sa aking balikat.
“Salamat, pre. Sige mauna na ako, usap na lang tayo bukas or sa telepono mamaya,” saad ko sabay kumaway na rin ako sa banda.
Kumaway naman sila pabalik.
“No problem, Ley. Sige ingat ka,” saad naman ni Dante.
Matapos ay bumaba na ako sa stage sabay tinungo ang table nila Bitina at nagpaalam na rin ako sakanila.
“What? hindi ka man lang ba iinom with us, Ley?” saad agad ni Bitina na dismayado ang hitsura. Nakataas pa ang kaliwang kilay at naka-pout ang labi.
“Pasensya na, si Luna kasi—” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pinagtabuyan na ako ni Tin.
“Go, just go!” saad ni Tin. Winiwisik-wisik pa nito ang kanyang kamay niya sa akin na parang isa akong pusang tinataboy. Napakamot-ulo tuloy ako.
Mabilis naman akong umalis matapos ko silang bigyan ni Shee ng masigla kong ngiti.
“Love, pauwi na ako. Okay ka lang ba? Anong
gusto mong dinner?” text ko kay Luna pagkalabas ko ng Cafe.
“Huwag ka na mag-abala pa Baby ko, nagluto ako ng ramen kanina. Nabitin kasi ako sa inalmusal natin para kasing ang sarap,” reply nito na may kasama pang smile at happy imoji.
“Okay, good to know. Mabuti naman at okay ka lang,” reply ko agad.
“Yeah, don’t worry I’m okay. Ingat sa pag-uwi,” reply din nito.
Matapos ay ibinulsa ko kaagad ang aking cellphon at sumakay sa aking motor sabay pinaharorot pauwi.
“Good evening, Sir.” bati ng guard sabay inabot sa akin ang isang susi. “Binilin ni Maam Luna,” saad pa nito.
“Ano?” may pagtataka kong tanong sabay kuha sa susi. “Umalis ba si Luna?”
“Oo Sir, kanina pang mga alas tres ‘yon,” saad nito.
“Ah, okay. Salamat boss,” saad ko sabay tinungo ang elevator at sumakay rito. May pagtatakang nabuo sa aking isipan kung bakit wala man lang sinabi si Luna na aalis ito?
Mabilis akong lumabas ng elevator nang mahinto ito sa floor ni Luna. Bumilis at lumaki ang aking mga hakbang papunta sa room nito, may pag-aalala kasing nabubuo sa aking kalooban kaya gusto kong bumilis ang mga pangyayari. Pagkabukas ko ng pintuan ng pad. Wala nga si Luna sa loob.
Ipinasyal ko ang mga mata ko sa loob ng pad, bukod sa wala si Luna ay napansin kong masyadong nakaayos ang loob ng pad. Nakita kong wala ang mga footwears nito sa may shoe rock sa may gilid ng pinto.
Napabuntong-hininga ako sa bilis ng pintig ng dibdib ko. Kinabahan ako sa nabuong conclusion sa isipan ko. Naisip ko agad na umalis si Luna at iniwan ako.
”Baka naglaba lang ng sapatos,” kako sa sarili ko.
Gusto kong patunayan na mali ang nasa utak kong umalis nang tuluyan si Luna at iniwan ako kaya mabilis kong tinungo ang closet nito. Mabilis ko itong binuksan at tumambad sa akin ang malinis at walang laman nitong closet. Tanging mga gamit ko lamang ang naroon. Napaupo ako sa sakit na naramdamdan ko. Kumikirot ang dibdib ko na para itong pinipiga. Napasandal ako sa closet dahil para akong hinugutan ng lakas. Nasapo ko ang aking ulo dahil bumibigat na rin ito sa sakit. Hindi ako makapaniwala na nagawa akong iwanan ni Luna.
Masakit isipin na wala lang kay Luna ang lahat ng pinagsamahan namin, na wala lang sakanya ang mga gabing pinagsaluhan namin, ang mga yakap, halik, pagmamahalan at mga pangako namin sa isa’t isa. Wala lang sa kanya ang mga paghihirap at sakripisyo ko maipakita lamang sa kanya na totoo ang inalay kong pag-ibig rito.
Gusto kong magwala sa sakit. Gusto kong sumigaw ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil para saan pa? Hindi naman nito maibabalik si Luna, hindi naman nito mababago ang katutuhanang iniwan na ako ni Luna ng tuluyan. Malinaw ang lahat, wala na siyang kahit isang gamit man lang na itinira sa pad at hindi niya sinasagot ang mga tawag namin. Nanatili akong nakasandal sa closet at nakatitig sa kawalan. Patuloy ako sa kakaisip kung paano nagawa sa akin ni Luna ang mga bagay na iyon. Papaano niya ako nagawang saktan at iwanan.
Ilang sandali naramdaman ko ang aking mainit na mga luha na dumadaloy sa aking
pisngi. Sa pangatlong pagkakataon natagpuan ko na naman ang aking sarili na luhaan, iniiyakang muli ang nag-iisang babae, si Luna.
LUNA
“FLIGHT 5J5443 BOUND TO MANILA—” sabi sa announcement sa may Laguindingan Airport, lagpas alas sais ng gabi. Bago ko hablutin ang aking bagahe upang sumampa sa eroplano palipad Maynila, dinukot ko muna ang simcard ng aking cellphone sabay hinulog ito sa may trashbin kasama ng paper cup ng ininom kong kape habang hinihintay ang aking flight. Pinagbubura ko rin lahat ng nasa cellphone ko na pwedeng mag-connect sa akin kay Ley. Pati ang mga social media accounts ko ay binura ko narin.
Habang nakapila ako sa long line of passengers na magbo-boarding rin patungo sa Maynila naisip ko na naman si Ley. Naisip kong marahil ay nasa pad na siya at nakita na niyang wala na ako roon. Napapikit ako dahil naninikip na naman ang dibdib ko sa sakit gawa ng ginawa kong pag-iwan kay Ley. Habang nakapikit ako ay naramdaman ko na naman ang mga luha ko na isa-isang nagsipagbagsakan sa aking magkabilang pisngi.
Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakagawa ng selfless desisyon. Selfish akong tao at kay Ley ko lang naramdamang magparaya. Sa totoo lang din sa lahat ng mga nakarelasyon ko, ngayon lang ako nasaktan ng totoo. Lahat ng mga naging break-up ko lahat may halong pagkukunwari na nasaktan ako dahil ang totoo nasaktan lang naman ako dahil sa kahihiyan at hindi ko kayang tanggapin na iniiwanan ako. Ngayon, kay Ley, walang halong kahit isang porsento man lang na pagkukunwari ang mga luha ko. Nasasaktan ako sa facts na kung kailan dininig ng panginoon ang hiling ko na makahanap ng taong mamahalin ako ng buo saka pa ako nakaramdam ng konsensya.
Ganito pala ang pakiramdman kapag nagmahal ka ng totoo, makakalimutan mong maging makasarili. Magiging handa kang masaktan upang protektahan ang damdamin ng taong mahal mo. Hindi deserve ni Ley ang masaktan kahit pa mahal niya ako at tanggap niya ang kakulangan ko.
Deserve niyang palayain at hayaang maging masaya, kahit pa naniniwala siyang may pag-asa ang relasyon namin, na may lunas ang karamdaman ko at may katapusan ang pinagdadaanan ko.
Ang katulad kong manggagamit, manluluko at makasarili ay hindi nararapat na mahalin. Marami pang hindi alam si Ley patungkol sa akin at sa ayaw at sa gusto ko malalaman at malalaman din niya ang lahat ng mga iyon, at ayaw kong masakatan siya at magdusa dahil lang sa pagiging makasarili ko.
Hindi alam ni Ley na hindi basta simpleng depression lang ang karamdaman ko, dahil bumibisita pa rin ako sa aking therapist, na under medication ako at nag ti-take pa rin ako ng gamot ko kontra depression at grief anxiety; Hindi alam ni Ley na nagtangka akong mag pakamatay after college dahil hindi ko matanggap ang sitwasyon ko at hindi ko matanggap na iniwanan ako ni Harold pagkatapos ng tatlong taon naming relasyon; At Hindi alam ni Ley, na nagkaroon ako ng mental illness matapos akong mag-seizure dahil sa pagtatangka kong magpakamatay na siya rin dahilan ng aking nightmare anxiety at sleep disorder.
Nagising na lang ako sa hospital na hindi alam ang nangyari at wala sa sarili. I was in a state of unconciousness for three days and under full medication for six months. Nang maka-recover ako saka ko lang naalala na nagtangka pala akong magpakamatay. Umiinom ako ng anti-depressant pills without prescription kaya nag-breakdown ako at nag-seizure.
After six months of medication saka lang ako pinayagan ng parents ko na magtrabaho in a condition that I will regularly visit my Doctor at iinomin ko ang maintenance pills ko dahil kapag hindi ko iyon ginawa at nagkasalit ako ulit ay ikukulong nila akong muli sa bahay and I hate it dahil hindi nila ako pinapahawak ng phone. Tv and books lang ang libangan ko. No any kind of social media attachement, mas nakakabaliw iyon at nakakadepress.
They offer me to get a writing courses for me to pursue my writing career but I refused. I want to breathe and explore my capacity and be indepenent so I ended up in call center, and the job suits me well of course, hindi rin naman ako makatulog sa gabi, so instead of starring all night mas mabuting magtrabaho na lang ako.
Ilang sandali ay nasa loob na ako ng eroplano. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata habang hinahayaan kong mangilid ang aking mga luha rito. Ayaw kong matanaw ang lugar na pinanggalin ko mula sa bintana ng eroplano dahil tiyak na masasaktan lang ako, kaya nanatiling nakapikit ang aking mga mata hanggang sa hindi kami nakarating sa himpapawid. Buo na ang loob ko na iwanan ang lugar na iyon at si Ley. Kakayanin ko kahit gaano pa ito kasakit para sa lalaking nagpasaya sa akin nang sobra at nagmahal sa akin ng totoo.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





