LUNA
HALOS mag-iisang oras na akong nakahiga sa aking kama mula nang makaalis si Ley. Yakap-yakap ko ang unan na ginamit nito upang sariwain ang presensiya nito sa aking kama. Laking tuwa ko talaga dahil napapayag ko siya mag-sleep over sa akin.
Bahagya kong inilapit sa aking mukha ang yakap kong unan ni Ley sabay nilanghap ko ito ng matagal. Gusto ko kasing maramdaman pa ang aura ni Ley sa aking pad. Mabuti na lang at nasa unan pa rin nito ang amoy niya, kaya naman pikit mata kong inamoy pa ito ng matagal na tila isang santo ang gumamit nito at magbibigay ito ng lunas sa aking karamdaman.
Wala namang espesyal sa amoy ni Ley, amoy ordinaryong lalaki lang ito. Sadyang gusto ko lang mag-sink sa akin na katabi ko siyang natulog kagabi.
Matapos ang ginawa kong pag-amoy sa unan na iyon ni Ley, ibinalik kong muli ito sa sa aking mga bisig. Niyakap kong muli ito at ipinikit ang aking mata sabay sinariwa kong muli ang gabing iyon na kasama ko siya. Lubos ang kasiyahan na nadarama ko sa nangyari. Feeling ko, for two hundred million years doon lang ulit ako nakatulog nang ganoon katagal at kapayapa. Kaya naman naisip kong gumawa ulit ng susunod kong hakbang upang mapapayag si Ley na makitulog ulit sa akin.
Nang mapansin kong halos tanghali na, dali-dali akong bumangon mula sa aking higaan at nagsimula na akong maghanda upang tumungo muli sa cafe ni Dante. Aakitin ko ulit si Ley para makitulog ulit ito sa akin. Naisip ko na kung araw-araw ko siyang mapapaniwala na may future kami sa kama magagawa kong maitawid ang buong buwan na hindi inaatake ng aking karamdaman.
Naiisip kong kapag hindi ko ito nagawa, siguradong magmumukha akong bampirang stress sa kasal ni Maureen. As much as possible ayokong pagtawanan ulit at masabihan na zombie tulad noong ikasal si Shee.
Kulay itim na fitted dress na hanggang legs tapos half leg at off shoulder ang isinuot kong damit sa araw na iyon. Simpleng tali sa buhok para open view ang aking balikat, leeg at upper part ng aking dibdib. Sisiguraduhin kong maglalaway ulit sa akin si Ley at mapapasunod ko ulit ito na makitulog muli sa akin.
Wala pang alas sais nang gabi nasa cafe na ako ni Dante. Umupo muli ako sa may sulok ng cafe kung saan ako naupo kahapon. Ilan pang sandali, dumating na rin si Ley sa cafe at tulad kahapon, lumapit muli ito sa aking table at nag-alok ng dinner. Same dish ulit ang kinain namin, sandwich sa akin at burger sa kanya. Nagpa-demure ulit ako just like yesterday, at tulad rin kahapon, napapayag ko ulit si Ley na makitulog ito sa akin.
Halatang kilig na kilig na naman si Ley habang magkausap kami sa aking table katulad kahapon dahil hindi na naman ito mapakali sa inuupuan nito, hindi na naman ito makapagsalita nang maayos at para na naman itong ewan na parang may kung anong ibinubulong ito sa kaniyang sarili.
“Ah, Luna, may gusto ka ba ulit na ikanta ko para sa iyo?” Tanong ni Ley sa akin habang nakatitig ito sa akin ng malalim at hinuhuli ang aking mga mata.
Tumingin din ako nang deretso sa mga mata nito.
“Any Juan Karlos song will do,” mahina at tipid kong sagot sabay ngiti ko rin nang tipid rito.
Iyon ang style ko para mas lalong nauuhaw sa akin si Ley—demure style.
Pagkatapos ay umakyat na si Ley sa mini stage at nagsimula na silang tumugtog. Nagpalakpakan muli ang mga tao sa loob ng cafe na para bang sabik na sabik silang makinig sa tugtog nina Ley na akala mo ay hindi nila ito narinig kahapon. Gano’n daw talaga ang mga tao sa cafe, hindi nagsasawa na makinig sa kanilang musika. Karamihan daw ng customers nila ay regular sa cafe. Sa tatlong gabi nga rin na pagtatambay ko rito, kaunti lang ang nakita ko na new face.
Pinakahuli sa playlist nina Ley ang Juan Karlos Band. “Kalawakan” ang tinugtog nila.
Napaka-sexy na naman ng rendention dito ni Ley. Tulad kahapon, isang malalagkit na titig ulit ang natanggap ko mula sa mga mata nito, lalo na sa mga lines na,
“Ako ang iyong ilaw, kaya huwag nang matakot,”
“Oh aking ilang tayo ay lulutang,”
“O kalakawan! Oh aking ilaw, di ka pakakawalan.”
“Mukhang hulog na talaga si Ley Ramos sa akin,” saad ko sa aking sarili habang kumakanta ito at nakatitig kami sa mga mata ng isa’t isa.
Nang matapos ang jamming, same routine ulit kami ni Ley katulad kahapon. Dumaan ulit kami sa may Starbucks bago umuwi sa pad, uminom ng kape at nagkwentuhan doon ng mga random topic.
Pagdating namin sa pad, binuksan ko ulit ang bintana at kurtina tapos pinatay ko ang ilaw. Tulad rin kahapon sinadya ko ulit na tanggalin ang suot kong damit pati ang mga suot ko na panloob in slow motion malapit sa aking closet kung saan tanaw ako ni Ley mula sa kinauupuan nito.
Nang masigurado kong bahagya ulit itong naglaway sa aking katawan nagtapis ako agad ng aking tuwalya nang sa gano’n ay mabitin ito at hanap-hanapin nito na masilayan muli ang aking katawan.
Pagkapasok ko sa may CR, nag-half bath na agad ako upang makatulog nang maaga. Excited kasi ako na makatulog ulit nang payapa at matagal.
Matapos akong maligo, naglagay naman ako ng aking body oil na jasmine sa aking katawan.
“Dapat mabango pa rin ako kahit sa pagtulog upang mas lalong mahumaling sa akin si Ley Ramos,” saad ko sa aking sarili habang isinusuot ko ang aking manipis na pajama na kulay puti.
Paglabas ko mula sa CR sinabihan ko si Ley na ‘feel at home’ at ‘sumunod na lang ito sa higaan dahil matutulog na ako’.
Habang nakahiga ako sa aking kama at nakapikit narinig kong lumabas na si Ley mula sa banyo. Ilang sandali ay naramdaman ko itong nahiga sa aking tabi. Tulad rin kahapon behave ulit ito at hindi ako sinusubukang hawakan.
“Kahit ngayong gabi lang, Luna,” bulong sa akin nang mahinang boses ni Ley na siyang nagpadilat sa aking mga mata.
Tumingin ako sa kanya at tumititig din ito sa akin pabalik. Nagtitigan kami ng humigit kumulang dalawampong segundo.
“Remember, Mr. Ley Ramos, no touching,” saad ko rito sabay binigyan ko siya ng demure kong ngiti.
Naramdaman kong saglit nitong sinulyapan ang aking labi bago ito sumagot ng sarcastic smile. Siya namang nagpakagat sa akin ng aking lower lip. Pakiramdam ko kasi, may kung anong malakas na kuryente mula sa mga mata ni Ley ang humihila sa aking mga labi patungo sa kaniyang tila nagmamakaawang bibig.
Patuloy pa rin ang paghatak sa akin ng kakaibang kuryente na iyon na nanggagaling kay Ley hanggang sa hindi ko namalayan na napatagilid ako ng position paharap sa kanya. Matapos ay natagpuan ko na lang ang aking sarili na inilalapit ko ang aking mukha sa balikat nito. Para kasing gusto ko ulit malanghap ang amoy ni Ley. Pakiramdam ko kasi, napapayapa ako ng amoy nito.
“Miss, magkakasakit na talaga ako sa ginagawa mo,” mahina nitong daing na hirap pa rin ang boses.
Hindi ko tuloy napigilan na mapahalaklak nang malakas sa sinabi nito lalo na sa facial expression nito na tila nagmamakaawa na ito sa akin upang itigil ko na ang ginagawa kong pang-aakit dito.
“Ayaw ko nga.” Pangaasar kong isinagot dito sabay itinaas ko ang braso nito at isinilid ko ang sarili ko sa kanyang bisig.
Ramdam ko ang pagkailang ng katawan ni Ley sa ginawa ko dahil parang napaurong ito sa kaniyang hinihigaan. Mukhang desidido talaga ito na pinanindigan ang ‘no touch’ na ipinangako nito sa akin dahil hindi man lang nito iginalaw ang mga kamay nito.
Pagkatapos ay isinandal ko sa kaniyang balikat malapit sa may dibdib nito ang ulo ko sabay ipinatong ko ang aking kaliwang braso sa may bandang puson nito.
Ramdam ko ang mainit na katawan ni Ley pati ang malalakas nitong hininga. In fairness, behave pa rin ito at walang ginagawa. Hindi ko ini-expect na mabait pala si Ley. All this time akala ko siya iyong tipong tirador sa kama na walang palalagpasin na gabi na hindi nito nakukuha ang gusto nito sa isang babae.
Dahan-dahan kong itinaas ang aking mukha sa leeg ni Ley at marahan ko itong inamoy-amoy ulit. Naramdaman kong napahinga na naman ito nang malakas sa ginawa ko sa kanya. Naaamoy ko na rin pati ang hininga nito. Mainit ang hininga ni Ley na amoy pinaghalong toothpaste na mint at yosi. Nakakapayapa ang amoy nito, parang gusto ko na agad matulog sa mga bisig nito.
Hanggang sa unti-unti na akong nakakaramdam ng antok habang nakasiksik pa rin ako sa mga bisig ni Ley.
“Luna, okay lang ba kung gagawa ako ng scene dito? Hindi ko na kasi mapigilan, nagwawala na kasi ang tandang kaya kailangan kong mailabas ang sama ng loob nito,” bulong ni Ley sa akin na mahina at hirap pa rin ang boses nito.
“Malaya kang gawin ang gusto mo basta huwag lang akong magising,” sagot ko rito at sinabayan ko pa ito ng ngiti sa aking mga mata.
“Gusto mo bang tulungan kita na mairaos ‘yan?” Tanong ko rito sabay turo ko sa gitnang parte ng katawan nito na natatabunan ng kaniyang boxer.
Agad naman nanlaki ang mga mata ni Ley pagkarinig nito sa sinabi ko.
“Joke lang,” pagbawi ko agad sa sinabi ko. “Sige goodnight na, huwag kang mag-ingay ha?” Sabay ipinikit kong muli ang aking mga mata.
PAGKAGISING ko kinaumagahan mahimbing na mahimbing na natutulog si Ley. Ang amo ulit ng mukha nito habang tulog katulad kahapon.
“Hindi lang pala boses ang sexy kay Ley, sexy din siya kapag tulog,” saad ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ko ang maamo nitong mukha.
Gusto ko tuloy hawakan ang mukha nito pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka magising ko ito. Alam ko kasi na hindi ito nakatulog kagabi. Kumayod marahil ito nang husto upang mairaos ang sama ng loob ng kaniyang c**k. Napahagikhik tuloy ako habang ini-imagine ko ang ginagawa nito kagabi. Na-imagine ko siyang kinakalikot nito ang kaniyang tandang sa aking tabi.
“My God, self, anong klaseng karumihan ang nasa utak mo?” Pananaway ko sa aking sarili mula sa wild kong imagination about Ley.
Pinagmasdan ko na lang ang mukha ni Ley habang natutulog ito nang sa gano’n ay mawala ang mga maruming nilalaman ng utak ko tungkol rito.
May hitsura naman si Ley, nakatago nga lang ito dahil mahiyain ang beauty nito. Moreno siya, maliit ang mukha at matangos din naman ang ilong nito. Sadyang mas mauuna mo lang talaga mapansin ang katawan nito dahil sa matipuno nitong pangangatawan na halatang natural ang build up, at syempre ang boses nito na sigurado ako na walang kahit sinong babae ang hindi rito matatangay.
Katulad rin kahapon, pagkagising ni Ley, umalis agad ito dahil hindi raw ulit nito kayang magtagal pa sa pad. Same reason, baka tuluyan na raw siyang masiraan ng bait dahil sa pagtitimpi nito na galawin ako.
LEY
HALOS namamaos na ang boses ni Papa sa kakasigaw nito sa labas ng aking kwarto na siyang ikinabulabog ng aking tulog.
“Ley bumangon ka na riyan at gabi na!” Muling tawag sa akin ni Papa sa may pintuan.
Sinabayan pa niya ito ng malalakas na katok sa may pinto. Lalo tuloy nadagdagan ang sakit ng aking ulo na kaninang umaga ko pa iniinda.
Mga bandang ala-sais na nang gabi nang tingnan ko ang oras sa aking cellphone.
“Nakatulog pala ako ng sobrang haba,” kako sa sarili ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako agad pagdating ko mula sa pad ni Luna dala nang sakit ng ulo dahil sa puyat. Napuyat na naman kasi ako kagabi sa ginawa kong pagraos sa aking sarili buong magdamag matapos akong tulugan na naman ni Luna.
Nakakaramdam pa ako ng kaunting pagkahilo habang tinutungo ko ang pintuan ng aking kwarto upang pagbuksan si Papa.
“Hindi ka ba papasok ngayon? Maghahatinggabi na kaya!” Bungad ni Papa sa akin sa may pintuan na inis na inis ang hitsura.
Agad rin pumasok sa loob ng kwarto ang amoy ni Papa na amoy alak. Lalo tuloy nadagdagan ang aking pagkahilo.
Pakiramdam ko, kahit ilang paligo pa ang gawin ni Papa hindi pa rin matatanggal dito ang amoy nitong alak sa sobrang pagkalunod niya rito.
“Maka hatinggabi naman kayo parang ala-sais pa lang,” sagot ko rito habang nakakunot ang aking noo sa sobrang sakit ng aking ulo.
“Anong oras ba ang pasok mo?” Mas lalo pang uminis ang boses ni Papa.
“Six,” tipid kong isinagot dito.
“Six? Oh, ano pang hinihintay mo!? Lagpas six na nga, oh! Hoy, Ley! Huwag kang tatamad-tamad! Mamaya mawalan ka pa ng trabaho! Sa pagbabanda mo na nga lang tayo umaasa papabayaan mo pa!?” Pagsesermon pa ni Papa sa akin.
“Ngayon lang naman, Pa, hindi kasi ako nakatulog kagabi,” sagot ko rito sabay hila ko sa aking tuwalya na nakasabit sa may likod ng pinto.
“Nag-inom ka na naman ba, Ley!?” Tanong muli nito sa akin.
“Hindi, napuyat lang.” Sagot ko ulit habang papunta ako sa may pintuan ng aking CR.
“Babae na naman? Hanggang ngayon babae pa rin? Sinasabi ko sa ‘yo Ley, huwag mong ubusin ang oras mo sa babae, tingnan mo ang mama n’yo iniwan din tayo at ipinagpalit sa lalaki n’ya!” Dugtong pa ni Papa sa sermon nito sa akin.
Bago pa mapahaba ang hugot ni Papa ay sinabihan ko na ito na maliligo na ako sabay pasok sa loob ng banyo.
Habang ako ay naliligo napagdesisyonan ko na sa gabing iyon kapag wala pang nangyari sa amin ni Luna titigilan ko na ang paghahabol at pagpapauto ko rito. Tama si Papa, wala naman kasi akong mapapala sa babae na iyon bukod sa sakit sa puson at ulo kapag hinayaan ko pa ang ginagawang pangbibitin nito sa akin.
Pero gusto ko naman talaga si Luna at hindi lang naman katawan nito ang habol ko sa kanya kung hindi ang kaniyang buong pagkatao. At saka who knows kami pala ang nakatadhana para sa isa’t isa at siya pala ang hinihintay ko kaya wala akong nagugustuhan na babae since mawala kami ni Bitina.
Kaya naisip kong magtapat na lang kay Luna ng aking feelings dito. Marahil traditional type na relasyon ang gusto nito, iyong tipong liligawan mo siya tapos magiging magsyota kayo, at doon na may mangyayari sa inyo. Inosente kasi si Luna kaya baka hindi ito aware sa one night stand.
Pagkatapos kong maligo, nag-spray ako nang aking pabango.
“Dapat lagi akong mabango upang mas lalo akong magmukhang poging-pogi kay Luna.” Napapangisi pa ako habang sinusuri ko ang aking sarili sa salamin.
Masakit pa rin ang aking ulo at medyo nahihilo pa ako pagdating ko sa cafe mga alas syete y media na nang gabi. Kaagad hinanap ng aking mga mata si Luna sa loob ng cafe at laking gulat ko nang makita ko na wala pa si Luna sa usual nitong lamesa.
“Ano kaya ang nangyari doon?” Tanong ko sa sarili ko.
May kung anong pag-aalala ang naramdaman ko sa pagkawala ni Luna sa cafe.
“Dre,” tanong ko sa isang crew sa cafe. “Nakita mo ba kung pumarito si Luna? Iyong babae na kasama ko lagi na nakaupo sa banda roon?” Sabay turo ko sa bandang inuupuan ni Luna.
Tanging iling lang ang natanggap ko sa crew na iyon.
Gusto ko sana i-message si Luna sa messenger nito kung bakit hindi ito pumunta sa cafe dahil pakiramdam ko may nangyaring hindi maganda rito kaya hindi ito nakapunta.
Akmang dudukutin ko na sana ang aking cellphone mula sa bulsa ng aking pantalon upang i-chat si Luna ngunit bigla akong nagdalawang-isip na gawin iyon. Naisip ko kasi na huwag ko na lang itong i-chat nang makapagpahinga na rin ako sa kakapuyat. Isa pa, magkakasakit lang naman talaga ako sa kanya.
Pero hindi pa rin ako mapakali, feeling ko, hindi ako inspired na tumugtog dahil wala si Luna. May kung anong kulang kasi sa cafe dahil wala ang presence nito. Isa pa gusto ko rin talagang makita si Luna, kahit hindi pa nito ako isama sa pad nito, ang masilayan lang ang kaniyang matatamis na mga ngiti at masulyapan ang mga mata nitong mapupungay ay sapat na sa akin.
Alas otso na nang gabi at wala pa rin si Luna. Mabigat na mabigat ang aking pakiramdam nang maghahanda na kami upang tumugtog.
“Pre,” tugon ko kay Dante. “Pwede bang mamayang alas nuwebe na tayo mag-jamming? Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko.”
“Magpahinga ka na lang ngayon, Ley. Kami na ang bahala, nag-rehearse naman kami kanina, akala kasi namin hindi ka darating,” saad ni Dante nang makita nitong wala si Luna sa pwesto nito.
Mukhang nahulaan yata ni Dante na si Luna ang dahilan kung bakit cold ang mood ko nang oras na iyon.
“Salamat, pre, sa next set na lang ako papasok nang makapagpahinga na rin muna ako,” sagot ko rito.
“Walang problema, take your time,” saad muli ni Dante sabay tapik nito sa may kaliwa kong balikat.
Nang matapos ang first session ng jamming wala pa rin si Luna, hanggang natapos na rin ang second set, lagpas alas diyes na nang gabi wala pa ring nagpapakitang Luna sa loob ng cafe.
Magkahalong pag-aalala at pagka-miss ang nararamdam ko sa hindi pagpapakita ni Luna sa cafe.
“Bakit ba ako nag-aalala sa babaeng ‘yon? Sino ba siya sa buhay ko?” Paninita ko sa aking sarili sa nararamdaman kong pag-aalala kay Luna.
“At saka bakit ko ba naiisip yon? Wala naman akong napapala doon bukod sa pagpapalaway at pangbibitin nito sa ‘kin.”
“Kape na lang sa ‘kin ngayon, pass muna ako sa beer,” tugon ni Dante sa alok ng waiter na beer sa amin.
Kaagad na pumasok sa aking isipan ang Starbucks pagkarinig ko sa salitang kape.
Kaya agad akong nagpaalam kay Dante upang magtungo sa may Starbucks para tingnan kung nandoon si Luna. Nagbabakasakali ako na pumasyal ito roon para kumuha ng kape.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





