A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

Just For Tonight (Chapter 6)

NANG makarating ako sa may Starbucks, mabilis akong pumasok sa loob nito at pinagala rito ang aking mga mata. Nakaramdam ako agad ng lungkot nang mapansin kong wala rin si Luna rito.

Imbis na umuwi at tanggapin na lang na hindi ko talaga makikita si Luna nang gabing iyon, nakaramdam ako ng pag-aalala sa kanya. Alam ko kasi na may mali. Masayahin na tao si Luna at hindi sobrang kill joy, kaya alam kong may nangyaring hindi maganda rito na siyang dahilan kung bakit hindi siya nakarating.

Naisip kong puntahan na lang si Luna sa pad nito. Dadalhan ko siya ng kape, haharanain ko siya at doon magtatapat na ako ng aking nararamdaman para sa kanya. Sasabihin ko sakanya na mahal ko na siya at kung bibigyan niya ako ng pagkakataong maging nobyo nito handa akong mahalin siya ng buong puso at pagsilbihan.

Kaagad akong lumapit sa bartender area at kumuha ng dalawang Caramel Machiato; Paboritong kape ni Luna. Matapos ay tumungo ako agad sa cafe upang daanan ang aking gitara saka ko tinungo ang pad ni Luna.

Nang makarating ako sa pad ni Luna, kumatok ako agad sa pintuan nito.

“Sino ‘yan?” ani Luna sa loob ng kanyang pad.

Parang natuwa ang buong katawan at kaluluwa ko nang marinig ko ang boses ni Luna. Pati boses nito sobrang na-miss ko rin.

“Si Ley ito, Luna,” mahina kong sinabi habang nagdadasal na sana pagbuksan niya ako.

Bumukas naman agad ang pintuan.

Tumambad sa akin ang nakakasilaw na legs ni Luna habang nakatayo ito sa may pintuan at nakatingin sa akin. Napa-wow ako sa isipan ko. Pang-itaas lang ang suot ni Luna, ang kanyang puting pajamang de-butones.

Sobrang puti ng mga legs ni Luna. Mas lalo itong pinatingkad ng ilaw sa labas ng pad na nakatapat sa kanya habang naka-turn off ang ilaw sa loob ng pad nito. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mapatitig sa mapuputi at malulusog nitong mga hita. Sa sobrang kinis din nito nagpabalik-balik ang paningin ko rito.

“Kahit legs lang siguro ang ihain sa akin ni Luna ngayong gabi ay sobrang okay na sa akin,” ani ko sa sarili.

Naaaninag ko rin ang bilugang dibdib ni Luna sa kanyang manipis na pang-itaas. Wala itong suot na panloob kaya bakat na bakat ang dibdib nito sa kanyang suot na silk na kulay puti. Parang ang sarap tuloy tanggalan ng butones ang pajama nito.

“Dinalhan kita ng kape, Luna,” Sabay abot ko ng kape sa kanya.

“Thanks,” sagot ni Luna. Sabay inabot ang kape.

Matapos ay hindi na ulit nagsalita si Luna. Nakatayo lang siya sa may pintuan at hinihintay kung anong sasabihin ko. Hindi man lang ito nag-alok na papasukin ako sa loob ng kanyang pad. Alam kong si Luna ang ang pinakamanhid na tao sa mundo, ngunit hindi ko inaasahan na siya rin ang pinaka-hard. Totoo siguro ang pinangcha-chat ko sa kanya noon na galit siya sa mundo at boring ang s*x life nito.

Habang nagtititigan kami ni Luna, napansin kong mapula ang mga mata nito na parang galing ito sa pag-iyak. Napansin ko rin na magulo ang buhok niya na parang may nakasabunutan.

“Luna, ayos ka lang ba?” tanong ko rito.

Tumango lang ito sa akin ng tipid na hindi pa rin nagsasalita.

Nararamdaman ko na may pinagdadaanan si Luna kahit hindi niya sabihin. Nakikita ko ito sa kanyang matamlay na mga mata at sa katahimikan na bumabalot sa kanya. Mas lalo tuloy akong nagkaroon ng sapat na dahilan upang samahan si Luna sa gabing iyon, hindi dahil gusto kong malaman ang pinagdadaanan nito kung hindi dahil gusto kong magawang mapagaan man lang ang kalooban nito.

“Makikitulog sana ako sa ‘yo ngayon, Luna kung okay lang sa ‘yo?” tanong ko rito.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa dahil desidido na ako na damayan si Luna nang gabing iyon.

Tumango lang sa akin si Luna pagkarinig nito sa sinabi ko, matapos ay bumalik na siya sa loob ng pad. Hinayaan lang nito na bukas ang pintuan para sa akin. Pumasok naman ako agad sa loob sabay isinara ang pinto.

Umupo ako sa tapat ni Luna habang tahimik itong nakaupo sa may lamesa sa may bintana. Dahil hindi pa rin ito nagsasalita, naisip kong kantahan na lang muna siya.

Kinuha ko ang aking gitara at sinimulan ko na siyang kantahan. Demonyo ng Juan Karlos Band ang ikinanta ko.

Tahimik lang si Luna na nakikinig sa aking tugtog habang humihigop ito ng kanyang kape. Kahit wala siyang sinasabi nararamdaman ko na medyo gumaan ang pakiramdam niya dahil medyo ngumingiti at nagkakabuhay ng kaunti ang mga mata nito.

Pagkatapos kong tumugtog, tumayo si Luna sabay sinabihan akong sumunod na lang daw ako sa higaan dahil matutulog na ito.

Nang makahiga na si Luna sa may kama at namaluktok na kasama ng kanyang makapal na comforter, tumayo rin ako at tinungo ang banyo.

Matapos kong maghugas dumeretsu ako sa may higaan. Tanging boxer lang ang suot ko dahil wala naman binigay sa akin si Luna na pangpalit kaya naiilang ako ng kaunti na tabihan siya sa kama. Umupo muna ako sa gilid ng kama sabay sumandal sa may ulunan nito. Papakiramdaman ko muna kung tulog na ito saka ako lalatag sa kama.

Nakatagilid si Luna at nakatalikod sa akin. Alam kong gising pa siya kaya naisip kong magpapansin. Hindi kasi ako mapakali. Nag-aalala talaga ako sa kanya, desperado akong damayan siya sa pinagdadaanan niya at pagaanin ang loob nito.

Kaya naisip kong kantahan ulit ito. Alam ko kasing cheer pill ni Luna ang boses ko. Kumanta ako ng “Buwan” ng Juan Karlos Band na walang gitara, acapella.

“Ako ‘y sayo, ikaw ay akin, ganda mo sa paningin, ako ngayo’y nag-iisa, sana ay tabihan na.”

Pagkarinig ni Luna sa akin, humarap ito sa akin at mabilis niyang isiniksik ang kanyang sarili sa aking katawan katulad kahapon na para bang takot na takot ito. Ipinatong nito sa akin ang kaliwa nitong braso sabay niyakap ako nito ng mahigpit.

Niyakap ko rin si Luna ng sobrang higpit. Kinalimutan ko muna ang no touch policy namin dahil gusto kong iparamdam sa kanya na nandito lang ako sa tabi niya, na handa akong damayan at mahalin siya.

First time kong mayakap ang katawan ni Luna ng buong-buo. Ang lambot ng katawan nito, para akong nakayakap sa isang napakalambot na unan na yari sa pinong-pinong bulak. Heaven.

“Gusto mo ba ako, Ley?” biglang tanong sa akin ni Luna habang magkayakap kami.

“Sana laging ganito, may kayakap,” sa isip ko, “Ang saya talaga.”

“Ley, gusto mo ba ako?” tanong ulit ni Luna sa akin habang tuwang-tuwa pa rin ang aking kalooban dahil yakap-yakap ko si Luna.

“Hindi ba obvious na gusto kita, Luna? Nagtitiis na nga ako sa no touch policy mo, eh. Hindi pa ba sapat iyon?” Gusto ko sanang isagot kay Luna sa tanong niyang iyon, pero syempre hindi ko sinabi. Wala kasi sa lugar dahil may pinagdadaanan nga ang tao.

Pabulong kong sinabi rito na, “Hindi lang kita basta gusto, Luna dahil gustong-gusto kita.”

Paulit-ulit kong ibinubulong sa kanya ang mga salitang iyon habang isinisiksik ko pa siya sa aking dibdib nang mas mahigpit.

Gusto kong maramdaman ni Luna ang kahulugan ng salitang gusto ko siya kahit sa simpleng paraan man lang, katulad ng pagbibigay rito ng mainit na yakap upang mabigyan siya ng assurance na hindi siya nag-iisa.

Nang bigla kong narinig na humahagulgol na pala si Luna.

So, tama pala ang hinala ko na umiiyak itong si Luna kanina, kaya pala mapula ang mga mata nito.

Hinigpitan ko lang ang pagkakayakap ko kay Luna habang hinahagod ko siya sa kanyang likod at buhok. Iyon lang talaga kasi ang alam kong pwede kong gawin nang mga oras na iyon upang maiparamdam ko sakanya na karamay niya ako sa kung anumang pinagdadaanan nito.

Nang biglang dahan-dahan kumalas si Luna mula sa pagkakayap ko sakanya, sabay umahon siya mula sa kama.

Nakatitig sa akin ang basang-basa nitong mga mata.

Nabigla ako nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng kanyang puting pajama habang nakaupo siya malapit sa akin.

Na-speechless ako.

Hindi pa rin ako makapagsalita nang marahang inalis ni Luna mula sa kanyang katawan ang kanyang suot na pang-itaas.

Napalunok ako nang lumantad sa aking harapan ang matagal ko nang pinapangarap, ang kabuoan ng dibdib ni Luna.

Napa-shit ako sa sarili ko nang makita ko kung gaano kaganda ang hinaharap ni Luna. Pakiramadam ko, ang mga mata ko na ang nahiyang tumitig rito. Hindi siya large size, pero masasabi kong perfect ang laki at hugis nito. Bilugan ito at medyo mamula-mula ang kulay ng kanyang mga cherry top. Walang lalaking magdadalawang-isip na angkinin ito.

Naramdaman kong bumibilis ang aking bawat paglunok dahil hindi ko na talaga kinakaya ang nakikita ko sa aking harapan. Para akong bumalik sa pagiging teenager na first time makakita ng boobs.

At napa-pashit na naman ako sa sarili ko dahil natotorpe na naman ang buong kalamnan ko kay Luna.

Speechless pa rin ako, pero naglalaro na sa isipan ko ang gusto kong gawin sa katawan ni Luna. Gusto kong mahawakan ng mga nag-iinit kong mga kamay ang bawat parte ng katawan nito. Walang ni isang balahibo nito ang hahayaan kong makawala sa aking mga kamay kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon. Hindi talaga ako makapaniwala na ganoon kaganda ang katawang iyon ni Luna sa ilalim ng puti nitong pajama.

Para siyang dyosa sa isang k-drama series.

Para siyang anghel na walang damit. Napaka-flawless at mukhang napaka-soft ng katawan nito. Pakiramdam ko, kapag hinawakan ko ang balat nito ay sasama na ito sa kamay ko sa sobrang lambot.

Kahit hindi nagsasalita si Luna habang nakatitig pa rin sa akin ang luhaan nitong mga mata, alam ko at naiintindihan ko ang gusto niyang gawin ko sa kanya. Alam kong gusto niyang angkinin ko siya sa gabing iyon.

Gustong-gusto ko na nga rin talagang ihaplos ang matagal ko nang pinipigilang mga kamay sa nakatiwangwang nitong katawan sa harapan ko ngunit hindi ko talaga magawang igalaw ang mga ito. Nararamdaman ko kasing hindi tama ang mga nangyayari.

Nakatitig pa rin sa akin si Luna habang sunod-sunod nang dumadaloy ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata sa kanyang magkabilang pisngi.

Basang-basa na ang buong mukha ni Luna nang kanyang luha kaya nag-alanganin talaga akong gawin sa kanya ang gusto niyang mangyari.

Hinila ko ng malumanay palapit sa akin si Luna sabay isinilid ko ulit siya sa aking mga bisig.

Wala na rin kasi akong naiisip na gustong gawin kay Luna kung hindi ang ipadama lang sa kanya na gusto kong mapagaan ang kanyang kalooban at maibsan ang kung anumang bumabalisa sa kanya.

Sa hindi ko malaman na dahilan mas napahagulgol na naman ito ng malakas.

Iyon nga, mas pinili kong hayaan si Luna na umiyak sa aking dibdidb nang gabing iyon kaysa gawin ang matagal ko nang gustong-gustong mangyari sa amin.

Alam ko rin naman sa sarili ko na may pinagdadaanan si Luna at ayokong mag-take advantage. Mas gusto kong maramdaman niya na seryoso talaga ako sa nararamdaman ko sa kanya, na gusto ko talaga siya, at hindi naman talaga katawan lang ang habol ko sakanya.

Ayaw ko rin na isipin ni Luna na napakamanyakis ko at napakaoportunista.

Isa pa, mas gusto ko ring gawin ang love scene namin kapag ready na siya. ‘Yong may mutual feelings na gusto rin niya akong katalik.

Ayaw ko rin namang magmukhang desperado, o, di kaya magmukhang rapist ni Luna.

Ilang sandali, tumigil sa pag-iyak si Luna, at nang maramdaman kong nakatulog na ito, dahan-dahan ko siyang ihiniga sa may kama sabay tinabunan ng makapal niyang comforter ang katawan nitong matagal nang sumisilaw hindi lamang sa aking mga mata, kung hindi pati na rin sa aking pagkalalaki.

As usual, hindi na naman ako nakatulog nang gabing iyon. Same reason, talunan na naman ako. Pero okay lang iyon sa akin. Kahit gabi-gabi pasakitin ni Luna ang aking ulo at ang alaga kong cock fighter ay titiisin ko pa rin iyon, mapagaan lang ang kalooban nito.

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Just For Tonight (Chapter 6)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.