a woman facing a staircase going to heaven that is full of clouds

Kung May Hagdan Lang ang Langit (Chapter 5)

PUMANAOG si Zak patungo sa kuwarto ni Irene tangan ang isang tray ng pagkain. He stood there for some minutes, feeling reluctant. He mustered up his courage as he lifted his hand and knock at the door.

Gaya nga ng inaasahan niya ay hindi siya pinagbuksan ng pinto ng babae. He blew out a breath. “Irene, I agreed to your dare, kaya please naman, kumain ka na. Baka imbes na ilaan ko ‘yong araw to convince you, eh ma-confine ka pa sa hospital. Masarap naman ‘tong luto ko, makakalimutan mo pangalan mo, baka pati mga problema mo makalimutan mo.”

Gusto niyang mapangiwi sa mga pinagsasasabi niya. Bumilang pa nga ang ilang segundo pero nanatiling nakapinid ang pinto. Pumikit siya nang mariin at kapagkuwan ay binuksan, kasabay rin nang pagtulak niya sa pinto. Pero walang Irene siyang nakita roon.

Inilapag niya ang tray sa bedside table. Nagpalinga-linga siya. Nasa banyo kaya ito?

Lumapit siya roon at kumatok. “Irene…”

Wala siyang nakuhang sagot. Wala rin naman siyang naririnig na lagaslas ng tubig. Pumihit siya pabalik na sakto naman sa pag-ihip ng hangin. Bukas na bukas ang bintana. Isasara na sana niya iyon nang maagaw ang pansin niya ng isang pad paper na lumilipat ang nga pahina gawa ng lakas ng hangin.

He took the pad and was astounded. Namangha siya sa disenyo ng sala na naka-drawing doon. Tiningnan niya ang mga kasunod na pahina. Puro iyon pawang disenyo ng loob ng bahay. Is Irene an Interior Designer?

Akmang ililipat na niya sa kasunod nang biglang bumukas ang pinto ng silid. It was Irene.

“What the—”

Nabinbin ang sasabihin nito nang mabaling ang tingin nito sa hawak niya. Walang anu-ano’y mabilis itong lumapit at inagaw ang sketch pad.

“Mahilig ka talagang mangialam ng gamit, ano?” turan nito. “At bakit nandito ka na naman? Hindi komo may deal tayong dalawa, eh free ka nang maglabas-masok sa kuwarto ko.”

“Ah, eh, kasi…” Nagblangko yata ang utak niya. Ngayon na lang kasi napansin ang ayos nito. Naka-bathrobe lang ito na bahagya pang lumilis. Sumungaw tuloy ang cleavage nito.

Pilit niyang iniiwas ang mga mata. Pero mukhang huli na dabil napansin na nito kung saan siya nakatitig.

“Pervert!”

Agad siyang umatras nang iumang nito ang palad sa kanya. Itinaas na rin niya ang mga kamay. “Okay, sorry! Hindi ko naman alam na papasok kang nakaganyan. May banyo naman kasi rito kaya hindi ko naisip na naligo ka, okay?”

Inayos nito ang suot at saka napabuga ng hangin. “Sira ang banyo diyan kaya sa kabila ako naligo. Kung wala ka nang sasabihin, makakalabas ka na.”

“Uhm, I cooked food for you. You have to eat proper food, Irene.”

“Kasama ba iyon sa rason kung bakit kailangan kong mabuhay?”

He knew it. Sinasabi na nga ba niya at itatanong nito iyon. “Absolutely! Your body meant to serve a good purpose in your life, Irene. You have to eat para magkaroon ka ng energy na harapin ‘yang problema mo. At nang gumana ‘yang utak mo. Hindi iyong puro pagpapakamatay ang laman ng isip mo.”

Inirapan siya nito. “Nag-rehearse ka pa yata ng sasabihin mo, ah. Kapag hindi ko nagustuhan ‘yan, kahit one week pa ‘yong deal natin, mag-alsabalutan ka na.”

Nagpamulsa siya. “Okay, call!”

“Wala ka naman sigurong balak na panoorin akong magbihis, noh? Labas!”

“Oo na!” Ipipihit na niya ang seradura ng pinto nang mapatigil siya. Bumaling siya rito. “Your interior designs are magnificent!” he praised smilingly.

Nakita niya ang pagbadha nang pagkagitla sa mukha nito. Alam niyang may nakanti siya sa isang bahagi ng puso nito. Pumihit na siya at lumabas.

NAPAKISLOT si Zak nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone sa bulsa ng suot na khaki shorts. Si Olive na naman kaya iyon?

Mabilis siyang lumabas ng kabahayan at baka mabisto pa siya ni Irene. Agad niyang sinagot ang tawag pagkalabas nang hindi tinitingnan kung sino ang caller.

“Talaga ba, Zak?!” Iyon agad bungad ng tumawag sa kanya.

Noon siya napatingin sa nakarehistrong pangalan sa cellphone. It was Tiffany. Mahina siyang napamura. Wala siyang nagawa kundi ibalik sa tainga ang aparato at saluhin ang galit nito.

“Nakuha mo pa talagang mag-leave sa trabaho? Seriously, Zak? Nasaan ka? Nagbabakasyon? Talagang hahayaan mo na lang na makasal ako kay Ex?”

Naihaplos niya sa batok ang isang palad. “I’m doing this for us, Tiff. Can you please lower down your voice? It’s—”

“It’s ano? Irritating?!” singhal pa nito. “And what did you say? You’re on a vacation para sa ating dalawa? Naghahanap ka na ba ng kapalit ko ha, Zak?”

He sighed helplessly. “Tiff, wala akong panahong makipagtalo sa ‘yo. Can’t you just trust me?”

“Hindi ko alam kung nasaang lupalop ka ng mundo, pagkatapos gusto mong pagtiwalaan kita? Ewan ko sa ‘yo, Zak! You will regret it all your life kapag nakasal ako kay Ed.”

Magsasalita pa sana siya pero pinatay na nito ang linya. Muli siyang napabuga ng hininga. He had to calm his senses. Hindi alam ni Tiffany ang pinagdaraanan niya kaya ito nagkakaganoon. Kailangan niyang habaan ang pasensiya niya para mapigilan ang napipintong pagpapakasal nito sa best friend niya.

He turned around and made his way back inside the villa. Napakunot pa ang noo niya nang makarinig ng kaluskos. It was coming from the kitchen. Dumeretso siya ng lakad doon at naabutan si Irene na hinuhugasan ang marahil plato at kubyertos ng pagkain na dinala niya rito kanina.

“Sabi sa ‘yo, eh. Masarap ba?”

Napaigtad pa ito nang magsalita siya. Pagalit itong humarap sa kanya. “Anong masarap? Tinapon ko ka’mo ‘yong pagkain dito sa sink.”

His lips twitched into a smile. “Talaga ba? Eh, bakit hinuhugasan mo? Ang alam ko, kapag ayaw mo ng pagkain, basta mo na lang iniiwan diyan sa lababo.”

Mas lalo siyang napangiti nang makita ang pagkalito sa hitsura nito. Pero saglit lang iyon at nagong mala-tigre na itong muli.

“I did wash it kasi ayoko madagdagan pa ang utang na loob ko sa ‘yo.”

Napatangu-tango na lamang siya. Ayaw niyang pilitan na ito. Sapat na iyong alam niyang kinain nito ang inihain niya.

“You better go to bed na,” aniya. “Maaga pa tayo bukas.”

Nagbuhol ang malalago nitong kilay. “Tayo? At saan mo ako balak dalhin?”

“Basta. Just sleep early,” sabi na lang niya.

Narinig pa niyang pumalatak ito bago ipinunas ang basa nitong kamay sa magkabilang gilid ng damit nito. Napangiti na lang siya uli sa aktuwasyon nito.

Paakyat na ito nang may maalala siya. “Irene…”

“Ano?!” sikmat agad nito.

Napahaplos siya sa batok. “Ano kasi… baka merong mga damit na panlalaki diyan na puwede kong mahiram? Ito lang kasing suot ko ngayon ang extra na nadala ko.”

“Wala akong balak ipahiram sa iyo ang mga damit ni Ethan! Labhan mo na lang uli ‘yang suot mo!” anito at saka padabog na umakyat ng hagdan.

Sabi nga niya…

Pumuwesto na siya ng higa sa maliit na couch. Iaangkla na sana niya ang isang braso patakip sa kanyang mga mata nang marinig ang mga yabag pababa ng hagdan. Pabangon na sana siya nang humagis naman ang ilang piraso ng damit at shorts sa bandang tiyan niya.

“Akala ko ba,” namamanghang sabi niya.

“Hindi ‘yan kay Ethan! Nakuha ko ‘yan sa isang baul, ‘no!”

A smile crawled his lips. “Thank you.”

Tila nangasima ng hitsura nito. “Again, ayoko lang magkaroon ng utang na loob sa ‘yo. That’s it. Nothing more.”


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Kung May Hagdan Lang ang Langit (Chapter 5)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

Hi, Qties! Oo na po, alam kong ang tagal nasundan bago nagka-update uli ang Kung May Hagdan lang ang Langit. Patawad po. Nagbakasyon ang inyong abang writer. Sana magustuhan po ninyo itong chapter. Lovelots! 💞

•───────•°•❀•°•───────

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.