a woman facing a staircase going to heaven that is full of clouds

Kung May Hagdan Lang ang Langit (Teaser)

Kaunting-kaunti na lang at makakaabot na si Zak sa venue ng kasal ng bestfriend niya at ng kanyang pinakamamahal nang may makasalubong siyang truck sa pagliko niya. Nang magmulat siya ay nasa isang paraiso na siya. Langit na ba iyon? Bilang patunay, may isang anghel na lumitaw sa harapan niya at nagwagwag pa ng mga pakpak nito.

“Am I dead?” wala sa sariling tanong niya.

“Hindi pa ito ang katapusan para sa iyo, nilalang. Nasa pagitan ka nang pagkabuhay at kamatayan, Zak. Pero bibigyan ka Niya ng pagkakataon na mabuhay kung magagawa mo ang misyon na iaatas Niya sa iyo. Gusto mo pa bang mabuhay, Zak?”

Sunud-sunod siyang napatango. “Kailangan ako ni Tiff. Nagmamakaawa ako. Kailangan ko pang mabuhay.”

Hinila pa siya ng anghel sa isang fountain na nasa gitna ng mala-paraisong hardin na iyon. Hinaplos ng kamay ng anghel ang ibabaw ng tubig. Isang babaeng nakasuot ng traje de boda ang umiiyak ang lumitaw roon.

“Siya ang iyong misyon, Zak. Siya si Irene Dimacuha. Nasa kanya ang susi upang magpatuloy ang iyong buhay. Kung magawa mong ibalik ang paniniwala niya sa pag-ibig, makakabalik ka sa mga mahal mo sa buhay.”

Ano ang magiging kahihinatnan ni Zak kung hindi niya magawa ang misyon na iniatang sa kanya? Magagawa niya kayang maibalik ang paniniwala ni Irene sa wagas na pag-ibig o siya ang mapapaibig ng dalaga?

Dalawang pusong umaamot ng pagmamahal… Isang hindi pangkaraniwang pag-iibigan…


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Kung May Hagdan Lang ang Langit (Teaser)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

Hello, Q-ties! Kung May Hagdan Lang ang Langit was a story I intended to submit noon sa GMA n'ong mag-post sila regarding hiring for scriptwriters. That was way back 2021 yata. And for whatever reason, nang ipapasa ko na siya online - nagkaka-technical issue - ayaw pumasok ng story ko. Tried to report, pero try lang daw uli - hanggang sa sumuko na akong i-send hahaha!

So concept pa lang talaga siya noon. Parang 500K words ganun. No chapters yet na nabuo. Ngayon ko lang uli nabalikan.

"Zak" ang name ng first baby ko na nasa heaven na. So it was hard at the same eh gusto ko isulat so I could always be reminded of my beloved - 'yong tipong ang lapit-lapit niya sa akin. Minsan ko rin hiniling - at one point of my life - na sana may hagdan ang langit... Na sana kaya kong akyatin ang langit so I could hug and kiss my baby. . . . .

Sorry sa drama. Kitammmms, lahat ng story ko - may istorya siya kung paano ko nabuo - na somehow may touch ng buhay ko. Sana mabasa po ninyo ♥️

•───────•°•❀•°•───────

2 Responses

  1. Wow grabe nakakaexcite malaman anu kahahantungan Ng kaganapan na itey salamat Ms. Colette sa new story Irene and Zak hihi ano nga ba Ang sarili niyong mga kwento bago magtagpo Ang bawat landas niu naks naman

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.