Untitled design (94)

Lost Soul (Chapter 2)

Habang nag-uusap ang doctor at si Dahlia ay may biglang bumukas ng pintuan at iniluwal ang nurse na tila nagmamadali. “Doc, ang pasyente sa room 26!” May pagmamadaling saad nito. Hindi na sumagot ang doctor at sumunod na lamang sa nurse dahil alam na niya na emergency iyon. Natauhan naman si Dahlia at sumunod rin sa doctor dahil ang room 26 ay ang kwarto ng apo niya.

(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Pagpasok pa lang ng doctor sa kwarto ni Natalia, ang bumungad sa kanya ang makinang nakamonitor sa tibok ng puso nito na ngayo’y isang guhit na lamang. “Ihanda ang defibrillator, set sa 200 voltage!” may pasigaw na utos nito.

Mabilis na kumilos ang nurse at itinabi sa higaan ang defibrillator machine at ibinigay sa doctor ang dalawang malapad na bagay na pag pinagdikit ay parang nagkikiskisan na kuryente.

“Clear!” saad ng doctor at umangat ang dibdib ni Natalia, ngunit wala pa din nangyari. Binigyan muna ito ng ilang pump sa dibdib gamit ang kamay bago muling mag-set ng panibagong voltage. “Set it to 300!”

“Clear!” muli na namang sambit nito at wala pa rin. Hanggang sa pa ulit-ulit lang ang ginagawa ng doctor. “No response, set it to 500 voltage!!”

Ang dalawa na si Jacob at Dahlia ay puno na ng luha sa kanilang mga mukha. “Clear!” Sa huling pagpatong ng paddle sa dibdib ni Natalia at dumaloy ang kuryente pa puntang puso niya at muling tumibok ito at naging normal na ulit ang heartbeat sa monitor niya.

Napaluhod si Dahlia dahil sa nasaksihan niya. Hindi niya kakayanin kung sakali man na hindi na revive si Natalia.

Pagkatapos ng nangyari pumunta ang doctor kay Dahlia at sinabing, “Ito po ang sinasabi ko sa inyo na mangyayari sa susunod pang mga araw. Hindi ko na po masisiguro kung marerevive pa siya sa puntong ‘yon, mauuna na ho ako.” Paalala nito kay Dahlia sabay lakad paalis.

“Anong ibig sabihin ng doctor lola?” nagtatakang tanong ni Jacob.

“Wala ‘yon may konting problema lang sa gamot ni Natalia,” pagsisingungaling na sambit ni Dahlia.

Nagtataka man ay tumango na lamang si Jacob at inalalayan ang lola niyang maupo sa tabi ni Natalia.

“Apo huwag mo ng gagawin ‘yon ikamamatay ko pagnangyari pa ang nasaksihan namin kanina.” Muli na namang pumatak ang luha nito.

“Lola ano po ba ang napag-usapan niyo ng doctor tungkol kay Natalia sa opisina niya?”

“Wala pa daw update sa sitwasyon ngayon ni Natalia ‘yon lang naman ang sinabi niya.” Ang hindi alam ni Jacob ay kailangan magsinungaling ni Dahlia para sa kaligtasan ni Natalia dahil alam niyang na sa panganib ito kung sakaling may maka-alam nang pinag-usapan nila ng doctor. Mainam ng maging maingat kahit kay Jacob pa, at panahon na din sigurong kausapin ang labas pasok na doctor at nurse sa kwarto ni Natalia para sa seguridad nito.

Kinabukasan nang tahimik na ang lahat at walang tao sa kwarto ni Natalia ay biglang umihip ang hangin sa bintanang nakabukas at biglang umangat ang dibdib nito na parang may humihila dito, at nang oras pala na ‘yon ay humihiwalay na ang kaluluwa ni Natalia sa kanyang katawan niya.

Nang tuluyan nang napaghiwalay ang kaluluwa ni Natalia sa katawan niya ay umupo ito at pinagmasdan ang paligid ng tahimik at umalis sa higaan at tumayo. Nakakunot ang noo niya na parang nagtataka ngunit sa paglingon niyang muli sa higaan ay nakita niya ang katawan niya mismo na nakahiga at natutulog.

(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

“Teka ako ‘to, bakit dalawa kami?” pagtatakang saad niya sa sarili.

Sinubukan niyang hawakan ang katawan niya ngunit tumatagos lang ang kamay niya rito. “Anong nangyayari bakit ganito?!” Naguguluhan pa din siya at pilit pa ding hinahawakan ang katawan niya ngunit wala pa ding nangyayari.

Pumasok ang isang nurse at nag-check ng vital sign ni Natalia at nagturok na din ng gamot na pinadaloy sa dextrose.

Sinubukan niyang kausapin ang nurse. “Nurse nakikita mo ba ako? Nurse!” Habang kinakaway ang mga kamay sa harap nito ngunit wala siyang makuhang sagot rito.

Sa sandaling tapos na ito sa ginagawa ay sinubukang harangin ni Natalia ito, ngunit sa paglalakad nito na hindi huminto ay tumagos lamang ito sa katawan niya.

Natigilan siya, at tumawa ng mahina. “Hindi ito totoo bakit wala ako sa katawan ko? Alam kong hindi pa ko patay dahil humihinga pa ang katawan ko!” Sabay tingin sa katawan niya.

Umakyat muli siya sa katawan niya at humiga baka sakaling sa ganoong paraan ay bumalik siya sa katawang tao niya, pumikit siya ng matagal at biglang dumilat at bumangon muli ngunit hindi pa rin talaga bumabalik ang kaluluwa niya.

“Bakit gano’n ayaw pa rin, at bakit wala akong matandaan sa nangyari kung bakit ako narito?”

Bumaba muli siya sa kama at tinitigan ng mabuti ang kanyang sarili na nakahiga. Kailangan kong gumawa ng paraan upang makabalik sa katawan ko hindi maaaring mawala ako ng tuluyan paano na lang kung may naghihintay pala sa akin.”

Na isipan ni Natalia na lumabas ng kwarto nang tumagos lamang sa pader dahil hindi rin naman niya mahahawakan ang doorknob, naglakad ito sa gawi na maraming pasyente at kinakausap ang mga ito kung nakikita ba siya, pero wala man lang kahit isa ang naroon ang nakakita sa kanya.

Lumabas siya ng ospital at naglakad-lakad. “Paano nga ba ko makikita o maririnig kung isang kaluluwa lamang ako ngayon,” kausap niya sarili. “Pero bakit kaya ako na sa ospital na ‘yon hindi ko alam kung na aksidente ba ako o may iba pang dahilan?” Litong-lito siya kung bakit nandoon siya sa ospital na iyon.

Sa paglalakad ng wala sa sarili ni Natalia hindi niya alam na napalayo na siya sa ospital kung saan siya galing, bigla siyang napahinto. “Sandali!” Sabay lingon sa likod.

(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

“Nasaan na ba ko mukhang napalayo ako at naligaw pa ata.” Lumakad siya pabalik ngunit hindi niya na alam kung saan direksyon siya galing. “Ang tanga mo Natalia, hindi ko na alam kung saan ako dumaan!” Sabay gulo sa buhok na palingon-lingon kung saan ba dapat dumaan pabalik. Umupo na lamang siya sa gilid ng kalsada habang iniisip pa rin kung saan siya dumaan.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Lost Soul (Chapter 2)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.