Untitled design (94)

Lost Soul (Chapter 6)

Tila nawawalan na ng pag-asa si Natalia sa mga tinuran niya.

“So, sinasabi mo bang hintayin ko na lang na huminto sa pagtibok ang puso ko sa katawang lupa ko gano’n ba!”

Hinawakan niya ng mahigpit ang buhok niya sa sobrang stress sa sitwasyon na dapat ay hindi na niya pino-problema.

 “Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin.”

Nag-umpisa ng lumuha ito sa harap niya.

“Hindi! ‘Yon talaga ang gusto mong sabihin na hintayin ko na lang na mawala ako sa mundong ‘to para tuluyan ng maging isang ligaw na kaluluwa na naglalakad diyan sa tabi pero walang nakakakita!”

Napa-pikit na lang siya sa nakikita niyang ayos nito.

“Puwede bang tumahan ka na!”

Lalo pang nilakasan ni Natalia ang pag-iyak na humantong na sa pagsalubong ng dalawang kilay niya.

“Totoo pa ba ‘yan o umaarte ka na lang?” Huminto naman ito sa sinabi niya.

“Anong akala mo sa luha ko peke?!”

“Okay tama na.” Biglang sumeryoso ang mukha niya. “Hindi ka naman siguro mauuwi sa mawawala ka na sa mundo kung lumalaban pa ang katawan mo, hindi ba? Saka kung ‘yon na talaga ang oras mo ay wala ka na rin naman magagawa. Ang kailangan ko lang talagang malaman kung saan ka naka-admit at kung— “ Huminto muna siya saglit bago ipagpatuloy ang sinasabi. “Buhay ka pa ba o hindi na.”

“Pero noong umalis ako sa ospital ay humihinga pa ang katawan ko.”

 “Oo humihinga pa siya ngayon pero kung magtagal na hindi ko mahanap kung saan ospital ang tinutukoy mo. Sa tingin mo ba alam mo pa na may katawan ka pang babalikan gayo’ng narito ka?”

Hindi na nagsalita pa si Natalia at mukhang nag-iisip na ng malalim.

 “Naniniwala akong sa oras na matagpuan mo ang katawan ko ay may buhay pa din ito at naghihintay lang sa pagbabalik ko,” seryosong saad nito.

“Kung diyan ka naniniwala ay wala naman na akong masasabi pa, pero huwag kang mag-expect na mahahanap kita agad, kaya maghanda ka na din sa posibleng mangyari.”

Ilang minuto ang lumipas ng tumigil na sa pag-iyak si Natalia nang bigla itong mag-switch ng mood na kanina ay pang drama ngayon naman ay mukhang naging detective.

 “Ikaw anong pangalan mo?”

Sa isip niya, “Ang dali naman niyang magbago ng mood.”

 “Miguel.”

 “Ilan taon ka na?”

 “26.”

 “May girlfriend ka?”

 “Meron.”

 “Nasaan?”

Tiningnan naman niya ito sa mata. “Bakit pati ‘yon kailangan mo pang malaman?”

“Puwede mo naman sagutin pero kung hindi ‘di huwag, madali naman akong kausap.”

“Wala siya dito nasa ibang bansa.”

 “Sasagutin mo din pala ang dami mo pang arte.” 

Umismid lang siya bago tumayo. Balak niyang lumabas ng kwarto pero nakasunod na naman si Natalia.

“Anong ginagawa mo, bakit ka sumusunod?”

 “Wala naman akong gagawin kaya sasama na lang ako kahit saan ka magpunta.” At ngumiti pa nga ito at ilang beses pinikit ang talukap ng mata nito na kulang na lang maging pamaypay sa kapal din ng pilik-mata.

“Isang malaking problema ang dumating sa akin ngayon,” saad niya sa saril at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Samantala, habang nakatayo ang isang tao sa tahimik na lugar ay mukhang may kausap ito.

 “Ano ng balita?” tanong nito sa kabilang linya.

“Mukhang may problema tayo. Humigpit ang pagbabantay sa pasyente.”

“Ano! Hindi puwede kailangan na niyang mawala bago pa nila ako matagpuan.”

“Pasensya na, pero limitado lang ang nakakapasok sa loob at yung pinagkakatiwalaan lang na mga nurse at doctor ang puwedeng pumasok sa kwarto at mga pamilya niya mismo.”

“Wala akong pakialam! Gumawa ka ng paraan para mawala na sa landas ko ang tao na ‘yan!” Sigaw nito sa kabilang linya bago pinatay ang tawag sa telepono.

“Mukhang nakakaramdam na sila, kaya kailangan ng mawala sa landas ko ang tao na ‘yon bago pa man maungkat ang lahat.” Tumingin lang ito sa kawalan na tila nag-iisip ng kanyang mga binabalak.

Samantala, kahit saan magpunta si Miguel sa parte ng bahay niya ay nakasunod pa rin si Natalia maging sa loob ng kwarto, at balak pa ata pati sa loob ng banyo ay gustong sumunod nito.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

“Sa loob, bakit?”

Tiningnan niya ito ng hindi makapaniwala.

 “Banyo ‘to, alam mo ba?”

 “Oo.”

 “Alam mo naman pala bakit pati dito ay nakasunod ka? Kung puwede umupo ka sa isang tabi, at baka magbago pa ang isip ko na tulungan ka.”

Ngumiti naman ito ng matamis sa kanya bago niya tuluyan sinarado ang pintuan ng banyo.

Ang ginawa ni Natalia ay nilibot na lang nito ang buong sulok ng kwarto ni Miguel.

  “Ang laki ng bahay niya pero bakit siya lang mag-isa ang nakatira dito, hindi ba siya natatakot?” tanong sa sarili.

Habang nasa banyo si Miguel at nakatingin sa salamin sa pader ng banyo ay kinakausap niya ang sarili.

“Tama bang tulungan ko ang babae na ‘yon, bakit parang kahit kaluluwa lang siya ay parang hindi din alam ang ina-akto niya na parang wala sa sarili.” Tila naguguluhan na kausap niya ang kanyang sarili sa harap ng salamin.

Kaya naman bago pa siya ang mawala sa katinuan ay lumabas na siya ng banyo at nakita niya si Natalia na palakad-lakas sa loob ng kwarto niya. Nakita siya nitong lumabas at muli na namang lumapit.

 “Tapos ka na?”

 “Oo.”

Nilagpasan lamang niya ito at muling lumabas ng kwarto. Pakiramdam niya’y nakasunod pa din si Natalia sa kanya.

Huminto siya sa gitna ng sala at hinarap ito.

 “Stop!” sigaw niya na nagpatigil din sa paghakbang nito.

Kumunot naman ang noo ni Natalia. “Bakit may problema ba?”

 “Ikaw!”

“Huh! Paanong naging ako?”

“Malapit na. Hindi ka ba talaga titigil sa kasusunod mo sa akin?”

Umiling lang ang ulo nito.

 “Kung na sa katawan mo kaya ‘yang kaluluwa mo ay ganyan ka kaya kakulit ang ugali mo?”

 “Hindi ko alam.”

Ginulo ni Miguel ang buhok niya dahil sa mga sagot nito na hindi niya alam kung nang-iinis.

“Sumasakit ang ulo ko sayo pati ‘yang problema mo ay kailangan ko ding problemahin!”

 “Sorry!” biglang sambit nito na nagpatigil naman sa kanya. “I’m sorry kung dinadamay kita sa problema ko, pero ikaw lang talaga ang pag-asa ko ngayon kaya pasensya ka na sa inaasal ko.”

Pinakatitigan lang niya ito habang nagsasalita. “Hanggang mahanap mo lang kung saan ang ospital hindi na ako mangungulit pa.”

“Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa ng walang malinaw na information galing sayo, kaya huwag mo sanang masamain pero huwag na huwag kang mag-expect ng malaki galing sa akin dahil baka hindi ko magawa.”

 “Oo, nauunawan ko naman ‘yon, mas mahirap ang case ko dahil isa akong kaluluwa ngayon at parang nagka-amnesia pa. Maging ako man ay hindi din makapaniwala na puwede pala ‘yon ang mahiwalay ang kaluluwa sa katawan pero buhay pa— sana.”

Bumuntong hininga siya. “Sa isang araw uumpisahan ko ng hanapin ang ospital, pero makisama ka. Huwag kang masyadong makulit.”

Ngumiti naman ito sa sinabi niya.

“Makakaasa ka.”


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Lost Soul (Chapter 6)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

  1. Aww y i feel na si kineme eklabu yun ahh basta antay ko matapos ang book na to para malaman lahat salamat otor more updates pretty please 😘

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.