HABANG nasa biyahe ay laman pa rin ng isipan ni Raffa ang mga sinabi ni Jarviz.
‘How dare him!’
Para kasi sa kanya ay kulang na lang sabihin nitong useless siyang babae.
Naihilot niya tuloy ang mga sentido. Ayaw niyang magkaroon ng wrinkles para lang sa mga taong walang bilib sa kanya. Truth is, it isn’t new to her being compared to River. Sa mama pa lamang niya ay kota na siya. She gets used to it, anyway. But sometimes, it can hurt her feelings too. Para bang kulang ang pagiging tao niya kung wala siyang maipagmamalaking negosyo.
People named her a nepotism of the McBain Clan but a useless heiress. Wala nga naman kasi siyang alam kung paano pagaganahin ang utak sa mga negosyo ng kanilang pamilya. They owned some ranch in Australia and even here in the Philippines. They also own one of the biggest plantations of wine in Europe. And for her information, her mother Victoria had just entered the world of gardening and landscaping. She had built a company that offers a good and satisfying service of landscaping and of course, they are targeting the big homeowners, famous hotels, and other larger businesses that love the beautiful outdoors.
Lahat ng negosyo nilang iyon ay wala siyang interes lalo kung ikasisira ng kanyang kuko. Mas maaatim pa niyang hindi kumain nang tatlong beses sa isang araw kaysa hayaang masira ang magaganda at magagara niyang mga kuko. Pakiramdam niya ay doon nakasalalay ang buhay niya.
Pero kahit naman sabihing wala siyang alam sa pagnenegosyo ay may sarili pa rin naman siyang source of income.
‘I’m international model!’
At totooo nga naman iyon. Nang dahil sa pagmomodelo niya ay kung saan-saang panig na ng mundo siya nakararating. Kaya ang kapal ng mukha ng Jarviz na iyon upang sabihing umuubos siya ng pera.
‘Baka ’yong kita ng kompanya niya sa isang buwan, allowance ko lang!’
“Susunduin ba kita mamaya, señorita?” tanong ni Celso buhat sa driver’s seat dahilan upang panandaliang mawala sa isip niya ang naganap kanina.
“Hindi na po Kuya Celso. Magpapahatid na lang ako mamaya kay Ara pauwi.”
Si Ara kasi ang pinakamalapit sa kanilang bahay kaya ito ang naisipan niyang magpapasakay sa kanya mamaya pauwi.
Pagkasabi niyon ay muling ibinaling ng matanda ang paningin sa daan.
Makalipas ang mahigit kalahating oras ay narating din nila ang bar na pagmamay-ari nilang magkakaibigan.
“Ingat po kayo, Kuya Celso,” aniya bago muling umandar ang limo pabalik sa party na pinanggalingan nila.
Sa paglalakad niya papasok sa bar ay hindi niya inalintana ang mga matang nakasunod sa kanya. Hindi rin niya mawari kung dahil ba sa limousine na naghatid sa kanya roon o dahil sa hindi naaayon niyang suot sa nasabing lugar. But as always, they don’t matter to her. She knows that she’s beautiful in different garments.
Sa entrance pa lang ng bar ay tanaw na niya ang mga bouncer. Bahagya siyang tinanguan nito na ginantihan naman niya ngiti.
Finally, nakarating din siya sa lugar kung saan tanggap siya at hindi ikukumpara sa iba. Ang Venus’ Paradise.
Pito silang magkakaibigan na nagsimula pa noong college. Binuo nila ang Venus’ Paradise dahil sa isang dahilan. They want to relax and enjoy being their selves, and they feel safe in that place. Dito ay malaya silang makakapag-inom nang walang inaalalang maari silang mabastos.
May nangyari kasi noon sa isa sa mga kaibigan niya na naging dahilan upang mabuo ang plano nilang magpagawa ng sariling bar. Bagama’t masasabing kanila iyon open pa rin naman iyon para sa ibang tao. Ang kaibahan lang ay mayroon silang nakalaang mga kuwarto para sa mga babaeng hindi na kinayang umuwi mag-isa o maari ding maging pahingahan kapag gusto nila mag-relax.
Lahat ng mga gamit at disenyo sa lugar na iyon ay de kalidad at mahal ngunit hindi sila naglalagay ng mataas na presyo sa mga alak na ibinibigay nila sa mga kostumer. Ang nais lang nila ay mag-enjoy ang mga kostumer nila nang safe.
Isa pang bagay kaya naman masasabing safe ang kanilang bar ay dahil na rin sa mga bouncer at guard na kinuha nila upang magbantay sa seguridad ng mga kababaihan sa bar.
Pagpasok niya sa loob ay agad na umangat ang kanyang mga mata. Mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw niya ang puwesto nilang magkakaibigan. Nag-iisang space iyon sa taas na kung saan tanaw lahat ng nagaganap sa ibaba. Sinadya ang espasyo na iyon para lamang sa kanilang magkakaibigan. Naroon sila kapag araw ng Linggo. Marami-rami na rin ang mga tao sa lugar na iyon kapag ganoong araw. Nagpapalita naman silang magkakaibigan sa pagbabantay sa bar kapag bukas iyon. May mga nakatokang araw bawat isa sa kanila. Her schedule is every Wednesday and that night is for Ara.
Hinawakan niya ang dulo ng dress saka muling naglalakad patungo sa medyo pakurbang hagdan paakyat sa spot nilang magkakaibigan.
Agad siyang sinalubong ng halik sa pisngi ng mga kaibigan nang makarating siya sa mga ito.
“So, stunning,” pasimpleng puri ni Clarabelle sa kanya.
Clarabelle ang pangalan nito ngunit mas gusto niyang tawagin ito sa palayaw na Ara.
“Bakit ka nagpunta rito ng naka-long dress? Ganyan mo ba kami ka-miss?” biro naman ni Piper sa kanya.
She rolled her eyes at them because they all giggle at Piper’s question. “Nanggaling nga ako sa birthday party ng colleague ni mama, ’di ba? I just decided to get here as fast as I could. Baka kasi kapag hindi ako nagpunta ngayon, magtampo na naman kayo sa ’kin.”
“Buti, alam mo.” Si Rui.
“Cassie!” tawag naman ni Star sa kanilang bartender. Nakita ni Raffa ang pagsenyas nito kay Cassie sa kanyang pagdating.
Mayamaya lang ay dinala na ni Cassie ang Piña Colada na panorito niyang inumin. Agad niyang tinikman iyon at gaya pa rin ng dati, masarap iyon sa panlasa niya.
“Guys, where’s Summer and Katana?” she asked.
“Nasa Singapore pa si Katana. Si Summer naman, may importanteng lakad.” Si Ara ang sumagot sa tanong niya.
“Kailan daw balik ni Katana?”
“Ewan ko sa babaeng ’yon. Ang sabi niya, nag-e-enjoy pa raw siya ro’n.”
Nagpatangu-tango siya. Ang alam niya ay Singaporean ang boyfriend ni Katana. Sa kanilang pito, ito lang hindi single.
Nailibot niya ng mata ang paligid. Halos tatlong taon na rin buhat nang binuo nila ang Venus’ Paradise.
“Ikaw, Raffa. Bakit ka napapunta rito nang ganyan ang suot? We actually thought you’ll not going here.”
Bago sagutin ang tanong ni Ara kinuha muna niya ang spray bottle mula sa kanyang clutch. Naglalaman iyon ng alcohol. Palagi niyang dala iyon saan man siya magpunta. She sprayed the alcohol on her hands.
“I suddenly got bored. They kept talking about their businesses and how big their money they have,” bagot niyang sagot.
“And?”
Napalingon siya kay Ara. Si Piper, Rui at Star ay mataman namang nag-aabang sa isasagot niya.
Pinandilatan niya ng mga mata ang mga ito. “And what?”
“You looked stressed, darling.” Si Piper ang nagsalita.
Gosh! Nagka-wrinkles ba siya agad at ganoon kabilis nalaman ng mga ito ang iniisip niya?
Wala naman din siyang balak itago ang hinaing sa buhay kaya sinabi niya rin sa mga ito.
“Nagsasawa na akong mai-compare kay Ate River.”
Sabay-sabay na napabuntong hininga ang mga ito nang marinig ang kanyang hinaing.
“Let me guess. Dahil mas magaling ang ate mo pagdating sa pagnenegosyo?”
Tumango siya.
Si Rui ay biglang umalis mula sa kinauupuan saka nagtungo sa direksyon ng mga kuwarto sa ibaba ng bar.
“Hay, Raffa! Kahit ako maiinis kapag palaging ikinukumpara sa kapatid mo.” Si Star. Habang si Piper naman ay napatango.
“True, sis.” Ngumuso siya para magpaawa.
“Pero don’t you think to consider sometimes of what they trying to say?”
Tumalim ang tingin niya kay Star. “What? Are you saying that I’ll just let them insult me?” mataray niyang tanong.
“Alam mo, Raffa. Buti na lang maganda ka!” Si Piper. Nang-iinsulto ang tono nito ngunit hindi naman niya nakuha iyon. She also poked her nose twice using her point finger.
“Of course, I am!”
“Narinig mo?” tanong ni Piper kay Star na natatawa. Bumaling itong muli sa kanya. “Kung minsan— hindi pala! Madalas! Oo, madalas ang hina mong makaintindi. Ang sinasabi ni Bituin, bakit hindi mo na lang patunayan sa mga taong iyon na kaya mo. Gumawa ka na rin ng pangalan mo pagdating sa pagnenegosyo,” pasigaw nitong sabi.
Napahalakhak si Star. “Oh, oh! Kalma,” anito kay Piper. “High blood ka na naman. Sige na. Ako na bahala rito kay Raffa.”
“Sige. Kausapin mong mabuti ’yang dyosang kinulang sa utak. Doon mo na ako kay Cassie.” Pagkasabi niyon ay tumayo na si Piper saka umalis.
Matalim niya itong tiningnan. Sa kanilang lahat ay ito talaga ang prangka kung magsalita at kung minsan nakakasakit na rin. Pero batid naman nilang kaya ito ganoon ay dahil tapat ito sa sariling saloobin at ganito ito magpakita ng concern at pagmamahal bilang kainigan.
Sa pag-alis ni Piper ay siya namang dating ni Rui. May hawak na itong maong na jacket at iniabot sa kanya. Nakukuha naman niya kung bakit siya nito binibigyan ng jacket kaya agad niyang kinuha iyon saka isinuot.
Si Rui din ang pumalit sa kinauupuan ni Piper. “Saan pupunta ’yon?” tukoy nito kay Piper.
Bago sumagot sila sa tanong Rui ay naagaw ng tinig ni Ara ang atensyon nila. Hindi nila namalayang magsisimula na pala ang second set nito. Si Ara kasi ay singer sa kanilang grupo. Nagpe-perform ito roon kapag araw ng Sabado.
Pagkatapos ng second set ni Ara ay doon naman nila muling napag-usapan ang kanyang problema at iisa lang ang payo ng mga ito. Dapat patunayan niya sa lahat na may silbi siya at hindi lang ganda ang kaya niyang iambag sa ekonomiya!
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






One Response
Hahahaha ang hina mo kasi makagets raffa gigil mo si piper hahaha nakakaexcite pa makilala ang bawat isa sa kanila ang astig lang anu gumawa silang magbabarkada ng hang out place nila di lang para sa kanila ginawa na din nilang business atleast kumikita na sila hahaha nakakaexcite lalo bawat chap😍