Alexander POV
I can see her in the distance. A probinsyana girl. Nasa labas siya nang bahay ko. Base sa tingin ko, mukhang magkakalat lang siya dito. I think she was so young para pasukin ang trabaho bilang kasambahay but when manang Maring begged me. I immediately agreed with her. She was so pretty. But im not interested. At kahit na kanino pang babae ay hindi ako interesado. Napansin ko ang pagtingala nito naramdaman niya siguro na may nakamasid sa kanya.
Nang makababa ako sa aking kwarto ay nakita ko na sila kaagad. Mukhang hinihintay ako. I asked some question to her at isa na doon ay ang pagkakaroon niya ng boyfriend. Ayoko sa lahat ay may pinagkakaabalahan na ganoong bagay ang katulad nila dapat ay lagi lang sila sa trabaho nakatutok. Hindi na ako nagtanong pa. Ayokong mag-aksaya ng oras. Pinabahala ko na siya kay Manang. Tutal ay nakapag usap naman na kami. Doon siya tumuloy sa bago kong pinagawang kwarto. May balak kasi akong gawin sa kwartong iyon pero hindi ko na tinuloy at sinabi ko na lamang kay Manang na doon na lamang tumuloy ang pamangkin niya.
That night when I was arrived. Halos pagod na pagod ako. Naabutan ko sila sa dining area nina Rose at Julie. Tinawag ko siya. And I asked her to make a coffee. Pero imbis na sundin niya ako. Ay sinermunan pa niya ako. Sino ba sa amin ang boss. Ako ba o siya?
She was so naughty. Naiinis ako sa kanya. At the end.
Siguro ay na-realized niya ang pagkakamali niya. Kaya naman humingi siya ng tawad. Pinagsabihan ko siya ng araw na yun at nagtanong na rin ng ilang impormasyon tungkol sa kanya. Tinapos ko lang ang pagkain ko. Ayoko ng makita ang pagmumukha niya.
Naramdaman kong may ginawa siya pagkatalikod ko kaya naman, I looked at her again. Naabutan ko pa ang ginagawa niyang paggaya sa akin. Humanda ka sa’kin probinsyana.
I asked her to make a coffee. At pinadala ko iyon sa room ko. And when he went up to my room.
Naisipan kong gawan siya ng ikapapahiya niya.
When she open the door. Ay tumambad sa kanya ang aking katawan. I smirked, nang makita kong hindi niya ako makayang tingnan.
Mas lalo ko siyang inasar. Akma kong huhubarin ang tuwalyang nakatakip sa aking baba.
Gusto kung matawa sa reaksyon niya. Pinigilan niya ako sa gagawin ko. Then he hurried out of my room. That girl, I hate her. Masyado siyang pakealamera, bagay lang iyon sa kanya. Bago pa lang siya pero ang dami na agad niyang nagawang hindi ko nagustuhan. Kung hindi lang siya kamag-anak ni Manang ay pinaalis ko na siya.
That night Marc texted me that he is going to the house. I know he had a problem to his girl. ‘Camila’ siya ang babaeng mahal na mahal niya pero niloko lang siya.
May access siya sa bahay ko kaya madali lang siya makapasok. Kaya minsan nakikita ko na lang siya bigla na nasa loob na ng pamamahay ko. Natanawan ko sa bintana ang papasok ng kanyang sasakyan. Hindi ako kaagad bumaba.
When I get down to my room. Nagtungo agad ako sa kusina alam kong nandoon siya.
Naabutan ko si Honeylette sa posisyon niya.
Dahan dahan siyang nakilos alam ko na ang iniisip niya. Kaya naman kaagad kung tinakpan ang bibig niya. Im right, napagkamalan niyang magnanakaw si Marc. Ano ba naman siya hindi ba siya nagiisip, may magnanakaw bang sa kusina ang target?. Kinagat niya ang kamay ko, ng ginawa ko iyon, hindi ko alam kung bakit. Hindi ba niya ko nakilala? Sabagay patay ang ilaw at nakatalikod siya sa akin. Napamura ako sa ginawa niya. Kaya kinabig ko siya at itinulak sa pader.
I don’t know what Marc facial reaction, was when he saw to what I did. Gulat na gulat si Honeylette. Muntik na siyang makagawa ng eksena. Kaya naman naisipan kong takutin siya, na kapag sumigaw siya ay hahalikan ko.
Napatda siya sa sinabi ko.
I asked her why she was there.
Then she answered.
Tila nahiya na siya kaya hindi na siya kumuha ng maiinom. Hindi na rin ako nagsalita. Pero iyong pinsan ko ay kanina pang tuwang tuwa sa nakikita. Nag iba lang ang mukha niya noong binanggit ko na si Camila.
**
My lips parted. When I saw her while dancing. The softness of her whole body. Marc and Manang also see her. I caught Marc glancing at me. Nagpipigil ng tawa.
Si Manang naman ay seryoso ang mukha at sa tingin ko ay makakatikim ng sermon mamaya ang pamangkin niya.
Tumigil ang tugtog. Tumikhim si Manang at doon napalingon si Honeylette. Nakita ko kung paano mamula ang buo niyang mukha.
At nagawa pa niyang sumayaw habang nagtatrabaho?
Lumipas ang ilang linggo, habang tumatagal ay tila kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya lalo na noong oras na isinama ko siya sa mall. Naiinis ako sa suot niya noon. Ngunit ang hindi ko malimutan ang eksena namin noon sa sasakyan.
**
Galit ako. Galit na galit ako sa aking sarili. Why I did that to her. Kasalukuyan akong umiinom sa isang bar. Matapos niya akong iwanan kanina sa pagkakatayo ko at nagpasyang umalis ng bahay. I know she hurt to what I said. Hindi ko iyon gustong gawin. But I felt anger because of Dad. At nadamay pa ang babaeng gusto ko. Oo, gusto ko na siya. Hindi ko alam kung kailan o paano. Noon ay naiinis pa ako sa kakulitan niya. But eventually I fell for her too. Ayoko pang aminin sa sarili ko na nahulog na ako sa kanya. But even Marc has noticed as well. Kaya ko siya nagawang isama dito sa Batangas. I saw the edge of tears in her eyes. I felt guilty. I didn’t meant to do that. Alam kong nag-alala lang naman siya sa akin. Ngunit imbes na hayaan siya ay sinigawan ko pa siya. Kumuyom ang aking kamao. Naiinis ako sa sarili ko. Bahagyang kumirot ang sugat sa aking kamay. Tiningnan ko ito, naroon pa rin ang bahid ng dugo mula sa pagkakahiwa nito. Matapos kong pulutin ang basag na baso na ibinato ko.
Nagalit ako kay Dad. Because of what he wanted me to do it. Gusto niya lang naman pakasalanan ko si Patricia. Ang anak na babae ng mga Domingo, mula sa kilalang, malaking negosyante. Alam ko ang gustong mangyari ni Dad ang mapalaki pa ang negosyo namin. But for me, hindi na mahalaga iyon. Kuntento na ako sa anong meron ako. Gusto kong maging katulad ni Marc bagama’t nagmula siya sa mayamang pamilya ay hindi na niya hinangad pa ang magpakasasa sa kayamanan. Ngunit naging tulay naman niya ang buhay niya ngayon para makaganti sa taong tumapak sa kanyang pagkatao at sa babaeng minahal niya.
Importante lang kay Dad ay ang pera. Bagay na ipinagkaiba ko sa kanya. I want to have a simple life.
Tiningnan ko ang oras. Mag-uumaga na. Kailangan ko ng umuwi at walang kasama sa bahay ang mahal ko. Nakarating ako nang maayos sa bahay. Habang papaakyat sa hagdan ay nararamdaman ko ang pagkahilo dala ng ininom kong alak. Nang makarating na sa itaas ay tiningnan ko ang pinto ng kwartong kinaroroonan niya. Lumapit ako rito. I opened the door. I saw her lying on my bed. Bago sa aking paningin na may babaeng nakahiga sa aking kama. Minabuti kong dito siya patuluyin at ako ay doon sa study room. Mas komportable dito kaysa doon sa isang kwarto isa pa may sarili itong bathroom. Nilapitan ko siya. Nakita ko ang bakas ng pag-iyak sa kanyang mga mata. Kung ganoon nasaktan ko nga siya. Hinaplos ko ang buhok niya at dinampian ng halik ang labi. “Sorry baby.” I whispered. Nagpasya na akong tumalikod at dahan dahang lumabas ng pinto. Tiningnan ko muna siya ulit bago tuluyan isinarado ang pinto.
Nakita ko siya sa kusina pagkababa ko pa lamang, hindi ko alam kung paano ako magsasalita sa kanya. I want to apologize, pero paano? Niyaya niya akong mag-agahan doon ako nakakuha ako ng tyempo para mag-apologize.
Nginitian niya ako. Iyon palagi ang ginagawa niya. Noon naiinis akong nakikita siyang nakangiti but now gusto kong nakikita iyon palagi. Hindi ko alam kung paano niya noon nakukuhang ngumiti sa akin kahit pinagsusungitan ko siya.
Alam kong nag-alangan siyang sabihin na gagamutin niya ang sugat ko dahil baka masinghalan ko na naman siya. Don’t worry Honey hindi na iyon mauulit.
Hindi ko mapigilang tumitig sa napaka-ganda niyang mukha.
Nagpasalamat ako ng matapos niya iyong gamutin kahit na nasaktan ako dahil sa pagdiin niya ng paglilinis. Ngunit nagulat ako ng muli niyang abutin ang kamay ko at dampian ito ng halik.
Healing kiss para mas madaling gumaling ang sugat. Tinitigan ko siya alam kong naiilang siya sa paninitig ko. Gusto ko tuloy siyang halikan sa labi dahil sa ginawa niyang paghalik sa kamay ko. Ngunit pinigilan ko iyon at niyaya na lang itong sumama sa akin.
Naguluhan siya sa noong una. Ngunit hindi na ito nagprotesta pa.
Panakaw kong pinagmamasdan ang maamo niyang mukha at ang mahaba niyang buhok na sumasayaw sa simoy ng hangin.
Tuwang-tuwa ito sa kanyang nakikita. Niyaya ko itong mag-meryenda. Kumain kami sa lugar kung saan walang guest. After lunch ay kinailangan kong tumawag sa company kaya iniwan ko muna siya at pinaglibot sa buong resort.
*
I saw her lying on the rattan cradle. Peacefully sleeping. I gradually smile. She’s so cute.
I remember the smile that she gave me this morning. Hindi ko akalain na ngingitian niya ako sa kabila ng nangyari kagabi.
She’s very different.
Kaya naman nagpasya akong dalahin siya dito.
Hindi ko makalimutan ang mukha niya.
Pinagmasdan ko siya kanina habang dinadama niya ang simoy ng hangin. She is so beautiful. Nakita ko ang butil ng luhang kumawala sa mata niya.
Hindi ko alam kung para saan yun at anong dahilan.
Tinitigan ko ang labi niya. Alam kong naguluhan siya sa sinagot ko pero ang tinutukoy kung maganda ay siya.
After namin kumain ay hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hanggang sa nakita ko siya ngayon na natutulog. Natatawa na lang ako. Hindi ko akalain na magugustuhan ko ang katulad niya.
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Akma ko sana siyang hahalikan nang bigla itong bumaligwas ng bangon.
“Ouch!.” Narinig kong daing niya. Parehas kaming nasaktan nang magkabungguan ang aming mga noo. Ngunit pinilit kung hindi magpahalata. Nahuli niya kaya ako?
Nakita kong hinihilot niya ang noong tumama sa akin. Nagulat siya ng makita ako. Kaagad itong tumayo.
“Sir kanina pa kayo dyan?” nahihiya nitong tanong. Tumango lamang ako. At tumalikod na. Kung ganun hindi niya napansin ang ginawa ko. Nakahinga ako ng maluwag.
Muntik ka na doon Alexander. I murmured.
Nang dumating ang hapon ay niyaya ko na siyang umuwi. Nakangiti siya sa akin habang papalapit sa sasakyan.
I like her smile.
Mas lalo akong nahuhulog sa kanya. I’m crazy about this woman.
I smirked. Nang maisip ang salitang iyon. Totoo nababaliw na ako sa kanya.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






One Response
Okay dahil sa.pov niya nalinawan aq haha salamat ms otor😘