Maid and Her Boss

Maid and Her Boss (Chapter 8)

Honeylette POV

Sa isang restaurant kami nagpunta. Nagtataka pa rin ako kung bakit niya ako dinala dito. Kumain lang naman kami at pagkatapos ay dumiretso na sa isang supermarket para mamili nang mga kailangan sa bahay.

Habang namimili ay walang patid ang tinginan sa amin nang mga tao sa naturang pamilihan ewan ko ba, artista ba itong kasama ko? Ako tuloy iyong nahihiya pero siya wala siyang pakealam sa mga tao akala mo ba ay walang nakikita.

Dumampot ako nang isang sabon panlaba kaagad kong narinig ang pagpoprotesta niya.

“Huwag yan ang piliin mo.”

“Teka bakit naman?”

“Walang bango yan.”

“Pero gentle siya sa kamay kaya mas maigi ito.”

“Hindi ka naman nagkukusot kaya hindi mo kailangan yan.” Baluktot nitong katuwiran.

“Naku mister kung ano ang gusto ni Misis iyon na ang bilihin mo.” Parehas kaming nagulat ni Alexander nang biglang magsalita ang isang Ginang sa tabi namin.

“She’s not my wife.” seryoso nitong sagot.

“Ganoon hindi mo siya asawa? eh ano mo siya?” kuryosong tanong ng Ginang.

“Alam mo bang bagay na bagay kayong dalawa. Akala ko pa naman asawa mo siya napakaganda niya at napakagwapo mo naman kung gusto mo sa anak na lamang kita?”

Napangiwi na lamang ako sa sinabi nang babae. Hindi ko kasi alam ang magiging reaksyon ko kung matatawa ba ako o ano. Pero si Alexander nakikita ko na ang pagkainis sa mukha nito.

“Pero kahit hindi mo siya misis dapat babae pa rin ang sinusunod mo sa mga bilihin.” Dagdag pa nang ale bago tumalikod. Mabuti na lang at naisipan na niya kaming layuan, baka kung hindi , sumabog na ang Taal Volcano na kasama ko.

Akma ko nang kukunin ang brand na gusto ni Alexander pero dinampot niya iyong gusto ko.

“Diba ayaw mo nyan?”aniya ko.

“Sabi mo gentle ito sa kamay.” Tila nang-uuyam niyang sabi.

“Pero tama ka naman hindi ko naman kinukusot ang mga damit.” May point naman kasi siya gumagamit kasi ako nang washing kapag naglalaba.

“Hahawakan mo parin ang mga damit nang may sabon, mas okay na ito para hindi matapang at hindi magsugatan ang kamay mo.”

Natigilan ako sa sinabi niya, himala ang bait niya. Kanina naiinis na siya sa babae pero ngayon hindi na, ang bilis niyang magpalit ng ekspresyon. Ang lumanay pa nang boses niya.

Pero hindi pa rin ako pumayag sa gusto niya. Ibinalik ko ang kinuha niya at pinili ang gusto niya noong una. Nakita ko ang pagkunot nang noo niya at pagbalik nang pagkainis sa mukha nito. Tinaasan niya ako nang isang kilay. Iyon ang pinakabanta niya. Tinaasan ko naman siya nang dalawang kilay. Nagkakaintindihan kami batay sa tinginan namin.

Hinilot niya ang tuktok nang ilong niya. Tila inaalis ang pagkainis. Natutuwa talaga ako kapag nakikita ko siyang naiinis. Kaya hindi ko mapigilan na mapangiti.

Napaatras na lamang ako nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Halos magbunggo ang ilong namin sa sobrang lapit namin sa isa’t isa.

“Natutuwa ka ba Kapag nakikita mo akong naiinis?” Nagpakurap kurap ako hindi agad ako makasagot. Biglang bumilis ang tibok nang puso ko ano ba ang nararamdaman kong ito?. Naaamoy ko na ang mabango niyang hininga. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Nakita ko ang pagsulyap niya doon. Nailang ako sa pagtitig niya kaya ako na ang kusang naglayo nang mukha ko. Ramdam ko ang panakanakang tingin sa amin nang ibang mamimili. Nakakahiya.

“Kayo talaga sir. Bakit niyo naman naitanong yan.” nauutal kong sabi. Pinilit kong ibahin ang hangin ng paligid.

Umiling lamang siya. Nakita ko ang pagtaas nang gilid nang labi niya. Hindi ko alam kung para saan yun. Pero ang sexy niyang tingnan kapag ganoon. Naku po Honeylette, ano na naman ba nasa isip mo,? Bakit parang humahanga ka sa kanya.

Nakita kong kinuha niya muli iyong gusto kong sabon. Ngunit hindi niya ibinalik iyong gusto niya, parehas niya itong binili.

Matapos ang pamimili namin ay umuwi na kami. Tahimik lamang kami sa sasakyan habang nasa daan pauwi. Panakanaka kong sinusulyapan ang pagmamaneho niya, mas lalo siyang gumagwapo. Napakagat na naman ako sa ibabang labi ko nang pumasok iyon sa isipan ko. Bakit ba kasi ganoon ang naiisip ko.

Natigil lamang ang pagiisip ko nang biglang pumereno si Alexander, halos masubsob na ang mukha ko sa unahan ng kotse dahil sa lakas nang pagkakapreno niya.

“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya. Tumango lamang ako. Ayos lang naman talaga ako pero parang hindi siya kuntento. Hinawakan pa niya ang braso ko.

“Okay lang talaga ko. Iyong babae.–” Nakita ko ang isang babae na nakatayo sa unahan nang kotse abala ito sa pagpapagpag nang damit nitong suot, nakayuko itong bahagya kaya hindi ko makita ang mukha nito.

Naalarma si Alexander nang banggitin ko ang babae kaya agad siyang bumaba nang kotse, kaagad naman akong sumunod. Inalalayan siya ni Alexander. Hindi pa man ako nakakalapit ay natigilan na ako nang makita ko kung sino ang babae.

Alexander POV

“Misis, dadalhin ka namin sa Hospital.” aniya ko sa Ginang

“Huwag na hijo. Hindi naman ako nasaktan.” Malamyos nitong sagot. Tumingala ito at inilipat ang tingin sa gawi ni Honeylette. Nakita ko na natigilan ito at narinig ko ang mahinang pagbigkas niya nang pangalan ni Honeylette.

Nilipat ko ang tingin kay Honeylette kasalukuyan itong nasa gilid nang kotse. Hindi kumikibo at seryoso lamang nakatitig sa babaeng katabi ko. Kilala niya ba ito?. Kilala siya nang babae base sa pagkakabanggit nito sa pangalan niya.

“Honeylette dadalhin natin siya sa Hospital.” Tawag ko sa kanya, pero hindi siya natitinag sa pagkakatayo, animo’y walang narinig.

“Hindi na huwag ka nang mag-alala ayos lang ako. Hindi naman ako nasaktan.” Pagpoprotesta nang babae. Pagkatapos ay pinulot na nito ang mga gamit at nagmamadaling naglakad, sinulyapan pa nito si Honeylette bago tuluyang umalis.

Hindi ko mabasa ang reaksyon niya anong meron sa babaeng iyon. Kilala niya ito pero bakit hindi niya ito nagawang kibuin?.

Niyaya ko na siyang sumakay. Tigil pa rin siya at tila kay lalim nang iniisip. Nang makasakay na siya ay hindi ko muna pinatakbo ang kotse. Tiningnan ko siya na ngayon ay lipad pa rin ang isip.

“Hey.” Tipid kong tawag.

Napapitlag siya nang marinig ako.

Pilit siyang ngumiti.

“Kilala mo ba iyong babae?” naninimbang kong tanong.

Mabilis siyang sumagot.

“Nanay ko.” Natigilan ako sa sagot niya.

Napatingin ako sa mukha niya. Nakita ko ang nangingilid niyang luha sa mga mata. Nanay niya. Paanong nangyari? Hindi ko alam ang kwento nang buhay niya. Anong mayroon sa kanila nang nanay niya? Bakit hindi niya ito nagawang lapitan?. Sunod-sunod na tanong sa aking isipan.

Hanggang sa makauwi kami ay naging tahimik pa rin siya. Ayokong nakikita siyang ganito. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapasaya. Tahimik niyang ginawa ang trabaho niya ang pag-aayos nang mga pinamili namin.

Palabas na ako nang kwarto ko nang makita ko siyang papasok naman sa kwarto niya.

“Honeylette.” Mahinahon kong tawag sa kanya.

Malungkot ang mukha niyang lumingon sa akin. Hindi ko na makayanan ayokong nakikita siyang ganito. Kaya naman agad akong lumapit sa kanya. Hinapit siya sa baywang at siniil nang halik. Wala akong pakealam kung magalit siya basta ayokong lang siyang makikitang malungkot. Kahit na sampalin niya ako sa ginawa ko ay ayos lang basta maalis ko lamang ang bumabagabag sa kanya. Ito lang ang alam kong paraan.

Naramdaman ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko, pero nanatiling nakatikom ang bibig niya. Hindi niya akong nagawang itulak, kaya kinagat ko ang labi niya kung kaya’t napaawang ito. Kaya naman nakuha kong halikan siya nang mas malalim. Noong una ay hindi siya tumutugon ngunit nang bandang huli ay naramdaman ko na rin iyon. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Binuksan ko ang pinto nang kwarto niya at iginiya siya papasok hanggang sa makarating sa higaan. Ibinaba ko ang halik ko sa leeg niya. Napakabango niya. I love her natural scent.

Pinagpatuloy ko ang paghalik sa kanya. Dahan dahan ko siyang inihiga. At isa isang tinanggal ang suot niya. Mamula mula ang kanyang mukha, ramdam ko na nahihiya siya.

Tinakpan niya nang dalawang kamay ang kanyang dibdib nang matanggal ko ang pang itaas niya. Isinunod ko ang pambaba niya. Para na siyang hinog na kamatis ang mukha nang makita niya akong nakatitg sa katawan niya. Kitang kita ko na ang kahubdan niya. Lalo akong nakaramdam nang init nang makita iyon.

Ipinaling niya ang ulo niya dahil sa pagkapahiya. I smirked. Ang cute niya. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.

“Don’t be shy Honey.” I whisper, napaawang ang labi niya sa sinabi ko. Hindi ko na pinatagal pa at sinimulan ko na siyang paligayahin. Hindi ko na kilala ang sarili ko kapag kaharap ko na siya. Nababaliw ako sa kanya. I like her and she’s mine.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Maid and Her Boss (Chapter 8)

•───────•°•❀•°•───────

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.