Balak sanang magbakasyon ng magkakaibigan pero naligaw sila sa isang misteryosong bayan. Walang katao-tao sa labas at ang mga kabahayan ay saradong-sarado. Walang nais magbukas, walang nais magpatuloy o magbigay man lang ng tulong sa kanila. Tanging isang matandang lalaki lamang ang pumansin at sumagot sa kanilang mga katanungan. Isang halimaw pala ang gumagala sa bayang iyon at sa gabing napadpad sila doon ay ang mismong gabi kung saan nagigising ang halimaw para kumuha ng mabibiktima. Ang nais ng matanda ay ipaghiganti ang asawa at anak na pinatay ng halimaw. Subalit kakayanin ba ng matandang ito ang bagsik ng Aswang? Kakayanin ba ng mga kabataang ito na ipagtanggol ang isa’t isa kapag nagsimula nang dumagit ang kinatatakutang halimaw na kung tawagin sa San Fermin ay Mandaragit?
Mandaragit II
Paano kung maulit ang kasaysayan? Paano kung ang inaakala nilang patay na ay muling magbalik?
Isang grupo ng kabataan ang nagpunta sa bayan ng San Fermin para sa kanilang school project, at napili nilang gawan ng pelikula ang madugong kasaysayan ng Mandaragit na minsang nanalasa sa bayang ito. Subalit paano kung ang inaakala nilang pelikula ay totohanan na pala? Makaligtas kaya sila sa muling pananalasa ng walang kamatayang Aswang
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






One Response
Ay bonggang proyekto to totohanan maligtas kaya silang lahat o mabawasan sila