ILANG segundo na ang nakalilipas ngunit wala pa ring narinig na tinig si Toni o pagbukas man lang ng kotse senyales na may nakakita na sa kanya.
Nang muli siyang maglakas loob na sumilip ay nalaman niyang paalis na ang sasakyan nila Ceasar. Kitang-kita ng kanyang dalawang mata ang unti-unting paglayo ng van ng mga ito. Kaya naman ay napagdesisyunan niyang hihintayin na lamang na makalayo nang tuluyan sina Ceasar saka siya bababa.
Akmang pipihitin na niya ang doorknob nang matanaw naman ni Toni mula sa hindi kalayuan ang isang matangkad na lalaking patungo sa direksyon ng kanyang pinagkukublian. Tuloy ay muli na naman siyang napadapa.
‘Akala ko ba umalis na sila. May isa pa pala. Buwisit naman!’ Muli rin siyang inatake ng nerbiyos.
Niyakap niya nang mahigpit ang bag. Ang plano ay ihahampas niya sa lalaki ang bag kapag nahuli na siya nito. Total ay mukhang nag-iisa lamang ang lalaki.
Narinig ng dalaga ang pagbukas at pagsara ng pinto ng sasakyan. She was mentally counting when she heard the maneuvering of the engine. And the next thing she knew they were starting to move.
Kung gayon ay ito pala ang may-*ri ng kotse! Pero paano siya magpapakita rito? Paano kung masamang tao rin pala ito kagaya nina Ceasar?
Habang abala ang utak niya sa pag-iisip sa kung paano siya makakaalis sa kotseng iyon ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng pangangati ng ilong. Pinisil-pisil niya ang sariling ilong nang sa gayon ay maiwasan ang pagbahing at makagawa ng ingay na makakaagaw ng atensyon ng estrangherong lalaki. Nagbabanta iyon na babahing siya. But unfortunately, pinching her nose wasn’t enough because she ended up sneezing twice. And at that moment, she prepared herself for the next confrontation.
Naramdaman niya ang biglang pagbagal ng kotse kasunod ang tanong na, “Sino ka? Ano’ng ginagawa mo rito sa loob ng kotse ko?”
Hindi siya nakagalaw agad at sa halip ay nanatili lamang na nakakubli. Paano ba niya ipaliliwanag kung paano siya nakapasok sa kotse nito? Baka pagbintangan pa siyang carnapper nito?
“Miss?” untag nito.
Doon naman niya naisipang dahan-dahang umangat mula sa pagkakadapa saka umupo nang maayos.
“M-maniwala ka, wala akong intensyong masama. P-pakibaba niyo na lamang ako riyan sa tabi. Pasensya na rin sa biglang pagsakay ko sa kotse mo nang walang paalam.”
Nagkatinginan sila ng lalaki sa rearview mirror. She silently gulped when their eyes met in the rearview mirror of the car. He has amber eyes that look at her seriously. Oo, nakita niya agad iyon nang minsang tamaan ito ng ilaw mula sa mga nakakasalubong na sasakyan.
“Hindi puwede,” sersyosong saad nito na nagpakunot ng kanyang noo.
“Sir, pasensya na talaga kung basta na lamang akong pumasok sa kotse mo. Pero maniwala ka, wala akong ibang ginawa rito. D-dumapa lang ako rito.”
“Dumapa?” Kita niya ang pagsasalubong ng malalagong kilay nito. Halatang hindi naniniwala sa kanya.
“Pakibaba na lang—”
“Bakit mo naisipang sa loob pa ng kotse ko dumapa?”
Napatiim bagang siya. ‘Ang dami namang tanong!’
“M-may mga… mga humahabol sa akin.” There, siguro naman ay pabababain na siya nito ng kotse.
Hindi agad nakasagot ang lalaki bagkus ay tumitig lamang ito sa kanya bagay na hindi niya matagalan. Pinagbabalakan na ba siya nito ng masama?
“Bababa na ko. Sa palagay ko ay malayo na sila. Pasensya na ulit sa abala at salamat na rin,” aniya.
“Hindi kita puwedeng ibaba rito, miss,” muling giit nito.
“At bakit?” Hindi niya maiwasang langkapan ng iritasyon ang tinig.
Dapat kasi sa mga oras na ito ay nagpapahinga na siya. Pero ito siya ngayon, nakasakay sa kotse ng isang estranghero.
“Nasa SLEX tayo. Hindi kita basta-basta maibaba rito.”
Dahil sa sinabi nito’y awtomatikong napatingin siya sa labas. Nagsasabi nga ito ng totoo. Nasa kahabaan na sila ng hi-way, palabas ng Maynila.
“Saan ka ba papunta? Baka puwede kitang maisabay na lang.”
Muli siyang napatingin sa rear view mirror upang tingnan ang mga mata ng lalaki ngunit nakatuon iyon sa daan.
“Sa…” Saan nga ba siya patutungo?
Mula sa labas ay nahagip niya ang isang bus na alam niyang patungo sa pier ng Batangas.
“Sa pier ng Batangas,” pagpapatuloy niya.
Muli itong natahimik na ipinagpasalamat naman ni Toni. Sa ngayon kasi ay medyo tensyonado pa siya sa naganap kanina. Idagdag pang nakasakay siya ngayon sa kotseng may kasamang estrangherong lalaki.
But it isn’t much better, right? Dapat ay mabawasan ang kanyang pangamba dahil hindi sina Ceasar ang nakahuli at kasa-kasama niya ngayon. Batid ni Toni na oras na mahawakan na siya ng grupo ni Ceasar ay siguradong hindi na talaga siya makakawala pa at iyon ang ayaw niyang mangyari. Ano ba’ng malay niya sa maaaring gawin sa kanya ng mga taong naghahanap sa kanyang ama, hindi ba?
“Kung ayos lang, puwede ko ba malaman ang pangalan mo?” mayamaya ay tanong ng lalaki.
“T-Toni…”
“Ako si Elton—” he cleared his throat. “Sa totoo lang, sa Batangas din ang tungo ko pero hindi sa mismong pier. Pero puwede pa rin naman kitang maihatid doon.”
Nawalan siya ng kibo. Dapat ba niyang tanggapin ang pagmamagandang loob nito? Dapat ba na magtiwala agad siya sa lalaking ngayon lamang niya nakausap?
“Mauunawaan ko naman kung tatanggihan mo ang inaalok ko sayong free ride.” Saglit itong sumulyap sa rear view mirror upang tapunan siya ng tingin at doon ay muling nagtagpo ang kanilang mga mata. “Kaya lang, paano ka makakasigurong wala na nga sa paligid ang mga humahabol sa ’yo? Gaano ka kampanteng hindi ka nila agad makikita? Kapag ba ibinaba kita sa susunod na madadanan nating waiting shed ay makakasakay ka ba agad? Nakikita mo naman sigurong kakaunti na lang ang pampasaherong sasakyan sa paligid.”
May punto si Elton. Paano nga kaya kung sa paghihintay niya ng masasakyan ay bigla na lamang siyang makita nina Ceasar?
“S-sige na. Ihatid mo na lang ako sa pier. Babayaran kita kahit magkano.”
Toni saw Elton’s smiling amber eyes in the mirror’s reflection. “Huwag kang mag-alala, Toni. Hindi ako masamang tao gaya ng iniisip mo. Ayaw ko lang gawing nakakainip ang magiging biyahe ko. May makakausap ako kahit paano. Saka, huwag ka nang magbayad.”
Muling nawalan ng sasabihin si Toni. They don’t know each other so what would she say? “Thank you.” Iyon na lamang ang nasabi niya.
Pagkatapos niyang magpasalamat ay napalibutan sila ng katahimikan kaya naman ay itinuon na lamang niya ang tingin sa labas ng sasakyan.
“Ah… may tanong sana ako sa ’yo, Toni. Kung okay lang sa ’yo.” Muling nagtagpo ang kanilang mga mata sa rear view mirror.
Seryoso ang boses at tingin nito kaya naman ay pilit siyang ngumiti. “Depende. Ano bang tanong mo?”
“Tungkol sa mga humahabol sa ’yo. Kilala mo ba sila?”
Kusang bumalik sa labas ng sasakyan ang direksyon ng mga tingin ni Toni nang marinig ang tanong iyon mula kay Elton. Napansin niyang hindi na rin pala talaga ganoon karami ang bumibiyaheng mga sasakyan sa kalsada gaya nga ng sinabi ng kausap.
“Malaki ang atraso ng tatay ko sa kanila. Ako lang nakikita nila kaya ako lang ang kaya nilang habulin,” kapagdaka’y sagot niya sa tanong ni Elton.
“Pinagkakautangan?” panghuhula pa nito na mapait niyang nginitian.
Hindi na naman niya maiwasang kaawaan ang sarili. Sana nga ay isang simpleng utang lamang ang atraso ng kanyang ama pero hindin. Nang dahil sa pagkakamali ng ama ay siya ngayon ang nagdudusa at nagbabayad. Saang palad ba ng langit niya mahahanap ang limampung milyong dolyar na itinakbo nito? Kahit pa yata gugulin niya ang susunod na buhay sa pagtatrabaho mabayaran lang ang perang iyon ay hindi pa rin sasapat.
“Parang gano’n na nga,” walang gana niyang sagot.
“Ang nanay mo? Nasaan?”
“She’s dead… Seven years ago.” Bahagyang nagkaroon ng lambong sa kanyang mga mata nang maalala ang namayapang ina.
Isa pa ang bagay na iyon na dinadala niya sa dibdib. Akala ni Toni ay matagal pa niyang makakasama ang ina sa hirap man o ginhawa pero hindi. At wala na siyang magagawa pa sa bagay na iyon. Ang tangi na lamang niyang pakunswelo sa sarili ay makakapagpahinga na ang ina sa impiyernong buhay na ibinigay ng kanyang ama sa kanilang mag-ina.
“Pasensya na at tinanong ko pa.”
“Hindi. Ayos lang ’yon. Tanggap ko na rin naman na mag-isa na lang ako sa buhay.”
“Mga kapatid? O ibang kamag-anak? Siguro naman may mga kaibigan ka rin.”
Marahan siyang umiling. “Kaibigan? Hindi ako nagkaroon ng gano’n. Malabo sa sitwasyon ko. Nag-iisa lang din akong anak ng mga magulang ko. Ang iba ko namang kamag-anak, ewan ko rin. Kung meron man, hindi ko pa sila nakikilala kahit minsan.”
Muling pumailanlang ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Toni has just realized that it’s fine to tell others her problem, to someone stranger like Elton. He wouldn’t judge her or say anything that would make her feel more helpless.
Kalauna’y muling binasag ng binata ang katahimikan. “Medyo mahaba pa ang magiging biyahe natin. Gusto mong kumain muna? May alam akong kainan na masarap at madadaanan lang din natin.”
Nang banggitin ni Elton ang tungkol sa pagkain ay siya namang pag-iingay ng kanyang tiyan. Kaya naman ay sinang-ayunan na lamang niya si Elton.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





