MAY ISANG oras din halos ang lumipas bago narating nina Toni at Elton ang sinasabi nitong kainan na bukas bente kuwatro oras. Isang simpleng karinderya lamang iyon sa paningin ni Toni.
Pagpasok nila sa loob ay hinayaan niyang si Elton ang mamili ng pagkain para sa kanya. Sa tingin naman kasi niya ay ilang beses nang nakakain ang lalaki roon. Siguradong kabisado na nito ang masarap na pagkaing dapat order-in.
Mas lalong naramdaman ni Toni ang matinding gutom nang maihain na sa kanilang harapan ang mga pagkaing in-order ng lalaki. Amoy pa lang ng mga ito ay talagang nakakapagpalaway na sa kanya.
“Kain na. Kapag may gusto ka pa, sabihin mo lang,” sabi ni Elton na may kasamang kaunting ngiti sa labi.
Doon naman mas napagtanto ni Toni na gwapo pala talaga ang lalaki ngayong kaharap na niya ito. Sa tantiya pa niya ay may dugo itong banyaga. Because if not, how did Elton get amber-colored eyes?
Dahil na rin sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng karinderya ay malinaw niyang napag-aralan ang bawat hubog at hugis ng mukha ng lalaki. He has an oval-shaped face with a straight, slightly narrow nose, full pinkish-red lips, and a hairstyle characterized by dark, somewhat long, sleek, and tousled hair. Kung hindi nga lang niya alam na mabait din ito ay mapagkakamalan niyang kasabwat ito nina Ceasar sa paghahanap sa kanya. Masyado rin itong matangkad sa kanya kahit matangkad na siya sa kanyang height na five eight.
Pero kahit lantad na lantad ang angking kagwapuhan at istilong banyaga sa hitsura ng lalaki’y simple naman ang pananamit nito. He was just wearing a plain black t-shirt, old maong pants, and a black loafer for his shoes. Hindi rin magara ang kotseng ginagamit nito. She could actually say that the car he was using was too old. May kakaiba na rin kasing ingay ang makina noon.
“Ayos ka lang, Toni?”
Napakurap siya nang marinig ang tanong iyon mula kay Elton. “I’m sorry. What is it again?”
Muling sumilay kay Toni ang nakapanglalambot tuhod na ngiti sa mga labi ni Elton. And somehow, it was making her heart beat fast!
“Ang sabi ko, kung may gusto ka pang pagkain, magsabi ka lang.”
Bahagya siyang natawa. “Okay na ako rito. Marami na ang tatlong klase ng ulam na in-order mo.” Muli siyang natawa nang makitang may paparating pang leche flan sa kanila. “At may dessert pa, ha.”
Naging pilit naman ang pagngiti nito sa kanya na para bang nahiya. “Eh, ayaw mo ba? Naisip ko kasi na baka gusto mo ring kumain ng dessert pagkatapos kumain ng kanin.”
“Gusto ko ang leche flan. Okay na ’yan. Salamat ulit.”
PAGKATAPOS nilang kumain ay nagkaroon pa sila ng kaunting pagtatalo sa kung sino ang magbabayad ng kanilang pinagkainan. Noong una ay hinayaan lang niya itong kusang magbayad para sa kanilang bill. Pero nang mapansin niyang natatagalan si Elton sa pagdukot ng pera ay kusa na siyang nagprisenta. Kaya lamang ay sobrang tinutulan ng lalaki iyon. Saad pa nito, hindi raw tama na ang babae pa ang nagbabayad sa pinagkainan. Ngunit nanindigan na siya. Sinabi na lamang niya na iyon na ang kanyang paraan upang makapagpasalamat sa kabutihang ginawa nito sa kanya. Muli pa sana itong aalma sa gusto niya ngunit naging matigas siya. Hindi man kasi sabihin ni Elton ay halata namang kulang ang pera nito pambayad.
Nang mabayaran na ang kanilang bill ay agad silang lumabas sa karinderyang iyon. Habang naglalakad palabas ay naging abala siya sa pagkuha ng cigarette case sa loob ng kanyang bag. Kumuha siya ng isang stick mula doon upang sana’y sindihan nang may maalala siya.
“Okay lang ba kung mamaya na tayo umalis? Mga five minutes lang ’to. Teka, do you smoke too?” pukaw niya bigla kay Elton na noon ay nauuna nang bahagya sa kanya. Bahagya niyang iniumang ang hawak na sigarilyo rito.
Sa pagharap nito ay may kung ano siyang nakita sa mga tingin ni Elton nang humantong iyon sa hawak niyang sigarilyo. Napakurap siya dahil doon at sa muling pagtingin niya sa mga mata nito’y wala na ang masamang titig na inakala niya kanina kay Elton.
‘Whew! I really need rest. Kung anu-ano nang nakikita ko!’
He just nodded at her and left two meters away from her. “Sige lang. Hihintayin kitang matapos.”
Toni expects that he is going to get inside first to his car. Instead, he stayed outside too. Hindi na lang siya nagsalita pa at ipinagpatuloy na lamang ang gagawing pagsindi sa sigarilyo.
Pero mayamaya pa’y nagsalita si Elton. “Gaano mo na pala katagal na ginagawa ’yan?”
Napatitig siya kay Elton. Pinilit din niyang basahin ang mukha nito pero bigo siya. ‘He’s weird!’
Bakit niya nasabi iyon? Elton has an angelic smile but he has this side too that she couldn’t describe what exactly the words are. Tahimik pero mapanganib.
Humithit siya sa yosing hawak saka ibinuga ang usok sa ere. “Alin? Ito ba?” she raised a bit her cigarette. Mapait siyang ngumiti. “I don’t usually do this. Aware naman kasi akong hindi maganda para sa kalusugan ang sigarilyo but it helps me a lot every time I feel stressed.”
Nakita niya ang pagdaan ng emosyon sa mga mata nito. Emosyong mahirap basahin dahil hindi naman niya lubos na kilala ang lalaki.
“Tingin mo ba balang araw maiiwasan mo ’yan?”
“Oo, syempre! Sabi ko nga sa ’yo, naaalala ko lang manigarilyo kapag nakakaramdam ako ng takot o pangamba. Ikaw ba? Hindi ka ba talaga naninigarilyo?”
Umiling si Elton. “Hindi at kailanman ay hindi ko sinubukan.”
And it’s her turn to giggle.
“Bakit ka natawa?” nagtatakang tanong naman nito.
Nagkibit balikat siya. “You have an image of being a bad boy physically pero good boy naman pala dahil hindi ka kailanman humawak ng sigarilyo.”
Ang sinabi niyang iyon ay hindi na tinugunan pa ng lalaki kaya naman ay nanahimik na rin siya.
Sa natitira pang ilang oras ng biyahe nila Elton at Toni ay hindi na masyadong makuwento ang bawat isa sa kanila. Palibahasa’y nakakaidlip din siya kahit paano. Bagay na kung hindi dahil sa kabusugan ay baka talagang hindi na nakuha pang magpahinga ng mga mata ni Toni. Whether she admits it or not, her mind became somewhat peaceful beside Elton.
“So, paano, Elton? Hanggang dito na lang tayo.” Napabuntong hininga siya. She felt relieved knowing that she was safe for now. “Maraming salamat sa pagtulong mo at paghatid dito sa ’kin.”
Tumango naman ito. “Wala ’yon. Mag-ingat ka na lang sa susunod mong mapupuntahang lugar, Toni.”
Ginantihan niya ng ngiti ang sinabing iyon ng lalaki. Ngiting kahit paano’y may kaunting panghihinayang. Para saan? Hindi niya rin alam.
Tinalikuran na niya si Elton saka sinimulang bumaba na sa kotse nito. Naglakad siya palayo mula roon at bago pa man siya tuluyang makapasok sa terminal ay muli niyang nilingon ang kotse ng lalaking nagpakita ng kabutihan sa kanya. Nakita niya ang gwapo ngunit seryosong mukha nito. Nakahatid pa rin ito ng tanaw sa kanya at sa huling pagkakataon ay binigyan niya ng isang matamis na ngiti si Elton bago magpasyang tuluyan nang pasukin ang terminal.
MULA sa kinauupuan ni Elton ay tanaw niya ang unti-unting paglayo ni mula sa kanyang kotse. Elton feels like he wants to repent for letting the woman get away from him. He even saved her from Santiago’s soldiers.
When he was at the convenience store he saw Toni running toward his car and he was a bit surprised when she got in the car to hide. He wasn’t expecting that. Agad naman kasi niya itong nakilala dahil mayroon siyang litrato nito at ni Antonio na ibinigay sa kanya ng ama noong nasa Italya pa lamang siya.
In his opinion, he didn’t get the point of why they would need to seize that woman too while her father was the only one who was at fault to Santiago. Si Antonio lang naman dapat ang maging target nito at hindi pati ang nag-iisang anak. But maybe, it was Santiago’s tactic. To bait Antonio, he would need to catch first his only daughter Antoniette.
But when he nearly saw Toni’s face, he couldn’t help but be captivated by her beauty. Those dark brown eyes and her thin kissable lips made him feel the will to know more about her. There was sadness in her eyes and yet he could still see the bravery too. A bravery to fight for her life.
Habang nagkukuwento ito nang pahapyaw tungkol sa buhay ay hindi niya naiwasang makaramdam ng pagkaawa para dito. She could have had a better life if her father was not a member of Cosa Nostra. At habang naririnig niya ang may pait ngunit may lungkot na tinig ng dalaga’y matindi namang pagpipigil ang ginawa niya upang huwag itong hablutin at ikulong sa kanyang mga bisig.
Unang-una’y mali iyon. Mali na magkaroon siya ng awa sa anak ng taong nagtraydor sa kanilang samahan. Hindi dapat mawala sa kanyang isipan ang dahilan ng pagtungtong niya ng Pilipinas. Ang bansang kailanma’y hindi pa niya napupuntahan. At pangalawa, isa siyang Don ng Cosa Nostra. Ayaw na niyang palalain pa ang pagpapanggap na isa siyang mabuting tao sa harap nito na sa bandang huli rin naman ay mabubuko.
Sa ngayon ay hahayaan niya na muna si Toni na makatakas at makalayo mula kina Ceasar. But Elton thought that it wouldn’t be the last time they would encounter each other again and by the time that their path crossed again, he would surely do his mission this time and prove himself to Santiago.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





