A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

Mistaken Love (Chapter 5)

MABILIS na tinungo ni Celestine ang office ng kanyang ama. Gusto raw kasi siya nitong makausap hinggil sa pinapagawa nito sa kanya.

“Any updates? What’s new?” Iyan kaagad ang bungad ng kanyang ama. Napairap na lang siya sa hangin at pabalang na sumagot dito, “Magandang umaga rin sayo, dad.”

She then sat down at the nearest couch. Tinaasan siya ng kilay ng ama at wala siyang nagawa kundi ang ibigay ang hinihingi nitong sagot.

“I think, mananalo kayo sa susunod na eleksyon.” Walang gana niyang sagot.

Nagpaayos naman iyon ng upo sa kanyang ama. Tila naging interesante para dito ang naturang komento.

“You think? Hindi mo sigurado?” Kunot-noong tanong nito.

Hinarap niya ang ama ng may nakataas na kilay.

“Aba, anong malay ko? Kahit nga ang fortune-teller hindi masabi ang future ako pa kaya, dad, na tanging ganda lang ang meron?” Irap niya rito.

Ngunit napayuko rin siya nang makitang nagdilim ang mukha ng ama mula sa kinatatayuan nito.

“Ibig kong sabihin, mananalo kayo sa darating na eleksyon.” Pagbabago niya sa naunang statement. Nagpababa naman ito ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Muli ay nag-usisa ito.

“Sinabi ba niyang susuportahan niya ako this coming election? Paano mo nasabing mananalo ako?” May paniniguro nitong tanong sa anak.

“Susuportahan kayo ni Red tulad nang naging pangako niya sa inyo noong araw ng engagement namin.” Iyon naman talaga ang puno’t dulo kaya sila na-engage ni Red. Kailangan ng ama niya ng sponsor sa darating na eleksyon. At tanging ang Dela Vega lamang ang makapagbibigay nito sa kanyang ama.

Napabuntong-hininga na lamang siya.

“Wala na ba kayong sasabihin? I gotta go. May pupuntahan pa ako.” Pagkasabi ay tumalikod na siya rito. Hindi siya komportableng kausap ang ama dahil na rin sa nakaraang pangyayare sa buhay nila.

“Celestine, anak.” Nahinto siya sa paglalakad nang marinig ang itinawag nito sa kanya. Its been years, ngayon lang ulit siya tinawag ng ama bilang ‘anak’. Sobrang laking pinsala talaga ang naidulot ng nakaraan nila.

“I know that you really love him. Kayaβ€”.” Pinutol niya ang nais sabihin ng ama. “Kaya ginagamit niyo ‘yon para mapasunod niyo ako sa gusto niyo. I know, dad.”

Walang naging sagot ang kanyang ama sa sinabi niya. Kaya naman tuluyan na siyang nagpaalam dito, “Mauna na po ako.”

Hindi naman na bago sa kanya ang ganitong sistema. Lumaki nga siyang hindi ito nakasama, eh. Kung hindi pa nasa kritikal na lagay ang kanyang ina, hindi nito maiisip na bumalik sa kanila.

Ngayon namang nakabalik na ito, kinakasangkapan na naman siya sa pansarili nitong interes.

D**n!

Hindi siya makahindi sa gusto nito dahil sa mahal na mahal niya rin talaga si Red Dela Vega. Pabor sa kanya ang ipinapagawa ng kanyang ama dahil may chance na siyang makita ang binatang sinisinta ng mas madalas. Malaki rin ang chance na magkatotoo ang mga gusto niyang mangyare sa relasyon nila ng binata.

LABIS namang dinamdam ni Marguerite ang naging desisyon niya na pumayag sa pabor ni Celestine. Noong makita pa nga lang niya ang dalawa na naghahalikan ay parang may tumarak ng punyal sa kanyang puso. Mas lalong higit nang marinig niya mismo sa babae na humihingi ito ng pabor upang mapasakanya ng buo ang binata.

Sa mga oras ‘yon, isa lang ang naiisip niya.

‘Hati na lang tayo sa kanya. Sa ’kin sa gabi, sa ’yo sa umaga.’

Pero hindi ‘yon maaaring mangyare! Ayaw niya ng ganoong kalakaran. Hindi naman kasi ito gaya ng school classes na may day shift at night shift. Hindi nila pwedeng paghatian ang binata. Because she wanted to claim him, whole and alone! Ayaw niya nang may kaagaw pagdating dito!

Hanggang sa nakatulugan na nga niya ang pag-iyak. Nagising siya sa ingay na likha ng kanyang selpon.

Mahigit ten missed calls at thirty texts ang nakalagay sa screen ng selpon niya. Iyan ang bungad sa kanya ng binata. Pero ni isa sa mga ‘yon ay hindi niya pinaunlakan. She’s still in great pain! Masakit pa rin sa kanya ang mga nangyare kahapon at magdamag.

Ngayon naman, hindi niya alam kung saan niya nahugot ang lakas ng loob upang makapasok pa sa trabaho. Natagpuan na lang niya ang sarili sa loob ng opisina ng binata. Naroon siya upang ibigay ang schedule nito sa araw ng martes.

“Good morning.” Bungad nito sa kanya ng nakangiti nang malawak. Dahil doon ay tila may humaplos na mainit na kamay sa kanyang puso. Ito ang unang beses na binati siya ng binata ng β€˜good morning’ habang nakangiti ito nang malapad.

Parang isang magic na nawala ang galit niya rito. Wala siyang nagawa kundi ang iabot ng mabilis ang folder na hawak. Matapos niyon ay nagmadali siyang tumalikod at nilisan ang opisina nito.

Hindi niya hinayaang magkaroon ng pagkakataon ang binata upang makita nito ang pamumula ng kanyang mukha. If that happens, mapapahiya siya rito nang sobra.

“Did I already dismissed you?” Nagtambol ang puso niya sa tinanong nito. Lubos niyang akala’y makakatakas na siya mula sa binata.

Ngunit ano ito?

Marahan siyang umikot paharap dito at nanatiling nakayuko ang ulo habang umiiling.

“Please, enlighten me with my schedule.”Β  Napako siya sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi nito sa tapat ng tenga niya.

Lalong lumakas ang pagtambol ng puso niya sa kaba. Kaya’t hindi niya naiwasang mapaurong.

With her every steps, nakasunod sa kanya ang binata. Until their eyes met. May kung anong kinang sa mga mata nito na hindi niya maipaliwanag. Basta ang alam niya ay nahihipnotismo na lamang siya sa kulay asul nitong mga mata.

Then her back finally hit the cold wall. She saw him smirk and it made her giggle inside. Kasabay ng pagpatong nito ng kamay sa kanang bahagi ng pader habang ang isa ay masuyong inilalagay ang buhok niya sa pagitan ng kanyang punong tenga.

Hindi niya naiwasang kiligin sa ginawa nito pero mas nanaig sa loob niya ang nakita kahapon. Ganito rin kasi ang sitwasyon ng binata at no’ng babaeng maganda.

Dahil muling kumirot ang kanyang puso, akma na siyang aalis nang biglang pumulupot sa beywang niya ang braso nito. Her brown beautiful eyes widened. She nearly gasped because of what he did.

“Na-nakalagay naman ang s-schedule mo do’n sa f-folder,” she stuttered.

“I know, but I want you to recite it, in front of me,” he wisphered on her left ear.

Walang nagawa si Marguerite kundi ang sumunod sa gusto nito.

SA halip na sa sinasabi ng sekretarya niya nakatuon ang kanyang atensyon. Napukol ang mga mata niya sa mukha nito. Nagtataglay ang dalaga ng isang magandang mukha; may mabibilog at kulay brown na mga mata, maliit ngunit matangos na ilong at mapupulang labi. Bumagay din ang kulay itim, mahaba at wavy nitong buhok sa kanyang suot na formal office attire na siya namang naglabas ng maganda at balingkinitang hugis ng katawan nito. Hindi maipagkakaila na may angkin itong ganda. Iyon marahil ang nagustuhan ng kakambal niya sa dalaga.

Pero hindi niya magawang mabighani rito. A familiar image of a leech keeps on flashing on his mind.

Kung bakit ba kasi paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya ang mukha ng babaeng ‘yon! Ang pagiging bitch nito at ang pinagsaluhan nilang mapusok na halik kahapon.

He actually don’t like the shared kiss. He only do it for a show. Kailangan niya kasing magawa ang plano niya laban sa kakambal na si Ryder.

At ngayong nakikita niya ang anino ni Celestine papunta sa pwesto nila ni Marguerite. Doon ay may kakaiba siyang naisip na gawin. Mabilis niyang ipinantay ang sarili sa sekretarya. Sabay hawak niya sa magkabila nitong pisngi.

He’s not planning on kissing her. But to only show to Celestine that the shared kiss meant nothing to him. Ayaw niyang isipin nito na may ibig sabihin ang halik na ‘yon.

In the first place, ayaw naman talaga niya kay Celestine dahil alam niyang ginagamit lamang siya nito, for his father campaign. And he will never dared to make himself a fool in front of her.

Halos manigas naman si Marguerite sa kinatatayuan niya dahil sa lapit nila ng binata sa isa’t isa. Pumikit siya sa pag-aakalang hahalikan siya nito ngunit walang nangyare tulad ng kanyang inaasahan. Hanggang sa bumalik na ang boss niya sa dati nitong pwesto.

Nagmadali siyang umalis upang itago ang pagkapahiya. Until she saw a familiar figure of a woman. Nagtama ang paningin nila at kamuntikan na siyang matumba sa kanyang kinatatayuan.

Celestine is glaring at her direction. Nakakuyom din ang magkabila nitong kamao at walang kahit anong emosyon ang mababanaag sa mukha nito.

Nang mga oras na ’yon ay tinamaan siya nang matinding kaba dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Kasabay ng tunog ng heels nito na pawang nagbabanta.

She made a glance to his direction. Tila namalikmata siya sa nakita niya.

He has a big smile plastered on his face.

PADABOG namang nilisan ni Celestine ang office ng fiancΓ© niya. Nawala ang pagnanais niyang ayain itong mag-lunch sa labas. She didn’t expect what she had saw.

Ang sekretaryang hiningan niya ng tulong at ang binatang gusto niya ay naghahalikan sa tapat mismo kung saan sila naghalikan noong nakaraan.

What the f**k?!

Messing up with her isn’t a good idea!

Because no one is above Celestine!

Kung anong gusto niya, nakukuha niya!

Kung ano ang sa kanya, hindi pwedeng maging pag-aari din ng iba!

She owns Red and it will stay that way!

Kung gusto niyang makihati sa kanya, ngayon pa lang dapat ay nagsisimula na itong maghanap ng kakampihang santo! Dahil ang isang Celestine ay hindi makakapayag na mahahatiang muli!

Once is enough, two is the right time for her to finally learned her deserve lesson!

Makukuha ng babaeng ‘yon ang hinahanap niya!

Ang parusang dapat noon pa nito nakuha!

“Yes, I’m on my way now.” Rinig niyang sambit ng lalaking nagmamadaling pumasok sa kotse nito sa may labas ng Dela Vega Corporation.

Naagaw ng boses at pigura nito ang atensyon ni Celestine. Parang may kakaiba sa lalaki na hindi niya maipaliwanag.

Hanggang sa mawala na ang sasakyan nito sa paningin niya. Muli ay nanumbalik sa kanya ang pagkainis at galit kay Marguerite.

“You mess with the wrong person, Marguerite Gustavo!”

Previous: Chapter 4

Continue to: Chapter 6


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Mistaken Love (Chapter 5)

7 Responses

  1. Pot**gnaπŸ˜‚ My Gash Marguerite! Lagot ka kay Celestine HAHAHAH Sorry ha, pero kay Celestine ako kampi sa chapter na ito. Sorry huhu

    1. Nabasa niyo na po mula teaser?😱😱😍😍😍 Yiepieee, mag-update po ako tomorrow.😍😍😍

    1. Hi po, salamat po sa pagbabasa. May Teaser po yan at hanggang chapter 4 po. Click nio lang po ang name ko yung Lucxinerain mapupunta po kayo sa mga nasulat ko ng chapters.😊

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Let us know if you are having trouble in accessing our contents. Message us!