A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

Mistaken Love (Chapter 8)

HINDI nagawang alisin ng mga halik ni Ryder ang pagtatakang meron si Marguerite para sa binata.

Kaaalis lamang nito and yet, nagawa agad nitong makapagbihis ng bagong damit at kakulay pa talaga ng gamit nitong sasakyan?

‘How’s that happen?’ Naging tanong niya sa kanyang isipan. Naputol lamang ang kanyang pag-iisip sa biglaang paghiwalay sa kanya ng binata.

“Kissing me while thinking another guy?!” Asik nito habang mababanaag sa buong mukha ang matinding iritasyon. Nakakuyom din ang magkabila nitong kamao tila handang suntukin ang anu mang bagay na unang makikita.

Pero ano nga bang ibig sabihin ng mga salitang binitawan nito?

“What do you—.”

Hindi na natuloy ang sasabihin niya rito nang makita ang papasok nitong bulto sa loob ng apartment niya. Naiinis na lamang siyang napasunod rito. Pero bago ‘yon ay minabuti niyang luminga-linga muna sa paligid niya upang tignan kung may Celestine ba na basta na lamang bubulaga sa kanya. D**n!

“Open the fu**ing door!” Walang emosyon nitong sabi na nakapagpatalima agad sa kanya.

Kanina lang pagkahatid nito sa kanya ay sweet at mabait pa ito. Paanong bigla na lamang ito naging mainitin ang ulo?

“I’m a beast when I am mad. And an animal like me will not attack unless provoked.”

Nagkandamali-mali siya ng pasok ng susi dahil sa memoryang nagbalik sa kanyang isip. Naalala niya ang pagniniig nila kamakailan. Hanggang sa natagpuan niya ang binata sa kanyang likuran. Hindi niya napigil ang mapakagat nang marahan sa pang-ibaba niyang labi nang madama ang pagkalalaki nito malapit sa may pang-upo niya.

“Ipapasok lang ang susi hindi pa magawa,” he sarcastically said. Tila sinasabi nito na kasing dali lamang ipasok ang susi tulad ng pagpasok ng pagkalalaki nito sa pagkababae niya.

D**n!

Bakit pulos kahalayan ang pumapasok sa utak niya kapag silang dalawa lamang ng binata ang magkasama?

‘Kilabutan ka nga riyan, Marguerite!’

Hindi na niya nagawang ipatong pa sa lamesa ang bag niya dahil muli siyang siniil ng binata ng maalab na halik. Parang isang mahika na biglang nablanko ang isipan niya. Wala siyang nagawa kundi ang magpaalipin sa ginagawa nito.

He kissed her hard and hot. May kahigpitan din ang hawak niya sa beywang at braso ni Marguerite. He may seemed territorial but the latter was his second name. Wala rin niyang pasintabing itinapon ang dalaga sa kama nito. He’s fuming mad and he has no idea on how to handle his emotion well.

Ang nakita niyang paghatid at pagtrato ni Red kay Marguerite ang nagdulot sa kanya ng matinding galit. Alam niyang hindi siya namalikmata sa nakita. Ang kakambal niya ‘yon at inihatid ang dalaga. Kapansin-pansin din ang pag-alalay nito at pagpapakita ng interes kay Marguerite. Bagay na noon pa niya ikinakatakot na mangyare.

Hindi rin kasi gawain ni Red ang mag-aksaya ng gasolina sa babaeng hindi nito gusto. D**n!

Ibig sabihin ay magiging kakompetensya niya ang kakambal sa dalaga? If so, ito ang unang pagkakataon na magiging magkaribal sila ni Red. Ang bagay na hindi kailanman sumagi sa isip niya mula pagkabata nila.

Hindi man sila ang tipo ng magkambal na palaging magkasama pero alam niyang sanggang dikit sila sa anu mang bagay.

‘Sanggang dikit? Ibig mo bang sabihin, when it comes to woman ay pwede kayong maghati?’ He mentally cursed.

“I won’t let that happen!” Hindi niya napigilang sigaw.

His mind was being clouded by his thoughts. Kaya’t nalimutan na rin niya ang presensya ng dalaga sa tabi niya.

Kunot na kunot naman ang noo ni Marguerite.

Ano raw? Hindi niya hahayaang makasal siya kay Celestine? Eh, paanong hindi siya makakasal gayong engage na sila?

Binalutan ni Marguerite ng kumot ang sarili upang itago ang kanyang kahubaran. Pinunit kasi ng binata ang damit na suot niya makaraang sakupin nito ng agresibong halik ang mga labi niya.

She looked at him unbelievably.

Kanina pa sa office niya napapansing iniiwasan nito ang patungkol sa engagement nila ni Celestine. Bagay na dapat ay ikasaya niya ngunit hindi niya magawa.

“You’re already engaged, Ry. Sooner or later, mauuwi kayong dalawa sa pag-iisang dibdib.” May bahid niyang lungkot at sakit na sabi sa binata. Until the fluid in her eyes comes out.

Hindi naman naiwasan ni Ryder na suntukin ang pader ng kwarto ni Marguerite. He really hates to see her crying and the most f**k up part of it, he has no idea on how to stop the pain she is suffering. It upsets him that he can do nothing to help.

Ito na marahil ang karma niya sa pagapapanggap bilang ang kakambal niya. Ito na siguro ang resulta ng pagiging makasarili niya.

Pero paano naging makasarili ang ginagawa niya? He just pursuing to have the woman he loved from the very start. Oo nga’t nagpanggap siya bilang ang kakambal. Pero hindi naman natin alam ang tunay niyang dahilan kung bakit niya nagawa ang ganoong bagay.

Dahil lang ba talaga sa pagmamahal o may mas malalim pang dahilan? Baka naman kasi kanya na talaga si Marguerite hindi pa man niya natatanggap ang sulat nito para sa kakambal?

At ngayong naiipit si Marguerite sa kanila ni Red ay nakakadama siya ng sobrang pagkainis.

Nagulat si Marguerite sa ginawa ng binata. Lalo na nang makita niya ang duguan nitong kamay. Agad niyang nilisan ang kama at nagtungo sa malapit na cabinet upang kumuha ng panggamot dito. Hindi niya alintana ang nakalantad niyang kahubaran sa harap ng binata. Basta ang mahalaga ay malinis niya ang sugat nito.

Kung bakit ba naman nito naisip na suntukin ang pader gayong alam naman nitong masasaktan siya.

“Tell me if it hurts,” malumanay niyang sabi rito. He just nodded his head in response.

Matapos niyang malinis ang sugat nito ay mabilis niyang inayos ang mga ginamit. Muli ay nagbalik siya sa kama kung saan ito ngayon nakaupo at nakatitig ng malagkit sa kahubaran niya.

“I wanna ravish you until you beg for my every touch, Marguerite.” Ilang paglunok ang nagawa niya dahil sa narinig mula dito. His words promised pain and pleasure. Mga salitang hindi pumapalyang painitin ang katawan niya.

“Come here, baby.” Anyaya nito na ikinailing niya. Ang malokong ngiti nito kanina ay napalitan ng pagkapagod.

“Let’s talk things out, please. Promise, wala akong ibang gagawin.” Mahihimigan ang sinseridad sa boses nito.

Natagpuan niya ang sariling nakaupo sa kandungan nito at isinusubsob ang sarili sa leeg ng binata. D**n! She really miss him much!

He covered her naked body using his jacket. Saka marahang dinampian ng halik ang gilid ng noo niya. Tinotoo nga nito ang kanyang sinabi na wala itong gagawin sa kanya.

“About what happened earlier, I didn’t mean to scare you, baby,” he sincerely said. Nag-angat siya ng tingin sa binata at tumango ng marahan. “I just miss you, that’s why.”

“I miss you, too.” Mabilis niyang pag-amin din dito.

Lumipas pa ang ilang segundo bago ito muling nagsalita.

“I won’t hesitate to punch all the wall even the great, great, Great wall of China if you dared to cry again, Marguerite.” Kinilig siya sa sinabi nito pero hindi rin maiwasang makadama ng kirot.

“Sinaktan mo ang sarili mo dahil din sa kagagawan mo,” she bluntly said. Totoo naman, eh.

“Yeah…” Wala sa sariling napatango ang binata sa dalaga. Then he smiled bitterly.

“Stay even you are hurting,” he quietly begged. Alam niyang balang-araw ay malalaman din ng dalaga ang tungkol sa ginagawa niya. For now, he just wants to hear an assurance from her.

Hindi naman alam ni Marguerite kung paano tutugon sa naturan ng binata. Kahit gusto niya, alam niyang hindi maaari dahil na rin sa relasyong meron ang binata sa fiancé nito.

“Iyan ba ‘yong invitation sa kasal niyo ni Celestine?” Kagat labi niyang tanong dito. Ramdam niya ang paghigpit ng yakap nito sa beywang niya. Tila nahihirapan din ito.

Ryder cupped her face with his both hands. He planted a soft kiss on her lips. He then smiled, afterwards.

“No wedding will gonna happen, baby. Unless, I put a ring on your finger and ask you the question myself.” Her face flamed from what she have heard. Ito na nga ba ang ayaw niya sa sarili. Masyado siyang marupok pagdating sa mga banat ng binata.

Ryder stared at her beautiful set of brown eyes and smoothly caressed her pinkish cheeks. The moment was so precious to him that’s why, he cherish every part of it. His eyes went down to her tempting, sexy, and luscious lips. Until he found himself, kissing her passionately. After a couple of minutes, they pulled away and searching for an air to breath. Kapwa magkadikit ang mga noo nilang dalawa.

“I will only love and marry the woman whose name is Marguerite Gustavo.” He said wholeheartedly.

Tumahip ang dibdib ni Marguerite sa kanyang narinig. Talagang naglulundag sa kilig ang puso niya sa sinabi nito.

“Sinasabi mo ba ‘yan para hindi ko na bawiin sa ’yo ang mga love letters ko?” Tanong niya rito.

Kunot ang noong napatingin si Ryder sa dalaga.

Para hindi nito bawiin ang love letters? Kailan naman ‘yon sinabi sa kanya ng dalaga?

“Ayan ka na naman sa pagkunot ng noo mo. Tsk! Bala-bala hindi alam ang sinasabi ko pero ayaw lang naman talagang ibalik ‘yon sakin.” Pang-aasar nito sa kanya habang sinusundot-sundot ang tagiliran niya ng marahan tila kinikiliti siya.

Posible kayang naulit na ng dalaga sa kakambal niya ang tungkol sa mga… sulat?

S**t!

Balak pa naman sana niyang magpalipas nang gabi sa apartment ng dalaga ngunit nagbago na ang isip niya.

Those letters.

Hindi pwedeng makita ‘yon ng kakambal niya. F**k!

“Hindi ko maibabalik ang mga sulat na ’yon dahil sila ang nagpapatunay kung gaano kabaliw si Marguerite Gustavo sa nag-iisang Ryder Dela Vega,” pilyo niyang sabi rito.

Napatawa siya nang makita ang pamumula ng mukha ng dalaga.

Pero agad ring lumipad ang isip niya sa mga sulat.

Hindi maaaring mawala ang mga sulat na ‘yon dahil napakalaki ng parte ng mga ‘yon sa kuwento ng pag-ibig nila ni Marguerite.

Those were the evidence.

“Palusot ka pa riyan, eh!” Naka-cross aram pa nitong sabi habang nanghahaba ang nguso.

He couldn’t help but to pinched the bridge of her nose. She’s so adorable!

“Seriously. I won’t give it back to you, Marguerite. Iyon ang mga bagay na nakakapagpakalma sa ’kin kapag pumapasok ‘yang kahubaran mo sa utak ko.” He smirked.

Literal na napanganga si Marguerite sa naturan ng binata.

“Ang halay mong lalaki ka!” Sigaw niya na nakapagpatawa kay Ryder nang malakas.

Mabilis niyang nilisan ang kandungan ng binata at nagbalot ng kumot sa buong katawan makaraang makahiga sa kanyang kama.

Lubos niyang akala ay tatabihan siya nito sa kama. Ngunit nanatili itong nakatayo sa harap niya na may malaking ngiti sa mga labi.

“I’d prefer to see you smiling than crying,” he sincerely said. That sends warm to her heart.

Then he walked towards her way and leaned in to give her a peck on her lips. Then he huskily whispered on her ear.

“You may only cry when I’m pleasuring you, Marguerite.”


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Mistaken Love (Chapter 8)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Let us know if you are having trouble in accessing our contents. Message us!