NAPAKAGANDA NG mukha niya kapag tumatawa, kanina ko pa siya pinagmamasdan, lalong bumabagay sa kanya ang singkit na mga mata na nawawala tuluyan. Bibihira ko siya nakikitang nakasimangot kaya hindi rumerehistro sa akin ang gano’ng klase ng itsura niya.
Si Mama Chari. Hindi ko siya nanay ah, asaran lang talaga ‘yan sa una na katagalan nakasanayan ko na.
Birthday niya ngayon at isang party ang inihanda ko para sa kanya. Ayaw niya ng mga ganito kasi old schooler siya, gusto niya low key lang lagi, pero wala naman siyang nagawa nang dumating na ang mga kaibigan niya, mga college friends na hinanap ko talaga dahil gusto ko siya ma-surprise.
Naging parang alumni nga ang birthday niya. Naisip ko kasi na it’s my turn naman para pasayahin siya, sa buong buhay ko kasi ay siya at siya lang ang laging taya. Saka para naman ma-relax siya, wala kasing ginawa kung ‘di ang tumutok sa negosyo na halos pati sarili niya binabalewala na. Ayaw din mag-boyfriend, eh tumatanda na siya!
KINABUKASAN…
“Ano? Sakit ng ulo mo?” tanong ko kay Mama Cha.
Alasyete pa lang ng umaga. Inabutan ko siya sa baba, sa kusina na nakayukyok sa kitchen counter. Naka-bathrobe pa niyang kulay dilaw, nakayapak, basa at magulo pa ang buhok, halatang bagong ligo.
Nilapitan ko at tinapik. “Huy! Ma!”
Iniangat niya ang mukha at nakapikit pa ang isang mata na tumingin sa akin. Pinigilan kong tumawa kasi ang gara ng itsura niya. Mukhang wasted talaga. Namumula ang mata at amoy na amoy ko pa ang alak.
Inasar ko pa. “Alak pa more!” Kinuha ko ang iniinom niyang orange juice in can. “Sundutan mo na ‘yan! Dami pa sa ref!”
Mabilis na iling ang ginawa niya. “Letse ka Clint! Kaya ayoko ng mga party-party na ‘yan eh! Buwisit ka talaga!”sabi niya sabay yukyok na naman ng mukha sa counter na ibinagsak pa ang mga braso palupaypay.
Humatak ako ng stool at naupo sa tabi niya. “Ako na lang sa shop, matulog ka na lang muna, rest day ba,” bulong ko. “Pero akin ‘yung kita ngayon ah!”
Iniangat ang mukha niya at tiningnan ako nang masama. “Ganoon?” Inagaw ang juice in can niya na hawak ko sabay ininom matapos ay umirap pa sa akin bago tumayo na.
“Ahaha! Hang over yarn!” Inasar ko pa.
Nag-bad finger lang siya sa akin bago tumakbo pataas sa hagdan.
Napailing na lang ako. “Hay… Naku ka talaga, Ma… Ewan ko sa ‘yo Chari!”
Siya si Chari E. De Vega, 35 years old! Si Mama Cha na may maigsing buhok na kulay abuhin, tsinita pero hindi siya intsik ha, Bicol ang province niya, matangos ang ilong na maliit ang labi, maputi ang kulay ng balat na may balingkinitang katawan na saktuhan lang ang height, pero maliit talaga siya para sa akin kasi hanggang balikat ko lang. Sexy din naman siya kasi medyo payat lang, kaya nga mayabang kasi perfect 10, kinulang lang talaga sa laki.
At ako naman pala si Clint Kadie P. Tuason, 25 years old, isang dancer-choreographer na nagtuturo ng breakdancing at hip-hop. Matangkad, mahaba ang unat na buhok ko hanggang baywang, medyo bilugan ang deep set na mga mata na may kaunting kakapalan ang kilay, matangos naman ang ilong at hindi rin masyadong malapad ang sakto lang na labi, moreno lang din ang kulay ng balat ko, more on typical pinoy look ako, may konting bigo-bigote lang banda sa baba, normal sa age ko.
May eksaktong katawan lang din na may muscle naman kahit paano, may abs din hindi pa nga lang six pack, kailangan kasi sa breakdancing mabubuhat mo ang katawan mo e, so ayun! Alaga sa gym and iwas din konti sa bisyo.
Medyo okay naman manamit, pormang dancer nga lang lagi! May dating din naman daw ako saka guwapo naman daw lalo na kapag sumasayaw nagiging artistahin ako sabi ng numero unong fan ko, siyempre sino pa ba! Ang ate ko na nanay ko pa! Si Mama Cha! Mga nanay talaga! Sino ba namang nanay magsasabi na pangit ang anak niya!
May sarili rin akong grupo at may hawak na ilan na inilalaban ko sa iba’t ibang dance battle. May sarili na rin akong studio at this time masasabi kong financially stable na rin ako sa murang edad, kahit na hindi naman gano’n kalaki ang nasa bank account pero atleast, may laman na kahit paano para sa future.
Mechanical Engineer graduate ako actually sa isang sikat na university dito sa Manila pero dahil sa hindi ko talaga hilig ay hindi na ako kumuha ng kahit anong exam at nag-focus na lang sa pagsasayaw na talagang passion ko, pagasasayaw na halos pukpukin na ako ni Mama Cha dahil sa hindi lang isang beses nabalian ng buto sa breakdancing, tumatanda tuloy sa kunsumisyon sa ‘kin eh! Halos isang taon mahigit ko itinago ang lahat, akala niya simpleng sayawan lang lagi ang sinsalihan ko, hindi niya alam na humuhulma ako ng future!
At heto na kami ngayon! Hindi kami yumaman! Masasabi ko na sapat lang ang lahat para sa mga pangangailangan namin, para sa mga luho kahit papaano rin. Masasabi kong maayos na kami ngayon, sa loob ng ilang taong pagtitiyaga ay nakuha rin namin ang lahat. Kumakain na kami higit tatlong beses sa isang araw na hindi namin nagagawa no’n. May maliit na bahay na kahit paano at kanya-kanyang sasakyan. Pero may kulang pa rin! Kulang kami sa love life.
Simula no’n ay dalawang lalake lang ang nakilala kong naging boyfriend ni Mama Cha, maraming nakikita kong dumidiga sa kanya na medyo mga bata pa pero wala siyang pakialam, 35 na siya ngayon pero hindi pa rin nag-aasawa. Katwiran niya, mas masarap daw kumain kesa makipagtalo sa jowang masakit sa ulo! Grabe sa katwiran noh! Gano’n talaga siguro kapag independent ang babae, masasabi ko kasi talagang strong independent woman si Mama Cha!
Si Mama Chari na iniingatan ko talaga, simula’t sapul pa…
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





