HALOS ALA- UNA na ako ng tanghali nakauwi sa bahay.
“Ayaw sagutin!” Inis na sabi ko. “Puny*ta nasaan kaya siya!”
Naiinis na ako dahil ilang ulit ko na ring tinatawagan si Mama Cha pero hindi niya sinasagot.
Nang dumating ako sa bahay ay wala siya. Nagpunta ako sa coffee shop wala rin siya, nakita ko ang kotse na iniwan na naman niya at sabi ni Gemma na cashier do’n ay dumaan lang daw do’n saglit dahil may hinintay. Isang pulang kotse raw ang sumundo kay Mama Cha at lalaki ang nagdra- drive, hindi na raw ito bumaba dahil si Mama Cha na ang lumapit nang dumating na ang sasakyan. Hindi na rin ako nagtambay sa coffee shop dahil sa naiirita ako at hindi maganda iyon para sa negosyo, umuwi na lang din ako pagtapos.
Hindi ako mapakali. Alam ko na alam niyang nando’n si Trina dahil nasabi ni Nick na nando’n daw nila sinundo si Trina sa bahay ni Tita Maggie at sure na nabanggit ito kay Mama Cha. Naisip ko tuloy kaya rin siguro ako pinatayan ng telepono pagtapos namin mag- usap nang nasa resto pa ako.
Ang dami ko pa namang pasalubong sa kanyang pagkain, dalawang box na Ramen pa naman ang binili ko dahil sa paborito niya iyon tapos ilang boxes din ng Macadamia Chocs na gustong- gusto niyang ipinabibili sa akin kapag nasa Japan ako. Halos kumulo ang dugo ko kapag nakikita ko ang mga dala sabay wala naman akong dadatnan, wala naman iyong pinasalubungan ko. Parang gusto kong ihagis lahat sa labas iyong dala ko eh!
Sandali pa biglang nag- ring ang cellphone ko…
Si Trina tumatawag! Sa inis ko pinindot ko ang cancel para mamatay ang call. Wala ako sa mood makipag- usap ngayon, saka isa pa—nagui-guilty ako sa nangyari kagabi, naiinis ako na hindi malaman. Lasing ako pero alam ko naman ang ginagawa naming kaharutan ni Trina, pilit man ako umiwas pero aminin ko natukso pa rin ako talaga lalo na nang nasasarapan na ako! Punyeta!
Napakapit ako sa mahabang buhok na nakalugay lang! Naiinis talaga ako sa sarili ko ngayon! Sobrang laki ng kasalanan ko kay Mama Cha na pagtapos kong magtapat na mahal na mahal ko siya at sipingan siya e ganito lang gagawin ko? Dahil lang sa nalasing natukso ako! Sht! Nakakainis ka Clint! Ano’ng mukha pa ang ihaharap mo kay Mama Cha! Pagtapos malaman na sa edad niyang iyon e naingatan niya ang pagkababae na sa akin ibinigay! Punyta talaga! Ano ba naman!
Pumunta ako sa kusina, sa ref kumuha ng isang bote ng beer! Nasa mood akong uminom ngayon dahil sa naba- bad trip talaga ako sa ginawa ko pati na rin nang nalaman ko na lalake pala ang kasama niya ngayon, sigurado ako na si Jet iyon! Si Jet na kunwari hindi ko kilala o nakalimutan ko na pero never ko talagang makakalimutan ang maloko na iyon!
Alam ko na itinatanggi niya na sila dati dahil ayaw niyang masaktan nang sabihin ko na nakita kong may kasama sa mall si Jet na mas bata pa sa kanya. Ngayon heto na naman! Itinatago na naman niya sa akin! Sana naman isipin niya na hindi na kami tulad dati, hindi na basta magkapatid o mag- ina lang ang relasyon namin! Boyfriend niya na ako at girlfriend ko na siya! At soon magiging asawa ko na! Oo nagkamali ako kagabi pero hindi ko sinasadya, hindi lang talaga na ako nakaiwas! Pero hindi ko na uulitin iyon! Pangako!
Kaya sana wala namang Jet sa buhay niya dahil hindi ako papayag! Guguluhin ko talaga silang dalawa. Huwag naman sana niyang ipamukha sa akin na kaya niya akong paglaruan, hindi ko talaga sinasadya ang nangyari kagabi, pangako hindi ko na uulitin… Nasaan ka ba? Chari?
ALAS- KWATRO na.
Wala pa rin si Mama Cha at hindi pa rin sinasagot ang ilang ulit na tawag ko. Pinapatay pa niya ang phone. Pagtingin ko sa lamesa, nakita ko na halos naka- limang bote na pala ako ng beer na iniinom, hindi naman masyadong malakas kasi light lang naman siya, sakto lang kaso dahil sa wala pang maayos na tulog at pahinga medyo masakit na sa ulo kaya lang dahil sa naiinis ako e hindi ko napapansin.
Nasaan na kaya ang babaeng iyon?
Bakit ba napa- paranoid ako e kung ako nga nakipag- dutdutan pa kagabi kay Trina e tapos galit na galit ako dahil sa hindi ko man lang alam kung nasaan siya! Tsk!
Bakit ba ganito ang pakiramdam ko! Nagseselos ba ako o ano? Tama ba ito? Normal lang ba na gano’n?
Babalik ako mamaya sa coffee shop pagdilim, aabangan ko kung sino ba ang maghahatid sa kaniya dahil siguradong doon tutuloy iyong mga iyon dahil sa nando’n ang kotse niya. Pigilan ko na lang siguro ang sarili, baka makita kong sweet sila magwala ako bigla! OA na kung sa OA pero naiisip ko pa lang talaga naninikip na dibdib ko e! Babasagin ko talaga mukha ni Jet kapag nabwisit ako!
Tapusin ko na muna itong iniinom ko, mamaya lang naman padilim na, maliligo muna ako bago umalis. Hindi na lang ako tatawag sa kaniya para hindi niya malaman na pupunta ako sa coffee shop, aabangan ko siya sa parking lot, sigurado doon dadaan iyon eh!
CHARI AND CLINT’S POV
Alas- siyete na rin pala. Alam ko badtrip iyon dahil sa hindi ko sinasagot ang tawag niya tapos pinapatay ko pa.
Hindi na ako nagpahatid pa kay Jet sa parking ng coffee shop, sa main gate na lang ako bumaba at pinaalis ko na rin siya. Ilang lakad lang naman din at iyon na ang shop saka isa pa, medyo iniiwas ko na magkita sila ngayon.
Malayo pa lang ako kita ko na maraming tao. Saturday nga pala ngayon at may ‘Special Treats’ kami every Saturday of the week.
Inayos ko na ang sarili. Naka- short lang kasi ako at anime printed na black shirt lang ang suot ko, katerno syempre ng paborito kong si Red Chuck Tay! Nagpunta lang naman kami ni Jet sa site na sinasabi niyang tatayuan ng coffee shop.
Isinukbit ko pang maigi ang sling bag kong kulay blue at ipinihit palikod, bibilisan ko na ang lakad baka kasi kailangan na ako sa loob. Palinga- linga pa ako habang naglalakad, halatang may tinataguan e.
Pero hindi pa man ako nakaka- ilang hakbang ay…
“Sino iyon Ma?”
“H—Ha? Clint?”
Nakita ko si Clint na nasa likod ko na pala. Ewan kung saan ba galing na bigla na lang lumabas. Naka- maong na black saka plain white shirt pangtaas tapos naka- sneakers niyang brown. Nakapusod ang buhok na naka- close cap na red.
“Sino iyon Ma?” tanong niya uli.
“Ah! Si Jet,” sagot ko. Hindi ko alam bakit bumilis bigla ang tibok ng puso ko, parang natakot ako bigla. “Kailan ka dumating? Bakit nandito ka?” sunod-sunod na tanong ko tuloy.
“Bakit kasama mo si Jet?”
Lumapit siya sa akin. Paglapit ay naamoy ko kaagad ang alak sa hininga niya tapos nakita ko na namumungay na naman ang mga mata sabay namumula konti ang mukha. Halatang nakainom e!
“Ang aga mo namang nakainom Clint!”
“Saan ka galing? Bakit ganyan suot mo?” Kinapitan niya ako sa leeg habang naglalakad.
Pero bumitiw ako. “Ano ba! Umayos ka nga baka may makakita sa atin!” Tinabig ko pa siya palayo na halos mabuway pa.
“Aray naman, Ma, makatabig naman!” Yumuko pa siya sabay hawak sa tagiliran niya.
“Tingnan mo nga! Matutumba ka pa sa kalasingan!”
“Hindi ako lasing! Na-out of balance lang,” biro pa niya habang sumasabay na naman sa akin. “Bakit? Saan ka ba galing? Anong oras na?” tanong niya.
“Umayos ka nga! Ano ba’ng problema mo Clint?”
“Bakit ganiyan suot mo tapos lalake pala kasama mo?”
“Paulit-ulit Clint? Ina ka talaga eh!”
Biglang huminto. “Chari seryoso ako! Saan ka galing? Saan?”
Mahina lang ang salita niya pero ramdam ko na naiinis na ito dahil sa hindi ko sinasagot agad. Hindi ako huminto, mas binilisan ko ang lakad, nauna na ako sa kaniya, konti lang kasi ang tao sa parking kaya walang makakakita sa amin kahit yapusin niya pa ako do’n at iyon naman ang iniiwasan ko, naka-inom siya kaya medyo makulit.
Sumunod din siya sa akin.
“Ma! Saan ka ba galing?” tanong niya na naman habang humahabol sa akin.
“Clint umayos ka nga, sa bahay na lang tayo mag- usap,” bulong ko.
Nagpantay na kami sa paglalakad. Hinila niya ang kanang braso ko at hinawakan ang kamay.
“Ano ba! Para kang tang*!” sabi ko. Binawi ko ang kamay sa kaniya at mas binilisan pa ang lakad para mauna.
“Ma!” Sigaw niya. “Chari ano ba??”
Huminto ako nang malapit na sa pinto ng coffee shop, gano’n din siya.
Hanggang sa…
“Hi Clint! Hi Tita Cha!” bati ni Trina, kasama pa nito si Maggie, eksaktong palabas na sila. “Parang— may gera ah?” ngisi niya pa.
“O! May bisita ka Clint!” sabi ko sabay irap sa kaniya.
“Chari! How was the date with Jet?” sabi naman ni Maggie.
Naibalik ko tuloy ang tingin kay Clint.
“Hi, Clint… Bakit hindi mo sinasagot ang calls ko baby? Kanina pa kita tinawagan…” sabi naman ni Trina, kumapit pa sa bewang ni Clint.
Nagkatinginan tuloy kami. Maging si Trina ay napatingin sa akin na parang may halong pang-aasar pa. Parang gusto tuloy umigkas ng kamay ko sa mukha ng malanding ‘to.
“Mauna na ako, pagod ako eh,” sabi ko, binuksan ko na ang pintuan ng shop para pumasok na.
“Okay, Cha, pauwi na rin kami ni Trina eh, ikaw talaga sadya ko kaso wala ka pala,” ngiti ni Maggie.
Ngumiti lang ako kay Maggie.
“Bye, Tita…” sabi rin ni Trina.
Hindi ko na siya tiningnan, tumuloy na ako sa loob. Susunod sana si Clint, pero…
“Halika baby, kain tayo! Amoy alak ka naman baby,” awat ni Trina. “Kain tayo.”
“Tara, Clint… Sundutan natin iyang tama mo! Haha!” tawa pa ni Maggie.
“Ugh! Ma!”
Narinig kong tinawag pa ako ni Clint. Hindi na ako lumingon pa, bahala siya sa buhay niya.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




