TWO DAYS before alis namin pabalik ng Japan nagkayayaan pa ang crew na mag- barbeque kila Daddy Gee. Konting salo-salo pero kain lang walang inom. Nagpapakondisyon na rin kasi kami dahil sa grand championship ng dance battle namin at kasama kami sa limang maglalaban.
“O! Bawal ang bakuna ha, Nick! Kailangan kondisyon para walang titirik!” Sigaw ni Daddy Gee.
“Two weeks? Siyempre kailangan may pondo! Haha!” sagot naman ni Nick kasunod ang malakas na tawa.
“Pondo lang ha! Tama na isang putok lang! Ikaw Ben?”
“Ah! Wala boss! LDR ako! Hahaa!” sagot naman ni Ben.
Suwerte si Clint! Sarap maging Clint!”
“Sana all like Clint!” segunda naman ng isa pa naming kasama na si Paolo.
At nagtawanan sabay-sabay ang mga loko matapos ay naghiyawan pa.
Nagulat ako sa mga pinagsasabi nila. Alam ko na may tinatago itong mga ‘to e.
“Biruin mo! Epeps na lumalapit sa kaniya! Sumama pa talaga sa atin! Hahaa!” sabi ni Daddy Gee. “Iba ka talaga, sarap mapagod noon kasi may tagamasahe.”
Hindi ko magets ang sinasabi niya. Parang lahat sila ay may alam na bukod tanging ako ang wala.
“Bakit? Ano’ng? Ano’ng epeps lumalapit Dad? Ha?” naguguluhang tanong ko.
Inabutan ako ni Nick ng barbeque. “Kasama natin si Trina sa Tuesday pag- alis!” sabi nito.
“Ha? Bakit daw? Bakit kailangan niya pa sumama? Sponsor ba siya?”
“Clint, gusto raw niyang sumama sa atin kasi gusto niya manood ng dance battle live! Ikaw naman! Jowa mo hindi mo man lang kasi i- flex! Masydo ka malihim!” sabi ni Daddy Gee.
Muntik ko na maibuga ang ininom na juice. “Jowa talaga! Hindi ko jowa iyon ah! Feeling niya lang! Kinant*t lang jowa ko na siya! Tch! Huwag naman sana siyang susunod nang susunod sa akin do’n! Saka sa hotel naman siguro siya tutuloy!” Ngisi ko pa.
Natawa si Nick. “Ahaha! Binakunahan mo eh! May next dose pa daw! Booster! Baliw! Sa bahay nga natin e!” sabi niya.
Napatayo ako, napatunganga tuloy. “Bakit sa atin? Eh, puro tayo lalaki do’n? Saan siya pupuwesto e sakto lang ang room natin para sa apat!”
“Clint! Bakit hindi ba pwede sa kwarto mo? Jowa mo naman iyon e! Huwag mo lang masyado laspagin ha baka mabuntis mo iyon! Ikaw rin!” sabi ni Nick.
“Saka ano naman kinababahala mo? Tang’na binakunahan mo nga rito iyon pagdating pa lang natin galing Japan no’n! Ayos lang naman iyan! Basta ingat lang lagi brad, huwag mo kalimutan gumamit ng plastik labo! Wala naman kasi tayong magagawa e, sumama e!” sabi naman ni Ben. “Nakakabastos naman kung tatanggihan natin.”
Sabat naman si Daddy Gee, “Saka— laki ng binigay niya para sa group natin, isa siya sa nag-sponsor ng ibang gastos. At special mention ka pa! Haha!”
Napangiwi na lang ako. “Huwag kayo maingay kay Mama Cha, ha? Magagalit iyon kapag nalaman niya na kasama ko si Trina.”
“Asus! Bakit naman! Siya nga nagpakilala sa’yo kay Trina hindi ba? So ibig sabihin, boto siya!”
“Nick! Basta! Huwag na lang kayo magkuwento, okay?”
“Ano ba meron kay Tita Cha? Bakit— these days parang? May—” hindi na naituloy ni Ben ang sinasabi. “Okay, fine, walang magsasabi sa amin.”
Tumango ang dalawa, nagkatinginan na tila nag-uusap ang mga mata.
Nanahimik ako bigla. Parang nawala ako sa hulog dahil sa nalaman ko. Hindi pwedeng malaman ni Mama Cha na kasama namin si Trina sa Japan! Two weeks kami halos do’n tapos—-tapos sa bahay na tinutuluyan pa namin siya mag- stay.
Ano ba naman itong mga ‘to! Payag nang payag. Saka! Lagi niyang ipinagkakalat na boyfriend niya na raw ako, pati sa mga crew niya. Hindi ko gusto ang gano’n, kaya minsan hindi ako sumisipot tapos nagtatago ako sa office ni Mama Cha! Ilang beses na rin akong umiiwas sa kaniya. Hindi na rin masyado sumasama sa place niya mula nang may nangyari sa amin. Nakokonsensya kasi talaga ako e.
Ano kayang gagawin ko?
Baka mamaya sumama si Mama Cha sa paghahatid sa airport tapos makita si Trina? Pucha! Yari na naman ako nito, kung nakakaraan puro basic lang away namin puta baka ngayon magkanda- leche na talaga! Tapos magkukuwento pa si Tita Maggie!
Awit talaga!
Ano kayang gagawin ko? Pucha! Hindi ko talaga alam! Ngayon pa lang natataranta na ako! Tang ina kasing babae iyon ano ba nakain at sunod nang sunod sa akin?
TUESDAY NA, araw ng flight namin pa- Japan mamayang gabi. Nakaayos na lahat ng gamit ko for two weeks. Ang iba naman hindi ko na dinadala kasi madali namang bumili do’n at saka minsan ang mga client na namin ang nagbibigay.
Kasalukuyang nasa sofa ako at inaayos ang mga arm band na gagamitin namin nang marinig ko na tumunog ang cellphone ni Mama Cha na kasalukuyang nasa kusina at nagkakape. Hindi ko naman inintindi kung sino ba kausap niya.
“Mamaya pang seven, eleven kasi ang alis so kailangan mas maaga pa sila,” sabi nito.
Naririnig ko pero wala akong paki dahil sa importante ang ginagawa kong pag-aayos sa mga armband na’to at hindi pwedeng makalimutan. Ito kasi ang sinusuot namin kapag battle day na, iba ang sa amin na mga koryo at breakdancers kaysa ang sa mga talents and hiphop dancers lalo na kapag nasa ibang bansa kami.
“Trina? Bakit ano’ng gagawin kay Trina? Ano meron?” Nataon na sabay pa kami nagkatinginan pagbanggit niya. “Aah… So kasama siya sa Japan for two weeks? Ni Clint daw?” Napako ang tingin niya sa akin. “Well, okay drop mo na lang siya rito para sabay na lang sila umalis mamaya, or gusto mo ako na lang maghahatid sa kanila?”
Kumakabog ang dibdib ko sa sinabi niya.
Pagkatapos niya makipag- usap at pinatay na ang voice call ay nando’n na ako agad nakatayo sa harapan niya. Alam ko na ang susunod.
“Ma…” sabi ko.
Nakatingin lang siya sa akin. Tuloy lang siya sa pag- inom ng kape at pag-scroll sa laptop niya.
Lumapit na ako sa kanya. Kabisado ko na ang mga ganitong eksena. “Ma, hindi ko alam iyon promise!” sabi ko.
“Well… That’s going to be so much fun,” walang reaksyong ang mukhang sabi niya habang tuloy lang sa ginagawa sa laptop.
“Ma…”
“Clint ano ba’ng mina- Mama mo diyan? Wala kang narinig sa akin ‘di ba? So stop doing that okay? Stop whining okay?” sabi niya na nakasalubong ang dalawang kilay.
Hindi na niya inubos pa ang iniinom na kape, iniwan niya ito at tumayo na sa stool na inuupuan para umakyat na.
At nang matapat sa akin ay. “Wooh! Sh*t talaga!”
Kinapitan ko agad ang kaliwang braso niya. “Ma! Chari!”
Huminto siya. “Ano? Clint?” sabay tabig sa kamay ko.
“Aalis ako ganito tayo?”
“Well, have fun! Happy trip! Ano gusto mo gawin ko?” Tinaasan pa ako ng kilay.
“Chari!”
Sinenyasan niya ako ng badfinger, sabay irap bago tumalikod at tumakbo na pataas.
Hindi ko na siya sinundan, napatapik ako sa noo. Hindi ko na pinigilan dahil alam kong lalo ko lang itong gagalitin.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Habang itinatago namin ang relasyon ay lalo namang napapalapit sa akin si Trina na ipinagkakalat na boyfriend niya raw ako.
Alam ko na nakarating kay Mama Cha ang fake news na iyon dahil nabanggit sa akin ni Nick na ini- legal na raw ako ni Tita Maggie, I mean official na raw na kami ni Trina.
Minsan ko nang kinompronta si Trina about that issue pero hindi ko alam bakit parang walang dating sa kaniya, kahit pa iwasan ko e lagi akong binibisita sa shop kung’di naman ay pupuntahan ako sa bahay at dadalahan ng kung ano-anong pagkain. Mabuti na lang at wala madalas si Mama Cha doon.
Itinuloy ko na muna ang ginagawa, mamaya ko na lang siya kakausapin kapag malamig na ang ulo niya. Isa pa sa iniisip ko— paano kung siya nga ang maghatid sa amin sa airport?
CHARI’S POV
Parang tukso naman.
The more na itinatago namin ni Clint ang relasyon, mas lalong napapalapit si Trina sa kaniya. Alam ko na alam niyang alam ko lahat ng nagaganap sa kanila kasi sinasabi sa akin ni Maggie at botong-boto si Maggie kay Clint dahil sa mabait daw ito at madiskarte sa buhay, hindi raw babaero kaya gustong- gusto rin daw ni Trina.
Nanghingi na nga raw si Trina ng permission para maging official sila ni Clint. Pinayagan naman daw ni Maggie dahil sa hindi na iba ang turing niya rito. Pero kahit minsan daw ay hindi niya pa nakitang dumalaw si Clint kay Trina pero understood naman daw kasi marami itong ginagawa at sobrang busy talaga sa pagtuturo ng sayaw.
Pero bakit walang nababanggit si Clint sa’kin tungkol sa kanila ni Trina, kada tatanungin ko siya ay hindi raw niya alam ang mga sinasabing iyon. Minsan naiisip ko tuloy na pinagsasabay yata kami nito! Ako kapag nasa bahay at si Trina kapag nasa labas.
Ito na nga ba ang sinasabi ko!
Hindi talaga magiging madali, habang itinatago namin ay parang mas nagiging kumplikado pa. Tulad ngayon, halos dalawang linggo silang magkakasama sa Japan, hindi ko alam siyempre kung ano magaganap doon kasi kahit mga kaibigan niya ay hindi naman alam na nagkakaintindihan kami kaya kahit buyuin nila ang dalawa ay akala nilang ayos lang. Syempre ano pa ba gagawin nila? Alangan naman magkwentuhan lang sila, eh kahit sino naman, titigasan sa ganda ng katawan ng malanding iyon! Naiinis talaga ako!
Parang biglang nanginig ang mga tuhod ko sa nalaman na iyon. Pumitik agad ang mga ugat ko sa sintido na parang gusto ko siyang batuhin ng tasa ng kape kanina.
Ano ngayon?
Dalawang linggo lang naman akong magmumukhang tanga habang sila doon magkasama! Tamis-tamisan!Bahala na nga siya! Kaya nga hindi ako nagjo- jowa kasi ayoko ng sakit sa ulo e! Mas gusto ko pang kumain na lang tapos heto!
Bahala na si Batman! Makaligo na nga at makaalis na, ayokong masaksihan ang beso-beso nila ni Trina! Babalik na lang ako kapag nakaalis na sila! Bwisit! Mag-iinom na lang ako, makontak nga si Jet!
Ano siya lang magloloko? Kaya ko namang sumabay sa kanya kaya huwag niya akong subukan!
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




