CHARI’S POV
MASAKIT PA rin ang ulo ko nang magising. Medyo mahapdi na rin ang sikmura dahil sa nagugutom na.
Iniakyat na pala nila ako sa office. Natatandaan ko kung ano ang nangyari, biglang umikot ang paningin ko habang nag- aabot ng kape, mabuti na lang at nailapag ko na muna bago tuluyang nahilo.
Two weeks na rin akong ganito, medyo nasa tamad mode at laging inaantok. Minsan wala talaga sa mood magtrabaho pero ayoko naman mag-stay sa bahay, lalo na kapag nando’n si Clint.
Oo…
Aaminin ko na iniiwasan ko na siya. Mula pa lang nang umalis sila papuntang Japan na kasama si Trina ay inumpisahan ko na. Inisip ko na kahit kaylan ay wala akong panama kay Trina. Inisip ko rin na, mas makabubuti siguro talaga na unti-untiin ko na rin ang paglayo dahil sa hindi puwedeng habang panahon kaming magtatago sa lahat.
Masakit man pero pinipilit ko… Para sa kabutihan din namin ito pareho. Nandoon naman si Trina para sa kaniya at nakikita ko na mahal na mahal siya nito. Ako na lng siguro ang dapat na mag- adjust ulit. Inisip ko na mas mabuting mag- paubaya na lang kaysa laging masasaktan.
Sa totoo lang, papasok ako sa coffee shop para makaiwas, pero pag- uwi, nandoon siya at naghihintay sa akin. Hindi maiwasang madurog ng puso ko dahil sa naaawa ako sa nakikita kong reaksyon niya. Iyong mga mapupungay niyang mata na masigla at mainit dati ay matamlay na ngayon, lalo na sa tuwing iiwasan ko siya at kapag makikita kong magkasama sila ni Trina.
Pero kailangan professional ako!
Hindi ko ipinakikita na nagseselos o nasasaktan ako kapag magkasama sila. Pikit-mata na lang ako na kunwari’y walang pakialam sa mga ginagawa sa kaniyang pag-aasikaso ni Trina at gano’n din siya. Gustuhin niya man akong habulin sa tuwing aalis kapag kaharap sila pero hindi niya magawa.
Sobrang hirap… Masakit pero kailangan na maging manhid. Mas mabuti na rin kasi habang hindi pa nila nalalaman makaiwas na agad.
Hindi maiwasang may ilang gabi na umiiyak ako dahil sa sobrang namimiss ko si Clint. Iyong mga kalokohan niya, iyong mga kain namin sabay, iyong mga yakap at halik niya, mga lambing, pero—-pero sa tingin ko talaga hindi na dapat pa matuloy iyon e.
Mas mabuti na rin siguro na maputol lahat. Minsan sinisisi ko rin talaga ang sarili ko kung bakit pumayag ako na ilagay sa ibang level ang pagsasama namin e, bakit kasi hindi ko nakita sa una pa lang na ganito pala ang mangyayari, na masisira lang pala ang ilang taon na pinagsamahan namin… Ang ilang masasayang taon na walang malisya ang lahat, na tanging masaya lang talaga kami sa piling ng isa’t isa.
Sandali pa at tumunog ang cellphone ko.
“Ah Gemma? Bakit?”
“Ah okay, si Maggie?”
“Kasama ba si Trina?”
“Paakyatin mo na siya, dito kami mag-uusap sa taas.”
Mag-aayos na muna ako ng sarili. Dumating na si Maggie na tumawag sa akin kanina dahil sa may importante raw kaming pag-uusapan about Clint and Trina.
Inayos ko ang sarili. Pinunasan ng tissue ang mukha, nang mapatingin sa salaming maliit sa dingding ng office ko nakita ko ang kakaibang Chari…
“Ano’ng nangyayari sa’yo Chari?” tanong ko sa sarili.
Nakita ko na malalaki at nangingitim ang mga eyebags ko, nakita ko na malamlam lalo ang singkit kong mga mata. Nakita ko na ibang-iba ang mukha ko ngayon.
Ganito ba ang mukha ng nagmamahal sobra?
Iyong tumutulo ang luha sa labis na kalungkutang nadarama? At halos mabaliw ka sa kaiisip dahil sa wala ka namang mapagsabihan lahat?
Ganito ba ang nangyayari kapag umibig kayo sa isa’t isa na para lang naman talaga sa pagiging mag- ina dapat
At muli… Natagpuan ko ang sarili na umiiyak na naman.
MATAPOS AYUSIN ang sarili ko lumabas na ako kaagad. Paglabas nakita ko si Maggie na nakaupo na banda sa sulok. May kaharap na coffee at isang slice ng ube cake na lagi niyang kinakain kapag narito.
Lumapit na ako…
Palapit pa lang ako nakita ko na kumunot ang noo niya, at…
“Are you okay Chari? You look sick!” sabi niya.
Ngumiti lang ako, tapos naupo na.
“Natutulog ka pa ba Chari? Sudden change ah!” sabi uli nito.
“Ah! Puyat lang ilang araw na rin kasi,” sagot ko.
Tumango lang siya.
Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niyang good news daw pero parang natutunugan ko na.
Kumakabog tuloy ang dibdib ko dahil parang alam ko na. Sa hilatsa ng mukha ni Maggie na masayang-masaya ay sure na good news nga ito talaga. Hanggang sa…
“Okay! Hindi ko na patatagalin pa Cha! Birthday ni Clint ngayon hindi ba so I’m sure matutuwa iyon!” masayang sabi nito.
Ngumingiti rin naman ako kahit paano pero deep in, kabado na talaga ako.
“So, ano ba iyon Mags? About saan ba iyang good news na sinasabi mo tungkol sa dalawa? Na—-sila na ba gano’n?”
“Chari! Alam naman nating lahat na official na sila at pinayagan ko na si Clint kahit na six years bale ang tanda niya kay Trina!”
“So?” maigsing sabi ko.
“Buntis si Trina! Two months!”
“Ha? Bu—-Buntis?” nautal pa ako. “But she’s only twenty Mags!” Nawala bigla ang tamlay ng katawan ko.
“Well, that’s life! Bumuo e may magagawa pa ba tayo?” sabi pa nito na nangingiti pa.
“What? That’s life? As easy as that? Bumuo? Ugh! What the efff— ” medyo naiirita nang sabi ko.
“I already called her parents and told them about it!”
“Ano sabe?”
“They are so happy!”
“Happy? As in? Trina is only twenty years old, still too young to have a baby! Gano’n na lang ba kadali iyon?”
“Wait Cha!” Sinimangutan niya ako. “Easy! Alam ko mahal mo ang alaga mo at ayaw mong pakawalan but admit it! Gusto nang kumawala! And besides, hindi naman iba si Trina, right? Isa rin iyon sa reason bakit si Clint ang nai- offer ko sa kaniya, I want Trina to meet a nice person to fall inlove to!” Mahabang paliwanag ni Maggie.
“Nice person? Bakit naman si Clint pa ang napili mo? Yes, Mags! Clint is really a nice person, pero—-” hindi ko na itinuloy ang sinasabi. Nasa dulo kasi ng dila ko ang salitang maharot na siyang sasabihin ko sana.
Hindi kumibo si Maggie.
“You mean alam mo na may nangyayari na pala sa kanila ni Clint?”
“Chari, they even shared the same room in Japan for two weeks, what do you expect? Magtitigan lang sila? Lalake ang sa’yo and a bit older than mine… And they are at the heat peak!”
“Bakit naman hindi mo naman sinabi agad sa akin Maggie! Para napigilan man lang!”
“Chari may problema ba? They are not minors anymore. And besides, they are both financially stable. No problem at all!”
“That’s not it Maggie! Kasi—- si Clint at—-”
“Easy!” Sabat niya. “Hindi naman puwedeng itatago mo ang alaga mo or hindi niya pananagutan si Trina? That’s a very bad idea Chari!”
Hindi na ako sumagot pa. Pakiramdam ko nang mga oras na iyon ay isa akong magulang na tunay namang nagulat sa balitang natanggap.
Two months pregnant na raw si Trina at si Clint daw ang ama. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin. Hinayaan ko na lang muna siyang kumain.
Iyon pala ang good news na sinasabi niya na bad news naman para sa akin.
Sandali pa at…
“Mamaya pupunta kami sa inyo, umuwi ka ng maaga okay! Kasi mamaya ni Trina sasabihin kay Clint, birthday gift niya raw kay Clint!” Masayang kuwento ni Maggie.
Napahilot ako sa sintido ko na bigla na namang kumibot sa sakit. At sandali pa rin at…
“Ah! Clint!” Biglang sigaw ni Maggie.
Napalingon tuloy ako bigla. At naroon nga si Clint na nakapambahay pang damit na nakatayo na sa huling baitang ng hagdan.
“Oh my… Mabuti na lang at tapos na tayo mag- usap Chari, lagot ako kay Trina nito kapag nagkataon,” bulong sa akin ni Maggie.
Wala pa ring reaksyon ang mukha ko. Pero nang dumapo ang tingin kay Clint ay biglaang may naramdamang pagbara sa lalamunan, kasunod ang pagtutubig ng mga singkit kong mata. Nakita ko rin ang blangkong mukha ni Clint na para bang nababasa na; may problema.
Napansin ni Maggie na naluluha na ako.
“That’s okay Chari! Ganiyan din ang naging reaksyon ko sa panganay ko nang makabuntis. Hahaa!” sabi nito na natawa pa.
Pinunasan kong pasimple ang mga mata para huwag mahalata ni Clint. Inalis ang tingin sa kaniya at sandaling yumuko.
Sa mga oras na iyon ay naninikip na naman ang dibdib ko. Muli na namang nahihilo at parang naduduwal pa, wala pa rin kasi akong kain kahit lunch. Isama pa ang masamang balita na natanggap.
Sandali pa nga at parang luluwa na talaga. Parang may umaakyat mula sa sikmura ko papunta sa lalamunan ko at palabas na sa bibig..
Hindi ko na mapigilan pa, lumalapot na ang laway hanggang sa…
“Uwaaark!”
Mabilis akong tumakbo papunta sa office, ni-lock ko ang pinto bago diretso sa CR.
“Aah! Haaah!”
“Diyos ko po… Ano’ng gagawin ko?”
“Buntis si Trina—- ”
“Paano rin kung ako?”
“Bakit kung kaylan umiiwas na ako? Saka pa nagkaganito!”
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





One Response
Nyari na nga…. Paano na mukhang preggy rin ang mommy mo… But i doubt na c clint nga ang ama…. Goodluck boi…