Momma’s Boy (Chapter 19) – Another Man Down

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

MAAGANG NATAPOS ang inuman.

Hindi na kasi ako bumaba pa matapos kami mag-usap sa itaas nila Ben. Hinayaan ko na lang na magsaya ang mga kaibigan ko sa ibaba habang nag-iisip lang ako sa kuwarto, and besides, wala talaga ako sa mood.

Nakauwi na lahat maliban kay Ben at Nick na sadyang nagpaiwan para makausap ako.

Bumaba na ako ng kuwarto, sa sala kaming tatlo pumuwesto dahil sa ala- una na rin ng madaling araw. Wala pa rin si Mama Cha kaya hindi ako mapakali.

“Nakontak mo ba si Mama Cha, Ben?” tanong ko. “Naka- block pa rin kasi ako sa kaniya.”

“Brad lahat tayo naka- block na yata kay Tita Cha! Hindi ko na siya makita e!” sabi ni Nick.

Inabutan ako ni Ben ng isang bote ng beer.

“O! Kalma ka lang ha! We’ll figure this out okay? Walang magaganap na sipaan ha, Clint? Okay? Inayos na namin ni Nick iyong pinto!” Paulit- ulit na paalala nito. “Bakit kasi brad, itinago mo pa sa amin e!” Naupo na si Ben sa sofa, tumabi sa akin. “Okay! Story time!” sabi pa nito.

“You mean, Clint? To the next level na pala ang relasyon n’yo ni Tita Cha? Means? May ano na sa inyo?” tanong ni Nick na tinakpan pa kunwari ang bibig.

Mabilis na tango lang ang isinagot ko.

“Actually, wala namang masama do’n Clint. ” sabi naman ni Ben. “Saka—- hinala na rin namin ‘yan before, iba na kasi sweetness n’yo eh! Saka—- minsan nabanggit din sa amin ni Trina na may nabanggit ka sa kanya about Tita Cha!”

“Bakit itinago n’yo pa brad?” sabi ni Nick.

“Gusto niya e, nahihiya raw siya sa mga kaibigan niya na malamang iyong inalagaan niya inasawa niya!” sagot ko.

Napatayo pa si Ben.

“So, pumayag ka naman? T*nga ka!”

“Oo! Walang problema sa akin na ma- expose brad, siya lang talaga! Alam n’yo—- nagpaka- matured ako para lang maintindihan siya sa dahilan na iyon, pero! Pero hindi naman nakatulong e!” sabi ko.

“Kung nalaman namin sana na kayo na pala ni Tita Cha ay hindi ka namin tinulak-tulak kay Trina! See? May nangyari pa tuloy sa inyo! Sana nakaiwas kahit paano!” paliwanag ni Ben.

“Pero hindi rin! Kahit pa gano’n brad, dapat hindi mo pinakialaman si Trina. Ibig sabihin, hindi mo talaga gano’n kamahal si Tita Cha! Hindi ba tama ako?” sabi naman ni Nick.

Sandali kaming nanahimik tatlo.

“Alam n’yo, hindi ko alam kung tatanggapin ko ba iyong balita na iyon o ewan e!”

“Baliw ka ba Clint?”

“Nick! Hindi ko alam kung paano binibilang ang ganiyan at saka! Isang beses lang may nangyari sa amin! Kahit sa Japan! Alam n’yo na iniwasan ko siya, kaya—- paano ko siya mabubuntis?”

“Dapat kasi kinausap mo para nalinawan mo!”

“Clint! Paano mo nasasabi iyan? E, wala naman yata ibang boyfriend iyang si Trina!”

“Nick! Sabi nga ni Daddy Gee nakita nila sa Global iyan may kasama hindi ba? So it means hindi lang si Clint ang lalake niya! Saka! Aminin na natin na ayaw natin kay Trina para kay Clint kasi, nakita na natin ang ugali e! Sadyang maloloko lang talaga tayo at ito namang pinakamaloko na ‘to e may Tita Cha pala! Kung sana sinabi niya mas maaga wala sanang buntisan na naganap!” mahabang paliwanag ni Ben na idine- demo pa ang mga pangyayari kunwari. “Tapos ngayon iiyak- iyak ka!” pahabol pa nito.

“So, alam na pala ni Tita Cha na buntis si Trina, sa tingin mo isa iyon sa kinagalit niya? Pero brad! Nakita niyo iyak ni Tita Cha kanina? Never ko pa siya nakitang gano’n!” sabi ng Nick.

“Halos dalawang buwan na rin niya akong tinitikis, isa pa iyon sa ikinasasama ng loob ko! Iniiwasan niya na ako!” sagot ko.

“Means? Walang buntis umiiwas na siya?”

“Oo, Ben. Nagbago siya bigla pagtapos ng battle natin sa Japan.”

“Tang ina Clint! Kahit ako makikipaghiwalay sa ‘yo kapag nalaman kong kasama mo ang babaeng patay na patay sa’yo! Pinagmukha mo lang naman akong tanga no’n, brad!” sabi ni Nick.

“Brad, alam naman natin na wala akong alam do’n, pati na ipinagkakalat niya na kame! Alam niyo naman iyan e,” sabi ko.

“Ikaw din naman kasi may kasalanan Clint, pinabayaan mo e! Hinarot mo rin!”

“Brad, ikaw ba naman salpakan ng s*so sa mukha hindi ka abutin!” sabi naman ng malokong Nick.

“Lib*g mo rin kasi e!” sabi ng Ben.

Hindi ako kumibo. Tinuloy- tuloy ko ang pagtungga sa bote ng beer na hawak. Aminado ako na may kasalanan din ako.

Tahimik lang din ang dalawa na nakatingin sa akin.

At sandali pa, at…

“Hmmp! Hmmmn… ” Umiiyak na naman ako.

“Sige lang brad, hindi naman sinabing bawal umiyak e,” sabi ni Nick. “Haaah… Another man down…” narinig ko pang sabi niya uli.

Niyakap ako ng dalawa.

Ito ang unang pagkakataon na narinig kong seryoso ang dalawa. Nakakahiya man sa kanila na makita akong ganito ay hindi ko na inintindi. Pakiramdam ko ng mga sandaling ito ay matatapos na ang lahat sa amin ni Mama Chari, bagay na ayokong mangyari.

Sandali pa rin napahagulgol na ako.

“Hmmmmn… Brad, tulungan niyo ako! Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon!” Humihikbi pang sabi ko.

Hindi na ako nagsalita pa uli. Pinabayaan ko na lang ang sarili na ilabas ang bigat ng damdamin na nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Salamat at nandoon ang dalawang matalik na kaibigan ko na handang dumamay sa akin kahit na dinadaan minsan sa biro ang lahat.

Umiyak ako…

Umiyak lang ako nang umiyak sa harapan nina Ben at Nick.

“Sige lang brad… Dito lang kami ni Ben,” sabi ni Nick na wala pa ring tigil sa kahahagod sa likod ko.

Walang kasingsakit ang nadarama ko. Masakit sa dibdib na halos pigilan ko na lang ang paghinga para mabawasan lang. Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili sa nangyari, alam kong malaki ang kasalanan ko kay Mama Cha dahil sa nagsinungaling din ako sa kaniya, inilihim ko na may nangyari sa amin ni Trina hanggang sa heto na nga at mas gumulo na ang lahat.

“Brad! Hindi ko mahal si Trina… Ano’ng gagawin ko?” garalgal na boses ko.

Nilalamukos ko na ang mukha sa sobrang iyak. Hindi ko na talaga mapigilan pa ang sarili, hanggang sa…

SHAG! 

“Clint! Brad sabi sa’yo walang ganiyan e!” sigaw ni Ben.

Hindi ko napigilan ang sarili at ibinato ko ang bote ng beer na hawak. Sumambulat ito nang mabasag, nagkalat ang bubog sa gilid ng bahay namin.

“Clint!”

Dumiretso ako sa labas ng gate, pumunta sa kotse at kinuha sa compartment ang baseball bat na lagi kong dala doon.

Mabilis ang dalawa.

“Clint!” Awat ni Ben.

Kinapitan nila ako agad sa magkabilang braso.

“Brad, kahit isa lang! Parang sasabog na talaga e! Baka mabaliw ako!” Umiiyak pa rin sabi ko.

“Brad ano gagawin mo?”

“Isa lang brad!”

“Sige! Sa amin mo ihampas iyan!”

Binitiwan ako ng dalawa, at… Ipapalo ko na sana sa kotse ng kapitbahay ng hawak ko nang biglang…

“Clint? A—-Ano’ng ginagawa mo?”

“Ha? Ma?”

Nakita ko si Mama Cha na nandoon na at pinanonood kaming tatlo.

“Tita Cha…”

Iba na ang suot na damit nito, hindi na ang bestidang bulaklakin na suot niya kanina. Sa itsura niya ay parang okay na okay na siya, maayos na ang mukha at hindi na rin matamlay. Parang gano’n kabilis siyang naka- recover samantalang ako ay nasa simula pa rin.

Kaagad akong lumapit sa kaniya. Binitiwan ang baseball bat na hawak at ..

“Ma! Ma, sorry… Hmmmn…”

Niyakap ko siya nang mahigpit. Sabik na sabik akong makita siya.

“Ma… Ma, sorry… Sorry Ma! Hmmmn…”

Paulit- ulit akong nagsosorry sa kaniya. Niyakap ko siya nang mas mahigpit pa.

“Ma… Maa… Sorry Ma… Hmmmmn… Hmmmmn… Sorry… ”

Hindi pa rin ako nahinto sa kaiiyak. Gusto kong ibuhos lahat ng pagsisisi at lungkot na nararamdaman ng mga oras na iyon. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit dahil sa ramdam ko na ito na ang huli.

Nanatiling nandoon lang sina Ben at Nick.

Sandali pa at naramdaman ko na unti- unti na niya akong niyayakap. Nararamdaman ko na ang kapit ng dalawa niyang braso sa beywang ko.

Hindi ko na talaga napigilan pa…

“Maaaa! Sorry Mama Cha! Sorry… Maaaa… Hindi ko sinasadya, Chari… Hmmmmn… Huwag mo ‘ko iiwan, mahal na mahal kita, Maa… Sorry na! Sorry na pleeeeease Ma! Hmmmmmn… Sorry na… Mahal na mahal kita Chari! Haaa…”

Lumuhod na ako sa harapan niya sabay akap nang mahigpit sa balakang niya.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Momma’s Boy (Chapter 19) – Another Man Down

One Response

  1. Well atleast mrunong umamin ng ksalanan nya unlike ng iba huli na nagkakaila pa rin…. But well deserve clint sna magsilbing leksyon sa mga readers…. Wag sumawsaw sa iba kung ayaw ng gulo, remember lhat ng pag sisisi nsa huli

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.