KINABUKASAN, sobrang bigat ng katawan ko pagdilat pa lang ng mga mata. Ayoko munang bumangon, nanatili akong tulala na nakatihaya, nakatingala sa kisame at nagmumuni-muni. Ayokong lumabas ng kwarto dahil sa malulungkot lang ako.
Ginapang ko ang cellphone na nakapatong sa maliit na kabinet sa tabi ng kama ko, nagtubig agad ang mga mata ko nang makita ang lockscreen wallpaper ko na picture naming dalawa ni Mama Cha.
“Agh!” Napasinghap ako.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Hanggang ngayon hindi mag-sink in sa akin na nilalayuan na ako ni Mama Cha, na tinatapos niya na lahat sa amin.
“Ugh! Ayoko! Ayoko.. Hmp! Ma…”
Hindi ko napigilan ang luha. Namaluktot ako at itinuloy ang pag-iyak.
“Ma… Ayoko… Hindi ako papayag…” paulit-ulit na bulong ko.
Hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari. Ayokong lumayo siya sa akin dahil mahal na mahal ko siya. Sa kanya umiikot ang mundo ko, nagkamali ako pero pinagsisisihan ko na lahat iyon. Mahal ko si Mama Cha at siya lang! Saka—
“Ugh! Ma!”
Bumangon ako bigla. Pupuntahan ko si Mama Cha at manghihingi ng sorry sa kanya nang paulit-ulit.
Ngunit…
“Ugh! Ma?”
“Clint?”
Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ay naroon na siya at akmang kakatakot pa sana.
“Ma…”
Nagkatitigan kami. Hanggang sa…
“Ma! Ma! Please… Sorry… Sorry! Huu!” Niyakap ko si Mama Cha nang mahigpit at saka ibinuhos ko lahat ng luha. “Ma! Please… Huwag mo ako layuan, sorry… Sorry talaga Ma! Nagsisisi ako sa nagawa ko! Sorry! Hmmm… Ma…”
“Ugh! Clint—-ano bang—-”
Mas hinigpitan ko pa ang yakap, at saka, “Ma, please… Makinig ka naman sa akin, hindi ako papayag sa gusto mo! Ma!”
“Clint—- umayos ka nga,” pabulong na salita niya. Alam ko na naiiyak din siya dahil sa narinig kong medyo garalgal ang boses niya.
“Ma… Sorry…” bulong ko.
Halos mabasa na ang buhok niya ng luha ko. Magkahalong luha at sipon ang tumutulo sa akin. Hirap na rin akong huminga dahil sa pilit kong nilalabanan ang paghagulgol.
At muli…
“Ma… Chari… I’m so sorry… Gagawin ko lahat para huwag ka lang lumayo sa akin… Sorry…”
“Clint—-hindi—-”
Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya. Lumuhod ako sa harapan niya at yumakap sa balakang niya.
“Ma… Sorry… Chari… I’m so sorry… Mahal na mahal kita… Please, huwag…” Matapos ay hinalikan ko ang tiyan niya.
Naramdaman ko na napaigkas siya at inilayo ang sarili.
“Chari… Mahal na mahal kita… Ikaw ang buhay ko…”
Sandali pa at…
“Clint—-so—-sorry din… Hmp! Clint mahal na mahal din kita,” at umiyak na rin siya. “Pero—-ano ang gagawin natin?”
Tumayo ako. “Ma…” Hinawakan ko ang mukha niya. “Ma, wala naman tayo dapat gawin, kung—-kung ano tayo ganoon pa rin! Hindi mo kailangan mag-adjust.”
“Clint, paano si Trina? Ang anak mo?”
“Chari ano ba? Makinig ka!” Tinitigan ko siya diretso sa mga mata niyang may luha na rin. “Sasabihin ko na sa kanila kung ano meron tayo at sasabihin ko rin kung ano ang gusto ko mangyari!”
“Clint, ano ba sinasabi mo?”
“Ma! Karapatan ko iyon! Hindi naman ako tatakbo kay Trina pero—-pero hindi siya ang pipiliin ko, Ma… Chari please…” paki-usap ko.
Inalis niya ang mga kamay ko na nakahawak sa mukha niya. “Clint hindi pwde! Ayoko!” sabi niya sabay layo sa akin. “Ayokong malaman nila! Huwag mo sasabihin, ayoko masira ang pagkakaibigan namin ni Maggie!”
Hindi ako kumibo pero gustong-gusto ko mag-react sa sinabi niya. Grabe ang pagtanggi niya with matching magkasalubong na kilay pa.
“Clint, mali iyang iniisip mo! Hindi naman ganoon kadali i-open sa kanila ang nangyayari sa atin,” sabi niya.
“Eh ano gagawin mo? Natin?”
“Clint! Ano ba?” Simangot niya.
Hindi ako kumibo. Kinapitan ko ang buhok at itinali.
“Mag-ayos ka na, dadating sila Maggie ngayon para pag-usapan kayo ni Trina,” mahinang pagkakasabi niya.
“Usap saan, Ma?”
“Clint? Huwag kang umarte na hindi mo alam para saan!” Malakas na boses niya na ngayon.
Hindi ako nakakibo.
“Mag-ayos ka na, parating na sila, para maayos na natin at—-”
Nakita ko na nagpahid siya ng pisngi. Umiiyak si Mama Cha.
“Bilisan mo na—-wala namang mangyayari kung magtatalo pa tayo,” sabi niya matapos ay lumakad na pababa sa hagdan.
“Hmp! Umn!” Impit na iyak ko. “Hmp! Chari—-Umn!”
BAGAG!
Hindi ko napigilang mapasuntok sa pintuan ng kwarto ko.
NASA LIKOD-BAHAY kaming apat, naka-upo sa tapat ng sementadong lamesa ni Mama Cha sa poolside, sa maliit na garden niya.
“So—Clint?” tawag sa akin ni Tita Maggie. “On behalf of Trina’s family—- ako ang kakausapin n’yo about her pregnancy.” Ngiti niya.
Nagkatinginan kami ni Trina. Nakaupo siya katapat ko while si Mama Cha ang tinabihan ko.
“Trina decided not to get marry yet, siguro kapag lumabas na lang daw ang bata,” sabi niya ulit.
Mabilis akong sumagot nang marinig ko ang sinabi niya, “Well that’s a good decision.” Tango-tango ko pa.
“So pabor ka sa ganoong set-up? Ha? Trina?” tanong ni Mama Cha.
Ngumiti si Trina. “Yes, tita! That’s fine by me and—-mukhang okay na okay naman kay Clint eh!” sabi nito sabay tingin sa akin.
“Oo naman,” mabilis na tugon ko.
“But sa isang kondisyon,” singit ni Tita Maggie.
“Kondisyon?” tanong ko.
“Trina will stay here, she will live here with you until she gave birth,” sabi ni Tita Maggie. “Iyun ang sabi ng mga magulang niya.”
Nagkatinginan kami ni Mama Cha.
“Wala kaming space dito, tita, pwede namang nanduon siya sa duplex then ako dito, dalawa lang ang room namin dito sa—-” hindi ko naituloy ang sinasabi. Dahil…
Sumabat si Trina, “We can share room, ano pa ba ang mangyayari eh nakabuo na tayo, Clint!” Ngiti pa sa akin ni Trina. “And besides—–we’re not minors anymore!”
“Yeah she’s right, ano pa ba mangyayari eh buo na! Two months na halos,” sagot naman ni Tita Maggie.
“How come you can tell that two months na iyang dinadala mo eh—–”
Sinaway ako ni Mama Cha. “Clint! Umayos ka ng sagot,” mahinang sabi niya lang sa akin sabay hawak sa braso ko.
Nakita ko na nagkatinginan ang dalawa.
“Aah… Ayusin natin ‘to, Trina, Clint… For the sake of the baby,” mahinahong sabi ni Mama Cha. “Kaya nga tayo nandito eh, para i-settle.”
“Well, iyun lang naman Cha! Oum… We’re just here to guide them, sila naman ang magsasama at hindi tayo saka—-malalaki na sila, hindi nga nila tayo sinabihan nang bumuo sila ‘di ba?” Nangingiti pang sabi ni Tita Maggie.
Ngumiti si Mama Cha. Kahit nakangiti siya ay alam ko na labag sa kalooban niya ang mga naririnig.
“So… Ugh!”
“Ma? Bakit?”
Bigla niyang hinawakan ang noo. Hinilot-hilot ang sintido.
“Ma? Okay ka lang?” tanong ko.
“You don’t look so good Cha, did you see your doctor na ba?” sabi ng Tita Maggie.
Umayos ng upo si Mama Cha. “Ahm… Wala ‘to, pagod lang siguro saka— puyat na rin,” sabi niya.
“Chari, I think you’re sick, go see your doctor,” sabi ulit ng Tita Maggie.
Nakita ko na parang naduduwal si Mama Cha. “Ma, okay ka lang?” Tumayo na ako at lumuhod sa tabi ng upuan niya upang alalayan siya. “Ma? Ano nararamdaman mo?
Tumingin siya sa akin. “Clint, pasok na ako sa loob,” bulong niya.
Tumayo na rin ang dalawa.
“Agh! Guys—- I think we’re all set na?” sabi pa niya. Tapos ay dahan-dahang tumayo.
“Yes, tita, magpahinga ka na muna, tapos na ang usapan natin, alam na namin ni Clint ang gagawin,” sabi ni Trina, napasulyap tuloy ako bigla sa kanya.
“We’re going home na rin, ipahahatid ko na lang si Trina at ang mga gamit niya rito—- siguro after two days,” sabi ni Tita Maggie.
Inalalayan ko si Mama Cha sa paglalakad. Inihatid pa namin ang dalawa sa gate, sa kotse nila at hinintay na maka-alis muna.
Nang wala na sila ay…
“Uwaark!”
“Ma?”
“Tang ina Clint, akyat mo ako sa kwarto ko, umn! Sakit ng ulo ko,” sabi niya sabay kapit sa braso ko.
Inalalayan ko muna siya para maupo sa sofa sa sala. Hindi normal ang tingin ko na nangyayari kay Mama Cha. Hanggang sa…
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa, at…
Nang makita niya ay agad nagtanong, “Clint? Ano ginagawa mo?” Nakakunot noo pa.
“Ahm… Tinatawagan ko si Vince.”
“Vince? Ba— Bakit?”
“Ma, ipapa-check-up kita, baka kung ano na iyan, baka iyang acid reflux mo umaatake na naman,” sagot ko.
Nagulat ako nang mabilis siyang tumayo kahit na gewang-gewang pa. “Clint! Ano ka ba?” Sigaw niya sa akin sabay lapit.
Kahit halos mabuway siya ay pilit akong nilapitan.
“Clint!”
“Ma? Okay ka lang?”
“Tigilan mo iyan, may kausap na akong doktor, may—-may sched ako bukas sa kanya,” sabi niya sabay tapik sa braso ko. “Huwag na si Vince, nakakahiya sa kausap ko,” ibinaba niya ang braso ko na may hawak na cellphone.
“Ahm… Okay, samahan na lang kita bukas okay?”
“O—- Okay, sige,” sagot niya. “Aark!” Muli na naman siyang naduwal, “Uwaark!” tapos ay… “Clint, akyat mo ako sa taas, ugh!”
“Ma!”
Tuluyan na siyang natumba.
“Sabi sa iyo eh! Dapat ngayon ka na magpatingin!”
Binuhat ko siya at ihiniga sa sofa. Ano kaya nangyayari sa babaeng ‘to?
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





One Response
Ndi q tlga mgets c trina at ung tita nya…. Prang there is something wrong