Simula’t sapul, kinikilabutan siya sa puno ng akasya lalo na sa mga kababalaghang ikinukuwento ng mga matatanda tungkol dito. Sa imahinasyon niya, may higanteng kapre doon na nakatunghay sa mga dumaraan. May ilan kasing nakakitang may lumalabas daw na usok sa tuktok ng puno. Puwera sa kapre at kaluluwa, pinamamahayan din daw iyon ng mga maligno.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





