DALAWANG LINGGO na rin ang nakalipas. Dalawang linggo ko nang hinahawakan ang grupo ni Trina. Gusto niya sana, sumali sa crew namin pero puro lalake kasi kami saka no space for new members. Ayaw ni Daddy Gee na magdagdag kami, kapag may aalis lang saka kami magpapalit. Saka, hindi kami basta kumukuha lang ng members. Ilan ang pagdadaanan mo bago ma-approved. Gano’n katindi ang dance crew namin. May pangalan kasi kaming iniingatan, pagdating sa dance battle matunog ang pangalan namin. Pinoy Power!
“So, Clint! Sa place ko tayo after ha!” sabi ni Trina.
Katatapos lang namin mag-practice, bumaba na muna kami para tumambay sa coffee shop. Kadalasan after punta kami dito, kakain then kuwentuhan habang nakatambay.
“Ano sa’yo Clint? Ice-coffee? Caramel?” tanong ni Trina habang sumasabay sa akin palapit sa counter.
Tumango lang ako. Nauna na siya at umorder kay Gemma na nasa counter.
“Akyat muna ako kay Mama Cha!” paalam ko.
Dumiretso ako sa second floor. Puntahan ko muna si Mama Cha sa room, tatanungin ko kung kumain na siya.
Nasa bungad pa lang ako sa itaas ng hagdan dinig na dinig ko na ang malakas at parang kinikilig na tawa nito. Walang tao sa second floor, patay na oras kaya wala masyadong tao. Palapit pa lang naririnig ko na ang boses niya, sino naman kaya ang kausap nito at kinikilig pa! Sarado ang kuwarto kaya hindi mo kita sa loob, binigla ko ang bukas ng pinto para magulat siya.
“Hi…” Bati ko kaagad pagpasok.
Ngumiti lang siya sa akin tapos sumenyas na huwag akong maingay.
Umiling lang ako.
Isinara ko ang pinto. Lumapit ako at naupo sa dulo ng office table niyang kulay black. Naupo lang ako doon at pinanood kung paano siya kiligin sa kausap niya, flat-face walang reaksyon man lang ang mukha. Nakahalata yata na parang inaasar ko siya, hanggang sa…
“Okay, I’ll call you later. May gagawin lang ako JET!” sabi niya. Idiin pa talaga ang pangalan ni Jet sabay tingin nang masama sa akin.
“Jet?” naiinis na bulong ko.
Napangiwi ako sa narinig. Nang matapos na silang mag-usap, hinarap na ako.
“Tapos na kayo? Malamang niyan sa dups na naman ni Trina ang tuloy n’yo, tapos uuwi ka na namang lasing Clint!” sabi nito habang may tinitingnan kunwari sa laptop.
Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakayapak lang kasi naka-carpet naman ang office niya. Naka- V-neck dress na mahabang kulay itim, abot hita ang magkabilang biyak na sleeveless pa, kitang-kita ang malalaki niyang polynesian na tattoo sa binti. Grabe ang sexy! Napapasimpleng kagat na lang ako ng labi sa tuwing tutuwad siya ay lalabas ang mapuputing hita. Grabe talaga ang arousal ko sa babaeng ito, hindi na talaga normal.
Hindi ako kumikibo, habang tuloy lang siya sa kasasatsat, tuloy lang din ako sa mainit na titig ko sa kanya.
Bigla siyang humarap, napaigkas ako na muntik pa tuloy mahulog sa sahig para lang makaiwas na makita niyang tinititigan ko siya.
“Ano ba iyan, Clint?” Sikmat niya.
“Ang dulas ng table eh!” sagot ko kunwari.
“Okay lang lumandi Clint, pero ingat lang please. Kahit kaibigan ko si Maggie at gusto ko si Trina ay ayoko pa rin sa kanya para sa’yo. Gets mo? Hmn?” sabi nito sa akin sabay tingin.
Napaismid ako. Napangiti bahagya. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Seryoso at hindi ngumingiti, habang ako naman ay pangisi-ngisi lang, pinapungayan ko pa ng mata na may halong pang-aasar.
Hanggang sa…
“Lumabas ka na nga!” Sabay hawak sa braso ko at tulak papunta sa pinto.
Natawa tuloy ako.
“Mang-asar ka pa Clint!”
Halata kong naiinis na dahil namumula na ang pisngi. Lalo tuloy sumisingkit ang mga mata.
“Labas na!”
Pinagpapalo pa ako.
Pinigilan ko ang dalawang kamay niya, nagkatitigan kami. Tang ina parang gusto ko na siyang halikan sa sobrang tutukan ng mukha namin. Pero siya ang unang bumitiw, inialis ang titig sa akin sabay binawi ang mga kamay na hawak ko pa rin.
“Sige na, labas!” Sikmat niya uli.
“Ikaw nga e! Pinagbabawalan ba kitang kiligin sa Jet mo?” Inasar ko na lang para mabasag ang kahiyaan.
“Ako tigilan mo ha! Lumabas ka na nga at si Trina nando’n na dala iyung paborito mong Iced coff! Daliii! Labas na!” Paulit-ulit pa akong tinutulak papunta sa pinto.
“Lalabas na!” sagot ko.
Tinaasan lang niya ako ng kaliwang kilay saka sinimangutan.
Binagsakan pa ako ng pintuan nang makalabas na. Kahit kailan talaga itong si Mama Cha, may toyo! Malakas mang-baterya, mauuna tapos siya rin ang mapipikon. Pero aminin ko, kinilig ako sa reaksyon niya. Nagulat din ako sa sinabi niya tungkol kay Trina.
At bago pa man ako humiwalay sa pintuan ay…
“Huwag ka mag-alala! Hindi kita ipagpapalit do’n! Promise! Ikaw lang Chari!” malakas na pagkakasabi ko tapos ay lumakad na pababa.
Alam ko na narinig niya ang sinabi ko dahil narinig kong bumukas ang pintuan nang nasa kalagitnaan na ako ng hagdan.
Napangiti at napailing na lang ako.
CHARI’S POV
Ano raw?
Tama ba narinig ko na sinabi ni Clint?
Baliw talaga iyong bata na ‘yon!
Hindi niya raw ako ipagpapalit!
Napaupo tuloy ako bigla…
Napakapit sa buhok kong maigsi at napaisip.
Bakit ganito?
Bakit parang—- parang iba na iyong dating sa akin ni Clint… Bakit ganoon niya ako titigan? Tang ina ano ‘to? Kanina parang gusto ko na siyang halikan eh. Ang ganda talaga ng mata ni Clint lalo na kapag namumungay! Grabe, sorry… Sorry talaga…
Parang all of a sudden feeling ko nagseselos ako kay Trina kaya naiinis siguro ako minsan sa kaniya lalo na kapag hinaharot niya si Clint! Saka—-
Kapag madalas na pumupunta sila sa duplex ni Trina after practice kung ano-ano naiisip ko at minsan hindi ako mapakali, gusto ko siyang tawagan para umuwi na o sunduin na lang ba! May katagalan na rin mula nang dumating si Trina, habang tumatagal nakikita ko na nagiging malapit siya rito, ito namang si babae matamis din! Guwapo e! Behave pa! Suwerte niya kapag na-inlove sa kanya si Clint, seryosong tao iyon e!
Napasandal ako sa sofang inuupuan. Napatapik pa sa noo ko.
Ano ba nangyayari sa akin? Nagseselos ba talaga ako?
Bakit parang binibigyan ko nang malisya ang sweetness ni Clint? Ganito naman talaga kami, magyayakapan, kiss! Daig pa nga namin minsan ang mag- jowa. Pero hanggang doon lang naman talaga iyon…
Hanggang doon nga lang ba?
Minsan…
Minsan parang nakakaramdam din ako ng kuryente sa katawan kapag nagkakatitigan kaming dalawa katulad kanina. Pagdating tuloy sa bahay parang naiilang na ako sa kaniya, lalo na kapag nakahubad siya sa bahay at boxer brief lang ang suot na nakabukol pa ang harapan minsan, punyeta! Iniisip ko rin na nagbibinata na nga pala talaga siya at nasa mid-twenties na rin kaya ganoon at hindi na totoy na tulad dati, idagdag pa na talaga namang may kagwapuhan si Clint, maganda pa ang katawan na kahit sino naman talaga mapapahanga sa kanya, kahit nga minsan mga kaibigan ko or client ko nagpapaalam sa akin kung pwede raw ba na ma-invite siya sa mga party o makadate.
Napakapihikan naman kasi ni Clint pagdating sa babae, ayaw manligaw! Puro sayaw! Oo nga, bakit nga ba walang hilig manligaw itong lalakeng ‘to?
Ano ba’to?
Bakit gano’n?
Diyos ko po alam ko mali ‘to! Parang kapatid ko na si Clint and worst ay parang tumayo akong nanay niya na halos, napakasagwang isipin na nahuhulog na ako sa kaniya! Sa batang inalagaan ko ng ilang taon.
P*nyeta ka Chari kung ano-ano iniisip mo! Dala iyan ng pagiging single mo e! Pati alaga mo pinagnanasaan mo na e!
Tumigil ka na nga at kapag nalaman ni Clint nakakahiya! Kapag nalaman na feeling jowa ka! Baka mapahiya ka pa dahil hindi at malabo naman siyang magkagusto rin sa akin if ever nga! Ten years ang age gap namin! Medyo masagwa talaga kung tutuusin, saka, nasa peak pa ng kainitin si Clint. Masasaktan lang ako kapag hinayaan ko itong kagagahan ko!
Kaya kalma lang! Tigilan din kasi ang kababasa ng mga erotica novels! Iyan tuloy naiipon iyung libog mo na pati si Clint nadadamay pa!
Grabe!
Makababa na nga para makakain! Baka gutom lang ‘to kaya kung ano-ano pumapasok sa isip ko.
Isinuot ko ang manipis kong kulay peach na sandals, inayos ang magulong buhok tapos dinampot ang susi sa office para lumabas at bumaba na.
Sandali pa nang makababa na…
“Hi Tita Cha,” bati agad ni Trina, siya ang nabungaran ko.
Hindi naman ko nakabati at ngiti agad dahil kay Clint nadako ang mata na kumakain katabi niya. Pakiramdam ko ay naiinis ako talaga sa kaniya tapos si Trina pa ang bubungad sa akin.
“Kumain ka na Ma?” tanong ni Clint.
Ngumiwi ako. Inirapan siya at umakyat na lang uli sa itaas.
“Ma!” Tawag sa akin ni Clint. “Huy!”
Tumawa lang si Trina.
“Ang cute ni Tita Cha kapag umiirap!”
Narinig ko pang sinabi nito.
“Bakit mukhang binad- trip mo na naman nanay mo? Hahaa!”
Sabi pa niya. Mas lalo tuloy kumulo ang dugo ko. Parang gusto ko tuloy bumalik at batuhin ng sandals ang dalawang iyon.
“Magpapadeliver na nga lang ako! Buset ka Clint!” Bulong ko habang paakyat sa hagdan.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





