MAKALIPAS ANG isa’t kalahating buwan ay nakabalik na kami ng Pilipinas. Halos isang linggo na rin kaming naririto.
Naging maayos ang surgery ni Clyde. Pagdating namin ay nilagay ko muna siya sa ospital para alagaan at tingnan mabuti. Mas maganda na naroon siya dahil sa matatagalan pa rin ang pagpapagaling niya, isa pa; hindi pa rin nakakapagpahinga nang maayos si Mama Cha mula matapos ang operasyon. Wala pa siyang maayos na tulog, payat na rin siya katulad ni Clyde. Bumagsak ang katawan nilang mag-ina, lalo na si Clyde na mas numipis pa ang pangangatawan. Sa ospital ay may kinuha akong private nurse para magbabantay kay Clyde 24/7. Tatagal pa siya ng mga isang buwan doon bago maiuwi sa bahay.
SAMANTALA…
Mainit ang ulo ni Trina habang nakikipag-usap sa Tita Maggie niya.
“Trina kung pumunta ka rito sa salon para magngitngit lang eh, please! Malas sa negosyo iyan sweetie! Nag-away na naman ba kayo ni Jet?” sabi ni Maggie.
“Yah isa pa iyon! Saka! Naiinis ako kay Clint, two days nang hindi umuuwi! And alam mo Tita?” Tumayo ito at lumapit kay Maggie na nasa kabilang couch nakaupo. “May babae na naman si Clint!” Napapagigil pa sa labi na sabi nito sabay halukipkip.
Natawa naman si Maggie sa sinabi ng pamangkin.
“What’s so funny? May nakuha akong damit na pantulog sa maleta niya nang umuwi galing Japan!” Nakairap na sabi pa ni Trina.
“So what? Para ka namang bago nang bago sa asawa mong playboy! Magugulat ka na lang isang araw may anak na pala sa iba iyan! And—what do you care?” Malditang tanong ni Maggie.
“Hindi pwede! Kuntento naman na ako sa ganitong sitwasyon namin! At least may rebound ako kapag nag-aaway kami ni Jet, saka—kailangan ko na siyang mapilit na magpakasal! Kasi—” Hindi naituloy ni Trina ang sasabihin dahil biglang sumabat si Maggie.
“Kasi? Umiiwas na si Jet? Ginagawa ka na lang din niyang parausan, hmp? Iyon ba iyon kaya kailangan mo na si Clint ngayon? Haha! You’re such a smart b*tch!” Tawa ni Maggie.
“Nakakatunog na kasi ang asawa ni Jet, may nakakita kasi sa kanya na magkasama kami sa condo unit sa Global,” seryosong sabi ni Trina.
“Well! Talagang ganyan! Eight years is enough na siguro! Ako nga hindi ba? Nakiisa ako sa kalokohan mo na pati si Chari na matagal ko ng kaibigan ay niloko ko. Sinakyan kita sa kunwaring buntis ka kay Clint!” sabi ni Maggie. “Hindi naman napansin ni Clint that time na mas napaaga ang panganganak mo kesa sa sinabi mo sa kanya dahil 4 months ka ng buntis noon at hindi two!”
“Paano naman niyang mapapansin? Wala siyang inaatupag kung ‘di hanapin si Tita Chari noon! Wala nga siyang pakialam sa pinagbubuntis ko!” sagot ni Trina. “See the tats? Ipinalagay pa niya sa buong braso ang pangalan ni Chari na ‘yun! Parang sampal ‘di ba?”
“Well, alam ko naman na may nararamdaman si Chari kay Clint. The way she reacted when I told her your pregnant shocked me! Haha!” Tawa pa ni Maggie. “Kaya nga rin inaway-away natin siya hindi ba? Scripted lahat at—it works naman ‘di ba? You have your fortune!”
Tuluyang nagsalubong ang kilay ni Trina sa inis.
“And why all of a sudden eh, nagiging protective ka kay Clint? Samantalang dati—wala ka talagang pakialam!”
“Gusto ko naman talaga si Clint kahit dati pa Tita, pareho ko silang gusto ni Jet!” sagot naman ni Trina. “Pero mas matimbang lang talaga si Jet!”
“Hmp! Sabihin mo— nakipag-unahan ka lang din kay Chari kaya nagpabuntis ka! Alam mo rin kasi na malaki ang gusto ni Jet kay Chari at hindi mo naman siya kasing bobo kaya hindi siya pumatol!”
“Paano siya papatol? Eh, si Clint yata ang kumakant*t sa kanya!” Irap ni Trina. “Kaya pala ganoon na lang din siya ka-overprotective! Inaasawa pala niya ang alaga niya! Tch! Pathetic!”
“Hmp! Lib*g lang nararamdaman mo kay Clint kaya huwag kang seselos-selos! Ang lakas makagwapo ng profession at bank account niya! Talented pa! Hahaa!” Hagalpak ni Maggie ng tawa. “Lahat yata nasa kanya na, malaki pa kamo ang kargada kaya happy ka rin! Ewan nga sa ‘yo bakit si Jet ang gusto mo!”
Hindi naman nakakibo si Trina. Umirap-irap lang sa pang-aasar ng tiya.
KINAGABIHAN AY umuwi ako sa bahay. Dalawang araw na rin kasi akong hindi umuuwi. Nagstay ako kay Mama Cha dahil sa medyo masama ang pakiramdam niya.
Sa kuwarto kaagad ako ni Tejie dumiretso.
“Hi Tej? How are you?” tanong ko.
“Hi Daddy… Bakit ngayon ka lang?” tanong niya rin.
Biglang sabat ni Trina na nasa likuran ko pala. “Paano galing sa babae niya iyang Daddy mo! Hmp! Kaya ngayon lang umuwi!”
Nagsalubong naman ang kilay ko. “Ano bang sinasabi mo? Seriously, Trina sa harap pa ni Tejie?”
Nakatayo lang si Trina na nakasandal sa pintuan ng kwarto ni Tejie. Nakasimangot at lukot na lukot ang mukha.
“Mag-usap nga tayo Clint!” Matigas na pagkakasabi ni Trina.
“Okay fine! Mamaya pwede ba? Gusto ko pang maka-usap muna si Tejie!” Naiinis din na sagot ko.
Umirap pa si Trina bago umalis.
UMAALINGAWNGAW ANG boses ni Trina sa apat na sulok ng kwarto namin.
“What the hell Clint? Ipaliwanag mo sa akin ang damit na iyan? Aaggh!”
Galit na galit si Trina. Hindi maipinta ang mukha sa sobrang simangot. Ibinalibag sa akin ang hawak na damit.
“Ano na naman ‘yan Clint? Parang gusto kong maniwala na may babae kang ibinahay sa Camiguin eh!” Sigaw uli nito.
“Tsst! Trina? What’s happening to you? Ano ba ‘to?” tanong ko sabay taas ng damit na ibinato niya sa akin.
“Nakuha ko iyan sa maleta mo! Kanino iyan Clint? Kanino iyan?” Sigaw uli nito.
Hindi ako kumibo. Itinapon ko ang damit sa basurahan na nasa CR.
“Clint ano ba! Eight years na tayong ganito! Since nagkasama tayo! Ayaw mo ba nang pagbabago?” seryosong sabi ni Trina.
“Trina, napaparanoid ka lang! Saka—sanay naman tayo ng ganito hindi ba? Ikaw nga eh! Ilang beses kitang nahuli, clients ko pa nga ang iba! May narinig ka ba sa akin? Ano ba nangyayari sa iyo?” Natatawa pang sabi ko.
“Clint mahal kita! Asawa mo ako! Hindi ba tayo pwedeng maging maayos?” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Trina.
Hindi ako kaagad nakakibo. Nalason na yata talaga ang utak ng babaeng ito at kung ano-ano na naman ang nasasabi.
“Clint pakasal na tayo! Napakatagal na nating magkasama, malaki na si Tejie. Ready na akong magpatali sa iyo…”
Hindi ako nakakibo sa narinig.
Lumapit siya sa akin. Niyapos ako mula sa likuran. “I’m so sorry sa lahat ng nagawa ko, mahal kita Clint,” sabi niya sabay iyak na. “Ayusin natin ‘to Clint, please… Ayusin na natin si Tejie, lumalaki na siya…”
Hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya o itataboy. Hindi ko rin maintindihan kung may nararamdaman ba ako sa mga sinasabi niya o walang dating talaga.
Mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin. “Huwag nating pabayaang magkaroon si Tejie ng broken family, alam mo kung gaano kahirap.”
At doon ako tinamaan sa sinabi niya. Iyong mga katagang iyon talaga ang gumising sa akin.
Hanggang sa…
“Huwag kang mag-alala, hindi ko na uulitin ang buhay ko. Hindi ako papayag na lalaki si Tejie na walang maayos na pamilya,” sabi ko.
Hindi ko alam ngunit nang yakapin ako ni Trina ay napayakap na rin ako sa kanya. Nagiging marupok talaga ako kapag anak na ang pinag-uusapan. Kahit pa sabihin ko na malayo ang loob sa akin ni Tejie ay iniintindi ko dahil na rin sa mga pangyayaring nasasaksihan niyang ginagawa ko kay Trina.
“Clint, magpakasal na tayo… Ipaayos natin ang apelyido ni Tejie, lalake siya at ang magdadala ng pangalan mo,” sabi ni Trina.
At muli… Heto na naman ang magulong isip ko.
CHARI’S POV
Malamang nag-aaway na ang mag-asawa na iyon! Ikaw ba naman mahulihan mo ang asawa mo ng damit pantulog ng babae hindi ka bubuga ng apoy! Tsk!
Haay… Pasensya na Clint ha, sinubukan ko lang naman. Sinadya kong ilagay ang nighties ko dyan sa maleta mo, hindi ko pa naman naisuot iyon, pinaliguan ko rin ng pabango para mas kainis-inis!
Ano kayang reaksyon ni Trina?
Alam ni Clint na sa akin iyon dahil nakita niya nang suot ko iyon dito sa bahay. Mapapakamot na lang sa ulo niya iyon kapag nakita niya. Sigurado bukas nandito na uli ang loko at ibabalik ang damit ko!
Haay… Parang ang saya naman nito! Parang mag- eenjoy ako dito sa Maynila ah!
NANG NAKATULOG na si Trina ay binalikan ko ang damit na itinapon ko kunwari sa basurahan sa banyo. Pero ang totoo ay isinabit ko lang sa likod ng pinto.
“Pasaway ka talaga Ma,” bulong ko.
Isang nighties niya na kulay pula ang nakuha ni Trina. Amoy na amoy ko pa ang malakending pabango ni Mama Cha na nakadikit ang amoy doon.
Napapailing na lang ako sa kalokohang ginawa niya. Mabuti na lang din at hindi na humaba pa ang usapan namin ni Trina tungkol doon. Itatago ko na ito para maibalik bukas sa kanya.
Biglang pumasok sa isip ko ang pagpapakasal na gusto ni Trina. Hindi ko talaga alam kung ano ba ang nangyayari sa babaeng ito at bigla-bigla na lang nagyaya ng kasal. Sabagay, nai-open niya na sa akin iyan last year…
Hindi ko alam pero— wala namang dating sa akin. Wala akong balak na pakasalan siya kahit kailan. Hindi madali para sa akin ang kalimutan lahat ng panlolokong ginawa niya, saka—wala talaga akong malinaw na nararamdaman sa kanya.
Ayos na lang din sa akin ang ganito kami. Pero sa tuwing si Tejie na ang sangkot sa usapan ay naguguluhan ako. Ayoko talagang masira ang pamilya niya. Pero— tama ba ang ginagawa ko?
Iniintindi ko si Tejie habang si Clyde ay lagi lang naka-abang? Bakit kung sino pa ang tunay na babaeng mahal ko ay hindi ko maipaglaban… Kaya hindi ko rin masisi si Mama Cha kung bakit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kinakalasan si Josh.
Naguguluhan ako…
Pareho kong mahal sina Tejie at Clyde. Sino ba talaga ang dapat kong unahin sa kanilang dalawa?
Ayokong mawala si Clyde na mas kailangan ang atensyon ko ngunit ayoko rin namang palampasin ang mga sandaling bibihira lang maganap tulad nito na napakalambing sa akin ni Tejie.
Pero aaminin ko…
Si Mama Cha at Clyde talaga ang una sa puso ko…
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




One Response
Just wonder bkit ndi nya ipa dna rin c tejie given na ipina dna nya c clyde…. Pra tpos na