SABADO NG umaga…
“Hintayin mo na lang ako rito okay?” sabi ni Chari kay Clint.
Dumaan muna ang dalawa sa grocery para bumili ng mga gustong pagkain ni Clyde. Iniwan na lang ni Chari si Clint sa kotse at siya na lang ang pumasok sa loob ng grocery upang mamili.
Pagpasok sa loob ay sa fruit section agad dumiretso.
“Umn… Mango, saging and…” bulong ni Chari habang dahan-dahang binabaybay ang hilera ng mga prutas na naroon.
Medyo marami ang taong naroon sa section na iyon. Sabado kasi at maraming namimili. Ilang lakad pa at…
“Tita Cha?” Tawag ng babaeng katabi niya.
Nang lingunin ay…
“Trina?” Sandaling napakunot-noo ang Chari, matapos ay napangiti rin.
“God! Is that really you? You— parang hindi ka tumanda ah!” Sarkastikang sabi ni Trina na napa-crossed arm pa.
Ngumiti naman ang Chari. “Ah talaga! Salamatss!”
Sandali pa at biglang dumating si Maggie na may bitbit ring ilang pinamimili. At nang makita si Chari ay… “Cha—Chari?” Napatakip pa ang kamay sa bibig niya, halos magkandahulog pa ang dala.
“Hi Mags! God! How are you?” Malakas na pagkakasabi ni Chari.
Nakatitig lang si Trina kay Chari. Magkasalubong pa ang kilay nito. Halatang naiinis siya. Kahit noon pa man ay may hindi na pagkakaunawaan ang dalawa.
“Chari! Ahaha!” Sigaw ni Maggie. Niyakap niya pa. “Hmm… I missed that smell! So sweet! Kamusta?”
Nang nabanggit ni Maggie ang “I missed that smell” ay simpleng dumikit si Trina kay Chari.
“Hmn?” Pasimpleng amoy ang ginagawa nito.
Mukhang nakahalata naman ang Chari. “Why? You love the scent? Candy Cane!” Nakangiti pang sabi nito.
Mabilis na tango naman ang ginawa ni Trina. “Yah! Ang bango! Pamilyar ang amoy sa akin!” Ngumisi pa kay Chari.
Parang namalditahan naman ang Chari sa inarte ni Trina.
“Pamilyar ba? Ah! Dati kasi ginagamit din ni Clint ito kapag magkikita kayo! Kaya siguro pamilyar ang amoy sa iyo!” sabi ng Chari sabay taas ng kanang kilay kasunod ang witchy-half smile.
Napabuntong-hininga naman si Trina sabay irap pa. Dumistansya na rin ito. Hindi maipagkakailang naiinis talaga siya kay Chari.
“Chari! Kailan ka pa dumating? God! Youre still so pretty! Walang nagbago sa iyo!” Puri ni Maggie.
“Ganoon siguro talaga kapag walang kunsumisyon Mags! Ikaw? Kayo? How’s life now? Ang ganda sobra ni Trina ngayon ah! Mukhang artista! Ilan na anak n’yo ni Clint?” sabi ni Chari. Sinunod-sunod na nito ang simpleng pang-aasar.
Sandali pa at biglang nag-ring ang cellphone ni Chari. Nakita ng dalawa na Josh ang pangalan ng tumatawag.
“Wow! Hubby?” tanong agad ni Maggie.
“Ahaha! Boyfriend!” sagot naman ni Chari. “Excuse me ha, doon ka pa rin ba nakatira? Dalaw ako minsan Mags then shot tayo! Haha!” Lumakad na papalayo sa dalawa.
At nang maiwan ang dalawang magtiya…
“So nandito pala siya sa Manila?” sabi ni Trina.
Bumulong ang Maggie. “See that? Kung ako sa iyo babantayan ko si Clint! Sa itsura ni Chari mas lalong mababaliw sa kanya ang asawa mo! See? At 43 still looking gorgeous! Tsk! Saka— ikaw naman! Hindi ka man lang nagpanggap na masaya kang nakita siya! Na—kunwari wala na ‘yung conflict n’yo dati! Binati ka nga niya ‘di ba?” Napataas pa ang kanang kilay.
“Saan kaya nakatira iyan dito?” Nakasimangot na sabi ni Trina.
Ngumiwi lang si Maggie. “Hmn… I really love that scent! Ang sarap ng amoy ng pabango na iyon ni Chari, naiiwan sa ilong ang amoy!”
Parang may pumasok naman sa isip ni Trina. “Yah… That smell… Hindi ako pwedeng magkamali! Tita Mags nagkita na sila ni Clint! Nagkita na sila!” Bulalas ni Trina.
Napalingon naman ang naglalakad nang palayo na si Maggie. “Hmn? Nagkita na? How did you know?”
Hindi kumibo si Trina. Hinihingal na rin sa sobrang inis.
MAAGA AKONG naka-uwi sa bahay. Doon din ako nag-dinner kasabay si Tejie at Trina. Pagtapos kumain ay pumunta muna ako sa likod-bahay para doon mag-check ng schedule ng mga koryong ipadadala ko sa Japan.
Nagpapatayo na rin ako ng bagong promotion sa Camiguin. Nabili ko ang inialok sa aking lugar doon, sinadya kong kunin para kung sakaling gugustuhin ni Clyde na bumalik sa Camiguin ay kasama ako. Pero hindi ko iyon sinabi kay Mama Cha, wala siyang alam doon.
Kasalukuyan akong busy at nakatutok sa laptop nang biglang nagsalita si Trina mula sa likuran ko.
“Kailan mo pa nga pala nabenta ang bahay n’yo sa North?” tanong nito.
“Ha? Ma—Matagal na,” nautal pang sagot ko.
Nagulat kasi talaga ako sa tinanong niya. Lagi talaga akong nagugulat sa mga sinasabi at kinikilos ng babaeng ito.
“Kailan pa nga?” tanong niya uli na medyo mataas na ang boses.
“Matagal na nga! Last last year pa! Bakit mo ba tinatanong?” sabi ko na nakasalubong na ang kilay.
Lumapit si Trina. Kumandong pa sa akin.
“Ano ba may ginagawa ako!” Tabig sa kanya.
“Bakit mo nga pala binenta iyong bahay doon Clint? Eh— sa inyo ni Tita Cha iyon hindi ba?” bulong nito.
Mas lalong kumunot ang noo ko. “Ano na naman ba iyan Trina? May ginagawa ako, I have no time for this! Tsk!” Pitsi ko pa.
Tumayo na siya. “Wala lang! Naalala ko lang naman bigla! Sabi nga pala ni Tejie ipabura mo raw iyang tats mo na pangalan! Ang pangit daw kasi eh!” sabi nito sabay layas na.
Napatingin tuloy ako sa tattoo ko sa braso na malaking pangalan ni Mama Cha.
CHARI’S POV
Grabe ah! Ang liit talaga ng mundo. Biruin mo, doon pa kami nagkita sa grocery at mabuti rin na hindi sumama si Clint sa loob kung hindi malamang nagkita sila ni Trina! Mas lalo siguro mawiwindang ang mundo noon!
Bakit kaya ganoon ang reaksyon ni Trina nang makita ako? Halata naman na naiinis siya eh, panay pa ang bara sa akin. Sabagay, before kasi ako umalis dito nagkasagutan na kami, saka talagang mainit na siya sa akin, pati si Maggie. Nagtatanong siya sa akin kung saan daw kami nagpupunta ni Clint kapag nawawala maghapon! Tapos—nang umalis na si Clint pinalalayas na ako sa bahay, dahil bahay daw ni Clint ‘yun! Buti nga pinansin ko pa siya eh!
Pero natawa ako sa reaksyon niya nang maamoy ang pabango ko kanina ah! Pamilyar daw ang amoy! Eh paanong hindi! Ang pabango na iyon lang naman ang ibinuhos ko sa nighties na iniwan ko sa maleta ni Clint.
Siguro nag-ooverthink na iyong g*ga na iyon ngayon! Pero aminin ko ha, sexy niya pa rin hanggang ngayon, mas lalo siyang gumanda nang nagkaedad, sarap sa kama ng katawan niya at sigurado akong baliw na baliw si Clint sa kanya. Bagay naman sila, bigla tuloy ako na-insecure, bata pa siya, sariwa pa samantalang ako papanat na!
Haay… Parang nagselos tuloy ako. Grabe pala lintik kadiyosa ng kalaban ko kay Clint. Naisip ko tuloy, paano kaya sila magtabi ni Trina? Shucks! Naiisip ko pa lang naiinis na ako! Kahit sino naman kasi siguro, kahit na sabihin mong hindi mo talaga mahal ang babae kapag ganoon naman kalintik sa ganda ang katawan eh titigasan ka talaga!
Bakit ba pinanghihinaan ka na naman ng loob Chari? Alam mo naman ang background ng relasyon ng dalawa kaya huwag kang magselos! Ayaw lang talaga ni Clint na masira si Tejie kaya nilalaban niya kahit talgang ayaw niya na!
Eh bakit ako? Kami ni Clyde? Ano kami ngayon?
Ayos lang! Ginusto ko naman ito eh! So, face the consequences! Uuwi na kami sa Camiguin kapag okay na si Clyde. Doon ko na lang siya pagagalingin. Ngayon, kung gusto kaming makasama ni Clint — pumunta na lang siya doon.
Ayokong makipagsabayan dito sa Manila. Nakaya ko na nga mag-isa eh, kaya ko pa rin siyempre!
TWO DAYS after, naisipan ni Chari na lumabas ng bahay.
“Mabigat na talaga sa ulo ang mahabang buhok na ito! Ano nga ba ang pangalan ng salon na iyon? Aah… Iyong inilagay sa coffee shop ko! Mabisita nga baka magkita pa kami ni Jet doon, wala naman akong ginagawa eh!” sabi ni Chari sa sarili. Gumayak na ito at pinaandar ang kotse na binili ni Clint para sa kanya.
ILANG SANDALI pa at nakarating na siya agad. Hindi naman kasi ganoon kalayo ang dating coffee shop niya mula sa tinitirahan niya. Nakita niya rin naman agad ang salon na hinahanap.
“Wow… Ang laki ah!” Bulalas nito.
Nang pumasok ay agad sinalubong ng mga naroon. At…
“Chari?”
“Mags?”
Nakita siyang agad ni Maggie.
“Wow! Dito ka nagtatrabaho?” tanong ni Chari.
“Yah! Ako ang manager dito, mabuti at nakapasyal ka?” sabi ni Maggie.
“Ah oo! Naghahanap kasi ako ng parlor, sabi ng kapitbahay namin maganda raw dito, and naisipan ko ring tingnan kung ano ba ang nailagay ni Jet dito,” nakangiting sagot ni Chari.
“Kapitbahay? You mean malapit ka lang dito nakatira Chari?” Nagtatakang tanong ni Maggie. “Saan? Sa dati mo bang bahay? ”
“Yep! Nandoon ako ngayon Mags, care to drop by sometime? Shot ng kaunti, just like the old times, huh?” sabi ni Chari.
“Sure sure! Sa dati mong bahay talaga ha Chari? Gusto mo after natin dito? Okay lang ba?” tanong ni Maggie.
Tumango lang ang Chari at ngumiti. Parang napaisip din siya kung tama ba na nasabi niyang naroon soya ngayon sa dating bahay nila at nakuha niya pang mag-aya uminom doon.
Naupo na ito, magpapagupit kasi siya at kulay ng buhok.
Sa hindi kalayuan ay nakatanaw lang si Maggie kay Chari. At…
“Hello, Trina? Nandito si Chari sa salon? Wanna have some fun? Nagyayaya sa bahay nila, makipagbonding tayo sa karibal mo! Haha!” Natawa pang sabi ni Maggie sa kausap sa kabilang linya na si Trina.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





One Response
Sna magtagpo tagpo cla dun with clint pra gumanda nman kwento