“LET’S SING it again. Sunday, Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday. There are seven days in a week.”
Pumalakpak si Yana pagkatapos ay hinagkan si Zia. “Very good naman ang baby. So today is Wednesday!”
Ganoon ang routine nila. Every after lunch ay tinuturuan niya ito. Letters of the alphabet, counting numbers, shapes at kung anu-ano pa. Tuwang-tuwa naman siya dahil napakadali nitong makatanda ng tinuturo niya.
Bumaling siya rito nang magtanong ito. “Mama, let’s also sing the months of the year.”
“Sure, baby…. Let’s sing it together. January, February, March, April, May, June, July, August, September, October, November, December. These are the twelve months of the year.”
“What month are we now, Mama?” tanong pa nito pagkatapos.
“We’re on September already Zia.”
“Really? Dada’s birthday is September 21! Mama, matagal pa po ba ‘yon?”
“Today is September eleven, bale ten nights pa, baby. Sige, mag-count ka sa kamay.”
Nagbilang naman nga ito sa daliri. “Tagal pa po, Mama. Dami pa pong sleep. But Mama, can we buy cake for Dada?”
Ginulo niya ang buhok nito saka hinalikan ang pisngi. “Of course, we’ll buy dada a cake.”
Nasa ganoon silang tagpo nang tumunog ang kanyang phone. Someone’s calling her. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang si Marcus ang tumatawag.
“Hello,” bungad niya.
“Hi, gorgeous. Kumain na ba kayo ni Zia?”
“Huh?” Masyado siyang na-focus sa pagkakatawag nito sa kanya ng gorgeous. Hindi tuloy niya narinig ang sumunod nitong sinabi.
Natawa ito. “Hey, honey. Relax. Wala pa ko niyan sa harapan mo, ha?”
Nainis siya sa sarili. “Ewan ko sa ‘yo. Tumawag ka ba para mang-inis?”
Tumawa ito. Iyong inis niya, biglang humupa sa sarap ng tunog ng tawa nito.
“So, nakakain na ba kayo ni Zia ng lunch?”
“Yep,” she replied.
“Good! But I have a favor. May naiwan kasi akong importanteng document sa study room. Can you and Zia bring it here?”
“Sige. Saan eksakto nakalagay ‘yong document saka anong kulay ng folder? Ang dami mo kayang pile of documents sa table.”
Natawa itong muli. Pagkatapos ay sinabi naman nito ang tinutukoy na dokumento.
“Parating na ‘yong yate d’yan. Kailangan pa kasi tumawid ng isla bago makarating dito.”
Sinabi pa nito na may maghihintay sa kanila sa pangpang pero nag-insist siya na sasakay na lang sila ni Zia sa tricycle dahil sinabi naman nito na hindi na iyon kalayuan mula sa islang bababaan nila.
“Thanks, gorgeous. See you…”
Wala na ito pero nasa tainga pa niya ang aparato. My God, kinikilig ba siya?
NAPATINGALA SI YANA sa napakatayog na building. Hindi niya inaasahan na ganoon pala kalaki ang kompanya ni Marcus rito sa Aklan.
“Is this where Dada werk?”
Natuon ang tingin niya sa buhat na bata. Napangiti siya sa accent nito. “Yes, this is your Dada’s company.”
“So tall…” namamanghang sabi nito.
Ibinaba niya ito. “Let’s go inside. Hinahanap na tayo ni Dada.”
Lumawig ang ngiti nito. Tila nae-excite pumasok sa building.
Naglakad naman sila papasok. Hawak-hawak niya ang mumunting kamay ni Zia.
Bahagya pa siyang nailang dahil nang makapasok sila ay nakatingin sa kanila ang bawat makakasalubong. Napatingin tuloy siya sa ayos. Nakasuot siya ng navy blue short sleeve V-Neck lace top blouse na tinernuhan niya lang ng high waist fitted denim skirt.
Wala naman sigurong mali sa suot niya, hindi ba? Hindi mukhang mamamalengke.
Dumeretso sila ni Zia sa reception desk.
“Good afternoon, Ma’am.” nakangiting salubong ng front desk staff sa kanya.
“May I know what floor is Mr. Morgan’s office? I may need to bring this document to him.”
“May I know your name, Ma’am? Do you have a set appointment with him today, Ma’am”
Nahaplos niya ang batok. “Ahm, wait lang.”
Kinuha niya sa dalang shoulder bag ang cellphone. Nakailang dial siya sa numero ng lalaki pero hindi ito sumasagot. Pambihirang lalaki, hindi ba nito ipinaalam dito sa baba ang tungkol doon.
“I’m sorry, he’s not answering the phone. Pwede bang makitawag sa kanya. Pakisabi, it’s Yana.”
“May meeting po kasi si Sir Morgan. Kung gusto po ninyo, iwanan na lang po ninyo sa akin ang document at ako na lang ang mag-aabot sa kanya.”
Napatingin si Yana kay Zia dahil hinihila nito ang kamay niya sa direksyon ng elevator. Tila naaliw ito roon dahil clear iyon at nakikita ang pagtaas ng elevator.
“Mama, let’s try that.”
“Wait, baby.” Naguguluhan tuloy siya. Napatitig siya sa hawak na folder.
“May problema ba, Tasha?”
She stiffened. Kilala niya ang boses na iyon. Si Aries. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang makita siya.
“Yana…”
“Kilala n’yo po siya, Sir? May ibibigay daw po kasi siyang document kay Sir Morgan.”
“Let them in, Tasha. She’s Mr. Morgan’s wife.”
Bakit may kung ano siyang nahimigang uyam sa pagkakasabi nito niyon? O guni-guni niya lang?
“Wife?” Parang nataranta bigla ang Receptionist. “Hala, I’m so sorry, Ma’am. Hindi ko po alam.”
Nginitian niya ang babae. “Wala ‘yun. It’s part of your job. And I fully understand.”
Yumuko pa ito. “Pasensya na po talaga.” Lumabas din ito sa cubicle nito at saka sila giniya sa elevator.
“Yehey, Mama. Are we going to ride there?”
Tumangu-tango siya. Ramdam niyang nakasunod sa kanila si Aries. Nang pumasok sila ng elevator ay pumasok din ito.
May pinindot itong buton sa gilid. 20 at 25.
“Mama, we’re going up.”
Napangiti lang siya rito pero hindi niya alam kung tabingi na iyong ngiti niya dahil nakakaramdam siya ng ilang sa kasama.
“Mr. Morgan’s office is at the 25th floor,” basag nito.
“Thank you,” naisagot niya lang.
“How old is your child?”
Bahagya siyang napasulyap dito at na-realize kung ano ang tinatanong nito. “Ah, si Zia. She’s turning four this year.”
“Four… So that just means na napakabilis mo lang nakapag-move on sa relasyon natin,” may pait nitong sabi.
Natigilan siya. Hindi niya naisip iyon.
“Nagawa mong magpakasal kay Mr. Morgan na kung kakalkulahin ko ay kailan mo lang nakilala pero sa akin na higit walong taon mong nakarelasyon ay hindi mo nagawa?”
Her heart ached. Naramdaman niyang namasa ang mga mata.
Narinig niya ang pag-click ng elevator. Nasa 20th floor na sila. Pero imbes na lumabas si Aries ay isinara lang nito ang elevator.
Muli itong nagsalita. “Am I not deserving, Yana?”
Napahawak siya sa dibdib. Napatingin siya rito. “Aries… Hindi mo alam ang pinagdaanan ko.”
Mabuti na lang at aliw na aliw sa isang tabi si Zia.
“Do you love him? Or is it just the money that you love about him?”
Tumingin siya kay Zia. “Baby, can you please close your eyes.”
“Why, Mama?”
“Just close your eyes…”
Sinunod naman siya nito. Kapagdaka ay bumaling siya kay Aries at saka ito ginawaran ng sampal.
Napahawak ito sa pisnging nasampal niya. Eksakto namang bumukas ang elevator.
“Open your eyes, baby,” sabi niya kay Zia. “We’re here.”
Lumabas na sila.
“Maxine, assist them in Mr. Morgan’s office. She’s his wife.” Nagawa pang ibilin ni Aries sa sekretarya bago mabilis na pinindot ang button pababa.
Naging mabuway ang tayo ni Yana. Mabuti na lang at naalalayan siya ng tinukoy ni Aries na sekretarya.
“Okay lang po ba kayo, Ma’am?”
Tumango siya.
Akmang pupunta na sila sa opisina ni Marcus nang may mga taong naglabasan sa isang silid doon.
“Dada!”
Kumawala sa kanya si Zia at saka nagtatakbo patungo sa ama nito nang makita ito.
“Hello, pretty.” Niyukod nito ang anak at saka hinalikan ang pisngi.
Pagkaraa’y tumayo ito at bumaling sa kanya. “Did you wait for too long? I’m sorry, nagkaroon kami ng urgent meeting.”
She shook her head lightly. “No worries. Halos kadarating lang din naman namin.”
Lumapit ito sa kanya at saka siya binigyan ng smack kiss. She was startled. Isa pa, may mga tao pa sa paligid.
“I miss you,” bulong nito sa kanya.
She blushed. “Kakakita lang natin sa bahay kanina, anong miss ka dyan.”
“You know, not seeing you for an hour means a year for me.”
Nahampas niya ang balikat nito. “Loko-loko!”
Tinawanan lang siya nito.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






3 Responses
Mga banat ni Morgan nakakalawa ng pakiramdam charrrr hahaha
Natawa ako sa nakakalawaaaaaa hahahhaa! Thanks for reading Jea 💞
Well kahit sino tulad ni Aries mag isip lalo ikaw naging mundo niya ng mahabang panahon