HINDI pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ni Yana hanggang makauwi siya ng bahay. Naaalala niya ang batang si Zia. Mabuti na lamang at nagpatangay ito sa pang-uuto niya dahil tila ayaw nitong umalis sa pagkakakunyapit sa kanya.
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});Papasok na siya sa loob nang makarinig ng komosyon mula roon. At nang tuluyan niyang buksan ang pinto ay hindi niya alam kung saan siya titingin. Sa kaliwa ba, kanan o gitna? Sa kaliwa niya, nag-aaway ang kuya Jerry niya at ang asawa nito. Sa kanan naman ay pinapagalitan ng kanyang Nanay Helen ang kapatid niyang si Jaira habang nasa isang tabi ang kanyang Tatay Arman at ang bunso niyang kapatid na si Henrick. Sa gitna naman ay ang naguguluhang si Crizelle, ang anak ng kuya niya. Umiiyak na ito.
Isinara niya nang malakas ang pinto. Doon natigil ang lahat. Mabilis niyang kinuha ang pamangkin. Dinala niya ito sa isang kwarto at saka ibinigay rito ang cell phone niya at pinanood dito ang paborito nitong Frozen.
Pagkatapos ay bumalik siya sa salas. “Ano ba ang nangyayari at nagkakagulo kayong lahat?” Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito.
“Sorry…” hinging paumanghin ng asawa ng kuya niya. “Ito kasing Kuya mo…. Hindi ko alam kung saan niya dinala ‘yong pera na binigay mo na dapat pam-field trip ni Crizelle.”
Napapikit si Yana sa isiping iyon. Pero hindi na niya napigilan pa ang sarili. “Kuya naman! Kailan ka ba magtitino?!” Ibinaling niya ang tingin sa kabilang dako. Yukung-yuko si Jaira at ang ina naman nila ay umiiyak na rin.
Lumunok siya bago nagsalitang muli. “Ano naman ang problema mo, Jaira?”
Bagama’t nakayuko ito ay hindi nakaligtas sa paningin niya ang panginginig ng labi at ang pagpatak ng luha nito. “Ate….Ate kasi… Kasi… I’m sorry ate….”
Bumilis ang tahip ng kanyang dibdib. “Sorry… para saan?”
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});“…kasi ate….” Napasigok ito. “Bu-Buntis ako.”
Pakiramdam niya, biglang lumindol at bumagsak sa kanya ang kisame ng kanilang bahay. Nanikip ang dibdib niya. Nawalan din siya ng balanse. Mabuti na lamang at naagapan ang pagbagsak niya ng kanyang Kuya Jerry.
Nanagana ang luha sa kanyang mga mata. Napailing-iling siya bago kumawala sa pagkakahawak ng kuya niya. “Buntis ka?!”
Napaluhod na ang kapatid kasabay ng paghagulhol nito. Nasa third year college pa lang ito. Kaunti na lang sana, maaabot na niya ang pangarap niya para sa kapatid. Napaupo na rin siya. “Ito ba? Ito ba ang kapalit ng lahat ng pagsasakripisyo ko?”
“Grabe ka namang magsalita, Yana. Tumutulong din naman ako no’ng mayroon ako, ha. Porque marami kang naitulong, isusumbat mo na sa ˋmin?” ani kuya niya.
Tumayo siya. “Hindi naman ako nanunumbat kuya, eh! Ang sa akin lang, sana makita n’yo rin ang sakripisyo ko. Pati nga sarili kong interes, isinantabi ko para sa inyo. Paulit-ulit na kayo ang pinili ko kaysa sa kung kaninumang lalaki d’yan, ‘di ba?” aniya na tila pinapaalala rito ang isang nakaraan.
“Anak…” usal ng kanyang ina.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “I’m sorry. Ayoko na magsalita.” Tumalikod siya at aakmang lalabas na nang sumigaw si Henrick.
“Tatay! Tatay!”
Marahas siyang napalingon. Kita niyang sapu-sapo ng kanyang ama ang dibdib nito. Napatakbo siya papunta sa mga ito. “Kuya, dali! Buhatin mo si Tatay!”
YANA”S FATHER has a cardiomyopathy heart condition. Kung saan unti-unti nang nahihirapan ang puso nito na mag-pump ng dugo sa buong sistema ng katawan nito. Tatlong taon na rin itong nakikipaglaban sa sakit na iyon. At simula noon, kahit nahihirapan ay binago nito ang lifestyle nito. Wala ng sigarilyo. Walang inom ng alak.
Ito na ang pangalawang heart attack nito sa nakalipas na mga taon. Matagal na silang tinapat ng doctor na hindi na umiigi ang pagtanggap ng puso nito sa medication. Ipinasya na rin ng doctor na ilagay sila sa waiting list for heart transplant pero hindi nila alam kung saan hahagilap ng pera para doon. Mariin ding tumanggi ang kanyang ama sa operasyon.
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});Pinagsalikop niya ang mga kamay. Pakiramdam niya ay kasalanan niya iyon. Kung sana ay nagtimpi na lang siya kanina ay baka hindi iyon nangyari. Baka na-trigger ang atake nito nang marinig ang hinaing niya.
Hinawakan naman ng kanyang ina ang kanyang mga kamay. Tila ba batid nito ang iniisip niya. “Huwag mong sisisihin ang sarili mo, anak. Pasensiya ka na anak, masyado mong napasan ang mga responsibilidad sa pamilyang ‘to…”
“Nay….” Tuluyan na siyang napaiyak at napayakap dito. “Mahal ko kayo, ‘nay. Paulit-ulit na kayo ang pipiliin ko…”
Nasa ganoon silang posisyon nang lumabas ang doctor. Agad nila itong nilapitan. “Kumusta po ang tatay ko, doc?”
“Nagawa namin siyang i-revive. Pero hindi na maganda ang kondisyon ng puso niya. Kailangan na niya ng heart transplant. Kung hindi, he might die sooner.”
Napapikit siya nang mariin.
“Noong nakaraang magpa-check up ang tatay mo, sinabi ko sa kanyang meron na kaming nakitang heart donor na match sa kanya. Sinabihan ko siyang ireconsider ang heart transplant. Hindi ba niya nabanggit sa inyo?”
Knowing her tatay, iniisip nito marahil kung sino ang magfi-finance niyon.
Tinapik siya ng doctor. “I will leave the decision sa inyo ng nanay mo. Pero I’ll be needing your answer tomorrow. Dahil the day after tomorrow na tatanggalin ang life support ng isang pasyenteng magdo-donate ng puso sa tatay mo kung sakali.”
Napatangu-tango na lamang siya. Nanlulumong napaupo siya sa upuan doon. Saan sila maghahagilap ng isang milyong piso?
KINABUKASAN ay pumasok pa rin si Yana sa eskwela. Mayamaya pa nga’y nagsidatingan na ang mga estudyante niya. Pilit siyang nagpaskil ng ngiti sa mga labi kahit pa wasak na wasak na ang puso niya.
“Mama!”
Napalingon si Yana sa matinis na tinig na iyon. It was Zia. Sinalubong naman niya iyon ng yakap. “Hi, baby! Kita mo ba sila?” Tinuro niya ang mga estudyante niya. “They will be your playmates.”
“Dami…” sabi nito.
Napatingin siya sa labas. “Where’s your daddy?”
“Dada’s at work… Alis na…”
Napatango na lamang siya. Pinaupo na niya ito sa bakanteng upuan. Kita niyang alumpihit pa itong makihalubilo sa mga kaklase nito. Pero ang isa niyang estudyanteng si Zhamelle ang nangulit dito. Nakipag-usap naman ito dito kaya napangiti na siya. Kahit paano, gumaan ang loob niya.
Mabilis na lumipas ang limang oras. Nakatapos na siya ng pagtuturo sa dalawang batch. At noon niya lang napansin na nandoon pa rin si Zia. Hanggang 10:30 ng umaga lamang ang schedule nito at wala pa rin doon ang ama nito na kanina pa niya pinadalhan ng text message.
Nilapitan niya ito. “Gutom ka na ba Zia?”
Tumango naman ito. Naghanap siya ng mauutusang bata para magpabili ng makakain sa canteen. Hindi niya pwedeng iwanan doon si Zia at baka kung saan pa iyon pumunta. Mayamaya nga lang ay dumating na ang pinakisuyuan niyang estudyante dala ang kanin at fried chicken na pina-order.
“Sanay ka na ba mag-eat, baby?”
“Big girl na Zia. I can eat on my own.”
Natawa naman siya rito. Iniwan na muna niya ito nang marinig niyang tumunog ang kanyang cellphone. It was her best frriend, Rani.
Sinagot niya ang tawag.
“Kumusta si tito, twin?” bungad nito sa kanya. “Sabi ko naman sa ‘yo, ipapahiram ko na lang itong ipangkakasal namin ni Neil para mabawasan kahit paano ang kakalapin mong pera. Pwede pa naman namin iatras ang kasal next year, eh.”
“No!” mariing tanggi niya. “Hindi ako makakapayag na hindi matutuloy ang kasal ninyong dalawa. You both deserve to be happy.”
“Pero Yana—“
“Basta hindi. May naisipan na akong malalapitan kaya huwag ka nang mag-aalala,” aniya na ang tinutukoy ay ang manliligaw niyang co-teacher. Bahagyang may kaya iyon sa buhay. Kakapalan na lang niya ang mukhang manghiram dito.
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});At paano kung igiit n’on na sagutin mo na siya? kastigo ng isang tinig sa kanyang isip.
Umiling-iling siya. Hindi naman siguro.
“Twin, huwag mong sabihing magbebenta ka ng—”
Nahinuha niya ang nasa isip nito. “Hoy! Hindi, noh! Hindi ko ‘yon kayang gawin. Basta, twin. Ako na ang bahala. Basta, mag-prepare ka lang diyan sa kasal mo, okay?”
“Basta nandito lang ako lagi, okay?”
“Uhmm,” tanging nasagot niya bago pinutol ang tawag.
Napadukdok siya sa kanyang desk. Nagsimulang mamuo ang luha sa kanyang mga mata. “God, saan ako hahanap ng isang milyong piso?”
“Pahihiramin kita.”
Napahumindig bigla si Yana nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. “Mr. Morgan…”
“I’m serious.” patuloy pa ni Mr. Morgan sa offer sa kanya.
Huh? Naguguluhan siya sa tinutukoy nito. Sinasabi ba nitong pahihiramin siya nito ng tumataginting na isang milyong piso? “At bakit pahihiramin mo ako ng ganoong kalaking pera?” naisatinig niya.
“I will give you the money that you need in one condition.”
“Kondisyon?” Hindi siya makapaniwala sa pinagsasasabi nito.
“Be a mother to my child.”
And she was like….. “What?!”
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






One Response
Hehe imaginin mo lang ang kulit lang talaga nakakasabik naman ang kwentong to🥰 dame butas na tatapalan ni otor naexcite me