NANG MAKALABAS ay sa kotse nito sila nag-usap. Parang bigla yatang umurong ang dila ni Yana nang mapag-isa sila.
“I will only give you ten to fifteen minutes to speak up,” saad nito.
She closed her eyes. “Do you remember iyong offer sa iyo sa Canada before you proposed to me?”
She opened her eyes and glanced at him.
“Of course, iyon lang naman ang sumalo sa akin mula sa pagkaka-reject mo sa proposal ko.”
“But before that, hindi ba ang sabi mo sa akin, ayaw mong tanggapin ang offer kasi masyado akong mapapalayo sa ‘yo? Pero mag-bestfriend pa lang tayo, iyon na ang pangarap mo. You wanted to go to Canada,” pagpapaalala niya rito.
“I attempted to offer you to go with me. But you were already offered to work for public school. You know, I just wanna be where you are. So, I opted to stay,” paliwanag naman nito.
“That’s it, Aries. Naisip ko na masyado nang umikot ang mundo mo sa akin. I didn’t want to be selfish. I didn’t want to drag you down with me. You deserve more. You deserve the job offer in Canada.”
“Ang ibig mo bang sabihin, I don’t deserve you?” may halong hinanakit nitong sabi.
Umiling siya. “Hindi sa ganoon. My point is, ayokong isuko mo ang pangarap mo nang dahil sa akin. Ayoko maging unfair sa ‘yo dahil nakatali ako sa isang malaking responsibilidad sa pamilya ko na hindi ko alam kung kailan mapuputol.”
“Then how can you explain Marcus and Zia? Paano, Yana? Paano mo nagawang mag-move on nang ganoon kabilis?”
Kung alam lang nito ang totoo pero hindi na nito kailangang malaman pa. Napatikhim siya sa tensyon na namumuo sa kanila. “Believe me, Aries. Letting you go was the most difficult decision I have ever made. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin na hindi kita mabigyan ng priority noon.”
She expelled a breath. “Alam kong malabo nang maibalik kahit ‘yong friendship man lang natin…”
“You already know so ano pa’ng sense nang pagkausap mong ito sa akin?”
“Alam kong nasaktan kita ng sobra sa ginawa ko. Ayokong makulong ka sa sakit na dinulot ko sa ‘yo. Set yourself free, Aries. You deserve to be happy.”
Napatitig ito sa kanya. Matagal. “Hindi ko alam, Yana… Kung gusto mong marinig ang kapatawaran ko, hindi ko alam kung kaya ko nang ibigay iyon. Dahil lumipas man ang anim na taon, nang makita kita, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hiniling ko noon na sana kapag nagkita tayo, makita ko sa ‘yo na sising-sisi ka sa ginawa mong pang-iiwan sa akin.
“Pero ano, heto ka, masaya na sa piling ng iba,” may himig pait nitong sabi.
Bumagsak ang luha sa mga mata niya. “I’m sorry, Aries. I’m sorry…”
“In time, Yana, I am hoping that I would be able to forgive you. That I would not feel this pain anymore everytime I look at you. ‘Coz deep in my heart, I know that all I want for you is to be happy.”
Inabot niya ang kaliwang pisngi nito. “In time, you will find the right woman who will love you wholeheartedly. I will always pray until someday the pain I’ve caused was no longer here….” sambit niya sabay lagay ng kamay sa tapat ng puso nito.
Pumikit ito at ipinatong ang kamay nito sa kamay niyang nasa dibdib nito. Kapagkuwan ay tinanggal na nito iyon doon.
“Sige na…. Baka hinahanap ka na nila.”
Tumangu-tango siya at pagkaran ng ilang segundo ay lumabas na siya ng sasakyan nito. Mas lalong nagpatakan ang luha niya. Natigilan pa siya at napatitig sa sasakyan nito.
Pero mayamaya ay narinig niyang binuhay na nito ang makina. Gumilid siya nang paandarin nito iyon. Sinubukan niyang maglakad pero napahinto siya sa isang puno. Napahawak siya sa katawan niyon.
“Hey, honey, are you okay?”
Napalingon siya nang marinig ng tinig ni Marcus. Buhat-buhat nito si Zia. At nang makita siya nitong hilam sa luha ay nilapag niya si Zia.
Nilapitan siya nito. Agad-agad naman siyang yumakap dito.
“I have hurt him badly, Marcus….”
“Hush….” Hinagod-hagod nito ang likuran niya. “Just give him time… Hindi pa niya sa ngayon napag-iisipan ang naging paliwanag mo. But in time, he will understand and forgive you.”
She cried hard.
“Mama, stop crying…” Umiiyak na rin ito. “Mama….” Yumakap na ito sa binti niya.
Dumistansiya nang kaunti si Marcus. “Do you want me to talk to him?”
Noon siya natawa. “Seryoso ka ba d’yan?”
He sneered. “Baka lang maniwala ka, eh.”
Yumukod siya para patahanin si Zia. “Mama’s okay. Napuwing lang si Mama, okay? Don’t cry na.”
“Blow ko po eyes mo, Mama…”
Inilapit naman niya ang mukha rito at saka nito hinipan ang mga mata niya. Kapagkuwan ay idinikit niya nag noo dito at saka iyon hinalikan.
“Thank you, baby…. Halika na.” Hinawakan niya ang munting kmaay nito.
“Are you okay?” tanong pa ni Marcus.
“I’m okay. I just have to cry para mawala ‘yong bigat. I am okay. At least, nagawa kong sabihin ang dapat noon ko pa nasabi.”
Tumangu-tango ito. “I am so proud of you.”
She smiled. Finally, this is my now…
NANG KALAGITNAAN ng Nobyembre ay nagsimula na silang mag-decorate ng bahay para sa nalalapit na Kapaskuhan.
“Mama, will I receive Christmas presents from Santa Claus?”
Isinabit ni Yana ang silver ball sa Christmas Tree bago ito nilingon. “Of course, baby. Dahil good girl ka, makaka-receive ka ng gift kay Santa.”
“Ikaw po Mama, what gift do you want?”
Niyukod niya ito. “I already received an advance Christmas present.”
“Nabigyan ka na agad ni Santa, Mama? Ang daya naman po…”
Natawa siya. “Hindi, baby. Ikaw.. Kayo ni Dada Marcus ang maagang pa-Christmas gift sa akin.”
“I think, I heard my name,” entra ni Marcus.
“Dada!” salubong ni Zia. Nagpabuhat pa ito sa ama. “How about you Dada, what Christmas gift do you want?”
“Ang makasama ko kayo ni Mama Yana ay regalo na para sa ‘kin. How about you baby? What toy do you want?”
Malalim itong nag-isip. “A sister, daddy. I want a sister!”
Halos magkandaubo si Yana sa narinig mula rito. At ang loko nitong ama, mukhang natuwa pa sa sinabi ng anak.
“You can ask Mama Yana for a baby sister.”
Tiningnan niya ito nang matalim.
Bumaba naman si Zia mula s pagkakabuhat kay Marcus. “Mama, can I have a baby sister? I want a playmate.”
Inirapan niya si Marcus nang marinig niyang bahagya itong natawa.
Pinantayan niya si Zia. “Baby, soon, you will have a baby sister. But not yet for now. Next year, we will enroll you to school, you will have many playmates. How does that sound to you?”
“Ihahatid mo ako sa school, Mama?”
Tumangu-tango siya. Mukhang na-divert naman na niya ang isip nito. “Mama will be with you.” Pinisil niya ang pisngi nito. “Let’s go, i-finish na natin ‘yong pag-decorate ng tree.”
“Yes, Mama…”
“So soon, we can have a baby?” bulong ni Marcus sa kanya.
Kinurot niya ito sa tagiliran. “Ikaw, imbes na paliwanagan si Zia, kinonsinte mo pa, ‘no?”
“What can I do? She’s asking for a baby sister.”
“Manahimik ka na nga lang. Marinig ka pa ni Zia.” Kapagkuwan ay may naalala siya. “Ahm, may sasabihin nga pala ako.”
“Did you change your mind already? Bibigyan na ba natin ng sister si Zia?”
Tinampal niya ito. “Sira! Hindi iyon. Uhm, balak ko sanang umuwi ng Bulacan sa last week nitong November. Ikakasal kasi ‘yong bestfriend ko. Kahit two days lang sana.”
“Bakit ngayon mo lang sinabi?”
“I’m sorry. Busy ka kasi n’ong mga nakaraan kaya hindi ko maisingit.”
Niluwangan nito ang suot na kurbata. “I have a business meeting in Australia in the last week of November to the first week of December .”
“Hala, paano si Zia?” naguguluhang tanong niya. Tiyak na magtatampo si Rani kapag hindi siya sumipot. At saka, siya ang Maid of Honor! Pero hindi naman din niya maaatim na iwanan si Zia.
“I’ll bring Zia with me. My parents is in Australia, iiwanan ko muna siya roon.”
Ngayon niya lang nalaman na may mga magulang pa pala ito. “Are you sure na okay lang?”
“It’s not actually okay because we won’t be seeing you for almost two weeks. Baka manibago si Zia. But take it as your ‘me time’ na rin. Kailangan mo rin ng pahinga. You have been working all around here, eh ayaw mo naman na magpakuha ako ng regular kasambahay.”
“Kaya ko naman ‘yong mga gawain,” she pouted. “At saka once in a week naman, dumaraan dito si Manang Fely para maglinis,” dagdag pa niya.
Lumapit ito sa kanya. “How about you take a shower with me?”
Pinanlakihan niya ito ng mata. “Ang hilig mo!”
“Ang tagal kaya nating hindi magkikita. Let’s try it in the shower area.”
“Heh!”
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






3 Responses
Feel ko matinding kineme eklabu pa magaganap dito umpisa palang to e di pa nagpapakita ang real mother, the parents and other characters hahaha
Hahaha si Marcus na matatag hahaha 🤣😝 hubby uwi ka na bilis😁
Posted na ang Chapter 22, Jea. Enjoyyyy! Maraming salamat sa pagsubaybay 💞