PAPUNTA sa dalampasigan si Yana nang matigilan siya sa natunghayan. Nandoon sa beach sina Marcus, Zia at Katherine. Nagpapasa-pasahan ang mga ito ng bola.
Narinig niyang humalakhak si Zia. Nakapaskil din ang isang masayang ngiti kay Marcus. They looked like a happy family. Isang pamilya na hindi siya kasama.
Naramdaman niya ang pag-antak ng puso. Para iyong dinidikdik na bawang hanggang sa maging pinong-pino. Napahawak siya sa dibdib. Sa nanlalambot na mga tuhod ay pinilit niya pa ring pumihit patalikod. Hindi niya kaya. Hindi niya kayang tingnan ang nagdudumilat na katotohanan…
[mycred_sell_this]
ANG ISANG ARAW lang dapat na pananatili ni Katherine sa villa ay nauwi ng isang linggo. Kung anu-anong dahilan ang sinabi nito kay Marcus.
Sa isang linggo na iyon ay sinubukan niyang ilapit ang loob ni Zia rito. May mga pagkakataon na sinasadya niyang magtulug-tulugan o kaya ay magsakit-sakitan para lang kalaruin nito ang sariling ina.
Masokista siya, oo. Pero hindi naman niya gustong agawin ang posisyon ni Katherine bilang ina ni Zia. Kahit paano naman din, nakita niyang sinusubukan nitong makipaglapit sa anak. Kaya sino siya para ipagkait dito ang sariling anak nito?
Sila ni Marcus? Hindi niya alam. Lately, lagi itong ginagabi ng uwi. Dahil daw iyon sa bagong mall project nila. May mga aberya kaya maraming inaasikaso.
Hindi niya alam kung alibi ba iyon o sadyang naguguluhan din ito sa nangyayari. Baka nga na-realize na nito na mas okay kung makipag-ayos na lang ito kay Katherine.
Pumunta siya sa dalampasigan. Ang payapang alon ng dagat ay nakakapagbigay kahit paano ng kapayapaan sa puso niya.
“Can we talk?” si Katherine.
Napatingin siya rito at napatango.
“I must admit, mukhang kailangan kong mag-thank you sa ‘yo. I saw you make alibis to Zia. Why? Why did you do that?”
“Wala akong karapatan ipagdamot si Zia sa ‘yo. You’re her Mom.”
Tumikhim ito. “Kapag kinaaway kita, alam mo bang mas ako pa ang lalabas na kontrabida? You’re too mabait. Kaya ka siguro nagustuhan ni Marcus.”
Nagsimula siyang makaramdam ng ilang. “I didn’t know… Sana maniwala kang hindi ko alam na may-asawa pa si Marcus. If only I knew, I could have prevented him from falling for me. Kasi mali.”
“Alam mo ba kung bakit kami nagkahiwalay?” Nilaro-laro nito ang paa sa tubig. “I was so selfish back then. Wala akong inisip kundi ang career ko lang. When I was given an opportunity to go to France for modeling, iniwan ko sila Marcus at Zia kahit kakapanganak ko pa lang n’on. Bawal kasi ang may anak at asawa. I did hide my identity there. Nag-iba rin ako ng pangalan.
“It was a dream come true…”
Napatingin siya rito. “Pero ang kapalit, ang mag-ama mo. Did you regret it now?”
“Ngayong nakikita ko kung paano tumingin sa akin si Zia – ‘yong tipong hindi niya ako kilala, parang nabuhay ‘yong pagiging ina ko. Masakit. Napakasakit na nilalayuan ako ng anak ko.”
Parang may bikig sa kanyang lalamunan. “What are your plans now?”
“Puwede bang abusuhin ko ang pagiging mabait mo?” Hinawakan nito ang mga kamay niya. “Gusto kong makabawi sa kanila. Baka may pag-asa pang mabuo ang pamilya namin.”
Inaasahan na niya iyon pero bakit ang sakit pa rin? Parang may sibat na tumusok sa dibdib niya.
“Alam kong kakapalan ng mukha itong ginagawa ko. Nawala ako ng apat na taon tapos bigla akong lilitaw uli sa buhay nila. Pero hindi pa naman siguro huli, ‘di ba?”
Parang kay hapdi ng kanyang lalamunan pero pinilit niyang magsalita. “Mabibigyan mo ba ako ng assurance na hindi mo sila basta iiwan ng gaya ng ginawa mo dati? Kasi kung uulitin mo lang din naman, huwag na lang, Katherine.”
“Pangako… hindi ko na sila iiwan. Please, let us be a family again…”
Ang buong akala niya ay ang pag-reject sa proposal ni Aries na ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay niya, mali pala, may mas sasakit pa pala roon…
HULING MADALING-ARAW bago ang Kapaskuhan ay maingat na pumasok si Yana sa kuwarto nina Marcus at Zia. Himbing na himbing ang tulog ng mga ito.
Dahan-dahan niyang binuksan ang aparador. Isinilid niya ang mga damit at ilang gamit niya sa isang malaking bag. Hindi na niya iyon inilagay sa maleta para mas mabilis siyang makapaglakad mamaya. Nang makatapos ay umupo siya sa gilid ng kama.
Pinagmasdan niya si Zia. She was hurting. Para siyang isang ina na iiwan ang anak nito. Hindi siya makahinga. Kinagat niya ang pang-ibabang labi dahil nararamdaman niyang tila ay hahagulhol siya.
She bent down and planted a kiss on her forehead. “Mahal na mahal ka ni Mama, Zia. Merry Christmas, baby. Advance happy birthday,” bulong niya rito. Sa December 28 ang birthday ni Zia.
Mula sa bulsa ay kinuha niya ang ginawa niyang shell bracelet. Isinuot niya iyon dito. Iniwan niya rin ang isang malaking teddy bear sa tabi nito. Kapagdaka ay pinuntahan niya si Marcus. Magaan na ipinasada niya ang daliri sa mukha nito.
“I love you, Marcus….” bulong niya.
Nanatili pa siya nang saglit bago tuluyang umalis. Naglakad siya patungo sa kabilang isla. Kahapon ay nanggaling siya roon at nagtanong kung mayroong bangkero na bumabiyahe ng ganoong oras. Mabuti na lang at meron pala.
Nandoon na ang bangkerong kinausap niya. Tinulungan siya nito sa mga dalahin niya. Nang umandar na ang motor ng bangka ay napatanaw pa siya sa isla. Natanaw niya pa ang villa. Sadya palang napakaganda ng pagkakatirik niyon. Nang hindi na niya iyon maabot ng tanaw ay nangilid na ang luha sa kanyang mga mata.
Tatlumpung minuto silang bumiyahe bago nakarating sa kanilang isla. Naglakad siya hanggang sa makakita ng masasakyan.
Nakakaramdam siya ng hilo. Hindi niya alam kung dahil lang ba iyon sa bigat ng pakiramdam niya. Dahl doon, napagpasiyahan niyang tumuloy muna sa isang Inn. Mukhang kailangan niya ng pahinga dahil hindi rin naman na siya nakatulog pa kanina.
Agad siyang umupo sa kama nang makapasok sa ibinigay na kuwarto sa kanya. Mayamaya pa’y pakiramdam niya ay may kung anong gumulong sa tiyan niya hanggang sa mapatakbo na siya ng banyo para ilabas iyon. Sumuka siya nang sumuka, pero wala namang lumalabas doon.
Napatingin siya sa salamin. May kung anong pumitik sa isip niya.
“No…” kuntodo iling siya. “This can’t be…”
Napahaplos siya sa kanyang puson. Hindi nga pala siya nakainom ng pills noong huling may nangyari sa kanila ni Marcus. Napasalampak siya sa sahig.
“I’m sorry, baby…. I’m sorry.”
[/mycred_sell_this]
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.



2 Responses
Haha sa totoo lang grabe yung mga babae na wala pang asawa pero me ganun nang ganap tas nagkontraceptive para lang di mabuntis edi wow lang well di naman ako against sa kanila dun lang sa mismong ginagawa nila.
Katherine otor😝 opo yan nga haha