American businessman

Against All Odds (Teaser) – COMPLETED

Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

AUTHOR'S NOTE

•───────•°•❀•°•───────

“Ilang beses man akong ikasal sa iba, hanggang papel lamang sila, dahil ikaw lang ang tanging nagmamay-ari ng buong ako. Lubhang masalimuot at maraming balakid man ang ating daan patungo sa kaligayahan, wala akong pakialam. Ito ay aking susuungin at kakayanin makasama ka lang,” madamdaming pahayag  niya habang nakatitig sa mga mata ng babaeng minamahal niya.

Marahan nitong binaklas ang kanyang kamay na nakahawak sa magkabilang pisngi nito. Mababanaag sa mga mata nito ang lungkot na pinakaayaw niyang makita. Tinangka niyang itong yakapin ngunit itinaas nito ang kanang kamay, tanda na huwag niya itong hahawakan.

“Akala ko, ang makasama ka ay langit na. Bawat kataga mo sa puso ko ay naghahatid ng ‘sang laksang ligaya. Ang pagmamahal mo ay nilulunod ako sa saya. Ngunit lahat pala nang ito ay katumbas ng pighating hindi natin inaakala. Mahal kita pero hindi ko na yata kaya.” Luhaan  ito na dahan-dahang humakbang paatras, palayo sa kanya.

Sa narinig ay parang itinulos si Jay sa kanyang kinatatayuan. Hindi kaagad naunawaan ng kanyang utak ang sinabi ng kasintahan. Nakamata lang siya rito hanggang sa tuluyang itong mawala sa kanyang paningin.

━━━━━━ ◦ ❖ ◦ ━━━━━━

Next to: Against All Odds (Chapter 1)


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Against All Odds (Teaser) – COMPLETED

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

Leave a comment to earn D2

4 Responses

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Use the form below if there is a problem in accessing this chapter

Need Help?