“ARE YOU DEAD serious? Hindi ba at nandy’an naman si Katherine?” angal ni Yana.
“She can only apply for leave once in a year. Nagamit na niya iyong ngayong taon so next year pa siya uli makakauwi. May tumitingin na katulong kay Zia, but I want a mother figure for Zia. Don’t you think kailangan mong bumawi kay Zia?”
Marahas siyang napabuntong-hininga. “I also have a child. Paano si Matt-Matt?”
“I don’t care, dalhin mo siya kung gusto mo. All I need is for you to fulfill the remaining one and a half year in the contract. Wala akong pakialam kung anong alibi ang sasabihin mo kay Aries. A contract is a contract, Yana. Or…”
“Or?” panggagayang tanong niya.
“I’ll give you other option,” sabi nito pagkuwan.
Parang hindi pa man nito sinasabi ay iba na ang pakuiramdam niya sa pangalawang option na sinasabi nito. “What is it?”
“Sleep with me for a night,” bulgar nito.
Nanlaki ang mga mata niya. “Seriously, Marcus? Would that even be an option?”
“Yes, ‘di ba mas madali ‘yon? Just one night, Yana.”
Pumintig ang sentido niya. “Okay, fine! Tatapusin ko iyong one and a half year. But allow me to go home every weekend. I also have a business that needs my attention so aalis-alis ako kapag kailangan ako sa resto. And I will bring Matt-Matt with me.”
“Deal!” mabilis nitong sagot.
NAKAALIS NA at lahat si Marcus ay tulala pa rin si Yana. Sa huli, ang kontrata pa palang iyon ang makakapagpahamak sa kanya. Gusto man niya iyong bayaran ay hindi pa sapat ang ipon niya. Naipampagawa na kasi niya ng bahay ng mga magulang at resto ang ilan sa ipon niya.
Mayamaya ay impit siyang napatili. Ni wala man lang siyang nasagot sa lahat ng mga sinabi nito kanina. Sobrang hindi niya napaghandaan ang paghaharap nila. Kung alam lang sana nito kung gaano kasakit ang desisyon na iyon sa kanya. Buntis pa siya noon. Napakahirap na hindi man lang niya ito nakasama sa pagbubuntis niya.
Hindi ba puwedeng kayo na lang uli? Tanong ng isang parte ng kanyang isip.
Maaaring mahal nga talaga siya nito noon. Pero paano siya nakakasiguro na walang involved na babae ngayon dito? Paano kung nakatagpo na ito ng bagong pag-ibig, hindi man sa katauhan ni Katherine pero sa ibang babae? Hindi nga ba’t bago pa sila nagkakilala noon ay nabanggit nito na marami itong dine-date? Sa tanyag nito sa larangan nito, hindi malabong maraming babae ang aaligid dito.
Napatingin siya sa iniwang address card ni Marcus. Nasa Manila siguro ngayon ang proyekto nito kaya ito naroon. Sa Makati ito nakatira. Sa isang kilalang village, ang TEA – The Enchanted Abode.
Dahil tuloy sa nangyari ay hindi siya masyadong nakatulog. Tapos pakiramdam pa niya ay lalagnatin siya. Dahil siguro iyon sa pagpapakabasa niya sa ulan kagabi. Pero magpagayunman ay nakatawag siya sa isang tow company para ipakuha ang sasakyan. Tumawag din siya sa mga magulang. Pansin niya na parang hindi tumigil ang buhos ng ulan mula kagabi.
Hayun nga at hindi maiuuwi si Matt-Matt dahil baha na nga raw talaga sa ibang area. Hindi passable. Bumalik siya sa pagkakahiga dahil talagang masama na ang pakiramdam niya. Mabuti na rin na wala roon ang anak kung hindi ay baka mahawaan niya lang ito.
Nakakailang minuto na siya sa paghiga uli nang tumunog ang kanyang phone. Inabot niya iyon mula sa bedside table.
“Yana… our agreement starts today,” bungad ng pamilyar na boses sa kanya.
It was Marcus. Naku po naman, nakisabay pa talaga. Nawala iyon agad sa loob niya. Para kasing panaginip lang ang nangyari kagabi.
“Are you there? You’re not planning to breach the contract, right?”
“No,” mahina at paos niyang sagot. “Pero okay lang ba if bukas na lang start? I’m not kinda feeling well. I think I may need rest today.”
“Nandy’an na ba si Aries?” agap nitong tanong.
“No. I don’t…” Balak niya sanang sabihing hindi niya kailangan si Aries. “I mean, I can manage. Promise, bukas I’ll go there. Just not now, please.”
“Okay,” matipid nitong sagot.
Ang buong akala niya ay wala na ito pero pagkaraan ng ilang segundo ay nagsalita pa ito. “Do you want me to go there?”
She was stunned for a moment. “Thank you, but no. I really can handle. Kailangan ko lang ng tulog.”
“Just call when you need anything, okay?” may himig pag-aalalang sabi nito.
“Uhm,” sagot niya lang bago pintay ang tawag.
Pero sana nga, ano? Sana katulad ng dati ay pwede niyang tawagan ito at makatabi sa mga ganitong pagkakataon. Aminado naman siya, she missed Marcus. A lot.
MULA SA NAMIMIGAT na mga mata ay pilit inaninag ni Yana ang taong kumikilos sa tabi niya. Nagdedeliryo na yata siya. Kung anu-ano ang nakikita niya.
Paano naman mapupunta roon si Marcus? Muli niyang ipinikit ang mga mata. Nang magmulat siyang muli ay kahit paano ay gumaan na ang pakiramdam niya. Sinipat niya ang oras mula sa dingding. Alas siete na. Ang tagal niyang natulog. Pababa na sana siya nang matilihan siya.
“Ay anak ni Adan!” sigaw niya.
Napatakip sa tainga ang taong nakarinig ng sigaw niya. “Mukhang okay ka na, kaya mo nang tumili.”
Napatulala siya rito ng ilang segundo bago nakuhang magsalita. “Anong ginagawa mo rito, Marcus? Paano ka nakapasok? May salahi ka bang akyat-bahay gang?” sunud-sunod niyang sabi.
Pinasada nito ang hintuturo sa labi. It was his mannerism. “Tinawagan kita uli kanina. Hindi mo ba natatandaan? I did ask your door password.”
Pilit niya iyong inaalala pero hindi niya talaga matandaan. Goodness, bakit naman niya ibinigay ang password niya?
Napipilan siyang lalo nang ilapat nito ang palad sa kanyang noo. “Bumaba na ang lagnat mo. Kanina, sobrang init mo. Mayroon pang natirang soup sa niluto ko kanina, iinitin ko lang. Or do you want something to eat?”
“Why did you come here?” sa halip ay tanong niya.
“You should have not told me earlier that you’re not feeling well, eh ‘di sana, wala ako rito.”
So, kasalanan na naman niya? “You can go na. Kaya ko na since nakapagpahinga naman na ko.”
Naging malamig ang tingin nito. “Is that how you thank someone?”
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. “I’m sorry. I mean, baka may mga meeting ka na hindi kasi napuntahan. Naabala pa kita. But thank you.”
“If you’re really grateful, then let’s eat.”
Wala na siyang nagawa kung hindi ang mapasunod rito. Nang makatayo ay noon niya lang napansin ang suot.
“Did you change my clothes?” tanong niya.
“Yes.”
“What?!” Naipa-krus niya ang kamay sa dibdib.
“I did see all of that, Yana,” walang preno nitong sabi. “Just except the cut below your navel. Did you undergo caesarean section?”
Tumango siya, tinanggal ang pagkakakrus ng mga kamay sa dibdib. Napabalik-tanaw tuloy siya noong isilang niya ang anak. It was an emergency CS. Sinubukan na ilabas ng normal delivery si Matt-Matt kaya lamang ay nahirapan siya sa labor at masikip din ang sipit-sipitan niya, kaya isang desisyon na ang ginawa nila: ang i-undergo siya sa CS delivery.
“Let’s go,” pagkuwa’y yakag nito sa kanya.
Kung alam lang nito na anak nito si Matt-Matt… Ano nga kaya ang magiging reaksyon nito?
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




3 Responses
Salamat sa update otor🥰🫂😘
Pakakasalan kaniya pero dahil reflect sa Tunay na buhay ang ganap syempre aawayin kaniya charizzz haha bahala na si otor anu ang mangyayari abang nalang ako🤣😝
Thank you so muuuch dahil kita ko talga ang pagubaybay mk sa kuwento nina Yana at Marcus. Medyo mahaba-haba pa. Kapiiiit langgggg haha. Lovelots 💞