Mommy for Hire: If Loving You Is Wrong (Chapter 38)

man and woman under white cloth and kissing each other
Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

“TWIN! GREAT JOB!”

Hinarap ni Yana ang kaibigan. “Bakit nandito si Marcus?”

Napakagat-labi ito. Mukhang alam talaga nito na naroon si Marcus. “Isa siya sa major sponsor ng event na ‘to. Sorry, twin. Hindi ko sinabi kasi baka hindi ka pumunta. At kung sasabihin ko naman ngayon, baka naman kabahan ka lalo kapag rumampa na.”

Napabuntong-hininga na lang siyang napaupo uli sa hair dresser. Ni-retouch lang siya nang kaunti para sa kasunod na outfit.

Ipinakita naman ng kaibigan ang susunod niyang susuotin.

“Swimsuit? Twin, parang hindi ko yata kaya ‘yan irampa.”

“Kahit ito na lang one-piece, twin. Sige na…” pakiusap nito.

Napahaplos siya sa leeg. Wala siyang nagawa kundi kuhanin iyon. Isusuot na sana niya iyon nang mabangga siya sa kung sino.

“I’m sorry,” agap niyang sabi.

“I didn’t know that you’re also a model,” sabi nito.

Napatingin dito si Yana. Natigilan siya nang makilala ang babae. “You’re Sophie Alcantara, right?”

“Are you insulting me? Ikaw lang yata ang hindi nakakakilala sa akin,” mataray nitong saad. Nakataas din ang kilay nito.

“If your career peak was two years ago, hindi talaga kita makikilala,” matapang niyang sagot. Aba, anong karapatan nitong tarayan siya? “I was in Japan for two years. So, if wala ka nang sasabihin, I’ll go.”

“Akala mo naman ang galing rumampa, tuod naman,” sabi pa nito.

Hindi na niya iyon pinansin pa. Hindi naman siya nakikipagpaligsahan sa mga modelo roon. Dahil unang-una, hindi naman talaga siya modelo.

Pumasok na siya sa fitting room at isinuot ang sky blue one shoulder one piece shiny bikini. Hindi niya alam kung matatawag pa bang one piece iyon kung may malaki naman iyong uka sa katawan. Nakita pa rin ang tiyan niya hanggang sa pusod, iyong may tela lang ay kapirasong gilid, para masabing nagdudugtong at one piece bikini iyon. Nakakaloka!

Alanganing lumabas siya ng fitting room. Nagsuot siya ng robe bago lumabas.

“Patingin, twin.” Agad itong lumapit at tinanggal ang robang tumatakip sa katawan. “Alam mo, n’ong nagpulan si Lord ng kagandahan at kaseksihan, ikaw yata ang sumalo lahat. Parang hindi nanganak ang katawan. Ano ba ‘yan!”

“Okay na, twin. Huwag mo an ako bolahin. Nakarampa na nga ako ng isa, oh! At hindi ko na alam kung paano ko irarampa itong isa na ‘to.”

“Hindi kita binobola, ‘no!”

Iningusan niya lang ito at mayamaya lang ay sumalang na uli ang mga modelo. Noon lang niya nakitang kasama pala sa line up si Sophie. Nakasuot ito ng black two piece swimsuit. Nakapa-ekis ang top niyon at kitang-kita kung gaano kalusog ang dibdib nito.

Bumulong sa kanya ang kaibigan. “Mas sexy ka pa rin, friend. Magpalit ka kaya ng two piece nang magulantang sila.”

“Tse! Mukha na nga itong two-piece, eh. Nahiya ka pa rito sa kapirasong telang nagdudugtong.”

Natawa ito nang malakas na nakakuha ng atensiyon ng iba. Pati si Sophie ay napatingin sa kanila. Inirapan pa siya nito. Akala mo kung sinong mabait noong ipinakilala ito ni Marcus sa kanya. May taglay naman palang kamalditahan.

Luminya na rin siya. Pinagpapawisan ang mga kamay niya. Isa-isa nang rumampa ang mga nandoon. Mas lalo siyang kinakabahan habang papalapit na ang turn niya. Napatingin pa siya nang rumampa si Sophie. Siyempre, super confident ito. Saka siya lang naman yata ang hindi talaga modelo roon.

It was now her turn. Ayaw niyang tumingin sana kay Marcus dahil hindi niya gustong makita kung ano ang reaksyon nito sa suot niya. Kaya lang, hindi pa rin niya naiwasang mapatingin dito. Matiim itong nakatingin sa kanya. Ni hindi inaalis ang mga mata sa kanya. Napapalunok tuloy siya dahil parang gusto na yata siya nitong ibaba sa stage at pagsuotin ng damit.

Nang maabot na niya ang dulo ng platform ay pumaikot na siya. Sa pag-ikot niya ay napigtal ang pagkakatali ng buhok niya. Nagmistula iyong pa-effect kahit hindi naman niya sinadya.

Nang makabalik uli sa back stage ay nagmamadali ang make up artist na ayusan siya. Isang purple Serpentina gown na may leaf pattern ang isusuot niya. Naadornohan iyon ng crystal sequins. Okay na sana iyon, kaso naman ang slit niyon ay isang dangkal lang ang layo sa baywang. Napaka-daring!

“Twin, ‘yong mga tabas ng damit mo, ha. Puro daring! Ikaw pagsuotin ko nito,eh, nang magka-baby number two na kayo ni Neil,” anas niya.

Natawa ito. “Kayang-kaya mo naman dalhin. Susme twin, kung nakita mo lang kung paano lumuwa ang mga mata ng tao roon kanina sa ‘yo. Parang sarap pagdudukutin ng mga mata, mukhang iba na tingin sa ‘yo. Buti na lang talaga twin, hindi ka model. Kung hindi, ang dami ko nang nabugbog.”

Siya naman ang natawa. “At hindi ko rin talaga kakayanin maging ganap na model. Kahit rampa-rampa pero ang hirap.”

“O siya, we’re down to last. Best of luck!”

Ang buong akala talaga ni Yana, walang aberya na mangyayari. Kung kailang kalahati na lang at maaabot na niya ang dulo pabalik sa backstage ay natapilok pa siya. Patayo na sana siya nang may mga kamay na tumulong sa kanya. Nag-angat siya ng tingin. Si Marcus.

They stared at each other’s eyes for a moment. At sa sandaling iyon, pakiramdam niya, sila lang ang taong nandoroon. Kapagkuwan ay inalalayan siya nito pabalik sa backstage. Nang makarating doon ay agad siya nitong pinaupo sa isang upuan. Iniangat nito ang paa niya.

“Does it hurt?” tanong nito.

“A-Ayos lang. Bearable ‘yong pain,” medyo nauutal niyang sagot. May mga tao rin kasi roon. At naalala niya bigla si Sophie. Mabuti nga at rumarampa pa iyon doon sa stage.

Binalingan siya nito ng tingin. Dumako pa ang mga mata nito sa bandang baywang niya sa gilid. “Too daring, honey,” usal nito. Hinubad pa nito ang coat at saka itinakip sa nakahantad niyang hita.

Pinamulahan siya. Magsasalita pa sana siya nang biglang humahangos na dumating si Aries, Joy at Karla. Hinawi pa ni Aries ang kamay ni Marcus na nasa paa pa rin pala niya.

“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong nito.

She just nodded. Halos nakalimutan niya nang kasama niya nga pala ito. “Yelo lang ang katapat nito,” sabi pa niya. “I’m okay, guys,” baling naman niya sa mga kaibigang tila mga nag-alala rin.

“Marcus, honey, you’re here!”

Sabay-sabay silang napatingin sa nagsalita. It was Sophie. Iniangkla pa nito ang mga kamay sa batok ni Marcus. Mabilis niyang iniiwas ang tingin nang makitang dinampian nito ng halik si Marcus sa mismong labi nito.

Napahawak siya kay Aries nang maramdaman ang pagbalangkas ng kirot sa puso niya. Nakagat niya pa ang labi para pigilan ang emosyon at saka humarap kay Aries. “Can you help me go to the fitting room?”

Tumango naman ito.

Nang makarating sa fitting room, bago pumasok ay nililis niya ang buhok sa kabilang side. “Can you unzip it for me?”

Nakita pa niyang napalunok si Aries bago ito bantulot na ibinaba ang zipper ng suot niyang gown.

“Thank you,” aniya at saka pumasok sa loob. Dala-dala pa pala niya ang coat ni Marcus. Parang gusto niya iyong itapon sa inis.

INILAYO NI Marcus ang sarili kay Sophie. “I already told you not to kiss me in public, no, not in everywhere. Just don’t kiss me,” sabi niya, sapat lang para marinig nito.

            Tila nagitla ito sa sinabi niya kaya sinamantala niya iyon para sundan sila Aries at Yana. Napahinto siya nang maabutang nakatalikod si Yana kay Aries. Ibinaba pa ng lalaki ang zipper ng gown nito. Naikuyom niya ang kamao. Nagpupuyos ang loob niya knowing someone has touched her Yana. Napangiti siya nang mapakla. Ano nga ba ang karapatan niya, hindi nga ba at siya na ngayon ang past at si Aries na ang present?

            Tumalikod na siya at lumabas. May mga media na sumalubong sa kanya. Agad siyang tumanggi sa interview.

            “Mr. Morgan, just one question,” pag-attempt pa ng isa. “Are you and Sophie getting married?”

Napahinto siya. Parang sumakit ang ulo niya sa narinig. Saan naman nito nakuha na magpapakasal na sila ng modelo? Tiningnan niya ang nagtanong. “No,” maikling niyang sagot.

“No, as in not yet?” pangungulit pa rin nito.

“The other way around,” sagot niyang muli.

Ang buong akala niya ay matatapos na roon pero may salahing makulit itong isang reporter. “So, would it be the daughter of the owner of Madrigal Conglomerates?”

Inaasahan na niya na iyon ang kasunod na tanong. “No comment,” sabi niya. Hindi kagaya kay Sophie ay iba si Colleen Madrigal, dahil somehow ay inclined ito sa business niya.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Mommy for Hire: If Loving You Is Wrong (Chapter 38)

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

2 Responses

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Need Help?