Mommy for Hire: If Loving You Is Wrong (Chapter 55)

man and woman under white cloth and kissing each other
Bookmark (0)
Please login to bookmark Close

My BookmarksShare

  • No bookmark found

Author's Note

Ayyyy... you will definitely love this chapter. Love is in the air... Yiiiie

――*☆*――*☆*――*☆*――

“AM I NOT attractive, twin?”

Magkasalubong ang kilay na tumingin sa kanya ang kaibigan. Dumating ang mga ito kasama ang pamilya kahapon para doon magdaos ng Pasko.

“Hindi ba ako sexy? Hindi na ba ako maganda?” tanong niya uli.

“Goodness, sa ating apat, ikaw ang Diyosa! Anong pinagsasasabi mo d’yan? Bakit mo naman naisip ‘yan?”

Umupo siya sa kama. “Eh, parang hindi naman yata talaga ako mahal nitong si Marcus. Bakit kahit halik, hindi naman niya ako hinahalikan? Hinalikan naman niya ko, pero sa tungki lang ng ilong o kaya naman sa noo!”

Natawa ito nang malakas. “Iyon pala ang pinuputok ng butsi mo!” Tinusok pa nito ng daliri ang kanyang tagiliran. “Eh, baka naman naalalangan pa siya dahil nga hindi mo pa siya naaalala. Baka iniisip niya na hindi ka pa handa.”

“Paano pala kung hindi ko na talaga maalala pa ang nakaraan?”

“Hush!” suway nito. “Huwag ka mag-isip ng negative, okay? Wala ka ba talagang naaalala sa isang linggong pag-stay ninyo rito?”

Nangalumbaba siya. “Meron naman. May mga panaka-nakang alaala na sumusulpot. Pero hindi gaanong malinaw. Pero pawang masasaya ang mga ‘yon.”

“Iyon naman pala, eh.”

“I didn’t tell him yet. Ayokong paasahin siya na may naaalala na ko.”

Tumabi ito sa kanya. “You don’t need to force yourself, okay? For sure, iyan din ang gusto ni Marcus. Kusang babalik ang mga alaala na ‘yan. Pero sa ngayon, mag-swimming muna tayo! Swimming na swimming na ko, eh!”

May hinalungkat ito sa gamit pagkatapos. Inabot nito ang isang two-piece sage green swimsuit. Ang pang-itaas ay itinatali sa dibdib. Nalukot ang mukha niya.

“O, anong hitsura ‘yan? Gusto mong makita kung attractive ka pa, ‘di ba? Suotin mo ‘yan! Tingnan ko lang kung hindi lumuwa ang mga mata ni Marcus sa ‘yo!”

“Twin naman. Parang hindi nman na akma ‘tong suotin ng isang Mommy na.”

“Who says Mommy can’t slay? Aba, may asim pa rin tayo kahit mga Momma na ‘tayo, ‘no!”

Sa huli ay wala na siyang nagawa kundi suotin iyon. Nagpatong na lang siya ng sarong.

“Hoy, babaita, hubarin mo na ‘yang sarong mo!” ani Rani nang makapunta sila ng dalampasigan.

Napahaplos siya sa batok. Napatingin siya sa paligid. Nandoon at nagtatampisaw na sila Karla at Joy kasama ang mga bata. Nakaupo naman sa buhanginan sa isang tabi si Marcus. Ang mga magulang niya ay abala sa pagluluto. Ang mga kapatid din niya ay nagsisiya na sa tubig.

Nang hindi siya kumilos ay si Rani na mismo ang nagtanggal ng sarong niya.

“Parang hindi naman nagluwal ng kambal yern!”

Inungusan niya lang ito. Nagpunta na siya sa dagat. Ni hindi niya nagawang lumingon kay Marcus. Kahit pa gustung-gusto niyang malaman ang reaksyon nito ay pinigilan niya ang sarili. Hindi pa man siya nababad sa sikat ng araw ay ramdam na niyang namumula ang magkabilang pisngi niya.

Nakipaglaro siya saglit sa mga anak at saka siya naglangoy. Medyo malayo nga yata ang narating niya sa dami ng iniisip niya. Napaahon siya nang matanaw na marami ng tao sa banda pa roon. Naalala niyang may kanugnog nga palang resort ang private island ni Marcus.

Umahon siya sa dalampasigan. Mayroon pa siyang nakasalubong na dalawang lalaki.

“Miss, may restaurant pa ba papunta r’on?” tanong ng isa.

Mukhang kapwa may lahi ang mga ito dahil iba ang features ng mukha. Pero marunong magtagalog. Baka half-Pinoy.

Umiling siya. “Private island na kapag dineretso pa ninyo ‘yan,” turo niya sa daan.

“Pabalik ka na ba sa resort, Miss? Sabay-sabay na tayo?”

Napahaplos siya sa leeg. “Hindi ako d’yan sa resort, uhm—”

Hindi na niya nagawang tapusin ang sasabihin nang may humapit ng baywang niya. Si Marcus.

“She’ll go with me. Excuse us.” Iyon lang at iginiya na siya nito palayo sa mga lalaki.

Pakiramdam niya ay may bumabalangkas na koryente sa katawan nito at saka tumawid sa kanya. At dahil basa siya, pakiramdam niya ay nakokoryente siya.

Huminto ito pagkaraan. “This is the limit of our property.” Gumuhit pa ito gamit ang paa sa buhangin.

Nailinga niya ang mga mata sa paligid. Pakiramdam niya kasi ay napapaso siya sa mga titig nito.

“Okay,” sabi na lang niya. Kapagkuwan ay bumitiw siya rito at tinahak na ang daan pabalik sa villa.

Isasara na sana niya ang pinto ng kuwarto nang humarang ang kamay ni Marcus. Hindi niya akalaing nakasunod pa pala ito sa kanya.

Hindi na tuloy niya malaman ang gagawin. Bahagya na siyang giniginaw dahil sa pagdapyo ng aircon sa katawan. Hinablot niya ang roba sa gilid at akmang pupunta na siya ng banyo nang haklitin ni Marcus ang braso niya.

Pareho silang napasubsob sa kama. Nakapaimbabaw siya rito. They stared at each other’s eyes. Nagmistulang tambol ang dibdib niya. Ang lakas ng kabog ng puso niya.

He tucked some strands of her hair behind her ear. “Gorgeous…”

She gasped when he traced his index finger to her nose down to her lips. Kusang umawang ang mga labi niya.

“I wanna kiss you… May I?”

Pumikit siya bilang tugon. Sa hudyat ay inangkin nito ang mga labi niya. Masuyo. Maalab. Marubdob. Ni hindi na niya alam kung paanong mula sa ibabaw ay nasa ilalim na siya nito. His kisses… Paanong nakalimutan niya iyon?

No man has ever made her feel like begging, just to be touched by him. Si Marcus lang. Si Marcus ang nag-iisang lalaking nakapagpadama sa kanya nang ganoong init. Kagyat na naglaho ang lamig na nararamdaman niya kanina at napalitan ng init.

“You’re mine, Yana… Just mine,” he mumbed in between kisses.

Napariin ang hawak niya sa mga balikat nito nang bumaba ang halik nito patungo sa kanyang leeg. Nakakaliyo ang pakiramdam.

Not so long when he pulled the ribbon of her top. Nang sa wakas ay angkinin nito ang kanyang dibdib ay naiarko niya ang balakang. Pagkaraan ay pingdiskitahan din nito ang isa pa niyang dibdib.

She moaned. She twisted her head to the other side. Naikumuyos na niya ang palad sa bed sheet. Ang mga kamay nito ay tila may mahika na nagdadala ng alab sa bawat madaanan nito. Until his mouth reached her core. His tongue stroke inside her, stroking a promise of pleasure. Napahawak siya sa buhok nito sa matinding init na nararamdaman.

Nagpakawala siya nang mahabang ungol nang kumawala ang mainit na likido sa kanyang bukana. He sipped all the juices that she released. Gusto pa sana niyang mahiya, but he then settled himself between her legs.

He was looking at her intently. May pagsuyo. Puno ng pagmamahal. Bigla ay nagsalimbayan ang mga alaala ng nakaraan sa kanya. Ilang saglit pa ay pinakawalan na nito ang kahandaan. In one swift move, he was now inside her.

She clamped her legs around his waist, drawing him much closer to her. Mas dumiin ang bawat pag-ulos nito. And she liked that.

“I love you, Marcus… I love you…” sambit niya nang marating nila ang rurok.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Mommy for Hire: If Loving You Is Wrong (Chapter 55)

No time to Collect Free Denaro Coins?

Click Here

One Response

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Need Help?