TINIKMAN ni Yana ang nakasalang na Sinigang na Baboy. Habang sinisimsim ang sabaw niyon ay naalala niya si Marcus. Kinain kaya nito ang sopas na pinabaon niya rito? Nagustuhan naman kaya nito ang lasa?
Tinabingi niya ang ulo. Bakit ba parang masyado siyang affected sa magiging reaksyon nito sa niluto niya? Kunsabagay, makakasama siya nito ng limang taon at hindi malayong maraming beses nitong matitikman ang luto niya.
“Mama, I want…” Hinila pa ni Zia ang laylayan ng kanyang damit.
Sumalok naman siya ng sabaw at saka iyon hinipan. Kapagkuwa’y iniumang niya iyon sa bata. “Masarap ba?”
Suud-sunod itong tumango. “Yes, Mama. It’s yummy.”
Napangiti siya. Kaya lang, bata lang ito. Ano naman ang alam nito sa tamang lasa ng luto? Ay, bahala na. Mananalig siya sa sinabi ng kanyang ina na masarap siyang magluto. Sa katunayan daw ay mas masarap pa raw siyang magluto kaysa rito. Pero ewan lang din niya, baka sinabi lang nito iyon dahil sa anak siya nito.
Pinatay na niya ang kalan. Iinitin na lamang niya uli iyon mamaya. Pagkaraan ay niyakag niya sa sala si Zia.
“Gusto mo, mag-dance tayo?”
Tila naman nagningning ang mga mata nito. May nakita siyang CD Player. Naghalungkat siya ng mga CD. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi nang makitang mayroong nagawi roong Album ni Sarah Geronimo. Saktong kabilang ang “Tala” sa list of songs na nandoon kaya iyon ang pinatugtog niya.
Iginiling niya ang katawan alinsunod sa sayaw na ginagaya naman ni Zia. Napapangiti siya. Then they were both swept away by the moment. Nang tumigil ang tugtog, napasinghap pa siya nang may biglang pumalakpak. It was from Marcus. Prente itong nakasandal sa hamba ng pinto.
Bigla na naman siyang nakaramdam ng ilang. Mabuti na lang at loose ang shirt na suot niya kaya hindi masyadong pansinin ang pawis niya.
Sinalubong naman ito ni Zia ng yakap at halik. Gumanti rin naman ang ama nito rito. Kay sarap pagmasdan ng mga ito. Masyado yata siyang nadala sa tagpo na iyon kaya hindi niya napansin na nakalapit na pala sa kanya ang lalaki.
Napaigtad pa siya nang punasan ni Marcus ng likod ng palad nito ang butil ng pawis na lumaglag sa kanyang noonan.
Nahigit niya ang hininga. Minsan talaga ay may mga aktuwasyon ito na hindi niya alam kung likas lang ba talaga sa pagkatao nito katulad na lamang niyon.
Kapwa sila nakatunghay sa mga mata ng isa’t isa. Tila may mga kabayong nagdadambahan sa kanyang dibdib. Napakalakas ng kabog ng kanyang puso. Dahil ba iyon sa matagal na siyang hindi nalalapit nang ganoon kadikit sa isang lalaki liban sa kanyang pamilya?
“You can now breathe, Yana,” anito.
Doon siya animo binuhusan ng malamig na tubig. Agad nga siyang nagpakawala ng hininga. Para rin maitago ang kahihiyan ay mabilis siyang nagtungo sa kusina. Dumeresto siya sa refrigerator at kinuha roon ang sariling tumbler. Tumungga siya ng tubig. Pakiramdam niya, isang araw siyang hindi uminom ng tubig dahil halos maubos niya ang laman niyon.
Kung puwede nga lang ay ibinuhos na niya iyon sa kanyang ulo. Nakakahiya ka, Yana! Ipinaypay niya ang mga kamay sa mukha. Ilang sandali pa ay sumunod din sina Marcus sa kusina.
“Gutom ka na ba?” alanganing tanong niya. Pakiramdam niya kasi ay pulang-pula pa rin ang mukha niya. “I’ll just go get change tapos ihahanda ko na ang hapunan.” Gusto niya muna itong iwasan. Bumaling siya kay Zia. “Pati ikaw Zia, magpalit ka rin. Basang-basa ng pawis ‘yang likod mo.”
“Go ahead. Ako na ang bahala kay Zia.”
Tumango na lang siya. Inilagay na muna niya sa isang gilid ang kanyang tumbler. Mamaya na niya iyon huhugasan at pupunuin uli ng tubig. Kapagkuwan ay pumihit na siya papunta sa itaas. Kung bakit ba naman tila pinaglalaruan sila ng pagkakataon. Nagkasabay pa sila sa paglabas ni Marcus sa pintuan ng kusina kaya bahagyang nabunggo nito ang balikat niya.
“I’m sorry. You go first,” pagpapatiuna nito sa kanya. Buhat-buhat nito si Zia.
Mabilis naman siyang lumabas at nang makarating sa kuwarto ay nagpakawlaa pa siyang muli ng buntung-hininga. Ano ba naman iyong nararamdaman niya? Bakit tila pasong-paso siya rito?
HINDI MAIWASANG mapasulyap ni Yana sa kinauupuan ni Marcus. Gusto niyang malaman kung ano ang hatol nito sa luto niya. Nang maramdaman niyang mag-aangat ito ng tingin ay mabilis niyang ibinalik ang tingin sa kanyang pagkain.
“It’s good. No, I mean, it’s great!” komento ni Marcus. “Even ‘yung sopas kanina, masarap din. Where did you learn cooking?”
“Kay Nanay,” nakangiti niyang sagot. “Bata pa lang ako, sinanay na ako ni nanay sa pagluluto.”
“I see. Buti hindi ka nag-chef?”
“It was actually my second option.” Bumaling siya kay Zia. Pinalis niya ang kanin na kumalat sa gilid ng bibig nito. “Kaso, mas matimbang pa rin sa akin ang pagtuturo,” dugtong niya.
“Halata naman.”
Nagpatuloy sila sa maganang pagkain. Si Marcus ang nagpresintang maghugas ng pinggan na sa una’y tinanggihan niya. Kaya lang ay hindi naman ito nagpaubaya. Hindi niya ma-imagine na ang isang milyonaryong tulad nito ay naghuhugas ng pinggan.
“Dapat yata, kumuha na ako ng stay-in na kasambahay. What do you think?” sabi nito habang sinasabon ang mga kubyertos.
Nakaupo siya sa isang stool doon sa bar counter habang si Zia naman ay nanonood na ng Frozen 2. Mag-i-stay siya para punasan ang mga hinugasan nito at maibalik sa cabinet.
“Iilan lang naman tayo rito sa bahay. Kaya ko naman ‘yong mga gawain. Huwag na muna siguro.”
“Are you sure?” pagkokompirma pa nito.
“Yep. I’ll let you know kung sakali mang need na.” Kinuha niya rito ang mga nahugasan at sinimulan iyong tuyuin ng kitchen towel.
Uneasiness was engulping her. Ramdam niya na nakatitig ito sa ginagawa niya.
“Thank you, Yana,” pagkuwan ay sabi nito.
She turned her gaze at him. “Don’t thank me. Ako ang dapat na nagpapasalamat kasi kung hindi ka nag-offer that time, maybe, maybe totoong nasa ibang bansa siguro ako ngayon.”
Nagpamulsa ito. “May kapalit ang pagtulong ko. Kaya hindi mo rin dapat ipagpasalamat.”
“Kahit na,” she insisted. “Pero, I wanna know why. It was as if hindi ka man lang nagdalawang-isip na alukin ako nang ganoong kalaking pera.”
“Just like how you can’t refrain yourself from helping your family, ganoon din ako kay Zia.” Pinaglaro nito ang hintuturo sa labi. “We actually stayed in the U.S. for two years. Ilang yaya na rin ang humawak kay Zia. Pero wala ni isa ang tumagal. Until she met you. I realized then that what she actually needed is a mother figure.”
Kaya pala. Kaya pala matatas ang bata sa pag-i-ingles ay dahil nanirahan pala ito sa U.S. “Zia is such an adorable kid. Hindi siya mahirap mahalin. No, the moment I saw her, alam kong mapapamahal siya sa akin. So rest assured, I will give your daughter the motherly love that she needs.”
“Parang ang sarap mo naman palang magmahal.”
She was dumbfounded. Bakit parang iba ang dating niyon sa kanya?
“Hindi nga ako nagkamali…” dugtong pa nito.
Right, it was all for Zia’s sake. Bakit may kung anong umantak sa puso niya?
ILANG ARAW ang mabilis na lumipas. Ngayon nga ay araw ng Linggo. Walang pasok sa trabaho si Marcus.
Hindi gaya noong mga nakaraan, hindi siya makakilos nang maayos ngayon. Pakiwari niya ay nakamasid ito sa mga ginagawa niya. Mabuti na nga lang at nandyan si Zia dahil parang ito ang equalizer nila.
Katatapos lang nilang mananghalian. Siya na ang naghugas ng mga pinagkainan nila. Nang inilalagay na niya ang mga pinaghugasan sa cabinet ay natanaw niya sa mataas na bahagi ang baking materials. Parang may naisip na siyang gawin.
Dahil nasa mataas na bahagi ang mga pang-bake ay kumuha siya ng stool para maabot iyon. Makukuha na sana niya ang canister na kinalalagyan ng mga iyon nang ma-out of balance siya. Pero imbes na malaglag siya sa sahig ay nag-landing siya sa matipunong katawan ni Marcus. Pero ang ikinalaki ng mga mata niya ay ang pag-landing din ng mga labi niya sa mga labi nito!
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.






One Response
Hype lage nakamasid si boy hahaha ayan na nga ba ang sinasabi ko e hahaha