A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

Moonville Series 3: Friend Zone – Chapter 173

three yellow flowers

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

Naging maayos naman ang stockholders’ meeting, at na-impress sila sa bagong format at itsura ng annual report na ginawa nina Vic at Carol. Naging maayos din ang report ni Vic, at na-impress din ang lahat sa pinakabatang anak nina Cong. Enrique at Madame Betty dela Rosa. 

Speaking of Betty, andoon din siya noong araw na iyon. Ang naging main contribution niya ay ang pagbati at pag-asikaso sa mga dumarating na stockholders at mga kasama ng mga ito. Karamihan sa mga ito ay kaibigan ng kanyang asawa at ng pamilya na nila in general, bukod pa sa mga kamag-anak nila na may pag-aari din sa kumpanya. 

At hindi nga nakaligtas si Carol sa isang Betty Santiago. Napilitan siyang i-acknowledge ito hindi bilang asawa ng pinakamalaking shareholder ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya, kundi bilang ina ng kanyang kaibigan.  

Mabuti na lang at iilan lang silang mga empleyadong naroon. Mostly pa ay iyong mga officers ng Hacienda, na hindi naman magchi-chismis sa kanilang mga subordinates kung may special treatment man si Betty kay Carol. 

Special talaga, dahil ngayon ay nakayapos pa ito sa may likuran niya. 

“How is your mommy, Hija?” tanong ni Betty sa kanya. “Balak ko ngang dumalaw sa shop ninyo niyan para kumuha ng mga bagong damit. May gagawin na naman kasi akong teleserye niyan, eh. Pero secret muna, okay?” 

“Opo…” sagot ng nahihiyang si Carol. Pasimple niyang sinuri ang paligid. Mabuti na lang at si Michelle lang ang nandoon, at abala pa ito sa pag-asikaso ng mga stockholders na dapat ay ginagawa din ni Carol. 

“Kumain ka na ba? Halika at sumabay ka na sa amin,” yaya ni Betty sa kanya. Iginiya pa siya nito sa may mesa nila nina Cong. Enrique at ng magkapatid na Vincent at Victor. 

“Ah, mamaya na lang po, Tita,” tanggi niya. “Tutulungan ko pa po si Michelle sa pag-asikaso ng mga guest.” 

“Ganoon ba? O sige…” 

Halatang nadismaya si Betty nang mag-excuse si Carol, pero tumuloy na rin si Carol sa pagpunta kay Michelle. Tinulungan niya ito sa pag-asikaso ng mga kailangan nila, kasama na rin si Noemi na assistant naman ni Vincent. 

“Hija, sa bahay ka na mag-dinner,” yaya ulit ni Betty kay Carol nang matapos na ang meeting. 

“Ah…” Nahihiyang ngumiti si Carol. Katabi na ngayon ni Betty ang asawang si Cong. Enrique. “Titignan ko po, Tita.” 

“Sige na, Carol. Para naman makapag-kwentuhan tayo,” ang sabi pa ni Betty. “Last time na nagpunta ka sa bahay, nag-work lang kayo ni Vic.” 

Noon naman ay nakalapit na si Vic sa kanila. “Mamá, stop harassing my employe.” 

“I am not harassing her! I’m just asking her to have dinner with us tonight,” ang sabi naman ni Betty sa anak. 

“She can’t. We have plans.” 

Gulat na napatingin si Carol kay Vic. 

“Today’s the soft opening of Aroma Haven. I just want to check if everything will run smoothly,” paliwanag ni Vic. 

“At isasama mo talaga si Carol?” tanong ni Vincent at ng kanyang nanunuksong tingin. 

“I need a woman’s perspective,” sagot naman ni Vic. 

“O, eh di kayong dalawa na nga ang pumunta,” ani Vincent. 

“It’s still work, Kuya. Carol will have credit hours for that,” ang sabi pa ni Vic sa kapatid. 

“Oo nga, dapat lang.” 

Carol can sense that Vincent is just playing with his brother’s defensiveness. Hindi niya maiwasang mahiya dahil doon. 

“Let’s go, Ma, Pa?” tanong ni Vincent sa mga magulang. 

Nagpaalam na ang mag-asawang Enrique at Betty kay Carol at Vic. 

“Kailangan ba talaga akong sumama doon sa Aroma, Sir?” tanong ni Carol nang silang dalawa na lang ang magkasama. 

“Would you rather eat dinner at Casa?” tanong naman sa kanya ni Vic. 

Oo nga naman. Mas awkward iyong ganoon. 

“Pero… mas maganda siguro kung si Michelle ang kasama ninyong kumain instead of me.” 

“Do you not want to have dinner with me?” 

“Hindi naman po, Sir.” 

Medyo nainis si Carol sa pag-iwas ni Vic sa tanong niya, putting her on the spot in the process. 

“I want to treat you, for all the help you gave me for this stockholders’ meeting.” 

Napatingin ulit siya sa lalaki. 

“I just want to reward you for a job well done.” 

Natuwa naman si Carol doon. 

“Ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko.” 

“Still, I want to treat you. Also, to celebrate because our first project was a success. Good job, Caroline.” 

Ewan pero may kakaibang tuwa siyang nadama sa sinabi nito. Siguro kasi, first time na ma-recognize ang effort niya sa trabaho. Well, first time pa lang naman nga niyang magtrabaho kaya ganoon. 

Ang Aroma Angel ay ang pinakabagong restaurant na under sa Hacienda Group. Asian fusion ang theme ng restaurant. Kabilang sa mga pagkaing ihahain dito ay mga Korean, Japanese, Chinese at Thai food. Isa itong high-end restaurant, at ang restaurant building ay parang sa traditional asian houses na may open space sa gitna. 

Balak ng kumpanya na palawigin ang nasabing kainan through franchising, pero ang pinakauna nga nitong branch ay kabubukas lamang ngayon, though soft closing pa lang naman. Sa grand opening ay ine-expect na darating ang buong pamilya nina Vic, pati na ang Tito Lucas nito at ang pamilya din nito. 

“Alam naman nina Garee na magtatayo kayo ng restaurant chain, ano?” tanong ni Carol kay Vic. Nasa Aroma na sila ngayon at magkaharap sa isang chabudai-style na mesa kung saan ang upuan nila ay parang sa mga zabuton sa traditional Japanese homes. 

“I’ve mentioned it to her,” sagot ni Vic. “She’s fine with it. Anyway, it’s different than the restaurants included in their group. Ours is Asian fusion. Theirs is more of Filipino and other mixed-culture cuisine.” 

“Sabagay,” ani Carol. “Yung mga recipes nga daw doon, halos sa lola ni Garee. Authentic na lutong-bahay flavors talaga.” 

Tumango si Vic. “That’s one of the things that Kuya and his team considered when choosing what type of restaurant they will put up – something that the Quinto Group does not currently have. It’s hard to compete with that strong culinary force.” 

Ngumiti na lamang si Carol. 

“So, anong kakainin natin tonight?” tanong na lamang niya. 

“What do you prefer?” tanong naman ni Vic sa kanya sabay tingin sa menu. “Japanese, Chinese, Korean…? If only we can try everything. I want to taste everything that’s on the menu.” 

“Eh di bumalik-balik ka na lang dito hanggang mag-grand opening,” suhestion ni Carol. 

“Eating alone here every night might not be worth the long drive.” 

“Hindi naman ikaw ang nagdi-drive, eh.” 

“I drove tonight.” 

“Eh kasi, kotse ko ang ginamit natin. Eh pero, hayan lang naman sina Mang Alfredo.” Itinuro niya ang driver-bodyguard sa kabilang mesa. 

“You have a point.” Muli nang binasa ni Vic ang menu.  

Binasa na rin ni Carol ang menu. Ano nga kayang oorderin niya? 

“If you like, you can join me.” 

Napatingin si Carol sa lalaki. 

“I mean, since we’re evaluating the food before the grand opening. Mang Alfredo will just say everything tastes nice.” 

“How sure are you na hindi lang din ganoon ang sasabihin ko?” tanong ni Carol. 

“Because you have an articulate taste palette,” sagot ni Vic. “That’s what I learned during our food tasting for the stockholders’ meeting.” 

Naalala ni Carol ang food tasting noong Lunes. Sobrang ini-scrutinize niya iyong pagkain na para siyang judge sa isang cooking contest. And the funny thing is hindi naman siya nagluluto.  

“Ewan ko ba kung bakit ganoon ako,” nahihiya niyang wika. “Kung mag-comment pa ako, parang ang galing kong magluto, di ba? Eh hindi ko nga ma-perfect iyong sunny side up na itlog.” 

Napangisi si Vic sa sinabi nito. 

“Siguro kasi, nasanay ako kay Mommy. Lagi nga kasi siyang naiimbitahan sa mga events lalo na doon sa ginagamit iyong mga creations niyang damit. Lagi niya akong sinasama, kaya nasanay din akong makatikim ng iba’t ibang pagkain.” 

“Why don’t we put that talent of yours to work? Help me evaluate the taste of Aroma’s menu. We can do it every other night. Whatever you prefer. And again, you will be credited for the hours you worked.” 

“Okay lang,” ani Carol. “Marami pa namang oras para ma-fulfill ko iyong needed credit hours sa internship ko. Let’s just eat together and enjoy the food. Libre mo naman lagi, ‘di ba?” Napabungisngis si Carol. 

“Of course,” ang sabi ng nakangiti na ring si Vic. 

And so, it’s decided. Magiging dinner buddies sila hanggang ma-try nila lahat ng nasa menu ng Aroma Angel bago ang nakatakda nitong grand opening. 

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Moonville Series 3: Friend Zone – Chapter 173

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.