A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

Moonville Series 3: Friend Zone – Chapter 176

three yellow flowers

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

Sabay na umuwi sina Jasmin at Nick. Inihatid ni Nick si Jasmin sa kanila, kahit pa nga kinakabahan ito dahil nga baka nandoon ang mga magulang at kuya nito. Pero nilakasan na lamang niya ang loob dahil gusto niyang makasama pa ang kaibigan na na-miss niya ng husto dahil sa mga nangyari. 

Kaya naman bumaba na rin siya sa sinakyan nilang Call-A-Taxi nang makarating sila kina Jasmin. Kailangan din kasi nilang i-finalize pa ang practice nila para bukas. 

“So, hanap na lang ako ng magti-train sa atin. Chat kita mamaya sa updates,” ang sabi niya nang nasa may tapat na sila ng gate ng mga Ignacio. 

Tumango si Jasmin. “Sige.” Napatingin ito sa gate. “Hindi na kita i-invite pumasok muna. Baka andiyan na rin sina Papa at Mama. Although medyo ok naman sa kanila, mas maganda siguro kung kausapin ko muna sila bago ka ulit magpunta sa amin.” 

Tumango si Nick. “Naiintindihan ko. Tsaka, feeling ko iyong kuya mo talaga ang galit, eh.” Tsaka siya nahihiyang ngumiti. 

Natawa din si Jasmin sa sinabi nito. 

“So, mamaya na lang? Sa chat, I mean,” ani Nick. 

“Sige…” 

Okay na sana ang lahat. Pauwi na si Nick, at papasok na sa gate si Jasmin pagkatapos. Pero, bigla na lang humarurot ang kotse ni Joshua na galing sa bahay yata ng mga Gonzalez. 

Sa sobrang gulat ay hindi nakagalaw sa kinatatayuan si Nick. Kaya naman napagmasdan na lamang niya si Joshua na lumabas ng kotse at lumapit sa kanila ni Jasmin. 

“Hoy! Anong ginagawa mo dito?” galit nitong tanong kay Nick. 

Pumagitna naman si Jasmin sa dalawang lalaki. 

“Kuya! Tama na!” aniya. 

Pero hindi ito pinansin ni Joshua. Kay Nick pa rin ito nakatingin nang galit na magsalita. 

“Umalis ka na dito. Ang kapal ng mukha mong magpakita dito pagkatapos ng lahat!” 

Dali-daling tumakbo si Nick paalis doon. 

“Ang walanghiyang iyon!” Tsaka tinignan ni Joshua ang kapatid. “Ikaw naman! Ano, bati na kayo? Pagkatapos ng ginawa noon sa iyo, pinatawad mo na ng ganoon lang?” 

“Tama na nga, Kuya!” ani Jasmin na tuluyan nang nainis. Pumasok na siya ng gate. 

Sumunod naman sa kanya si Joshua. “Aba– Hoy! Kinakausap pa kita, Ming!” 

Tumigil sa pagpasok sana sa loob ng bahay nila si Jasmin, tsaka niya hinarap ang kapatid. 

“Tigilan mo na nga si Nick, Kuya.” 

“At pinagtatanggol mo pa talaga iyon?” ang sabi naman ni Joshua sa kanya. “Ikaw na nga ang ginamit niya, pinagsamantalahan ang kabaitan, ikaw pa ang nagde-defend sa kanya. Ganoon mo ba siya kagusto?” 

“Pinagtatanggol ko siya, kasi hindi naman mangyayari iyon kung hindi ako pumayag sa gusto niya,” ang sabi ni Jasmin. 

“Kasi nga, gusto mo siya kaya napapayag ka niya.” 

“Ako ang nagsabi sa kanya na ituloy ang pagpapanggap kahit pa nga gusto na niyang magsabi ng totoo noon!” 

Nagulat si Joshua sa sinabi niya. Nagpatuloy naman si Jasmin sa pagpapaliwanag. 

“Gusto na niyang sabihin ang totoo sa iyo noon, para tigilan mo na rin siya sa pagpilit na gustuhin ako. Pero sinabi ko sa kanya na huwag muna, na ituloy na lang niya ang pagpapanggap.” 

“Ming…” Medyo huminahon na si Joshua. Lumapit siya sa kapatid at saka hinawakan si Jasmin sa magkabilang balikat. “I understand. Gusto mo siya, and even if it’s make-believe, gusto mo na ligawan ka niya.” 

“No, Kuya! Sinabi ko iyon because of you!” 

“Ano?” 

“Remember that time when Gina asked you to meet her? I didn’t want you to go, and I thought kung pupunta dito si Nick with the intention of courting me, magiging beast mode overprotective kuya ka na naman. Kaya sinabi ko sa kanya na ituloy iyong paghingi niya ng permission kina Papa.” 

Unti-unting nag-sink in kay Joshua ang mga sinabi ni Jasmin. Suddenly, realization hit him. 

“So yeah, it’s all my fault,” Jasmin continued. “Ako ang dapat sisihin at hindi si Nick.” 

“No…” Joshua whispered. 

“Kuya–” 

“It’s all my fault.” Napaurong siya palayo sa kapatid. “Ming…” ani Joshua sabay tingin sa kanya. “It was all because of me.” 

Naawa naman si Jasmin sa kapatid na sobrang guilty sa natuklasan. 

“It was all because of my madness. It was all because of me kaya ka nasaktan.” 

“No…” Bigla namang nakonsensiya si Jasmin. “Kuya, it was all my decision.” 

“I’m sorry.” Niyakap siya ni Joshua. “Ming, I’m very sorry.” 

“Kuya…” 

Nanatili silang magkayakap ng ilang sandali. Si Joshua ang unang kumalas. 

“I’m sorry…” he said. 

“Kuya, ako ang nagdesisyon noon.” 

“Pero kung hindi dahil sa akin, hindi mo naman gagawin iyon.” 

“Did you really intend of going that time?” 

Saglit na nag-isip si Joshua, pilit inalala ang nararamdaman noong mga oras na iyon. 

“I think there was a part of me that wanted to go, but a greater part was being a coward.” 

“So kahit hindi namin iyon ginawa ni Nick, hindi ka pa rin aalis.” 

Muling napaisip si Joshua. 

“Kuya, don’t blame yourself.” 

“And should I also not blame Nick?” 

Napaiwas ng tingin si Jasmin. Sa totoo lang, maging siya ay nasaktan dahil sa selos niya sa pag-aalala ni Nick kay Carol noong birthday party ni Garee. Is she in the position to say yes? 

“Do you really like him that much?” 

Hindi ulit nakasagot si Jasmin. Ganoon nga ba niya kagusto si Nick na nagawa nitong i-analyze ang sitwasyon at mabawasan ang kasalanan nito? 

“You really like him that much,” Joshua concluded. “And it seems I cannot stop you from talking to him again if you want to.” 

Napatingin si Jasmin sa kapatid. 

“But be careful, Jasmin. Take care of your heart.” 

Ramdam ni Jasmin ang pagiging seryoso ng kuya niya sa bilin nito. Never kasi siya nitong tinawag na Jasmin. Ngayon lang. 

“I think I… I need to go back to Garee…” ang sabi ni Joshua na nagsimula nang maglakad palabas ng gate. 

“Kuya…” 

“It’s okay… Just tell Mama and Papa.” 

Walang nagawa si Jasmin kundi ang sundan na lamang ng tingin ang papalayong kapatid. 

 

****************************** 

 

Hindi na nag-drive pa si Joshua nang bumalik siya kina Garee. Naglakad na lamang ito, kaya nagulat si Garee nang ito ang mapagbuksan ng pintuan. Kasi nga, hindi naman niya narinig na may dumating na sasakyan. 

“Ga…” 

Napakunot ang noo ni Garee nang makita ang malungkot nitong mukha. 

“I know you said you have things to do, but… I just need a dose of happy.” 

Bigla na lamang siyang niyakap ni Joshua. Nagulat man ay ginantihan na lamang niya ito ng yakap. Naramdaman kasi niyang kailangan nito ito ngayon. 

“Ano bang nangyari?” tanong niya dito nang matapos ang kanilang yakapan. 

Malungkot na tinignan lamang siya ni Joshua. 

“Halika nga dito sa loob.”  

Dinala niya ito sa may sala nila. Doon nila napag-usapan ang nangyaring diskusyon between Joshua and Jasmin, at ang mga natuklasan ng lalaki kani-kanina lang. 

“Hindi mo naman din kasalanan,” ang sabi ni Garee pagkatapos. “Silang dalawa ang nagdesisyon noon.” 

“Oo nga, Ga, pero kung hindi dahil sa kabaliwan ko kay Gina noon, hindi naman iyon gagawin nung dalawa,” pagpipilit ni Joshua. “Kasalanan ko talaga.” 

Para kay Garee, oo nga at meron ding kasalanan si Joshua. Pero unfair naman na isisi nito sa sarili ang lahat dahil lang sa babaeng kinabaliwan nito noon. 

“Bakit ba kasi nagkagusto pa ako kay Gina?” biglang tanong ni Joshua. Saka ito napatingin kay Garee. “Dapat kasi, hindi ko na lang pinigilan ang sarili ko na magkagusto sa iyo.” 

“O di kasalanan mo nga,” ang sabi ni Garee na bigla na namang bumilis ang tibok ng puso. 

“Ayoko kasing masira ang friendship natin.” 

“Bakit naman masisira ang friendship natin? Pwede ka namang maging boyfriend ko tsaka best friend at the same time, di ba?” 

“What if I messed up? What if I broke your heart? Magagalit ka sa akin at hindi mo na ako kakausapin ulit. Ayokong mangyari ang ganoon.” 

Na-touch na naman si Garee sa sinabi nito. 

“I want you to be forever in my life, Ga, be it as a friend, or something more.” 

Hayun na naman iyong intense na tingin sa kanya ni Joshua. Parang bawat himaymay ng pagkatao niya ay kinikilig na naman. 

Napaiwas tuloy siya ng tingin. Pilit din niyang pinigilan ang ngiting nagbabadyang sumulyap sa kanyang mga labi. 

“Hayaan mo na lang sina Jasmin at Nick,” ang sabi niya para na rin mailihis niya ang usapan. “Siguro naman, natuto na si Nick sa pagkakamali niya. Isa pa, alam na ng lahat, pati na rin ni Carol, iyong feelings niya for her. So wala na siyang kailangang itago.” 

Bumuntong-hininga si Joshua. “Basta huwag lang sana masaktan ulit ang kapatid ko.” 

“Poprotektahan natin siya, Josh,” ani Garee. “Pero hindi natin siya pwedeng pigilan sa kung ano man ang gusto niyang gawin, o kung sino man ang gusto niyang kausapin. May sarili siyang isip. Isa pa, matalino naman si Jas. At marami tayong mga nagmamahal sa kanya na poprotekta sa kanya kung kinakailangan.” 

“Alam mo iyong feeling ko?” 

Garee frowned. “Hmm?” 

“Feeling ko, pinag-uusapan natin iyong tungkol sa teenager nating anak.” 

Hayun na naman iyong nakakalokong ngiti ni Joshua. At hayun na naman din iyong pagbilis ng tibok ng puso ni Garee. 

“Sumeryoso ka nga!” ang sabi niya sabay hampas ng throw pillow dito. 

“Aray!” reklamo ni Joshua na isinangga pa ang kamay sa paghampas ni Garee. 

“Puro kalokohan kasi ang iniisip mo, eh. Kaya napapasama ka tuloy.” 

“Sorry na nga.” 

Pero kunyari lang naman iyong galit-galitan mode ni Garee. Nagpapanggap lang siyang naiinis dahil ang totoo, feel na feel naman niya iyong scenario na sinabi ni Joshua kanina. Silang dalawa, nag-uusap tungkol sa teenager nilang anak. 

Kilig na kilig kaya siya, sa totoo lang. 

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Moonville Series 3: Friend Zone – Chapter 176

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.