A Filipino Platform of Good Stories

cropped-QUATTRO-LOGO-WITHOUT-BACKGROUND

Moonville Series 3: Friend Zone – Chapter 188

three yellow flowers

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

“Gina!”  

Sobrang lakas ng sigaw ni Tomas sa may labas ng silid ni Gina. Kasing-lakas ng sigaw niya ang pagkatok niya sa pintuan ng silid ng kapatid.  

 “Gina! Buksan mo itong pintuan!” Saka siya muling kumatok ng pagkalakas-lakas. 

Bigla namang natakot si Gina sa narinig. Base sa pagsigaw ni Tomas ay galit na galit ito. Alam niyang may kinalaman iyon sa nangyari kanina tungkol sa pagpunta ng grupo ni John sa kanilang bahay. 

At dahil sa lakas nga ng pagkatok at pagsigaw ni Tomas ay umabot iyon maging sa kwarto ni Francis at ng kanilang mga magulang. 

“Anong nangyayari?” tanong ni Carlos paglabas ng master’s bedroom kasama ang asawang si Grace. 

“Iyang anak ninyo, Tay! May ginawa na namang kalokohan!” galit na wika ni Tomas. 

“Ano?” tanong ni Francis na nakakunot pa ang noo. 

“Gina!” muling sigaw ni Tomas sabay ang malakas na pagkatok. “Buksan mo ito sabi, eh!” 

“Tomas, ano ba!” suway ni Grace sa anak. “Baka marinig ka ng mga kapitbahay, gabing-gabi na.” 

“Nay, alam n’yo ba na naghihingalo ngayon si Joshua sa ospital?” sa halip ay tanong ni Tomas. 

“Ano?” tanong naman ni Carlos. 

“Anong nangyari kay Joshua?” tanong ni Grace. 

“Hindi ko po alam, Nay. Pero sigurado ako, may kinalaman iyang si Gina sa nangyari,” sagot ni Tomas. 

“Ano namang kinalaman ng kapatid mo?” tanong ni Carlos. 

“May dumating dito kanina.” Ikinuwento niya ang pagdating ng grupo ni John, pati na iyong obvious na pagiging lango ng mga ito sa droga. 

“Pero Kuya, hindi naman yata tamang mag-assume na si Gina ang may pakana ng kung ano mang nangyari kay Joshua,” ang sabi naman ni Francis. 

“Ang sabi nung lalaking iyon, ginawa na daw niya iyong gusto ni Gina. Iniligpit na daw niya iyong lalaking nagpapalungkot sa kanya,” ang sabi ni Tomas sa kapatid. 

Natigilan si Francis sa sinabi ni Tomas. Ganoon na rin si Grace. Si Carlos naman ay pumunta sa may pintuan ng silid ni Gina at ito na mismo ang kumatok. 

“Gina, buksan mo ito, kung ayaw mong sirain namin itong pintuan ng kwarto mo!” Halatang galit na rin ito. 

Walang nagawa si Gina kundi ang sumunod na lamang. Kapag ganoon na kasi ang tono ng kanyang ama ay talagang galit na ito. 

Bumungad sa kanya ang mga magulang at dalawa niyang kapatid. 

“Gina, may kinalaman ka ba sa nangyari kay Joshua?” tanong ni Carlos sa kanya. 

“Wala!” mabilis niyang tanggi. 

“Malinaw iyong sinabi ng lalaking iyon kanina!” ang sabi ni Tomas sa kanya. “Ginawa na daw niya ang gusto mo!” 

“Wala akong pinagawa sa kanya,” muli niyang tanggi. 

“Gina, alam kong hindi naging maganda ang paghihiwalay ninyo ni Joshua,” ang sabi naman ni Carlos. “Pero sana naman, hindi mo na pinahantong pa sa ganito.” 

“Bakit ba ayaw ninyong maniwala sa akin?” tanong ni Gina sa apat. Naiiyak na siya dahil sa galit. “Bakit lagi na lang kasalanan ko? Wala nga akong ginawang masama. Wala naman akong inutos na gawin ni John. Whatever he did, he did it on his own free will.” 

“Baka naman may nasabi kang na-misinterpret niya?” tanong ng kapatid niyang si Francis. 

Biglang kinabahan si Gina nang maalala kung ano ang naging usapan nila ni John noong isang araw. Napansin naman iyon ni Tomas dahil sa biglaang pamumutla nito. 

“Anong sinabi mo sa lalaking iyon?” tanong ni Tomas. 

Totoong kinakabahan na ngayon si Gina. Natatakot siya hindi dahil sa galit ng mga kapatid, kundi dahil sa realisasyong baka nga siya ang dahilan kung bakit iyon ginawa ni John kay Joshua. 

“Ano na!” sigaw ni Tomas. 

Napapitlag naman si Gina. 

“Gina, anong sinabi mo doon sa kaibigan mo?” tanong ni Grace sa anak. 

“I think I’ve mentioned… that I want Joshua out of my life…” 

Ilang saglit na nakatitig lang kay Gina ang kanyang mga kapamilya. Si Tomas ang unang naka-recover sa pagkapitlag. 

“Huwag ninyo siyang paaalisin ng bahay,” ang sabi niya sa mga magulang at kapatid habang naglalakad papunta sa kwarto niya. 

“Anong gagawin mo?” tanong ni Carlos sa anak. 

“Pupunta ako ng TGH,” sagot niya nang makabalik siya sa labas. “Titignan ko kung ano na ang nangyari kay Joshua, at kung ano ang kailangang gawin ng babaeng iyan para makabawi sa kalokohang ginawa niya.” 

“Kuya… Kuya, wala akong kasalanan!” 

Pero hindi na pinakinggan pa ni Tomas si Gina. Dire-diretso na siyang lumabas ng bahay at nagtungo sa may garahe upang sumakay sa kotse niya papunta sa TGH kung saan dinala si Joshua Ignacio. 

 

****************************** 

 

Halos kabababa pa lamang ng cellphone ni Kenneth nang dumating sina Jasmin at ang mga magulang nito sa Tarlac General Hospital. At dahil si Jason ang may kakilala sa lalaki, ito ang unang lumapit dito pagtapak ng mga ito sa receiving area ng Emergency Room. 

“Kenneth!” tawag nito habang papalapit ito sa kanya. 

Tumayo na rin si Kenneth mula sa inuupuang gang chair. Pero bago niya makausap si Jason ay si Juliet muna ang humarap sa kanya. 

“Kenneth…” ang sabi nito na napahawak pa sa mga braso niya. “Si Joshua… nasaan na si Joshua?” 

Naaawang napatingin si Kenneth sa nag-aalalang si Juliet. Halatang kagagaling lang nito sa pag-iyak, at any moment ay parang maiiyak na naman ito. 

“Nasa loob siya ng ER,” sagot ni Kenneth. “Wala pa kaming balita, pero inaasikaso na siya ng mga doktor.” 

“Ano bang nangyari?” tanong ni Juliet. “Malala ba iyong nangyari sa kanya?” Hayun na naman iyong iyak nito. 

Dinaluhan ni Jason ang asawa. Niyakap niya ito, at si Juliet naman ay sa mga bisig ng asawa pinakawalan ang hinagpis na nararamdaman. 

Muli naman ay ikinuwento ni Kenneth ang mga nangyari nang makita nila si Joshua sa may shortcut. Ipinakilala na rin niya sa tatlo si Jenneth. 

“Nandoon pa si Ryan, kausap ang mga pulis,” ang sabi ni Jenneth sa kanila. “Ang sabi niya, dumiretso daw sila sa presinto para magbigay siya ng sworn statement.” 

Hindi rin nagtagal ay dumating naman si Garee at ang Kuya Mike nito. Si Jasmin kaagad ang nakita ni Garee.  

“Jas…!” tawag nito sa kanya. 

Noon naman parang bumigay si Jasmin na kanina pa din naiiyak sa takot. 

“Ate Ga…” Napaiyak na ito sabay yakap kay Garee.  

Maging si Garee ay napaiyak na rin. Naaawang napatingin na lamang si Kenneth sa dalawa. 

“Tito…” ang sabi naman ni Mike, sabay hawak sa balikat ni Jason.  

“Mike…” naiiyak na wika ni Juliet.  

“We came as soon as we heard,” ang sabi ni Mike. 

“Paano ninyo nalaman?” tanong ni Jason dito. 

“Tinawagan nitong si Garee si Joshua, pero pulis iyong nakasagot.” 

Ikinuwento ni Mike ang nangyari kanina sa bahay. 

“Ano na po bang nangyari kay Joshua?” tanong ni Garee.  

“Wala pa rin kaming balita,” sagot ni Jason. “Nasa loob pa si Joshua, tinitignan pa daw ng mga doktor.” 

Biglang lumabas si Samantha ng ER. 

“Sam!” tawag ni Kenneth dito. 

Pero sa mga miron na nandoon napatingin si Samantha. Kaagad naman nitong napagtanto kung sino ang mga kasama nina Kenneth at Jenneth. 

“Doc!” Kaagad na nilapitan ni Juliet si Samantha. “Doc, kumusta na po ang anak ko?” 

“Kailangan po niyang maoperahan,” sagot ni Samantha. “His Xray shows that he has a broken rib. Tumama ang rib na iyon sa lungs niya, and we saw some bleeding already, and his left lung is starting to collapse.” 

“Oh my God!” Napahagulgol na naman si Juliet.  

“Kailangan ma-correct iyong broken rib niya. We also need to do a CT scan to check kung may pinsala ba siya sa ulo. We suspect a concussion based on the manifestation we observed,” pagpapatuloy ni Samantha sa pagpapaliwanag. 

“Gawin n’yo po ang lahat, Doc. Basta mabuhay lang ang anak ko,” umiiyak na pakiusap ni Juliet. 

Tumango naman si Samantha. Saka ito tumingin kay Jenneth. 

“His blood type is B–,” ang sabi nito. 

Bahagyang natigilan si Jenneth sa sinabi ni Samantha. Nang makabawi ay tinignan niya ang grupo. 

“Meron po ba sa inyo ang B– ang blood type?” tanong niya sa mga naroon. 

“B+ ako,” ani Juliet. “Pwede ba iyon?” 

“Nope, I’m sorry,” sagot ni Jenneth dito. “He can donate blood to you, pero hindi siya pwede maka-receive ng blood from you.” 

“Ikaw, Pare?” tanong naman ni Kenneth kay Jason. 

“A– ako,” sagot ni Jason sa kaibigan. 

“Do you know someone na may B– blood type?” tanong ni Jenneth sa grupo. 

Walang nakasagot sa kanya. 

“B– is a very rare blood type,” ani Samantha sa mga kasama. “Bihira talaga ang may ganoon.” 

Muli na namang napaiyak si Juliet. “Bakit ba kasi iyon pa ang naging blood type ng anak natin?” Napatingin siya sa asawa. 

Hindi naman nakasagot si Jason na namomroblema din sa kalagayan ng anak. 

“Ikaw, Jas? Anong blood type mo?” tanong ni Garee sa kaibigan. Saka ito napatingin sa iba. “Blood type A po kasi ako, ganoon din si Kuya Mike.” 

“A+ ang blood type ko,” sagot ni Jasmin. 

“How old are you, Jas?” tanong ni Samantha sa kanya. 

“Sixteen po,” sagot ni Jasmin. 

“Regardless of your blood type, I think hindi ka pa pwede mag-donate. Wala ka pang 18,” paliwanag ni Samantha. 

“I’ll see what we have in the Lab. Tatawag na rin ako sa Red Cross if need be,” ang sabi na lamang ni Jenneth. 

Tumango naman si Samantha. Saka na umalis si Jenneth papunta sa Laboratory ng ospital. 

“Saan kaya tayo makakahanap ng donor?” tanong ni Garee na napaisip na rin. 

“I’ll ask my friends kung meron sa kanilang may ganoong blood type,” ang sabi ni Mike na ni-ready naman ang cellphone. 

“Sa mga Quinto, Kuya!” ani Garee. 

Tumango si Mike, saka na siya nagsimulang tumawag. 

“Garee, maraming salamat sa inyo,” ani Jason. 

“Maraming salamat, Ga,” ang sabi din ni Juliet na muling napahagulgol. Inalo naman ni Jason ang asawa. 

Hinarap naman ni Samantha ang nobyong si Kenneth. “Okay lang kung gusto mo nang umuwi. Papasundo na lang ako later, pagkatapos ng operation ni Joshua.” 

“It’s okay,” ang sabi naman ni Kenneth. “Gusto ko rin namang mag-stay until okay na si Joshua.” 

Tumingin si Kenneth kay Jason. Isang nagpapasalamat na ngiti naman ang ibinigay ni Jason sa kanya. Tumango na lamang si Kenneth bilang pag-acknowledge doon. 

 

 

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Moonville Series 3: Friend Zone – Chapter 188

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.