SABI nila, hindi mo raw alam kung ano ang salitang ME TIME. Boring daw ang buhay mo. Sinasayang mo lang daw ang ibang oras mo at hindi ka raw bumubuo ng masasayang ala-ala na pwede mong baunin sa paglisan mo. Wala ka na raw tinitira para sa sarili mo. Tinatakot ka pa nga ng mga tsismosa at ng mga kaibigan mo na baka raw darating ang araw ay maranasan mo ang trending na sakit ngayon ng isang ina—ang POSTPARTUM DEPRESSION.
Nasasabi ba nila ito dahil ba, nakatuon ka lang sa pamilya mo? Dahil ba, ang natitirang libreng oras mo ay inilalaan mo pa sa karera ng iyong buhay upang tuparin mo ang mga pangarap mo?
PERO, bilib ako sa iyo! Napansin kong kahit anong salita ang iyong marinig, nanatiling kalmado lang ang iyong pakiramdam. Nakangiti pa rin ang iyong mga labi. Kung pagmamasdan ang iyong magandang mukha, tila ba ay wala kang bigat na pinapasan. Paano mo nagagawang iwasan ang mga negatibong emosyon? Paano mo nagagawang hindi mapagod? Paano?
Maski ako ay iniisip ka, hindi mo ba talaga alam ang salitang ME TIME? O, may iba ka lang kahulugan nito? Maayos ba talaga ang kalagayan mo?
Next to: You Are Beautiful (A Short Story)
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.





