Siguro dahil natulog ng matagal si Joshua, at ang huling pangyayari sa kanyang buhay bago ang mahaba niyang pagtulog ay iyong insidente sa may shortcut pauwi sa Moonville, kaya naman sobrang linaw ng mga iyon sa utak niya na parang kahapon lang nangyari ang lahat, kahit pa nga isang linggo na halos ang nakaraan mula noon.
“Pagkagaling ko kina Vic, umuwi na ako. Naramdaman ko parang malambot iyong gulong sa may… kaliwa sa harapan ng kotse ko. Kaya dumaan muna ako ng gasolinahan… sa may ElectraFuel, sa may Madrigal. Paubos na rin kasi iyong gas ko noon…”
“Tapos, naisip ko dumaan sa shortcut pauwing Moonville,” pagpapatuloy niya. “Medyo late na rin kasi noon. Noon ko napansin na may kasunod akong kotse. Kasi nung nasa highway ako, madami naman ako kasabay nun. Pero nung pumasok ako ng shortcut, sumunod yung kotse sa akin… Pero wala naman akong iniisip na kung ano. Hanggang sa mag-overtake siya sa akin.”
Tahimik lang ang lahat sa pakikinig, wari’y isang kagilagilalas na kwento ang kanilang pinakikinggan.
“Napa-hard break pa nga ako. Napamura pa nga ako. Sabi ko pa, ‘Ano’ng trip no’n?’ Tapos, biglang lumabas sina John mula sa kotse.”
“Ito bang tinutukoy mong John ay si John Caleb Gomez?” tanong ng pulis.
“Opo,” sagot ni Joshua. “Hindi ko masyadong alam yung pangalan ng mga kasama niya, pero sila iyong mga kaibigan niyang kasa-kasama sa CPRU.”
“Maa-identify mo ba sila kapag nakita mo ang mga larawan nila?”
“Opo,” sagot ni Joshua sa pulis.
“Sige, bukas magdadala ako ng mga larawan para ma-identify mo ang mga kasama ng suspect.”
“Sige po.”
“Ano pa ang naaalala mo sa nangyari?”
Nagpatuloy na si Joshua sa pagsasalita.
“Lumapit silang apat sa kotse ko. Nagsisisigaw sila, pinapalabas nila ako sa kotse. Si John, sabi niya, ‘Lumabas kang duwag ka! At nang makita mo kung ano ang nararapat sa iyo!’ Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin, pero dahil sa takot na rin, nai-lock ko na lang iyong pintuan ng kotse. Kasi parang… parang iba yung dating nila… Iyong nanlilisik ang mga mata nila pero nakangisi…”
Halata ang takot kay Joshua habang inaalala ang kanyang nakita. Dahil doon ay biglang naalerto si Samantha sa kung ano ang maaaring maging epekto ng pagbugso ng damdamin at emosyon ni Joshua.
“I immediately realized they were up to something bad,” pagpapatuloy ni Joshua. “Kaya naalerto ako. Akala ko wala silang magagawa kasi nga, naka-lock ako sa loob ng kotse. Inalog-alog nila iyong sasakyan, sinipa-sipa. Nung ma-realize nila na hindi ako lalabas, bumalik si John sa sasakyan nila. Akala ko, tapos na ang lahat. Pero bigla siyang lumabas ulit. This time, may hawak na siyang baseball bat.”
Wala pa man ay nagimbal na ang mga nakikinig sa kwento ni Joshua. Parang may ideya na sila kung ano ang ginawa ng mga lalaki sa kanilang anak, kapatid at kaibigan.
“He went to my car, and I kind of sense na ipapalo niya iyong bat na dala sa kotse ko. So pumunta ako sa may backseat, and true to my guess, hinampas niya ng bat iyong windshield ng kotse ko. Sakto lang na nakalipat ako sa backseat nung mabutas yung salamin. Kung hindi, sa mukha ko tatama yung bubog.”
Parang nasa eksena mismo ang mga nakikinig kay Joshua at parang nakikita nila mismo ang mga nangyayari. Nagimbal silang lahat sa sinabi nito.
“Anong nangyari pagkatapos?” tanong ng pulis.
“Nung masira nila iyong windshield, pilit nila akong kinukuha sa loob,” ani Joshua. “They were trying to reach in for me. Ewan, parang wala sila sa matinong pag-iisip. Nakita na nga nila akong nasa likod ako ng kotse, sa may backseat. Pero gusto pa rin nila akong abutin… Para silang zombies.”
“Ang sabi ni Tomas, mukha daw silang lango sa droga,” ang sabi ni Jason.
Napatingin si Joshua sa ama. “Tomas?”
“Nagpunta daw sina John sa bahay nila, kasi nga daw gusto nilang makita si Gina. Si Tomas ang humarap sa kanila kaya nakita niya na parang naka-drugs nga daw sila,” pagsasalaysay ni Jason.
“Nakausap ninyo si Kuya Tomas?” nagulat si Joshua sa narinig.
“Oo. Napilit din niya si Gina na magbigay ng statement tungkol sa nangyari,” sagot ni Jason.
“Joshua…”
Napatingin si Joshua kay Samantha.
“He is the one who donated blood for your surgery.”
Natahimik si Joshua sa narinig. Noon lang niya nalaman ang tungkol sa pagtulong sa kanya ng mga Aguilar.
“They were very helpful with the investigation,” ang sabi naman ni Vic. “Gina… she even made a video on Silent Thoughts asking John to come out and surrender. Though, it was because Bryan was the one who asked her to do it.”
Naiintindihan naman ni Joshua na hindi magagawa iyon ni Gina ng basta-basta lang. Ang alam niya ay galit ito sa kanya, kaya alam niyang hindi nito magagawang iparada na naman ang sarili sa Silent Thoughts on his benefit. Kaya hindi na siya nagtatakang si Bryan ang nakapagpagawa sa kanya noon.
Ang dami na palang tumulong sa kanya, sa kanilang pamilya, para malutas ang kasong ito.
“Paano ka nakalabas ng kotse?” tanong ni Sgt. Gamboa na parang nagsasabing ituloy na ni Joshua ang pagkukwento.
Na ginawa naman niya. “Dahil hindi ako makalabas ng kotse sa takot na rin sa kanila, nanatili ako sa backseat. Hanggang parang na-figure out na nila na kailangan nilang bukas iyong pintuan para makapasok sila. Hayun, nabuksan nila iyong lock sa may driver’s seat. Nakapasok si John, at talagang pupuntahan na niya ako sa backseat. Inisip ko, baka doon sa loob ng kotse niya ako bugbugin, kaya lumabas na ako.”
“Sinubukan kong tumakbo,” ani Joshua. “Pero nakaabang na iyong mga kaibigan niya, eh. Sinubukan ko ring makawala, lumaban. Kaya lang… ang hirap ng isa laban sa apat. Pinagbubugbog nila ako. Silang apat, tulong-tulong. Hanggang sa…”
Napalunok si Joshua. Hindi pa rin pala niya magawang maging kalmado kahit alam niyang tapos na ang lahat ng nangyari. Just the mere thought of what has happened makes him feel scared.
“Anong nangyari pagkatapos?” usig ni Sgt. Gamboa.
“Binalikan ni John iyong baseball bat. Then…” Muli siyang napalunok. “Then he hit me.” Napatingin siya sa pulis.
“Saan ka niya pinalo?”
“The first was here…” Hinawakan niya iyong kaliwang rib cage niya, at medyo napa-kunot ang noo niya nang maramdaman ang sakit ng pagdampi lamang ng kanyang kamay. “Then, I fell down. Nung nakahiga na ako sa lupa, pinagsisipa nila ako. All over. Sa binti, katawan, sa mukha…”
“Diyos ko…” ang naibulalas na lamang ng naiiyak na si Juliet.
Maging ang iba ay naiiyak na nagagalit sa naririnig. Napakuyom pa nga ang dalawang kamay ni Terrence. But Vic… his expression is calm, but his aura felt very dark. Nang mapatingin si Kim sa kanya, bigla itong natakot kahit wala namang galit na makikita sa kanyang mga mata. She just felt his rage without his face even showing it.
“And then, pinukpok niya pababa iyong bat sa ulo ko. Iyon iyong huli kong naalala…” Napatingin si Joshua kay Samantha.
“Maybe you lost consciousness after he did that to you,” anang doktor. “We found some concussion on your brain. That might be the reason why ilang araw kang nasa coma.”
Tinignan ni Samantha si Sgt. Gamboa. “Consistent naman iyong kwento niya sa result ng medical exam based on his injuries.”
“Yes, Dok. Nabasa ko iyong report ninyo,” anang pulis. “Gagawan ko ng report iyong statement mo.”
“Joshua will be represented by our lawyer,” ang sabi ni Vic.
Tumingin sa kanya si Sgt. Gamboa.
“All future correspondence, whether verbal or written, will be coursed through the lawyer from now on.”
Tumango ang pulis. “Naiintindihan ko. Mabuti na rin siguro kung iyong lawyer na ang mag-file ng complaint laban sa apat na suspect. Gawa na lang din kayo ng affidavit para doon sa statement niya.”
“I will ask the lawyer to do that tomorrow,” ani Vic.
“Sige.” Muling hinarap ng pulis si Joshua. “Hihintayin na lamang namin iyong affidavit na ibibgay ng abogado mo. Pero iyong imbestigasyon, patuloy pa rin naman. Meron na kaming lead kung saan silang probinsiyang naroon, pero wala pa iyong exact location.”
“Saan daw sila naroon?” tanong ni Jason kay Sgt. Gamboa.
“Merong nakakita sa isa sa kanila sa may Pangasinan. Iyong isa naman sa Cavite. Iyong dalawa wala pa kaming lead. Si John, wala pa kaming nakukuhang posible niyang location.”
“Hiwa-hiwalay sila talaga, ano?” tanong ni Garee na napatingin sa katabing si Carol.
“Siguro para hindi sila madaling mahanap,” ani Carol sa kaibigan.
“Malamang, ganoon nga,” ang sabi ng pulis.
Pagkaraan ng ilang sandali ay umalis na rin si Sgt. Gamboa. Sumunod na rin si Samantha nang masigurong okay lang si Joshua.
“Medyo hinay-hinay muna sa pagsasalita at paggalaw. Nagpapagaling pa iyong baga mo, kaya medyo hirap ka pa ring huminga ng maayos,” bilin pa nito.
“Oo nga po Dok, eh. Parang ang dali kong mapagod,” ani Joshua.
“Normal lang iyan kasi nga, nasugat iyong baga mo. Anyway, bata ka pa at healthy ka naman kaya madali ka lang makaka-recover.”
“Thank God for badminton,” ani Joshua.
Nagpaalam na rin si Samantha.
“Vic…”
Napatingin si Vic kay Joshua.
“Baka mahal iyong lawyer ninyo…”
“Who said you need to pay?”
Napangiti si Joshua. “Lahat talaga, gagawin mo para sa akin, ano?”
“I can even buy you dinner,” ang sabi naman ni Vic na nakikisakay na sa biro ng kaibigan.
“Mahal mo talaga ako, ano?” pa-cute na tanong ni Joshua.
“Shut up!” ang sabi ni Vic na tinalikuran na ito. Saka na ito nag-dial sa telepono upang tawagan ang restaurant kung saan niya balak magpa-deliver ng pagkain para sa kanilang lahat.