“What do you care about? Nilalabas mo na ba ang totoong nararamdaman mo kay Sandra? Bakit hindi mo na lang aminin kasi na mahal mo rin siya!” Sabay tulak ni Clay kay Sandra papunta kay Charles. Sinalo ni Charles si Sandra habang ito ay umiiyak. Nilingon ni Clay ang kama at dinampot ang kumot. Kaagad nitong binalot sa katawan ni Yuna.
“Hindi naman sa ganun, Clay!”
“E, ano pala? Ah– napansin ko lang ito. Ever since you met Yuna, you kept showing up. What do you want? What is your problem?” Hinarap muli ni Clay si Charles.
“I thought you and Yuna were fighting. I didn’t expect Sandra to be the one—”
“Ayan ka na naman sa maling akala mo, Charles. You still have not changed. You are completely delusional, like Sandra! Akala niya siguro nang gabing iyon, may gusto ako sa kanya. Pwes! I don’t feel anything for her. Please Charles, keep her away from me. Get out of my room!” ani Clay habang nag-aapoy ang mga mata nito sa galit.
Huminga nang malalim si Charles. Wala itong ibang nagawa kundi alalayan si Sandra palayo kay Clay. Nang nawala na sila sa paningin ni Clay, sinipa nito ang pintuan. Humiga rin siya kaagad sa kama at tinitigan ang kisame. Parang biglang naging isang multo si Yuna, hindi nito nakikita. Hindi naman alam ni Yuna kung ano ang kanyang gagawin. Nag-isip ito ng paraan para gumaan ang pakiramdam ni Clay. Habang nakatitig sa kisame ang binata, dahan-dahan tinaas ni Yuna ang kanyang kanang kamay kung saan masisilayan ni Clay.
“Daddy finger, daddy finger, where are you? Here I am, here I am, how do you do?” kanta ni Yuna. Nagulat si Clay at napaupo ito.
“What are you doing?”
“Tinutulungan lang kitang tanggalin ang galit sa puso mo kahit sandali lang.”
“Sa ganyang paraan?” Humalakhak si Clay. Kahit paano, gumaan ang kanyang pakiramdam.
“I’m still concerned about you. Okay, next time, I will just ignore you. Hayaan na lang kitang magmukmok diyan!”
“Hindi bagay ang drama sa ‘yo. And, who said I have anger in my heart?” At saka pinisil ni Clay ang magkabilang pisngi ni Yuna.
“Ano ba, take your hands off!”
“You’re so cute, kanta ka pa nga!” Tinuloy lang ni Clay ang pagpisil sa mga pisngi ni Yuna. Hinayaan naman ng dalaga para na rin mabawasan ang bigat na dinadala ng puso nito.
“Really? I don’t know what made you angry with them. Sobrang lamig ang pakikitungo mo sa kanila. But, I have no interest in knowing the reason. Ang akin lang, kasal nating dalawa ngayong araw. So if it is possible, even our marriage is fake, tanggalin mo muna kung ano man ang hinanakit na mayroon ka sa kanila diyan sa puso mo,” paliwanag ni Yuna. Gusto lang nito na maging matagumpay ang kanilang pagpapanggap. Tinigilan ni Clay ang pagpisil sa mga pisngi ni Yuna.
“Hhmm… Who said that our marriage will be fake?”
“Ha?” tanging sagot ni Yuna.
“To make everything realistic, our marriage is legal. The thing is, we only made an agreement to know the limits of our relationship,” paliwanag ni Clay. Tumayo ito at binulsa niya ang kanyang mga kamay.
“Always remember, we will be legally married in two years,” paalala ni Clay. Bakas naman sa mukha ni Yuna ang pagkalito. Buong akala kasi nito, hindi totoo ang magiging kasal nila.
“Two years!” paalala muli ni Clay. Nagsimula na naman mainis si Yuna. Sinipa-sipa nito ang sahig. Pinagpapalo ng kanyang kamay ang kama habang masama ang titig nito kay Clay.
“Kahit magwala ka diyan, wala kang magagawa!” Humahalakhak si Clay habang palayo sa silid.
“Our marriage will be legal. Two years akong magtitiis,” sabi ni Yuna sa sarili habang maluha-luha ang kanyang mga mata sa inis.
Samantala, dinala naman ni Charles si Sandra sa garden kung saan gaganapin ang kasal nina Clay at Yuna. Naroon na rin ang tagapangalaga ng bahay ni Clay kasama ang iba pang mga tauhan. Nagsisimula na nilang linisin at ayusin ang paligid.
“Can we talk?” tanong ni Charles kay Sandra. Pinunasan ni Sandra ang luha sa kanyang pisngi.
“I don’t know what’s happening to Clay? Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para magalit siya sa akin ng ganito?”
“You know why? Lahat ng nangyayari sa kanyang buhay ngayon, pati ang pagpapakasal niya kay Yuna, ikaw ang dahilan!” pagtatapat ni Charles at tumingin ito sa malayo.
“Why me?” Tumulo na naman ang luha ni Sandra.
“That night, when you thought about making Clay admit his feelings for you, I think he didn’t want you to know the truth, that’s why he did this thing,” paliwanag ni Charles.
“I don’t understand,” naging tugon ni Sandra.
“Para mabigyan ng kasagutan ang lahat ng katanungan mo, just talk to him the other day. Okay?” Iiwanan na sana ni Charles si Sandra kaso pinigilan siya nito.
“How about you, Charles?” Alam na ni Charles kung ano ang ibig ipahiwatig ni Sandra.
“How many times do I have to tell you that I only consider you a sister. I can’t force myself or teach my heart to like you or even to love you as my woman. Hindi ako karapat-dapat sa ‘yo. Hindi ko kayang ibigay ang pag-ibig na gusto mo. I’m sorry, kung nasasaktan kita ngayon pero, this is the reality and you need to accept it.” Tuluyan nang tumalikod si Charles.
Hindi lubos maisip ni Sandra na sa isang iglap ang dalawang lalaking importante sa kanyang buhay ay unti-unting nawawala sa piling niya. Imbes na tanggapin na lang nito ang sitwasyon, nabuo ang galit sa kanyang puso. Naalala nito ang mga sinabi ni Charles sa kanya dati.
“Clay likes you! Clay loves you!” Naglaro sa isipan ni Sandra.
“Babawiin ko si Clay sa ‘yo, Yuna. I will not allow this to happen. Clay doesn’t love you, he loves me. Clay is mine, since the beginning,” bulong ni Sandra sa kanyang sarili at nabuo ang iba’t ibang plano sa kanyang isipan.
Discover more from Quattro Tagalog Online Stories
Subscribe to get the latest posts sent to your email.




