My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 17 – Cold Heart]

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

Habang nakaupo si Charles at Sandra sa sofa, sila ay walang imik. Hindi nila matingnan sa mata sina Clay at Yuna. Lalo na, seryoso ang mukha ng dalawa habang nakatayo sa kanilang harapan. Sa maling oras at maling pagkakataon na naman sila dumating. Nasira pa ni Charles ang pintuan ng bahay ni Clay.

“S—Sorry!” panimula ni Charles. At saka hinarap nito nang maayos sina Clay at Yuna.

Tatangkain sana ni Yuna na umakyat sa kanyang silid upang maiwasan sana ang maaaring mangyari, para na rin mabigyan nito ng oras ang tatlo na makapag-usap ngunit, hinablot ni Clay ang kamay nito. Nagkatitigan ang kanilang mga mata.

“Stay here!” utos ni Clay. Gustong harapin ni Clay ang kanyang kapatid at si Sandra nang nasa tabi nito si Yuna. Wala itong nais na itago sa dalaga. At kung mabubuksan man ang nakaraan, nakahanda si Clay na harapin ito para mas maluwag ang kanyang damdamin sa pag-move on. Samantala, kahit hindi nakatingin si Sandra sa kanila, inis na inis ito. Hindi talaga nito gusto si Yuna. Napansin ni Clay ang pasulyap-sulyap ni Sandra kay Yuna. Isinabit ni Clay ang kanyang kamay sa balikat ni Yuna.

“I think you came early. Do you have anything important to do this morning here? Ang natatandaan kong oras sa usapan natin last night is after lunch, right?” seryosong wika ni Clay. Nararamdaman ni Yuna ang panginginig ng laman nito. Hindi maintindihan ni Yuna na tila ba ay galit si Clay at tinatago lang nito. Tinanggal ni Yuna ang kamay ni Clay na nakapatong sa kanyang balikat. Hinawakan niya ito para kumalma ang pakiramdam ng binata.

“They are here, there is nothing we can do. Hindi naman natin sila pwedeng ipagtabuyan. Besides, Charles is your brother and Sandra is your friend,” malumanay na wika ni Yuna, kahit hindi niya alam kung ano man ang pinag-usapan nila. Huminga nang malalim si Clay.

“Sige, iisipin ko na lang na, they’re even more excited than we are,” sagot ni Clay kay Yuna. Ngumiti sila sa isa’t isa.

“Halika na sa taas,” anyaya pa ni Clay. Tumango lang ang ulo ni Yuna.

“Wait, I wanted to apologize for kicking the door a while ago. Narinig kasi namin ang malakas na sigaw ni Yuna. We thought something bad happened to her,” paliwanag ni Charles.

“Are you serious? You think I can’t take care of Yuna in my own household? Or, you have something else in your mind? Ah– kaya siguro ninyo naisipan na pumunta nang maaga dahil hindi pa nabubura sa isipan ninyo na napaka-imposible ng relasyon namin ni Yuna, tama ba?” tinapat sila ni Clay. Nataranta bigla si Sandra dahil, iyon naman talaga ang kanilang totoong dahilan. Tumayo ito sa harapan ni Clay. Hinawakan nito ang braso ni Clay.

“Aren’t you going upstairs, go ahead! Take your time. Kami na ni Charles ang bahala dito sa—”

“Would you mind removing your hand on my arm!” diretsong sabi ni Clay. Walang nagawa si Sandra kundi alisin ang kamay nito sa braso ni Clay. Yumuko pa ang ulo nito. Napansin ni Charles ang malamig na pakikitungo nito sa kanila. Naisipan din ni Charles na ‘wag munang sumabat dahil baka mas lalo lang magkagulo.

“Oo nga pala, you can stay here as long as you want. But don’t disturb us! “Wag niyo na rin tangkain na tumulong dahil parating na rin ang mga taong mag-aayos sa paligid. I don’t want to be indebted to you,” dugtong pa ni Clay. Hinila siya ni Yuna. Nagbigay ng senyas ang ulo ng dalaga na iwan na nila si Charles at Sandra. Nakuha naman ni Clay kung ano ang nais sabihin ni Yuna. Naglakad na ang mga paa ni Clay habang kinakaladkad si Yuna.

Nang nakarating na sila sa pangalawang palapag. Hinila ni Yuna ang kanyang kamay mula sa kamay ni Clay. Dire-diretso itong lumapit sa pintuan ng kanyang silid. Subalit, hinarangan siya ni Clay.

“Umaandar na naman ang pagka-bird brain mo. What if Charles and Sandra suddenly come here? What are they going to think kapag nakita nilang magkahiwalay ang kwarto natin?” paliwanag ni Clay.

“So you mean, I’ll stay in your room?” tanong ni Yuna. Tumango ang ulo ni Clay. Sinuklian naman ng ulo ni Yuna ang kilos na sagot ni Clay sa pamamagitan ng pag-iling. Nagdikit ang mga kilay ni Clay.

“We can say to them that we have not shared a room while we are not married,” sumbat ni Yuna.

“You’re really a bird-brain! Nanggigigil ako sa ‘yo! You think they will believe what you say? Sa panahon ngayon, your reason is no longer acceptable. Also, have you forgotten our confession last night at our house? That we made love in Paris,” gigil na paliwanag ni Clay. Hindi na rin nito hinintay na sumagot si Yuna. Binuhat niya ang katawan ni Yuna papasok sa kanyang kwarto.

“Go, take a bath!” utos ni Clay nang ibaba na nito si Yuna.

“Saan? Diyan?” Turo ni Yuna sa banyo ng binata.

“Saan pa ba?”

“No! Puro salamin ang banyo mo, kitang-kita mo ako diyan,” tanggi ni Yuna. Hinawakan naman ni Clay ang kanyang baba at tiningnan niya si Yuna mula ulo hanggang paa.

“Lalabas din ako. Ang dumi ng isip mo,” sagot agad ni Clay. At saka na ito lumabas. Nang nagsara na ang pintuan, hinawakan nito ang kanyang dibdib dahil sa bilis ng tibok nito. Rumerehistro na naman kasi ang nangyari sa kanila ni Yuna kagabi. Pinalo nito ang sariling noo, at nagmamadali na itong pumunta sa silid ng dalaga. Kinuhanan niya ng damit si Yuna at ni-lock ang pinto. Wala namang nagawa si Yuna kung hindi gamitin ang banyo na ang dingding ay gawa sa salamin.

“Hindi naman siguro siya basta-basta papasok,” bulong ni Yuna sa kanyang sarili. Humakbang ang kanyang mga paa papasok sa banyo. Unti-unti na rin nitong tinanggal ang saplot sa kanyang katawan. Nang buksan na nito ang shower, hindi na niya narinig ang pagbubukas muli ng pintuan ng kwarto.

Nalaglag naman ni Clay ang hawak nitong damit sa sahig. Gustong humakbang ng kanyang mga paa habang nasisilayan nito ang hubog ng katawan ni Yuna kahit nakatalikod ito sa kanya. Napalunok pa si Clay, nang itaas ni Yuna ang dalawang kamay nito upang haplusin ang sariling buhok.

Nanginig ang buong kalamnan ni Clay, nang haplusin na ni Yuna ang sariling balikat pababa sa kamay. Pinagpapawisan si Clay habang ang tubig na mula sa shower ay dumadaloy sa balat ni Yuna. Pumasok na naman sa isipan niya ang nangyari sa kanila kagabi. Niyugyog niya ang kanyang ulo at pinulot ang damit ni Yuna. Nagmadali siyang ipatong sa kama at halos patakbo na nitong nilisan ang kanyang kwarto. Nang naisara na ni Clay ang pintuan, siya ay hinihingal. Sakto naman ang pagdating ni Sandra sa kanyang harapan.

“Are you okay? What is happening to you?” tanong ni Sandra. Nagulat si Clay. Napansin din ni Sandra ang pawis na tumulo sa gilid ng mukha ni Clay. Nang tatangkain nitong punusan gamit ang kamay, umiwas agad si Clay.

“I’m fine! What are you doing here? I didn’t give you permission to come here,” walang buhay na sagot ni Clay.

“I was just going to ask Yuna, what time my artist would start doing her make-up? Tulad ng pangako ko kagabi sa inyo,” paliwanag ni Sandra.

“Don’t be in too much of a hurry, just leave!” utos ni Clay.

“What’s happening? Bakit biglang nagbago ang pakikitungo mo sa akin? May nagawa ba akong mali?” Hindi na natiis ni Sandra ang sakit nitong nararamdaman.

“Look, it’s a special day for me and Yuna. And, I don’t want someone to ruin it. Okay, listen! I am grateful that you brought your make-up artist free of charge. Now, you can come down!” Sabay pasok muli ni Clay sa loob ng kanyang kwarto. Hindi nito inaasahan na tapos na si Yuna na maligo. Sa gulat naman ni Yuna, nalaglag nito ang tuwalya na dapat ay kanyang ibabalot sa katawan. Tumalikod ito kay Clay at niyakap ang kanyang sarili. Lumapit naman si Clay at pinulot ang tuwalya. Tinulungan nitong itago ang katawan ni Yuna.

“Next time, I won’t help you. Next time, this is what I’m going to do,” bulong ni Clay, sabay halik nito sa balikat ni Yuna. Parang may kulog na dumagundong sa puso ni Yuna. Tila naging istatwa siya nang lumakad ang labi ni Clay papunta sa kanyang batok. Gumapang din ang kanang kamay ni Clay sa tiyan ni Yuna. Mukhang hindi na kayang tiisin ni Clay ang init nitong nararamdaman. Hanggang sa biglang nagbukas ang pintuan. Sabay lumingon si Clay at Yuna.

“You again!” Sa tinig ng boses ni Clay, parang gusto nitong isumpa si Sandra. Hindi pala ito bumaba dahil gusto pa nito ng kalinawan sa nangyayari.

“I’m sorry, I thought—“

“Sorry? Whats’ wrong with you? Para kang anino na sunod nang sunod. Get out!” sigaw ni Clay. Rinig ito sa buong kabahayan. Natakot bigla si Yuna. Tumulo kaagad ang luha ni Sandra. Hinihingal namang nakarating si Charles.

“I said, get out!” sigaw muli ni Clay.

“Clay!” sigaw rin ni Charles.


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 17 – Cold Heart]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.