My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 20 – In Love?]

Author's Note

――*☆*――*☆*――*☆*――

Naging malalim na ang gabi, hindi pa rin makatulog si Clay at Yuna. Iniisip nila kung sino ang nagkalat ng balitang sila ay nagpapanggap lamang. Isang tao lang ang nasa isip ni Yuna, walang iba kundi si Lawrence. Samantala, si Clay naman ay pinagsususpetsahan nito ang kanyang kapatid at si Sandra na nawala bigla sa kanilang kasal ni Yuna.

Pag-alis ni Charles sa bahay ni Clay, dumiretso ito sa isang bar. Lagi nitong ginagawa ang pag-inom ng alak kahit na mag-isa lang siya. Sanay si Charles na nag-iisa. Wala itong ibang iniisip kundi ang kapakanan ng kanyang negosyo. Kung paano sila magkakalapit na magkapatid. Subalit, nang dumating si Yuna, biglang namalagi ang dalaga sa kanyang isipan.

“How do I feel about her? It’s impossible for me to like her. I’m not in love with her,” bulong ng isipan ni Charles habang ito ay litong-lito sa sariling nararamdaman. Samantala, si Sandra naman ay dumiretso sa kanyang condo. Hindi nito kayang panoorin ng actual ang kasal ni Clay at Yuna. Naisipan na lang nitong magbasa ng balita. Nang buksan nito ang kanyang laptop, napangiti ito sa kanyang nabasa.

“I’m not the only one who thinks their relationship is fake. Anyway, they are doing a great help!” Sabay sarado ng kanyang laptop.

Mabilis lumipas ang gabi. Sumapit na ang madaling-araw. Naghihintay na si Clay sa may sala habang pinagmamasdan nito ang hardin sa labas. Natatanaw niya ito kapag bukas ang kurtina dahil, ang buong dingding ay yari sa salamin. Kinuyom niya ang kanyang mga pala. Sumapit na kasi ang takdang oras na bilin niya kay Yuna.

“You want to play a game, fine!” Malalaking hakbang ang ginawa ng kanyang mga paa patungo sa silid ni Yuna. Subalit, nang itataas na niya ang kanyang kamay para katukin ang pinto, biglang nagbukas ito. Sumigaw si Yuna dahil sa gulat.

“What are you doing there? Gusto mo bang atakihin ako sa puso?”

“I’m waiting!”

“Oh, I see. You probably thought I wouldn’t show up, right? First of all, I don’t want to get pregnant! Tabi, bababa na ako kahit hindi ko alam kung ano ang gagawin natin o kung saan man tayo pupunta,” wika ni Yuna.

“We’re going to Baguio,” matipid na sagot ni Clay.

“Baguio? Why? Parang biglaan naman ito. Ano na naman ang naisipan mo?”

“For our honeymoon,” walang paligoy-ligoy na sagot ni Clay.

“Seryoso ka ba sa sinasabi mo? I’m not going,” tanging sagot naman kaagad ni Yuna. Nagtangka itong bumalik sa loob ng kanyang kwarto.

“Hey! If you don’t care about the news spreading between us, I do! Come here!” Sabay hablot ni Clay sa katawan ni Yuna. Niyakap niya itong patalikod.

“What are you doing? Let me go!”

“No!” Sabay pindot ni Clay sa camera sa kanyang cellphone. Hindi na napansin ni Yuna na nag-selfie pala silang dalawa. Iyan talaga ang plano ni Clay. Makikipaglaro siya sa taong gustong sirain ang plano nila ni Yuna gamit din ang social media. Binuksan ng binata ang kanyang instagram account.

“Off to baguio,” wika ni Clay habang tina-type niya ang caption para sa larawan nilang dalawa ni Yuna. May kasama pa itong hashtag symbol at nakalagay ang salitang ‘honeymoon’.

“Where is your cell phone?” tanong ni Clay kay Yuna.

“Why?”

“Bigay mo na lang sa akin may gagawin ako,” sagot agad ni Clay.

“Why don’t we just let the news spread around the world so we can disengage immediately,” reklamo ni Yuna habang kinukuha nito ang kanyang cell phone sa loob ng bulsa ng kanyang suot na pantulog. Biglang sinakmal ni Clay ang braso ni Yuna.

“The next time you say that, I won’t let you leave the house. Remember, our marriage is legal even though your role in my life is a fake wife,” seryosong sagot ni Clay. Naramdaman agad ni Yuna ang tensyon nito.

“Oo na!” sagot na lang ni Yuna, umiwas na rin ito sa maaring maging pagtatalo nila.

“Ayusin mo na ang gamit mo at aalis tayo kaagad. Where is your cell phone?”

“Feeling boss talaga,” bumubulong si Yuna.

“What?”

“Nothing!” Inabot agad ni Yuna ang kanyang cell phone. Binuksan ito ni Clay. Hinanap nito agad ang instagram account ni Yuna. Pagpindot niya, lumabas kaagad ang profile ng dalaga. Kaagad nilagay ni Clay ang kanyang pangalan sa search button para i-follow na siya ni Yuna, para magkaroon sila ng koneksyon.

“O ayan, click mo yung heart diyan ha! Then say something about our picture,” utos ni Clay.

“Okay,” tanging sagot lang ni Yuna. Nagtaka si Clay dahil hindi siya sinusungitan nito.

“Bilisan mong mag-comment! Ayaw kong babagal-bagal ka,” huling sabi ni Clay bago niya iniwan si Yuna sa silid nito.

“Psycho talaga!” bulong ng isipan ni Yuna. Bumalik si Yuna sa loob ng kanyang kwarto. Bago siya mag-impake, umupo siya sa kama. Nang suriin na nitong mabuti ang larawan nila ni Clay, sa anggulo ng kuha, tila ba sila ay hahalikan ni Clay. Huminga nang malalim si Yuna. Sinunod na lang niya ang bilin ni Clay na maglagay ng reaction at comment.

“Don’t think about them. We both know what is true. We are happy so you have nothing to worry about. And, whoever spread fake news about us, he was just jealous. Relax, I’m here to support you,” naging komento ni Yuna sa post ni Clay sa instagram.

Hinihintay pala ni Clay ang magiging komento ni Yuna sa kanilang larawan. Napahiga siya sa kanyang kama at nagpagulong-gulong ito, nang nabasa na niya ang komento ng dalaga. Nag-iisip siya kung ano ang kanyang isasagot.

“Hhmm.. Ano kaya ang isasagot ko? It should be realistic,” bulong ni Clay sa sarili.

“Thank you for your understanding! I am so lucky to have you as my wife. I love you even if you are a bird-brain sometimes,” komento ni Clay na may kasamang panunukso. Umupo siyang muli sa kama at tinititigan lang ang kanyang cell phone na nasa kanyang palad. Hinihintay niyang muli ang tugon ni Yuna.

“I love you too, Psycho of my life!” maikling sagot ni Yuna. Hagikgik ang tanging nagawa ni Clay. Pagkatapos binato niya ang kanyang cellphone sa kama. Humiga siyang muli at tinakpan niya ng unan ang kanyang mukha habang siya ay nakangiti. Para siyang isang teenager na kilig na kilig. Iyong tipong first love ang kausap niya.

“Teka,” tinapik-tapik niya ang kanyang pisngi.

“Ano’ng nangyayari sa akin? Hindi pwede!” Pigil niya sa kanyang nararamdaman na saya. Kinuha niyang muli ang kanyang cellphone at binulsa niya ito. Kinuha din niya ang isang bag na puno ng kanyang gamit. Lumabas siyang muli sa kwarto at pumunta siya kay Yuna. Hindi naman na sinara ni Yuna ang pintuan buhat nang iniwan siya ni Clay.

“Hindi ka pa tapos?” tanong ni Clay, sabay lapag nito sa bag niyang hawak sa sahig. Lumapit siya kay Yuna.

“Konti na lang,” mahinang sagot ni Yuna habang tinatapos na nito ang pag-aayos sa kanyang mga gamit. Nakatingin naman si Clay sa kanya.

“‘Iyong c—comment ko kanina—“

“Huwag ka nang magsalita, alam ko naman ang sasabihin mo. Hindi totoo ‘yun. Kaya sinagot na rin kita dahil, hindi rin naman totoo ang mga comment ko dun sa picture natin. Sinusunod ko lang naman ang gusto mo,” paliwanag ni Yuna agad at saka nito sinara ang kanyang bag at hinarap si Clay.

“B—buti nagkakaintindihan tayo,” nauutal na sabi ni Clay dahil, hirap na hirap talaga siyang itago ang tunay nitong nararamdaman.

“So, what now? Aalis na ba tayo?”

“O—okay, let’s go!” Naunang naglakad si Yuna palabas ng kanyang kwarto. Pinulot muli ni Clay ang kanyang bag na nasa sahig at kaagad siyang sumunod sa dalaga. Nag-iisip si Clay ng mga plano kung paano nito mapapaamin si Yuna.

 

 


Discover more from Quattro Tagalog Online Stories

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

My Bird-Brain Fake Wife [Chapter 20 – In Love?]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.